Posts

Showing posts from September, 2011

TURBO BROILED CHICKEN BARBEQUE

Image
Sa mga katulad kong ama o ina na nagwo-work at nagaasikaso pa din ng pagkain sa tahanan, it's a challenge ang pang-araw-araw na iahahanda sa hapag kainan. Salamat sa mga fastfood store at mga instant delivery service na pwede nating tawagan. Hehehehe Ofcourse, medyo magastos ang mga ganito. Iba pa rin yung ikaw ang nag-prepare at nagluto para sa iyong mga mahal sa buhay. Salamat na din sa mga available na instant sauces at mixes sa market at naging madali din ang pagluluto. Kagaya nitong entry ko for today. Napaka-simple at napaka-dali lang lutuin. mainade lang at isalang sa turbo broiler ay ayos na. At habang niluluto ito, pwede ka pang gumawa ng iba pang bagay. Sa case kong ito, nagluto pa ako ng instant soup naman para may sabaw ang mga bata. Easy di ba? TURBO BROILED CHICKEN BARBEQUE Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Thigh 1/2 cup Barbeque marinade mix 1/2 cup Smokey Barbeque Sauce 1 head minced Garlic 1 tsp. ground Black pepper 1 tbsp. brown Sugar 1 tbsp. Rock Salt ...

RED WINE PORK ADOBO

Image
May nabasa akong isang recipe sa classic nating adobo na ginamitan ng red wine. Actually, nanalo siya sa isang culinary competition ng mga HRM students. Nakalimutan ko lang yung pangalan. Medyo may kahabaan ang listahan ng mga sangkap sa orihinal sa recipe. basta ang natandaan ko lang ay yung gumamit ng red wine sa pagluluto nito. Ang sinunod ko ay ang pangkaraniwang sangkap natin sa pagluluto ng adobo at idinagdag ko na lang ito red wine. The result? Masarap naman. Kakaiba sa nakagawian nating pork adobo. Medyo matamis ito ng konti as compare dun sa sour and salty na traditional na adobo natin. Try nyo din para maiba naman. RED WINE PORK ADOBO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim cut into cubes 2 cups Red Wine (sweet type) 1 cup Soy Sauce 1/2 cup Cane Vinegar 1 head minced Garlic 1 tsp. ground Black pepper 1 tbsp. brown Sugar Salt to taste 2 tbsp. Olive oil Paraan ng pagluluto: 1. Sa isng non-stick na kawali, i-brown ang karne ng baboy sa olive oil hanggang sa pumula ng bahagya...

ORANGE-BARBEQUE ROAST SPARERIBS

Image
No. Hindi uling yan....hehehehe. Barbeque Spareribs yan. Sabi nga nang asawa ko nasunog ko daw. Pero hindi, ganun lang talaga ang kinalabsan. Yan ang isa pa na ni-request ng anak kong si Jake para sa kanyang kaarawan. To make it extra special, pinag-combine ko yung barbeque sauce at yung katas at zest ng isang orange. Ang resulta..... puring-puri ng mga naka-kain ang dish na ito. I always want the best for my family. Ofcourse yung sa abot lang ng makakaya ko. Sabi ko nga, kahit simpleng pritong isda ginagawa kong espesyal dahil sinasamahan ko ng pagmamahal. And I know napi-feel naman nila yun habang kinakain nila ang niluto ko. ORANGE-BARBEQUE ROAST SPARERIBS Mga Sangkap: about 1.5 kilo Pork Spareribs 1 pc. Orange (juice at yung ginadgad na balat o zest) 1 cup Smokey Barbeque Sauce 1/2 cup Sweet Soy Sauce or ordinary soy sauce 1 tsp. ground Black pepper 1/2 cup Brown Sugar 1 tbsp. Sesame oil Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola pakuluan h...

HAINANESE FLAVOR FRIED CHICKEN

Image
This is the chicken dish na niluto nitong nakaraang birthday ng anak kong si Jake. Hainanese flavored fried chicken. Sabi ko nga, request niya ang halos lahat ng pagkaing aking niluto. Noon ko pa gustong i-try na magluto ng Hainanese Chicken. Para kasing napakadali lang nitong lutuin. Yun lang ang sauce ang nadadala sa dish na ito at yun ang hindi ko pa nagagawa. Naisipan kong bakit hindi itong hainanese chicken na ito ang i-fried ko at ihanda ko sa birthday ng aking anak? At yun na nga, ito ang kinalabasan sa aking experimento. Parang max fried chicken din siya kagaya ng nasabi ng aking asawang si Jolly. At kagaya ng nasabi ko sa itaas, ang sauce ang magdadala sa fried chicken na ito. Well, simpleng Jufran Banana catsup lang ang ginamit ko dito para parang max ang dating. hehehe. Also, para maging extra crisp ang balat, palamigin lang muna pagka-prito at saka i-pritong muli. HAINANESE FLAVORED FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Legs 2 thumb size Gi...

