FRESH SISIG SALAD ROLL

Ito po yung dish na inilaban ko at naging finalist sa nakaraang Lady's Choice Real Chef Challenge last November 25, 2015 sa Glorietta 3 Ayala Center, Makati City.

Para makasali sa contest na ito, magsa-submit ka ng iyong recipe sa kanilang web application at kasama yun ay ang entry code na makikita naman sa 5.5 lbs. container ng Lady's Choice.

Hindi ko akalain na mapapasama ako sa contest na ito.   Mas lalo pang lumakas ang akign kaba ng ma-meet ko na ang iba pang kasali sa finals na puro chef talaga.   Ako lang ang kasali sa finals na hindi chef.   Kaya naman hindi na ako umasa pa na maipapanalo ko ang laban na ito.  Pero ganu pa man ibinigay ko pa din ang aking best.



FRESH SISIG SALAD ROLL

Mga Sangkap:
Cooked Pork Sisig
Romaine Lettuce
Rice Paper
Crab Sticks (cut into strips)
Carrots (cut into strips)
Cucumber (cut into strips)
Sotanghon noodles (boiledthen sprinkle with sesame oil)
Cilantro
Sesame Oil
For the Sauce:
1 cup Mayonaise
1/2 cup Evaporated Milk
2 tbsp. Peanut Butter
1/2 tsp. Ground Black pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   Haluan ng mayonaise ang nalutong pork sisig.
2.   To assemble:   Basain ang rice paper sa tubig at ilatag sa isang chopping board o malaking plato.
3.   Ilatag ang romaine lettuce sa rice paper at ilagay na din ang crabs sticks, carrot, cucumber, sotnaghon noodles, sisig at cilantro.
4.   I-roll ng mahigpit at hindi napupunit ang rice paper.
5.   Ibalot muli ng isa pang rice paper para may matibay ang pagkabalot.
6.  Ihain sa nais na laki at ilagay sa isang plato o bandehado.
7.   For the sauce:   Paghaluin lang ang mayonaise, peanut butterm evaporated milk at grounf black pepper.

Ihain agad.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE