Posts

NOCHE BUENA 2017

Image
Almost a year na din nung huli akong mag-post sa food blog kong ito.   Pasensiya na at nagkaroon lang ng problema.  Sana lang ay maipagpatuloy ko pa ito at marami na din ang nag-aabang sa aking pagbabalik.   I just hope na patuloy nyo pa din akong suportahan. Siguro mainam na bumalik ako sa isang post na magandang simulan.   At ito nga ay itong Noche Buena namin nitong nakaraang Pasko.   Syempre naman kapag sinabing Noche Buena...maraming pagkain ito.   But for this year, isang simple at espesyal na pagkain ang aking inihanda para sa aking pamilya. Favorite ng mga anak ko itong Cheesy Bacon and Baby Potatoes kaya ito ang niluto kong appetizer. Isa pa sa paborito nila ay itong Baby back Ribs. Pan-grilled Pink Salmon with Buttered Carrots and Broccoli.   And for the pasta, nagluto ako nitong Penne Pasta with Pesto Sauce. Ofcourse hindi mawawala ang Keso de Bola, Hamon at Fruit Salad sa hapag. I...

HAPPY BIRTHDAY to ME

Image

ABANGAN!!!! Ang Pagbabalik.....

Image

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)

Image
Nitong nakaraan kong pamamalengke may nakita akong himay na na laman ng alimasag (crab) na ibinebenta sa parte ng mag-iisda.   Kahit hindi ko pa itinatanong kung magkano ang kilo nito at napabili na ako agad at ang nasa isip ko lang ay masarap itong gawing torta.  Masarap ito na ang kasamang sawsawan ay patis na may calamansi o kaya naman ay toyo na may calamansi.   Pwede din naman ang sweet-chili sauce or ordinaryong catsup.   Try nyo din po. TORTANG ALIMASAG (Crab Meat) Mga Sangkap: 1/2 kilo Crab Meat / Hinimay na laman ng alimasag 2 pcs. medium size Potatoes (cut into small pieces) 1 cup Green Peas 1 pc. large size Red Bell Pepper 4 pcs. Calamansi 3 tbsp. Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. White Onion (chopped) 2 pcs. Tomatoes (diced) 3 tbsp. Canola Oil / more for frying Salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap 5 pcs. Fresh Eggs (beaten) Paraan ng pagluluto: 1.    Sa isang kawali igisa ang bawang, sibu...

CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Ito ang isa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming media noche.   Crab Stick and Cucumber Spring Roll. Actually, marami na din akong na-post na recipe nito sa archive.   Minarapat ko lang na i-post ulit with the latest picture para sa mga bago pa lang na sumusubaybay sa food blog kong ito.   Mayroon ding nag-message sa akin na i-post ko nga daw ang recipe para magaya niya. Madali lang naman ang appetizer na ito.   Ang mahirap ay yung pag-hanap ng mga sangkap at yung mismong pag-assemble.   Kapag hindi ka kasi mabilis sa pag-roll masisira o mapupnit lang yung wrapper. Pero winner talaga ang spring roll na ito.   Hina-hanap-hanap talaga sa akin ito kapag may espesyal na okasyon sa amin.   Try nyo din po. CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Crab Sticks (cut into strips) Cucumber (cut into strips) Romaine Lettuce Cashiew Nuts (durugin) For the sauce:Mayonaise All Purpose Crea...

STEAMED LAPU-LAPU

Image
December 31, 2016 habang naghahanda ako para sa mga ihahanda para sa media noche, nagdala ng pagkalaki-laking lapu-lapu ang pamangkin ng aking asawa na si Japok.   Pinapaluto daw ito ng aking bayaw na kanyang tatay para pagsaluhan nga sa media noche. Sa isip ko, dalawang luto ang pwedeng gawin sa isda.  Yung may sweet and sour sauce at yung steam.   Nag-suggest ako ng steam.   Sa isip ko kasi mas madali ang trabaho at hindi masyadong marami ang sangkap na gagamitin. Ang naging problema ko lang dito ay ang steamer na gagamitin.   Sa laki ng lapu-lapu, walang steamer na ganun kalaki para magkasya ito.   Ayoko namang putulin ang isda para magkasya.   Ang ginawa ko na lang pinakuluan ko ito sa kumukulong tubig na tinimplahan ng mga pampalasa.   Ayos din naman. At ito na nga ang kinalabasan ng aking Steamed Lapu-lapu.   Masarap at pang-espesyal na okasyon talaga.   Yum yum yum!!!! STEAMED LAPU-LAPU ...

CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS

Image
Basta espesyal na okasyon espesyal din at mga kakaiba ang inihahanda o niluluto ko.   Yun din kasi ang gusto ng aking asawang si Jolly.  Kagaya nitong nakaraan naming noche buena, mga kakaiba o espesyal na putahe ang aking inihanda. Isa na dito itong California Maki with Crab Salad Toppings.   Nagaya ko ito sa isang Japanese restaurant na nakainan ko.   Yun lang hindi ganun kaganda ang hiwa komo ordinary knife lang ang ginamit.   Pero panalo ang lasa at sarap nito.  Para ka na ding kumain sa isang mamahaling Japanese restaurant. CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS Mga Sangkap: Japanese Rice Crab Sticks Nori (that black seaweeds sheets) Japanese Mayonaise Ripe Mango (cut into strips) Salt and pepper to taste Note:    Ang dami ng mga sangkap ay depende sa dami ng lulutuin.   Paraan ng pagluluto/assemble: 1.   Isaing ang Japanese rice katulad ng pagsasaing sa ordinaryo na bigas.   ...