Posts

Showing posts from January, 2013

CELEBRATING OUR 15TH YEAR WEDDING ANNIVERSARY

Image
Nag-celebrate kami ng aking asawang si Jolly ng aming 15th Wedding Anniversary sa isang simple pero masayang araw. May work pa kasi ako pero nag-file ako ng halfday para kahit naman papaano ay makapag-celebrate kami.   Also, may Dance Concert ang panganay kong anak na si Jake sa kaniyang school sa Aquinas sa San Juan.   Minarapat naming mag-asawa na manood nito para naman kahit papaano ay maipakita namin ang aming suporta sa aming anak. Pagkagaling ko ng work, niluto ko na ang pwedeng kong lutuin para sa aming dinner bago kami pumunta ng school.   3 dish lang naman at 1 dessert ang ginawa ko.   Nagluto ako ng Shrimp, Crab and Aligue pasta, Roast Pork with Barbeque Sauce at Stuffed Bell Pepper. Wala naman kaming bisita na inimbita.   Gusto kasi ng aking asawa na maging intimate ang aming dinner na yun with ou kids.   Inilabas pa nga niya yung wine glass at yung cake knife na ginamit naming nung kasal.   Nak...

15 YEARS WITH MY LOVE ONES

Image
Bukas, January 31, exactly 15 years ay ipagdiriwang namin ng aking asawang si Jolly ang ika-15 taon ng aming kasal.  Masasabing kong ito ang isa sa mga mahahalagang araw sa aking buhay kung saan mula sa pagkabinata ay pumasok ako sa buhay may asawa at buhay pamilya. At katulad ng mga karaniwang pamilya, mayroon ding kaming ups and down sa aming pagsasama.   At nagpapasalamat ako sa Diyos at nalampasan namin ang mga panahon ng pagsubok at mga problema. Sa 15 taon na yun na lumipas, ang aking asawa at tatlo naming anak ang nagsisilbing pampalakas namin sa araw-araw.   Yun bang gusto mo nang maka-uwi agad at makita sila.   Natatandaan ko pa noon at kahit naman ngayon, bago kami matulog sa gabi, tinatanong nila kung ano ang ulam namin sa kinabukasan.   Hehehehe.   Kaya naman sinasarapan ko talaga ang aking mga niluluto at sa pamamagitan nito, mas naipapadama ko sa kanila ang aking pagmamahal. Mahal na mahal ko ang ak...

PINAKBET with LECHONG MANOK

Image
Lagi kong sinasabi na dapat di tayo nag-aaksaya sa ating mga pagkain.   Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon dapat lang na walang natatapong pagkain.   Kaya siguro marapat lang na matuto tayo mag-recycle sa mga tira-tirang pagkain.   Halimbawa, yung mga tira-tirang porkchops o liempo, wedeng hiwain yun ng maliliit at gawing pang-sahog sa mga gulay o kaya naman ay sa ginisang munggo.   Pwede din na igisa lang sa bawang, sibuyas at kamatis at saka lagyan ng binating itlog may open face omellet ka na. Ganun ang ginawa ko sa natirang pitso ng lechon manok na ulam namin nitong isang araw.   Wala nang pumansin sa pitso kaya ang ginawa ko, hinimay ko siya at ginawa kong pang-sahog sa aking nilutong pinakbet.   O di naging mas masarap pa ang gulay na aking niluto at nagustuhan ko namang talaga. PINAKBET with LECHONG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Breast part Lechong Manok 1/2 cup Bagoong Alamang Kalabasa (cut into cubes) S...

BONBON CHICKEN ala DENNIS

Image
May kinakainan kaming isang Japanese resto na may Pinoy touch malapit lang dito sa office na ang pangalan ay Manila Maki.   Mga Japanese food ang sine-serve nila na may Pinoy flavor.   Halimbawa yung isang nai-post ko na na ang tawag ay Karikatsu, tonkatsu siya na may kare-kare sauce.   Yung mga maki nila ay ganun din.   May mga flavor sila na inilagay na pinoy na pinoy talaga ang lasa. Isa sa mga dish nila na gustong-gusto ko ay yung Bonbon Chicken nila.  Gusto ko yung gayahin kaso nung tinitingnan ko na sa net ang recipe, iba naman yung lumalabas na dish although yun din ang tawag nila.   So naisipan ko na lang na gumawa ng sarili kong version.   Hindi naman ako nabigo, medyo malapit dun sa natikman ko itong version na ginawa ko.  Try nyo din po. BONBON CHICKEN ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Filet (cut into bite size pieces) 5 pcs. Calamansi 2 thumb size grated Ginger (just need the juic...

