Posts

Showing posts from December, 2016

NOCHE BUENA 2016

Image
Ang Noche Buena ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino sa panahon ng Kapaskuhan.   Hinihintay natin ang alas-12 at sabay-sabay na pinagsasaluhan ng ating pamilya ang masasarap na pagkain. This year, sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo kami nag-spend ng aming Noche Buena.   Simple lang naman ang aking inihanda komo kabi-kabila din naman ang mga kainan.    Para sa pampagana, gumawa ako ng California Maki na nilagyan ko din ng strip crab sticks at Japanese Mayo sa ibabaw. For the main course, nagluto ako nitong Roasted Chicken na sinamahan ko din ng baby potatoes.  Mayroon din nitong Baby Back Ribs in a bed of buttered beans.  Panalo ang sauce nito sabi ng anak kong si Jake. Mawawala ba ang pasta dish kapag ganitong okasyon.   Dapat sana ay with mix sausages ang gagawin ko dito.   Kaso, naiwan ko sa Manila yung nabili kong sausages.   Kaya ang nangyari, simpleng ala carbonara ang aking naluto. ...

MALIGAYANG PASKO po sa INYONG LAHAT!!!

Image

FRIED RICE MEAT OVERLOAD

Image
Last last Sunday, nagkaroon ng Family Day ang pangalawa kong anak na si James sa Don Bosco Mandaluyong.   Bale ang nangyari, nag-toka ang mga parents officer ng mga pagkain na dadalihin ng bawat estudyante.  Buti na lang at medyo madali-dali ang na-toka sa aking anak.   Rice o kaya naman ay Fried Rice.  Yang Chow Fried Rice ang naka-specify pero ang ginawa ko ay all meat or meat overload na fried rice. Nakakatuwa naman kasi nung pinapanood ko yung mga nagkukuhanan ng pagkain, marami ang kumuha nung niluto ko.   Sabagay, sino ba naman ang hindi matatakaw sa fried rice ko?   Ito pa lang ay kumpleto na.   Hehehehe. FRIED RICE MEAT OVERLOAD Mga Sangkap: 10 cups Cooked Rice (jasmine or yung long grain ang gamitin) 250 grams Ground Pork 250 Grams Sweet Ham (cut into small pieces) 250 grams Bacon (cut into small pieces) 4 pcs. Chinese Chorizo (cut into small cubes) 2 cups Mix Vegetables (corn, carrots, peas) 4 pcs. Fr...

DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE

Image
Kapag kumakain daw tayo, ang unang kumakain ay ang ating mga mata at pag-iisip.   Kung baga, mas ginaganahan tayong kumain kapag maganda ang itsura nakakatakam ang pagkaing naka-hain sa atin. But ofcourse hindi dapat makalimutan ang lasa ng pagkain na ating ihahain.   Baka naman maganda nga tingnan pero wala namang lasa.   Kaya nga sa mga buffet na kainan tinitingnan ko muna lahat ng nakahain bago ako kumuha.   Balik na lang ulit kung nagustuhan ko ang pagkain. Ganito ang ginawa ko sa simpleng daing na bangus na ito.   Simpleng timpla sa daing na bangus at pagkatapos ay nilagyan ko ng ginisa sa luya na pyster sauce.   At para maging katakam-takam sa mata, nilagyan ko pa ito ng caramelized onion at toasted garlic bits sa ibabaw. Di ba nakakatakam naman talaga?   Try nyo din po. DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus 1/2 cup Oyster Sauce 1 thumb size Ginger (cu...