CREAMY PESTO and BACON PASTA

Image
Ito ang pasta dish na niluto nitong nakaraang birthday ng anak kong si Jake. Actually, siya ang may request na ito ang iluto ko. Gusto daw niya yung pasta na may basil. And to make it more special, nilagyan ko pa ito ng bacon at cream. Ang ending? Isang masarap na pasta dish ang nabuo ko. Marami na din akong pasta dishes sa archive pero masasabi ko na espesyal ang isang ito. Sabagay, lahat naman ng niluluto ko ay espesyal lalo na at para ito sa aking mga mahal sa buhay. CREAMY PESTO and BACON PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Liguine or Spaghetti pasta 500 grams Bacon cut into small pieces 100 grams Fresh Basil Leaves 1 tetra brick All Purpose cream 100 grams Kasuy (plain flavor) 1 cup Evaporated milk 1 cup Extra Virgin Olive oil 1 cup grated Cheese 1/2 cup grated cheese for toppings 1 head minced Garlic 1 medium size Onion chopped salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang pasta according to package direction. 2. I-chopped muna ang basil bago i-blender. 3. ...

JAKE'S 13th BIRTHDAY - 2011

Image
Birthday kahapon ng panganay kong anak na si Jake. 13 years old na siya. Teenager na. Hehehehe. At syempre hindi pwedeng walang kahit simpleng kainan. Yun kasi ang naging panuntunan ko din. Kahit medyo hirap, iraraos ko pa din ang birthday nila kahit papaano. Ang Inang Lina ko kasi nung araw, kahit hirap kami, hindi pwedeng walang kahit konting handa basta mayroong may birthday sa amin. At yun din ang ginagawa ko ngayon sa aking mga anak. 4 na dish lang ang niluto ko. Yung 3 dito ay request ng may birthday. Yung inihaw na bangus lang ang idinagdag ko. Creamy Pesto and Bacon pasta for the noodles. Mayroon ding Hainanese fried chicken at Orange-Barbeque Spareribs. Laging kong sinasabi, I always want the best for my family. Kaya kahit papaano ay ipinaghahanda ko talaga sila ng gusto nila na pagkain. Wala naman masyadong bisita. Dumating ang kapatid ko na si Shirley at ninang din ni Jake. kasam din niya si Salve. Nang-galing pa sila ng Bulacan. Syempre dumati...

CHICKEN with TURMERIC POWDER AND COCONUT MILK

Image
Aksidente lang ang pagluto ko sa dish na ito, pero masarap ang kinalabasan. Nag-request kasi ang anak kong panganay na si Jake na magluto naman daw ako ng Chicken Curry. Ang pagka-alam ko may curry powder pa ako sa lalagyan kaya naman yung iba pang mga sangkap na lang ang aking binili. Laking pagkadismaya ko ng di ko makita ang curry powder o hindi ko alam kung naubos na. Impromtu ay itong turmeric powder ang naisipan ko na lang na ilagay. Sa isip ko, pwede na din ito magku-kulay dilaw din ang kakalabasan. So parehong luto ang ginawa ko without the curry powder. To my surprise, masarap ang kinalabasan ng dish kong ito. To add a more asian flavor, nilahukan ko din ito ng pinitpit na tanglad o lemon grass at viola! isang masarap na ulam ang naluto ko. Nakakatuwa nga dahil gustong-gusto ito ng mga bata. Hehehehe CHICKEN with TURMERIC POWDER and COCONUT MILK Mga Sangkap: 1 Whole Chicken cut into serving pieces 2 cups Coconut milk (Kakang gata) 1 tsp. Turmeric Powder...