RED PORK SINIGANG - With TOMATO SAUCE?

Image
Yes.  Tama ang basa ninyo sa pangalan ng recipes natin for today.   Red Pork Sinigang.   Napanood ko lang ito sa isang commercial ng isang sikat na tomato sauce product.   Nag-dalawang isip talaga ako bago ko ito sinubukan.   Pero sa isip ko lang, hindi naman siguro maglalabas ng ganitong commercial kung hindi tried and tested yung recipe.  Isa pa, nilalagyan naman talaga natin ng kamatis ang ating sinigang, so pepwede talaga. Actually, sinigang talaga siya sa sangkap at paraan ng pagluluto.   Ang pagkakaiba lang talaga ay yung paghahalo ng tomato sauce habang pinapakuluan ang karne.  Sa pamamagitan nito nagkukulay pula ang sabaw ng ating sinigang. Pero wag ka, ang dating masarap nang pork sinigang ay mas lalo pang sumarap.  Try nyo din RED PORK SINIGANG - With Tomato Sauce? Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (cut into cubes) 1 tetra pack Tomato Sauce 1 sachet Sinigang sa Sampaloc Mix 2 pcs. Kamatis (qu...

CREAMY BEEF SHORTRIBS with BUTTON MUSHROOM

Image
May mahigit 1 kilo ako ng beef shortribs sa fridge.   Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito.  Kung sasabawan ko naman kako parang lagi na lang nilagang baka.  Hindi pa rin ako maka-decide so inilaga ko muna yung karne at saka na lang ako nag-isip na pwedeng lutong gawin. Finaly, napag-desisyunan kong lagyan na lang ito ng button mushroom, cream at dried basil.   Maganda sa dish na ito ay yung inilagay kong sabaw na pinaglagaan ng baka.   Malasa yung sabaw komo may buto-buto yung beef.   May natira pa nga na gagawin ko kakong soup sa isang araw. Pwede nyo ding lutuin ito gamit ang laman ng baka.  Hindi na kailangan ilaga ang karne kundi ditesong gisa na.  Yun lang maghihintay ka pa ring lumambot ang karne bago mo mailagay ang cream at button mushroom.   Winner pa rin ito at sulit ang tagal ng pagluluto. CREAMY BEEF SHORTRIBS with BUTTON MUSHROOM Mga Sangkap: 1.2 kilo Beef Shortribs (cut ...

CRISPY PORK STEAK with HONEY-PINEAPPLE SAUCE

Image
Ang original na itatawag ko sana sa dish na ito ay Tonkatsu with Honey-Pineapple Sauce, pero nung mapanood ko sa commercial sa tv yung bagong product ng Jollibee, naisip ko bakit hindi yun ang itawag ko dito.   Ito ngang Cripsy Pork Steak. Hindi ko pa nata-try ang bagong product na ito ng Jollibee, pero sa tingin ko ay isa lang itong simpleng pork dish na nilagyan ng breadings, pinirito at may espesyal na sauce.   Barbeque I think is good for this dish.   Pero itong ginawa ko, honey at pineapple na may oyster sauce naman ang ginawa ko.   Masarap siya.   Parang yung isang dish na kinain namin sa isang Chinese Restaurant sa Glorietta.   Masarap talaga ito at nagustuhan talaga ng mga anak ko. CRISPY PORK STEAK with HONEY-PINEAPPLE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Butterfly Cut Pork 2 cups Japanese Breadcrumbs 1 cup All Purpose Flour 2 pcs. Eggs (beaten) 2 tbsp. Mirin Salt and pepper to taste For the sauce: 1 small can...

FLYING TINOLA with SOTANGHON

Image
Natatawa ba kayo o nagtataka sa dish natin for today?   Hehehehe.   Actually, ginamit ko lang yung word na 'flying' kasi pakpak ng manok ang ginamit ko sa tinola dish na ito.   Hehehehe.   Yes, simpleng tinolang manok lang ito pero nilagyan ko syempre ng twist.   Bukod sa sotanghon nilagyan ko din ito ng achuete oil.   Nakadagdag ito flavor at mas naging katakam-takam ang inyong tinola kapag ganitong may kaunting kulay.   Di ba ang laki ng pagkakaiba? Ang tinolang manok marahil ang isa sa mga soup dish na tanyag sa ating lahat.  Pwede ko sigurong masabing next ito sa paborito ng lahat na sinigang.   Katulad ng sinigang napaka-flexible ng dish na ito.   Pwede mo itong lagyan ng kung ano-ano pa para sumarap.  Remember yung tinola ko na nilagyan ng pakwan?   Sabi nga, hindi tayo dapat matali sa nakagawian na.   Try to experiment.   Dun naman tayo natututo d...

