PORK LIVER ADOBO with RED WINE


Isa pa sa mga paborito kong ulam ay itong pork liver steak or adobo. Kaya naman, nang may nakita akong fresh na atay ng baboy ay bumili agad ako ng 1 kilo. Isa lang ang nasa isip ko na gawing luto dito. Ito ay ang i-adobo. Pero para magkaroon ng twist, nilagyan ko ito ng red wine. Mas mainam na yung manamis-namis na red wine ang gamitin. At para magkaroon din ng citrus flavor, nilagyan ko din ito ng katas ng calamansi. Okay naman ang kinalabasan. Take note lang na huwag i-overcooked at titigas ang atay na niluluto ninyo.


PORK LIVER ADOBO with RED WINE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liver cut into cubes
1/2 cup Sweet Red Wine
1/2 cup Vinegar
1/3 cup Sweet Soy Sauce
4 pcs. Calamansi
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa kaunting mantika, igisa ang bawang sa kaunting mantika hanggang sa mag-golden brown.
2. Ilagay na agad ang atay, red wive, vinegar, soy sauce, katas ng calamansi, paminta, maggie magic sarap at kaunting asin.
3. Hayaan ng mga 3 minuto bago halu-haluin.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Gio said…
i never really liked liver no matter how it's cooked. pero gusto ko talaga ng homemade liver sauce para sa lechon, yun talaga yung masarap! haha iba talaga logic ko when it comes to this. kuya nakagawa na kayo ng rss feed mo? go to feedburner.google.com itype mo lang blog address mo at sila na gagawa ng feed mo. :)
J said…
Paborito ko yan (fried) liver nung bata pa ako... sawsaw sa toyo na may calamansi. Yummy
Hi Gio... di ko pa maasikaso yung sa feedburner...medyo busy din sa office at sa kung ano-ano pa. hehehehe

Yung Liver sauce for lechon din ang gusto kong gawin in the future. Ang mother ko and the best gumawa nun. Gumagamit ng toasted malagkit at pagkatapos ay ginigiling para isama sa pork liver. mas malapot at masarap nag lechon liver sauce.

Gusto ko rin gumawa ng pork liver pate. May nakuha na akong recipe. Abangan mo na lang.

Thanks Gio ha....
Mas masarap J yung inihaw na pork liver. Yung medyo may dugo-dugo pa. Mas masarap lalo na kung bagong ihaw. Yan ang ipinakakain sa amin pag bagong galing ka sa sakit. hehehe. Para daw bumalik ang lakas.

Thanks J....

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE