FISH FILLET SPRING ROLL


Maraming klase ng lumpia. Ito marahil ang isa sa mga pagkain na minana natin sa ating mga ninunong Intsik. May lumpiang sariwa o yung ginisang gulay ang laman. Meron din yung giniling na baboy ang laman. Pini-prito ito...pangkaraniwan nating tawag dito ay lumpiang shanghai. Katulad ng adobo, maraming variety ang lumpia. Nasa sa atin na kung ano ang guso nating ipalaman dito.

Katulad ng recipe natin for today. Ang pagka-alam ko dito, original recipe ko ito. Kagaya ng palagi kong sinasabi, kailangan lang lawakan natin ang ating imahinasyon. Try nyo ito....masarap talaga.


FISH FILLET SPRING ROLL

Mga Sangkap:

500 grams Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito. Hiwain na parang stick)
a bunch of Kinchay or Wansuy (Gayatin o hiwain ng pino)
1 sachet Lee Kum Kee Char Sui sauce
1 egg
Lumpia wrapper
Cooking oil
Salt and pepper


Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl, timplahan ng asin, paminta, char sui sauce ang fish fillet
2. Ilagay na din ang ginayat ng wansuy o kinchay at halu-haluin
3. Isa-isang balutin ng lumpia wrapper ang mga fish fillet. Lagyan ng binating itlog ang dulo ng lumpia wraper para maisara.
4. Magpakulo ng mantika at i-prito ang mga lumpia.
5. Hanguin sa isang lalagyna na may paper towel

Ihain na may kasamang catsup o sweet and chili sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
hmmmm..yummy 'to ha?
nakagawa na ako ni to noon but i used tuna..since maraming tuna sa amin
Yummy talaga.....yun lang hindi ko napalutong ang balat. Siguro kailangan kapalan ko yung wrapper.

Dennis
Cool Fern said…
i think kailangang mainit na mainit ang mantika para maging crispy ang wrapper...
Hindi siguro...matamis kasi yung char siu sauce na ginamit.....so kailangan talaga mas makapal ang lumpia wrapper.
Hindi siguro...matamis kasi yung char siu sauce na ginamit.....so kailangan talaga mas makapal ang lumpia wrapper.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)