LUMPIANG SHANGHAI - Budget Ulam

Image
May ilang recipes na rin ako nitong Lumpiang Shanghai sa archive.   Actually, hindi yung recipes ang gusto kong i-punto sa posting kong ito, kundi ang pagiging budget friendly nito at yung kung papaano pa ito mai-improve sa lasa at sa pagluluto. Budget friendly, kasi naman kahit half kilo lang ng giniling ang gamitin mo, marami ka nang lumpiang magagawa.   Samahan mo lang ng iba pang malalasang sangkap ay ayos na.   Ilagay mo na lang sa isang container at ilagay sa freezer, ilabas mo lang kung lulutin mo na. Para ma-improve at mas lalong maging masarap, haluan ito ng mga sangkap na malalasa kagaya ng kinchay at red bell pepper.   Pwede mo ding haluan ng longanisa o kaya naman ay tinapa.   Kung gusto mo mo naman ay cheese o bacon.   Kung baga, endless ang pwede mo pang ihalo sa lumpia. Sa pagluluto, mas mainap na i-freezer muna ito bago lutuin.   Putulin ng mga half inch ang haba saka prituhin.   Natu...

CHICKEN HAMONADO ROLL

Image
Ang hamonado ang isang ulam na madalas natin nakakain sa mga handaan kagaya ng fiesta, kasalan o binyagan man.  Isang dish ito na karne ng baboy ang ginagamit at niluluto sa pineapple juice at iba pang sangkap.   Pangkaraniwang niro-roll ito at pinapalaman ng hotdog ang iba.   Masarap talaga ito lalo na kung mas matagal ibinabad ang karne sa pineapple juice. May nagawa na din akong chicken version nito sa archive pero hindi ko ito ni-roll at mga thigh part ng manok ang aking ginamit.   Hit na hit ito sa aking pamilya kaya naman ginawa ko na ang naka-roll na version nito.   At ito na nga ang entry ko for today.   Isa lang ang negative comment ng aking asawang si Jolly sa dish na ito.   Sana daw ay yung regular size lang ng hotdog ang aking ginamit.   Jumbo kasi yung available sa fridge at yun nga lang ang nagamit ko.  Ang nangyari, parang naaagaw ng hotdog ang lasa ng hamonado.   pero okay lang...

INIHAW NA BANGUS with EXTRA SPECIAL STUFFINGS

Image
Marami na akong nagawang version o flavor ng Inihaw na Bangus, pero masasabi kong ito ang the best sa lahat.   Bakit naman?   Lagyan mo ba naman ng ham, red bell pepper, olive oil at quick melt cheese, papaanong hindi ito sasarap.   Kasama pa ang hiniwang kamatis at sibuyas, winner sa lahat ng inihaw na bangus ang isang ito. Nung ginawa ko ang version na ito, ang nasa isip ko ay yung chicken cordon bleu.   Di ba ipinapalaman yung ham at cheese sa chicken fillet at saka pini-prito?   Tamang-tama naman dahil may mga natira pa akong ham at quick melt cheese nitong nakaraang pasko kaya yun ang idinagdag ko sa sibuyas at kamatis na ipapalaman. Kaya kung nag-iisip kayo ng fish dish na masarap at espesyal talaga ang dating?   Try nyo ito.   Hindi kayo mapapahiya.   :) INIHAW NA BAGUS with EXTRA SPECIAL STUFFINGS Mga Sangkap: 2 pcs. medium to large size Boneless Bangus Ham (cut into small cubes) Red bell P...

