CREAMY & CHEESY PORK


Di na kami nag-dinner last night. Kakagaling lang kasi namin sa isang birthday party at busog pa kaming lahat sa aming kinain. Ang nangyari, nag-light snack na lang kami at ang mga bata.

Medyo late na ng maisip ko, ano pala ang babaunin nilang ulam kinabukasan sa pag-pasok nila sa school? So, isip-isip, at dito nga nabuo ang recipe natin for today. Again, hindi ko alam kung may recipe talaga na ganito. I-try nyo lang at hindi kayo mabibigo. Masarap ang kinalabasan at tiyak kong magugustuhan ito ng mga bata as their baon.


CREAMY & CHEESY PORK

Mga Sangkap:

500 grams Pork kasim (skin on)

1 small can Alaska Evap (Yun red ang label)

1/4 bar cheese

1 tbsp. dried basil

1 large potato sliced

1 large carrots sliced

1 large onion chopped

5 cloves minced garlic

salt and pepper

Maggie magic sarap

1 tsp. cornstarch


Paraang ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baboy sa tubig na may asin hanggan sa lumambot ang karne. Hanguin ang karne sa pinaglagaan at palamigin. Itabi ang sabaw ng pinaglagaan.

2. Kung malamig na ang karne, hiwain ito ng manipis o sa tamang kapal na nais.

3. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.

4. Ilagay ang hiniwang karne ng baboy. Halu-haluin. Timplahan ng asin, paminta at dried basil.

5. Lagyan ng sabaw ng pinaglagaan ng karne at takpan. Ilagay na rin ang patatas at carrots. Hayaan ng mga 5 minuto. Maaaring lagyan pa ng sabaw kung kinakailangan para hindi matuyo.

6. Ilagay ang alaska evap. Tikman at i-adjust ang timpla ng asin.

7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

8. Lagyan ng grated cheese sa ibabaw bago ihain.


Ihain habang mainit pa


Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
hmmmmmmnnn...bago 'to sa pandinig ko ah?
ngayon lang ako naka encounter nito..
masubukan nga eto....someday...
Cool Fern said…
you mean nagbabaon ang mga anaks mo sa skul?
ano 'to lunch nila?hindi na sila umuuwi ng tanghali-an?
just asking..
Yan talaga ang sasabihin ko sa iyo. Yup nagbabaon sila ng rice sa school. Yung panganay ko 9 to 4:30 ang klase...yung pangalawa naman 8 to 2:30. Yung bunso naman kahit 12:30 to 5:30 ang pasok masy gusto niya kanin ang snacks.

Alam mo puring-puri nung pangalawa kong anak ang ulam na ito. Magluto daw ako ulit....hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE