BACON CUT PORK with CANTON NOODLES


Lagi kong nababanggit ang pag-gamit ng extender sa ating mga niluluto. Kung baga pamparami. Katulad na lang ng recipe natin for today. 1/2 kilo lang na Bacon cut na baboy ito. Kung lulutuin mo ito ng ganito lang, hindi ito magkakasya sa aming anim. So ano ang pwedeng gawin? Yun nga ang gumamit ng extender kagaya ng gulay at noodles. Dahil dito, busog kaming nakakain lahat at nakapag-baon pa ako sa office.....hehehehe. Di ba ang galing?


BACON CUT PORK with CANTON NOODLES

Mga Sangkap:

500 grams Bacon Cut Pork

250 grams Cauliflower

250 grams Canton Noodles

1 large carrots (Hiwain na parang match sticks)

1 cup Leeks (Hiwain ng mga 1 inch ang haba. Yung white portion i-chopped)

1/2 cup soy sauce

3 tbsp. Oyster sauce

2 tbsp. Sesame Oil

1 large red onion

4 cloves minced garlic

salt and pepper

1 tsp. cornstarch

1 tbsp. sugar




Paraan ng Pagluluto:

1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy. Hayaan ng mga 15 minuto.

2. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang bacon cut pork sa kaunting mantika hanggang sa medyo pumula at maluto ang karne.

3. Lagyan ng mga 1 tasang tubig, takpan at hayaang kumulo at lumambot ang karne.

4. Ilagay ang toyo, carrots at canton noodles. Halu-haluin. Maaring lagyan ng tubog kung kinakailangan

5. Ilagay ang cauliflower, leeks at oysters sauce. Halu-haluin. Hayaan hanggang sa maluto ang cauliflower

6. Ilagay ang asukal. Tikman at i-adjust ang lasa.

7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

8. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped leeks sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
parang pansit canton ang kinalabasan niya,ano?
sarap naman nito..
keep it up,dennis..
Parang ganun na nga....hehehehe...pinaganda lang ang pangalan....pero konti lang kasi yung noodles. mas marami yung cauliflower at pork.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE