Posts

Showing posts from March, 2016

SHRIMP with CHILI GARLIC and SALTED EGGS SAUCE

Image
Mahilig akong manood ng mga cooking show sa TV.   Marami kasi akong natututunan pa sa pagluluto at nakakakuha din ako ng mga bagong putahe.   Isa sa mga paborito kong cooking show ay itong Kusina Master ni Che Boy Logro. One time may na-feature silang dish na hipon na nilagyan ng pula ng salted egg o itlog na pula ang sauce.   May napanood at nabasa na din ako na gumamit nito.   Yung isa nga sa crabs naman ginawan ng sauce. At nitong nakabili nga ng hipon ang aking asawang si Jolly bago mag-Holy week, naisipan kong gawin ang sauce na ito na may itlog na pula.   At para may kick ng konti, nilagyan ko din ito ng chili-garlic sauce.   At wag ka, sauce pa lang ay ulam na sa dish na ito.   Try nyo din po. SHRIMP with CHILI GARLIC and SALTED EGGS SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Medium to large size Shrimp 5 pcs. Salted Eggs o Itlog na Pula (kailangan lang yung pula ng itlog) 1 tsp. Chili-garlic Sauce 1 tsp. Brown ...

CHEESY BABY POTATOES with HOTDOGS, BACON and MUSHROOM

Image
Paborito ng aming pamilya itong Baby Potatoes o marbled potatoes na may bacon at cheesy na sauce.   Alam ko na basta bumili ng baby potatoes ang aking asawang si Jolly, ganitong luto ang gusto niya na mangyari. Kaso nitong huling luto ko ng dish na ito, kakaunti lang ang bacon na natira sa fridge.   Parang bitin naman kung ito lang ang isasahog ko.   Buti na lang at may jumbo hotdogs pa na natira at naisip kong ito na lang ang idagdag sa potato dish na ito. Ayos naman.   Nagustuhan din ito ng aking mga anak.   And for sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya.   Tamang-tama ito na pang-almusal o side dish sa inyong regular na panghalian o dinner man.   Try nyo din po. CHEESY BABY POTATOES with HOTDOGS, BACON and MUSHROOM Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (linising mabuti at hiwain sa gitna) 1 tetra brick All Purpose Cream or 1 small can Evaporated milk 4 tbsp. Cheese Wiz 250 grams Bacon (chopped) ...

MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY po sa INYONG LAHAT!!!!

Image
MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY po sa INYONG LAHAT!!!! Nawa ang araw na ito ay magdulot sa atin ng saya at panibagong pag-asa sa buhay.   AMEN

MGA MAHAL NA ARAW 2016

Image
Nawa'y maging makabuluhan ang mga Mahal na Araw na ito para sa ating lahat.  Katulad ng ginawa ni Hesus sa halamanan ng Getsemani, mag-alay din tayo ng panahon sa pananalangin at pagninilay sa ating mga nagawa at sa ating buhay. Nakikiisa po ako sa pag-alaala sa paghihirap at sakrispisyong ginanawa ng ating Panginoong si Hesus sa Kalbaryo.   Nawa hindi ito mawalan na kabulahan sa ating lahat. AMEN

YELLOW FIN TUNA ESCABECHE

Image
Lunes Santo na po at marahil marami sa atin ang nangingilin na sa pagkain ng karne.   Kaya hayaan nyo akong ibahagi itong fish dish na ito na pwede nyong ihain nitong mga Mahal na Araw na ito. Pwede din kayong gumamit ng ibang klase ng isda kagaya ng tilapia, galunggong o hasa at maging bangus ay pwede din.   Much better na yung hindi matinik na isda ang gamitin para ma-enjoy mo yung lasa ng sauce. YELLOW PIN TUNA ESCABECHE Mga Sangkap: 1 kilo Yellow Fin Tuna (sliced) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. Red Bell Pepper (cut into strips 1 pc. Carrots (cut into strips) 1 pc. Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 2 tbsp. Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Sesame Oil Cooking Oil for Frying Salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng Yellow Pin Tuna.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   I-prito ito sa mainit na mantika hanggang mag-brown ang magkabilang sides.   Hang...

