BRAISED PORK HOCK in APPLE & PINEAPPLE JUICE
Dun sa posting ko about our last company summer outing, nabanggit ko na nung pauwi na kami ay dumaan pa kami sa Royal Duty Free para bumili ng ilang pasalubong. Ako naman ay bumili din kahit kaunti at bukod sa ilang chocolates ay bumili din ako ng apple juice. May nabasa kasi ako na okay daw ito sa ating kidney kaya bili naman ako. Last Sunday, naka-bili ako ng sliced pork hock o pata ng baboy sa aking pag-go-grocery. Unang plano na luto na naisip ko ay ipaksiw. Pero komo nga nagba-blog ako, naisipan kong lutuin ito sa ibang paraan para naman may mai-post ako. At dito ko naisip ang apple juice na nabili ko sa duty free. Kahalo ang juice mula sa pineapple tidbits at apple juice, niluto ko ang pata hanggang sa lumambot. Masarap naman ang kinalabasan. Kung nadagdagan pa ang toyo at may star anise ito, para na rin itong pata tim. BRAISED PORK HOCK in APPLE and PINEAPPLE JUICE Mga Sangkap...