MY SON JAMES 15th BIRTHDAY CELEBRATION

Last August 19, nag-celebrate ng kanyang ika-15 kaarawan ang pangalawa kong anak na si James.   James Manuel ang tunay niyang pangalan.   Kinuha ko yung Manuel komo ka-birthday niya ang dating pangulong Manuel Quezon.

Tinanong ko ang mau birthday kung may ka-klase siyang darating para sa kanyang kaarawan.   Wala naman daw.   Pero katulad ng kanyang mga nakaraang mga kaarawan (the same with my other two kids) naghanda ako kahit papaano.  


Nakasama namin sa celebration ang aming kumare na kaibigan ng aking asawang si Jolly na si Edith kasama ang kanyang anak. 

Simple lang ang mga dish na aking niluto para sa may kaarawan.   At kagaya ng ginagawa ko dati pa, kung ano ang paborito nila o yung gusto nila na iluto ko, yun ang inihahanda ko.   Nagluto ako ng Lasagna, fried chicken at tinernuhan ko ng Mojos Potatoes, Chicken and Baby Potatoes Salad at Coffee Jelly naman para dessert.

Nag-enjoy ang lahat sa simpleng dinner na aking inihanda.   :)

Till next.


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE