Posts

CRAB SALAD SPRING ROLL

Image
Ito yung isa sa mga pagkaing inihanda namin nung nag-birthday ang aking mother in-law na si Inay Elo.   Ang asawang kong si Jolly ang nag-request nito.   Nabitin kasi kami noong kumain kami nito sa Pizza Hut noong Father's Day.   hehehehe. Actually, may nagawa na akong ganito sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilagyan ko pa ito ng manggang hinog at cashew nuts.  Mas masarap ang version kong ito dahil dun sa sarap at tamis ng mangga.   Kahit ang mga bisita ay nagustuhan ang spring roll na ito.  Kakaiba kasi sa paningin nila at masarap talaga. Medyo kinulang ako sa rice paper na nabili ko.  Kaya ginawa ko na lang salad ang natira pang mga sangkap.   Yung sauce sa spring roll ang ginam it kong dressing at masarap din ang kinalabasan.   Ito nga din lang ang kinain ko bukod pa sa lechon.   Hehehehe. CRAB SALAD SPRING ROLL Mga Sangkap:  (Wala akong inilagay ku...

TORTANG BANGUS

Image
Nung unang beses akong nagluto ng relyenong bangus, ginawa kong bangus embotido ang natirang palaman.   Dinagdagan ko lang ng itlog pa para hindi durog-durog kapag hinihiwa na.   Actually, maraming pwedeng gawin pa sa natirang palaman ng relyenong bangus.   Pwede mo din gawing lumpiang shanghai, fish burger, fried dumpling, bola-bola with sweet and sour sauce o kaya naman ay itong ngang tortang bangus. Kagaya ng bangus embotido, dadagdagan mo lang ng itlog ang naluto nang palaman at ipi-prito mo na.  Dito sa post ko for today, nilagyan ko pa ng easy to squeese na cheese wiz sa ibabaw para mas lalong kagana-gana ang itsura.   Lalo na sa mga bata, tiyak kong magugustuhan nila ito. Pwede nyo ding gawin ang tortang bangus na ito gamit ang natirang laman ng hinimay na bangus.   Igisa lang na may kasamang patatas, carrots, red bell pepper at pwedeng-pwede na.   Pwede nyong gamitin yung fresh boneless bangus na nabibili sa...

WHITE CHICKEN AFRITADA

Image
Ang afritada ay isang dish na ipinamana sa atin ng ating mga ninunong Espanyol.   Manok o baboy ito na niluto sa tomato sauce at nilagyan ng patatas, carrots, green peas at bell peppers.   Dati nakikita lang natin ito sa mga handaan kagaya ng fiesta or kasalan.  Pero ngayon parang isang ordinaryong ulam na lang natin ito. Kung tutuusin hindi naman talaga afritada itong dish natin for today.   Wala naman kasi itong tomato sauce.   Ginamit ko lang ang salitang afritada komo halos lahat ng sangkap at paraan ng pagluluto dito ay kapareho ng sa orihinal na afritada.   Sa halip na tomato sauce, all purpose cream at butter ang ginamit ko dito.   Masarap at malinamnam ang sauce nito.   Kung baga sauce pa lang ay ulam na.   Hehehe WHITE CHICKEN AFRITADA Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces) o 1 Whole chicken cut into serving pieces 1 large Carrot cut into cubes 1 large Po...

INAY ELO's 88th BIRTHDAY

Image
Last Sunday June 24, 2012, ipinagdiwang ng aking mother in-law na si Inay Elo ang kanyang ika-88 kaarawan.   Kaya naman kaming buong pamilya ay umuwi sa kanilang tahanan sa Batangas para kahit papaano ay maipag-diwang namin ang kanyang kaarawan. Bale nag-ambag-ambag silang magkakapatid (2 ang nasa ibang bansa) para sa handa.   Gusto daw ng may birthday ay lechon at relyenong bangus.  Kaya naman yun nga ang aming inihanda. May cake at ice cream na pinagsaluhan para sa meryenda.   Ang kapatid nilang si Beth ang sumagot nito. Syempre ang lechon na hiniling ng may birthday.   Ang sarap ng lechon na ito.   Malasa ang laman at malutong talaga ang balat. Komo birthday ang handaang ito, syempre hindi mawawala ang noodles.   Bacon Basil pasta ang aking niluto.   Parang carbonara din siya pero nilagyan ko ng fresh basil for added flavor. Isa pa sa hiling na handa ay itong relyenong ba...

LUMPIANG SHANGHAI - Let me count the ways

Image
Minsang nagka-kwentuhan kami ng aming HR manager na si Ms. Kei tungkol sa food blog kong ito, nag-request siya na mag-post naman daw ako ng mga budget friendly na recipe.   Sabi ko naman, marami dito sa archive at isa na nga dito ay itong lumpiang shanghai. Katulad ng adobo at sinigang, marami ding pwedeng gawin at ipalaman sa lumpiang prito na ito.  As in kahit ano.   Pwedeng pork, fish, beef, gulay.....kahit ano?   Kung baga, endless ang pwede.   Marami na din akong version ng lumpiang shanghai na ito sa archive and ofcourse ibat-ibang klase ng palaman ang ginamit ko.   Ang isa sa mga tip na maibibigay ko ay:  dapat malasa ang mga sangkap na ilalagay.   Halimbawa, pwede mong samahan ng kinchay o kaya naman ay yung smokey na bacon or sausages.  Pwede din ang red bell pepper or cheese.  Dalawa pang tip:   Mainam na i-freezer muna ang ginawang lumpia bago i-prito.   I-coat din muna ng ...

PINANGAT NA TULINGAN

Image
In the last Saturday episode ng Jessica Soho Report sa Channel 7, may ipinakita sila doon na isang contest sa Cavite ba o Batangas na pagalingan magluto ng Pinangat na Tulingan.   At yung nanalo ay ipinakita niya kung papaano niya ito niluto.   Tinandaan ko talaga ang step by step na ipinalabas at plano kong gayahain para mai-post ko dito sa blog. Sa aking panonood napansin kong parang sinaing din lang ang luto na ginawa sa pinangat na ito.   Ang pagkakaiba lang ay yung nilagyan niya ng dahon ng saging ang bottom at ibabaw ng palayok na pinalutuan.   Ang mga sangkap ay pareho din lang ng sinaing. Ganun pa man ay ginaya ko pa rin ang pinangat na tulingan na ito.   Komo wala naman akong makukuhanan ng dahon ng saging dito sa Manila, minarapat kong tangkay ng leeks na lang ang aking ginamit para kagaya nung sabi ng nasa tv ay para hindi manikit sa bottom ng lutuan ang tulingan. Sa ilang beses kong magluto ng sinaing na tulingan, mas...

DADDY'S DAY OUT

Image
Every 3rd Sunday of June ipinagdiriwang ng maraming mga bansa kasama na ang Pilipinas ang Araw ng mga Ama o Father's Day.   Mula nang makapag-asawa ako at magka-anak, isa na rin kami sa nakikisaya sa pagdiriwang na ito.  Inumpisahan namin ang araw syempre sa pagsisimba.   Tuwing Linggo naman, dito kami sa 4th Floor ng Glorietta sa Makati dumadalo ng pagsisimba.   Komo sa baba lang nito ang pinapasukan ng aking asawang si Jolly, pagkatapos ng simba at tanghalian ay tuloy naman siya sa kanyang work. Marami kaming pinagpilian na reataurant para sa aming espesyal na tanghalian.   Pero nanaig ang gusto ng mga bata na sa Pizza Hut Bistro kami kumain.   Nandito lang din ito sa Glorietta 4. Medyo natagalan kami sa pagpili komo iba-iba ang gusto ng mga bata.   At syempre, alalay din kami komo medyo mahal ang food dito. Una sa napili namin ay itong Crab Salad Spring Roll (sa itaas ang pict).   Mula nang ma...