Tinolang Manok
Noong araw ang Tinolang Manok ay isang espesyal na ulam sa mga espesyal na okasyon. Di ba nga dun sa awit na Pamasko may bahagi doon na..."....Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya...nagluto ang Ate ng manok na tinola....". Kahit naman sa mga probinsya, kapag may mga bisita na dumarating ito din ang inihahanda nila na ulam. Although ngayon parang pangkaraniwan na ang ulam na ito, pero maituturing ko na espensyal pa rin ito para sa akin. Sa recipe natin for today yung tradisyunal na pamamaraan ang ginamit ko at may dinagdag pa ako na twist sa huli. Try nyo at magugustuhan nyo ito. TINOLANG MANOK Mga sangkap: 1 whole chicken cut into serving pieces 200 grams chicken liver 1 medium size Green Papaya Dahon ng sili 2 tumb size ginger (hiwain na parang palito ng posporo) 3 pcs. siling pang sigang 1/2 cloves garlic 1 medium size onion patis pamintang buo achuete ilagay sa 1/2 cup na tubig 1 knorr chicken cube Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang ang si...