PORK STEW in PIZZA SAUCE

Image
Remember my Pizza Roll na ginawa nung New Years day?   Yup.  May natira pang pizza sauce at quick melt cheese dahil kakaunti lang ang fita bread na nabili ko.   (Mahal kasi eh....hehehehe) Yung mga tira-tira na yun ang naisipan kong ilagay sa 1 kilo ng pork cubes na nabili ko.   Actually, para din siyang pork afritada pero nag-level up.   Imagine pork dish na lasang pizza..hehehe.   Tiyak kong magugustuhan ng inyong mga anak kagaya ng mga anak ko.   And para sa mga adult naman, lagyan lang ng slice chili o siling pang-sigang at konting onion rings...Yummy!!!! PORK STEW in PIZZA SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (adobo cut) 3 tbsp. Vinegar 3 tbsp. Soy sauce 1 tetra pack Del Monte Pizza Sauce (Italian style) 1/2 cup grated Quick Melt cheese 1/2 tsp. Dried Basil leaves 3 tbsp. Olive oil 2 pcs. medium size Tomatoes (sliced) 1 medium size Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic 2 pcs. Medium siz...

SHRIMP CHOP SUEY

Image
After ng napakaraming kainan at party nitong nakaraang holidays season, at alam kong umay na umay na tayo sa mga karne at di-sarsang pagkain.   Mainam siguro na mag-isda naman tayo o gulay na pagkain sa ating mga pang-ulam.   Yes, mainam ang mga gulay lalo na yung rich in fiber sa pagdi-ditox o paglilinis ng ating mga bituka.  Lalo na kung matataba nga ang ating mga kinain, mainam na mag-gulay naman tayo o prutas. Yun agad ang naisip ko (ang magluto ng gulay) nang makita ko itong fresh na hipon sa supermarket.   Bumili ako ng 1/2 kilo at yun kako ang isasahog ko sa shrimp chopsuey na nabili ko. One thing more, ang gulay na ginamit ko dito ay yung nabibili na naka-pack na sa supermarket.   Mas mapapamahal kasi kung isa-isa mo itong bibilhin.   Ok ito at tamang-tama lang sa dami ng kailangan kong lutuin.   Yummy!!! SHRIMP CHOP SUEY Mga Sangkap: 1/2 kilo Hipon (alisin ang ulo at balat) 1 pack Fresh Mixed Veget...

BEEF MORCON ng aking ATE MARY ANN

Image
Ang Beef Morcon ang isa sa mga espesyal na pagkaing inihahanda sa mga kasal, binyag o pistahan sa amin sa Bulacan.   Espesyal komo karneng baka ang pangunahing sangkap nito at medyo mahaba ang proseso nito sa pagluluto.   Hindi ako ang nagluto nito kundi ang aking kapatid na si Ate Mary Ann.  Handa namin ito noong nakaraang Bagong Taon.   But ofcourse, the best pa rin ang aking Inang Lina sa pagluluto nito...hehehehe. Hindi ko pa na-try na magluto ng Beef Morcon pero pork and chicken at nakagawa na ako.   Pareho lang naman ang mga sangkap at pamamaraan ng pagluluto.   Medyo matagal nga lang ang sa beef komo may katigasan ang karne nito. Maraming beses ko nang nakita ang aking Inang Lina nung nabubuhay pa siya kung papaano ito niluluto at yun ang i-she-share ko sa inyo. Nga pala, ang beef morcon na yan na nasa pict ay ipinabaon ng aking mga kapatid nung new year na bumalik na kami ng Manila.  Sarap talaga...hehehehe ...

HAPPY 4TH YEAR ANNIVERSARY sa LAHAT!!!!

Image
WOW!  Parang kailan lang nang inumpisahan ko ang Food Blog kong ito.   Parang kailan lang na pabasa-basa lang ako ng mga paborito kong food blog, pero 4 years na pala na ako na ang nagpo-post ng aking mga niluluto sa sarili kong food blog. Napakaraming nangyari sa akin sa food blog kong ito nitong nakaraang taon.   At nais kong pasalamatan kayong lahat na taga-subaybay ko mula sa aking puso.   Kung hindi dahil sa inyo, hindi marahil ako magtatagal sa pagpapatuloy sa food blogging kong ito. Unang nangyari ay nung maimbitahan ako ng mga estudyante ng De la Salle University sa Taft Ave. Manila para maging speaker ng isang org nila. Pangalawa ang pag-reach ko sa aking ika-1,000 na post.   Big deal sa akin ito dahil halos lumalabas na nakakapag-post ako almost everyday mula nang mag-start akong mag-blog. Pangatlo ang paglakas ng traffic sa mga bumibisita sa blog kong ito.   At dahil dito, nakatanggap na din ako ng payments mula sa Goo...

