HOT and CRISPY FRIED CHICKEN

Paborito ng mga anak ko ang fried chicken.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa kanila at with matching gravy pa.   Hehehehe.

Patuloy pa din ang paghahanap ko ng fried chicken recipes para mas lalo ko pang ma-improve ang version na ginagawa ko.   And I think nakita ko na ang masarap na recipe ng fried chicken.

Dun sa pinagkopyahan ko recipe daw ito ng chicken joy ng Jollibee.   Dapat sana ang ipapangalan ko dito ay fried chicken ala Jollibee, kaso hindi naman kalasa ang kinalabasan.   Ayoko naman lokohin ang mga taga-subaybay ng food blog kong ito kung yun ang ilalagay ko.   Kaya ang ginawa ko, Hot and Crispy Fried Chicken na lang ang aking ipinangalan.   Mas malapit sa katotohanan ng finished product.   Yummy!!!!


HOT and CRISPY FRIED CHICKEN

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Legs (cut into thigh and drumstick)
Salt and pepper to taste
For the breadings:
2 cups All Purpose Flour
2 cups Cornstarch
1 tbsp. 5 Spice Powder
1 tbsp. Garlic Powder
1 tsp. Cayene Powder (depende sa anghang nagusto nyo)
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)

Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang manok ng asin at paminta.   Lamasin at hayaan ng mga 1 oras.
2.   Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng sangkap para sa breadings.   Haluing mabuti.
3.   Balutin ng breading ang bawat piraso ng manok.   Make sure na pati yung kasuluksulukan ay malagyan.
4.   I-prito ito ng lubog sa mantika sa katamtamang lakas ng apoy.
5.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa namay kasamang gravy or catsup.

Enjoy!!!!!

Comments

Anonymous said…
hi kuya dennis, ask ko ln po san po keo nakabili ng 5 spice powder? gusto ko po ito itry. Salamat :)

-Zy
Dennis Glorioso said…
Sa SM or Robinsons Supermarket meron.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE