MINCED PORK in LETTUCE and HOISIN SAUCE
May natira pa akong giniling na baboy sa aking freezer at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito. Actually maraming pwedeng pag-gamitan. Pwedeng isahog sa gulay o kaya naman ay sa pasta. Naalala kong bigla ang isang posting ni Ms. Caren ng The Eating Room ( http://theeatingroom.wordpress.com/ ) na may title Minced Pork in Lettuce Wrap. At ito nga ang ginawa kong luto sa hamak na pork giniling na ito. May natikman na din akong ganito sa isang chinese restaurant sa Binondo pero hindi giniling ang laman kundi kalapati. Pero ganito din ito kung paano kainin. Sa isang lettuce leaves, papahiran mo ng hoisin sauce at saka mo lalagyan ng giniling na karne na ito. Ibabalot mo na parang lumpia at saka mo kakainin. Masarap ito as a starter sa isang espesyal na kainan. MINCED PORK in LETTUCE ana HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 250 grams Ground Pork 1 cup Mixed Vegetables (carrots, corn green peas) 2 tbsp. Oyster Sauce 1 tbsp. Soy Sauce 1 tsp. Sesame oil 3 cloves Minced Garlic 1 medium si...