PORK SINIGANG with a TWIST

Image
Ang sinigang marahil ang itinuturing na pambansang ulam na may sabaw dito sa atin sa Pilipinas.   At ang maganda sa sinigang kahit ano ay pwede mong isahog kagayan ng isda, baboy, baka o kahit manok man.   At syempre sa pang-asim naman marami din ang pwedeng gamitin.   Nandyan ang pangkaraniwan na sampalok.  Yung iba naman kamyas o calamansi.   Meron din na gumagamit ng mangga o kaya naman ay santol.   At marami pang iba. Maging sa pamamaraan ng pagluluto ay marami din.   Ako pangkaraniwan ay pinapakuluan ko muna yung karne kung matagal itong lutuin saka ko inilalagay ang pang-asim.   Or kung isda naman ay inuuna kong pakuluana ang pang-asim bago ko ilagay ang isda.   Meron din naman na ginigisa muna nila yung sibuyas, bawang at kamatis kapag nagsisigang sila. At sa bersyon ng pork sinigang na ito na natutunan ko sa aming helper na si Haydee, sinasangkutsa o pinagmantika muna ang karne ng baboy s...

CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP

Image
Dahil sa init na ng panahon ngayon, napa-aga ang outing namin ng aking mga ka-trabaho.   Sa Nasugbu sa Batangas kami pumunta at overnight kami doon. Ni-request nila na magluto ulit ako nitong Fish Fillet na niluto ko din nung nakaraang Christmas party namin.   Nagustuhan nila ito at eto nga nga magluto daw ulit ako. Madali lang naman talagang lutuin ang fish fillet na ito.   Basta ang importante lang dito ay ihain agad pagkatapos itong maluto.    Kapag nagtagal kasi ay lumalambot at hindi na ganun kasarap kainin. Nakakatuwa nga kasi habang niluluto ko ito panay kulit ng aking mga kasamahan na patikim daw....hehehe.   CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP Mga Sangkap: 1 kilo Cream Dory Fillet (hiwain ng pahaba sa nais na laki) 1 pcs. Lemon 1 cup Cornstarch 2 pcs. Fresh Eggs 1 cup All Purpose Flour 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper Cooking Oil for Frying For the Dip: 1 cup Lady's ...

ADOBONG BUTO-BUTO

Image
Masarap na i-adobo ang pork ribs o yung mga buto-buto ng baboy.   Nandun kasi yung masarap na lasa ng baboy.    Sa lugar nga ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas, ganito ang adobo na niluluto nila.   Masarap naman talaga ang adobo nila kaya naman naisipan kog magluto din ng kagaya nito sa amin nitong nakaraang araw. Masarap talaga.   Paniguradong mapaparami ka ng kanin kapag ganito ang ulam mo.   Hehehehe ADOBONG BUTO-BUTO Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Ribs or Buto-Buto 1 cup Cane Vinegar 1 cup Soy Sauce 2 heads Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) 1 tsp. Freshly Crack Pepper 1 tsp. Worcestershire Sauce 2 pcs. Large Potatoes (cut into cubes) 3 tbsp. Cooking 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap or 1 tbsp. Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan. 2.   Sun...

HAINANESE CHICKEN

Image
 Tinatawag na pambansang ulam sa Singapore itong Hainanese Chicken.   Hindi daw maku-kumpleto ang byahe mo dun kung hindi ka makaka-kain nito.   Sinasabing sa probinsya ng Hainan sa China nagmula ang dish na ito na nadala nga sa Singapore. Sumisikat na din dito sa atin sa Pilipinas ang dish na ito.   May mga restaurant na nga na ito ang kanilang specialty.   Hindi din ito mawawala sa mga Chinese restaurant. May kamahalan kung sa mga restaurant na ito tayo bibili o kakain ng chicken na ito.   Bakit hindi na lang tayo gumawa o magluto sa bahay gayong napaka-dali naman itong lutuin.   Try nyo po...madali lang talaga. HAINANESE CHICKEN Mga Sangkap: 1 whole Chicken (about 1.5 kgs) 1 pc. Large White Onion (sliced) 2 thumb size Ginger (cut into sticks) 3 stems of Leeks 2 tbsp.  Sesame Oil 2 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Freshly Crack Black Pepper For the sauce: 1/2 cup Hoisin Sauce 1 tbps. Grated Ginger 1/2 cup S...