PORK BALLS with ORANGE-HOISIN SAUCE

Image
Nakakatuwa talaga ang mag-experiment sa paghahalo ng ibat-ibang flavors sa pagkain. Ito ang pinagkakaabalahan ko nitong mga nakaraang araw. Ofcourse may mga sablay din. Hehehe. Pero sa mga sangkap naman na gagamitin ay medyo mai-imagine mo na ang kakalabasan ng lasa. Kagaya nito simpleng bola-bola na niluto ko. Sa halip na catsup ang maging sawsawan, gumawa ako ng sauce na may hoisin sauce at katas ng orange. Winner ang sauce. Kung baga nag-level up ang simpleng bola-bola. Try nyo din. PORK BALLS with ORANGE-HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Pork 1 large White Onion finely chopped 1/2 tsp. 5 Spice Powder 1/2 tsp. Ground Black pepper 1 tbsp. Hoisin Sauce 1 tbsp. Soy Sauce 1 tbsp. Oyster Sauce 1 pc. Egg 2 tbsp. Cornstarch 1 tsp. Sesame oil Salt to taste For the Sauce: 1 tsp. grated Ginger 1 tbsp. Hoisin Sauce 1 tsp. Orange Zest 1/3 cup fresh Orange juice 1 tsp. Cornstarch 1/2 cup water 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame oil Salt and pepper to taste Paraan ng paglulu...

BRAISED CHICKEN in HONEY-LEMON-GINGER SAUCE

Image
Nag-audition ako sa isang cooking contest dito sa Manila. As a requirement, kailangang magdala ng isang dish na ilalaban mo para makapasok sa 2nd round. At itong Braised Chicken in Honey-Lemon-Ginger Sauce ang aking inilaban. Simple lang ang dish na ito. Kahit nga hindi marunong magluto ay magagawa ito basta tama lang ang mga sangkap na gagamitin at tama ang pamamaraan na gagawin. And you know what? Sa batch namin na 10 per group, 3 lang kami na nakapasok sa 2nd round. Tuwang-tuwa ako sa pangyayaring ito. hehehehe. Abangan nyo na lang ang update ko sa contest na ito. BRAISED CHICKEN in HONEY-LEMON-GINGER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh 1 pcs. Lemon (juice) 1 tbsp. Lemon Zest (from the 1 pc. lemon above) 2 thumb size Ginger grated 1 cup Pure Honey Bee salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, katas ng lemon, grated ginger at lemon zest. Hayaan ng overnight. 2. Sa isang non-stick na kawali, ihilera ang mga manok sa...

EASY CHINESE RECIPES COOKBOOK: Kasalli ako dito...

Image
Alam nyo ba yung rasamalaysia.com? Food blog ito ni Bee Yinn Low, na naka-base na ngayon sa US. Big fan ako ng food blog niya at talaga namang inaabangan ko ang mga recipe niya. Isang beses nag-invite siya sa sino man around the globe na mag-test ng mga recipe na isasama niya para sa ginagawa niyang cook book na ire-release sa buong mundo. Nag-try naman akong mag-apply at sa awa ng Diyos ay nakapasa naman ako. Pinadala niya yung recipe via email at agad agad naman ay sinubukan ko. Classic Shrimp Fried Rice pala ang ang sinubukang niluto. Na-released na sa US at sa maraming parte ng Asia ang cook Book na ito. Dito sa Pilipinas, sa Fully Book ata ito mabibili. Medyo may kamahalan ang cook book na ito. Pero komo di na nga ako makatiis na makita ang name ko sa acknowledgement, nag-order na lang ako nito sa amazon.com. Hehehehe At eto na nga, nakita ko ang pangalan ko sa may huling part ng cook book kasama ang iba pang nag-subok din ng mga recipe na part ng cook book niya. Magan...

CREAM DORY in CREAMY LEMON SAUCE

Image
This recipe is another favorite of mine. Fish fillet with creamy lemon sauce. Kahit nga mga officemate ng asawa kong si Jolly ay gustong-gusto ito. Minsan nire-request pa nila na magdala siya nito sa office. Niluto ko ito last week bago pa ako mag-birthday. Ngayon ko lang ito na-post to give way dun sa mga dish na inihanda ko. Hindi kagandahan ang kuha ng picture but the taste of the fish and the sauce was really very very good. Kahit nga yung tatlo kong anak, aba, isinabaw sa kanin ang white sauce na ito. Hehehehe. Ito rin pala ang ibinaon nila that day and the result was very positive. CREAM DORY with CREAMY LEMON SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Cream Dory fillet (or any white meat fish) cut into serving pieces 1 pc. Lemon (kailangan yung juice at yung lemon zest) 1 pc. Egg 3/4 cup All Purpose flour Salt and pepper to taste cooking oil for frying For the sauce: 1 cup All Purpose cream 2 tbsp. Butter Juice from 1/2 Lemon 1 tsp. lemon zest 1 tbsp. chopped Parsley 1 tbsp...

TOFU CHOP SUEY

Image
Ito ang 3rd dish na inihanda ko sa aking nakaraang kaarawan. Tofu Chop Suey. Naisip kong ihanda ito dahil may officemate ako na Muslim. Alam naman natin na hindi silakumakain ng baboy at kung manok o baka naman, dapat ay halal ito. Simple lang ang dish na ito. Ayos na ayos din ito sa mga vegeterian o yung mga nagda-diet. Nagustuhan talaga ng mga officemate ko ang dish na ito. Kagaya nung ibang putahe na niluto ko, hinihingi din nila ang recipe nito. At eto na nga. Dito na lang nila basahin. Hehehehe TOFU CHOP SUEY Mga Sangkap: 2 blocks Tofu o tokwa cut into cubes (bahala na kayo kung gaano kadami ang gusto ninyo) 100 grams Squid Balls (cut into half) 200 grams Brocolli cut into bite size pieces 200 grams Cauliflower cut into bite size pieces 100 grams Baguio Beans (cut into 1 inch long) 1 large Carrot sliced 2 tangkay Celery 2 pcs. large Red and Green Bell pepper 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil 5 cloves minced Garlic 1 large...

CHEESY BACON & PIMIENTO PASTA

Image
Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraan kong birthday. Di ba pag may birthday dapat may noodle na handa at ito na nga ang sa akin. Kung titingnan mo and pasta dish na ito, para din siyang carbonara or spaghetti in white sauce. Pero masasabi kong iba dahil nilahukan ko ito ng pimiento o red bell pepper at pimiento flavor na Chiz Wiz. Nakakatuwa dahil nagustuhan ng mga officemate ko ang pasta dish na ito. Yung iba nga humihingi pa ng recipe para dito. Sabi ko lang abangan na lang nila dito sa food blog kong ito. Hehehehehe. CHEESY BACON & PIMIENTO PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package direction) 2large size Red Bell Pepper cut into small cubes 400 grams Bacon sliced 300 grams Sweet Ham cut into strips 1 tetra brick All Purpose Cream 1 tetra brick Alaska Evap (yung red label) 1 medium size bottle Chiz Wiz Pimineto Flavor 1/2 cup Butter 1 cup grated Cheese 1/2 cup chopped Parsley 1 head minced Garlic 1 large Onion chopped 1/2 tsp Dr...

ARROZ VALENCIANA - Asian Style

Image
Nakaraos na ang birthday ko yesterday at sa awa ng Diyos ay 44 na ako ngayon. hehehe. At itong entry ko for today ang isa sa mga dish na niluto ko para sa aking mga officemates. Marami kasi sa kanila ang follower din ng foodblog kong ito at sana naman daw ay makatikim sila ng mga niluluto. At eto na nga. Naisipan kong isama sa aking birthday menu itong Arroz Valenciana na kinuha ako ang recipe sa namayapa kong Inang Lina dahil gustong-gusto ko ito. Nakakatuwa naman at kahit papaano ay nakuha ko ang lasa na katulad ng niluluto ng aking Inang. Akala nyo siguro mahirap lutuin ang dish na ito. Pero sa totoo lang, napakadali lang nitong lutuin. Basta maganda lang ang klase ng malagkit at jasmine rice na gagamitin, sigurado akong masarap ang kakalabasan ng inyong valenciana. ARROZ VALENCIANA - Asian Style Mga Sangkap: 2 cups Malagkit na bigas 3 cups Jasmine or long grain Rice 3 tbsp. Achuete seeds 300 grams Chicken thigh fillet (cut into bite size pieces) 200 grams Chicken Live...

MY BIRTHDAY @ 44

Image
It's my 44th Birthday today. Para maiba naman naisipan kong magluto at magpakain sa aking mga officemate. Marami din kasi sa kanila ang nagre-request na matikman daw nila ang mga pino-post ko. At yun nga nagluto ako ng 4 na dish. Arroz Valenciana, Cheese Pimiento and bacon Pasta, Antons Chicken at Tofu Chopsuey. With some of my officemates. Nakakatuwa naman at nagustuhan nilang lahat ang mga niluto ko. Nakakapagod pero okay lang. Hehehehe After ng celebration sa office ko, nag-celebrate naman kaming mag-asawa sa Resort World Manila sa Pasay City. Pinakain niya ako sa isang Singaporian Restaurant. Tao Yuan ang pangalan. We order Laksa an Hainanese chicken. Medyo may kamahalan ang bill pero okay na din. Nag-enjoy talaga kami sa food. Eto yung in-order namin na Hainanese Chicken with 3 sauces. Pagdating sa bahay dinagdagan ko na lang ng Crispy Pata ang natiora pang handa at bumili naman ng cake ang asawa kong si Jolly for the dessert. Nakakatuwa at nairason ko at nakar...

FRIED CHICKEN MARINATED in TAMARIND PASTE

Image
Naka-kita na ba kayo ng instant tamarind paste sa inyong mga supermarket? Sa SM Supermarket sa Makati ay may nakita ako. Una ko itong sinubukan sa aking sinigang na baboy sa halip na yung pangkaraniwan na sinigang mix powder. Sinubukan ko ding gamitin ito dito sa fried chicken na entry ko for today. Hindi ko alam kung ilang klase na ng fried chicken recipe ang meron ako sa food blog kong ito. Marami na rin kasi nga favorite ito ng aking mga anak. Kahit sino naman sigurong mga bata ay paborito din ito. Kaya naman basta fried chicken ang ulam, may gravy man o catsup lang, siguradong panalo sa mga kids ko. Dapat sana iro-roast o lulutuin ko ito sa turbo broiler. Pero komo wala na akong oras para i-turbo pa ito, naisipan kong i-prito na lang para mas madali. Ito kasi ang baon ng mga anak ko nitong nakaraang araw. FRIED CHICKEN MARINATED in TAMARIND PASTE Mga Sangkap: 1 Whole Chicken cut into serving pieces 1 sachet Tamarind paste 1 head minced Garlic Salt and pepper to tast...

PORK ALA KING

Image
One of may favorite din ang Chicken ala King. Gustong-gusto ko kasi yung lasa ng flavor ng butter at cream. Ganito din ang lutong ginawa ko sa 1 kilo na pork kasim na nabili ko. Kagaya ng luto sa chicken masarap at malinamnam ang dish na ito. Ito nga ang ibinaon ng mga kids ko nitong nakaraang araw. Nakakatuwa naman at nagustuhan nila. Try nyo din. PORK ALA KING Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim cut into cubes (adobo cut) 1 large Carrot cut into cubes 2 pcs. large Potato cut also into cubes 1 large Red Bell pepper cut into cubes 2 cups sliced Mushroom (canned, itabi yung sabaw) 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Butter 5 cloves minced Garlic 1 large Onion sliced Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. Halu-haluin. 2. Ilagay ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne. 3. Ilagay ang sabaw ng delatang mushroom, takpan at hayaang maluto at lu...

PAMINTA: Alam nyo ba?

Image
PAMINTA: Alam nyo ba? Hindi mawawala sa ating mga kusina ang asin at paminta. Kahit saang lutuin ay nilalahukan natin ng mga ito para magkalasa ang ating mga pagkain. Pero nakakita na ba tayo ng puno o halaman kung saan nanggagaling ang paminta? Nung una akala ko ay para itong munggo na aalisin mo yung buto at yun yung paminta. O kaya naman ay parang prutas na papaya at yung mga buto nito na pinatuyo ang paminta. Noong ako ay nakapag-asawa noon ko lang nalaman at nakakita ng puno ng paminta. Ang bakuran kasi ng asawa kong si Jolly sa San Jose, Batangas ay may mga tanim na paminta. Namumunga lamang ang halamang ito kapag maulan at laging nadidiligan ang puno nito. Ang bunga nito ay parang kumpol ng ubas na pahaba. (tingnan ang larawan sa itaas) Kulay green pa lang ay inaani na ang mga ito at saka ibinibilad sa araw hanggang sa umitim na ang kulay. Ito na yung nakikita natin sa mga palengke at grocery store na paminta. Tawag nga natin dito ay pamintang buo o kaya naman a...

CHICKEN PORK ADOBO

Image
May nag-email sa akin na nagtatanong kung papaano daw mapapabango ang luto niyang adobo. Nagtataka ako sa tanong kasi di ba sandya namang mabango ang adobo pag niluluto? Yung pinaghalong bawang, suka, toyo at dahon ng laurel ang nagpapabango dito. Naalala ko lang nung niluluto ang chicken pork adobo ko na ito. Talaga namang umaalimbukay sa buong hallway ng condo namin ang amoy nito. Pati nga ang aking kapitbahay ay napalabas ng unit niya at nakakagutom daw ang niluluto ko. Hehehehe Ang sekreto sa masarap at mabangong amoy na adobo? Lagyan mo ito ng buong-pusong pagmamahal. hehehehe CHICKEN PORK ADOBO Mga Sangkap: 1 kilo Chicken cut into serving pieces 1/2 kilo Pork Liempo cut into cubes 2 head minced Garlic 3 pcs. Dried Laurel 1 cup Cane Vinegar 1 cup Soy Sauce 1 tsp. ground Black pepper 1 tsp. Brown Sugar 2 pcs. Potatoes cut into cubes Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola pagsama-samahin lang ang lahat ng mga sangkap pwera ang patatas. Sa ilalaim ilagay ang por...

HONEY-PINEAPPLE CHICKEN

Image
Mula nang maumpisahan ko ang food blogging, natutunan ko na ang mag-experiment sa aking mga niluluto. Awa naman ng Diyos nakakain naman ang lahat ng niluluto ko. Kapag may bago nga akong naluto, sasabihin ng bunso kong anak na si Anton, "Daddy imbento mo yan?". hehehehe. Pininyahang Manok sa unang tingin, pero komo ilagyan ko pa ng pure honey bee, mas naging masarap ang katakamtakam ang chicken dish na ito. Nilagyan ko din ng turmeric powder to add color at extra flavor. Try nyo din ito, masarap at madali lang lutuin. HONEY-PINEAPPLE CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh fillet (cut into bite size pieces) 1 big can Pineapple chunk 1 tsp. Turmeric Powder 1/2 cup Pure Honey Bee 5 cloves minced Garlic 1 large Red Onion sliced 1 thumb size Ginger sliced Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali i-helera ang mga manok sa ilalim yung ...

PORK BUTTERFLY STEAK

Image
Isa pa sa mga top recipes ng food blog kong ito ay itong Pork Steak. Yes, ito yung pork version ng masarap na Bistek Tagalog (Beef Steak). Well, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa dish na ito? Ang sarap kasi nung alat ng toyo at yung asim ng calamansi. Kung baga, swak sa panlasa nating mga Pinoy. Naisipan kong i-post ulit ang recipe ng dish na ito dahil nilagyan ko ng kaunting twist ang pagluluto. Ofcourse para mas lalo pa itong mapasarap. PORK BUTTERFLY STEAK Mga Sangkap: 1 kilo Pork Butterfly cut (cut into half) 1 cup Toyomansi (Toyo na may calamansi na in bottle) 2 pcs. Potato cut into cubes 2 large Red Onion (1 chopped, 1 slice into ring) 5 cloves minced Garlic 5 pcs. Calamansi 1 tsp. Dried Basil 3 tbsp. Olive oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang karne sa asin, paminta at dried basil. Hayaan ng mga 15 minuto o higit pa. 2. I-pan-grilled ang karne hanggang sa mawala lang ang pagka-pink ng...

CHICKEN CORDON BLEU

Image
Itong dish na ito ang isa sa pinaka-una kong post sa foodblog kong ito. May katagalan na din at ngayon na lang ulit ako nakapagluto nito. Wala namang espsyal na okasyon, naisipan ko lang na magluto ng espesyal. Kadalasan, sa mga hotel or catering service tayo nakakakita at nakakatikim ng putaheng ito. Medyo matrabaho din kasi itong gawin at lutuin. Pero kahit na matrabaho itong gawin, sulit naman pag nakain mo na. In my first recipe, I used calamansi. Pero dito lemon naman ang ginamit ko. Masarap at talaga namang gaganahan kang kumain. Nang makita nga ng kapitbahay kong si Ate Joy na nagluto ako nito, ay nagpagawa din siya sa akin. CHICKEN CORDON BLEU Mga Sangkap: 5 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (cut each into half) 5 slices Square Sweet Ham (cut also into half) 5 slices of Quick Melt Cheese (cut into 2 inches long) Juice from 1 Lemon 3 cups Japanese Breadcrumbs 2 cups All Purpose Flour 2 Eggs beaten Cooking oil for frying Paraan ng pa...