MEATY MAC and CHEESE

Image
Nagko-collect din ba kayo ng mga recipes mula sa mga label at karton ng mga can goods at sauces?   Minsan sa mga food magazines din o kaya naman ay dito nga sa net?   Ako isang malaking YES.   Pero madalas tinatandaan ko na lang pero kung medyo maraming sangkap, kino-collect ko talaga o pini-print na lang ito.   Ginagawa ko ito lalo na kung interesting ang recipe ng dish at kung available yung mga sankap na gagamitin. Sa label ng isang sauces ko nakuha ang recipe ng pasta dish na ito.   Ofcourse nilalagyan ko din ng mga twist para naman mas lalo ko pang mapasarap ang dish.   Kagaya ng chopped parsley na inilagay ko dito.   mas lalong nadagdagan ng flavor ang aking niluto.   At gumanda din ang presentation ha.   hehehehe MEATY MAC and CHEESE Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according to package direction) 300 grams Bacon (cut into bite size pieces) 2 tetra pack Del Monte Cheesy...

SQUID and BROCCOLI in OYSTER SAUCE

Image
Sa dami nang klase ng pagkain na nakain natin nitong nakaraang holiday, parang ang hirap mag-isip kung ano ang masarap na mai-ulam sa bahay.   Parang nakaka-umay na ang mga karne at manok.   Kaya nga parang mas masarap pa ang tuyo o pritong isda na may kasamang gulay. Ang hirap naman, bakit ang mahal ng isda at gulay ngayon?   Komo alam nila (nagtitinda) na umay na tayo sa karne at manok?   hehehehe.   Sa panahon nga siguro yan.   hehehe Kaya eto, isang seafood and vegetable dish naman ang handog ko sa inyo.  Hango sa sikat kjong beef broccoli in oyster sauce, squid version naman ang isang ito.   At wag ka, masarap at nakaka-alis ng umay ang dish na ito.   Try it! SQUID and BROCCOLI in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo medium size Squid (linising mabuti at hiwain into rings) 3 tbsp. Oyster Sauce 300 grams Broccoli (cut into bite size pieces) 1 thumb size Ginger (sliced) 5 cloves minced Ga...

MELON and APPLE SALAD

Image
Tuwing sasapit ang Bagong Taon, alam ko marami sa atin ang sumusunod sa kaugalian na maglagay ng ibat-ibang klaseng prutas sa ating hapag kainan.   May nagsasabi na 12 klase, yung iba naman ay 13.   Isa na kami sa mga gumagawa nito.   Pero bihira siguro na nakukumpleto ko ang bilang ng klase ng prutas.   May kamahalan kasi ito kapag ganitong panahon.   I think for this year 9 na klase lang ang nabili ko. Alam ko din na matapos ang bagong taon, marami ang nakabulukan ng mga prutas na ito.   Hehehehe.   Bakit naman hindi?   Sa dami pa ng pagkain na ating inihanda, hindi natin alam kung alin ang unang kakainin natin. Sayang naman di ba?   Lalo't sa panahon ngayon, it's a NO NO ang mag-aksaya ng pagkain.   Kaya nang makita ko itong mga prutas na nabili ko na nagkakroon na ng bakas ng pagkabulok, ginawa ko na agad itong fruit salad para hindi masayang.   Tamang-tama naman at ma...

PIZZA ROLL ala DENNIS

Image
Ito ang isa sa dalawang dish na ginawa nitong nakaraang new year.   Yung isa ay Crab Salad Spring Roll and ito ngang Pizza Roll.   Breakfast of January 1, 2013 namin itong kinain.   Di ba nga sa sa reunion party ng aming pamilya kami nag-media noche? Konti lang ang ginawa kong pizza roll komo alam kong marami pang pagkain at busog pa sa party ang aking mga kasambahay.   Pero wag ka, naubos lahat ng ginawa kong pizza roll na ito.   At sabi nga ng aking Tiya Ineng, masarap daw at parang yung nakain niya nung nasa Dubai siya. Try nyo ito.   Masarap siyang pang-snacks o kaya naman ay pampagana.   Nasa sa inyo na pala kung ano-anong toppings o sahog ang ilalagay nyo sa inyong pizza roll. PIZZA ROLL ala DENNIS Mga Sangkap: 10 pcs. Whole Wheat Tortilla Wrap 1 tetra pack Italian Pizza Sauce 1 pack Sliced Pepperoni 1 bar Quick Melt Cheese Fresh Basil Leaves Olive Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pa...

PEACH MANGO FLOAT

Image
Ito ang dessert na ginawa ko nitong nakaraang Noche Buena namin sa Batangas.   Peach and mango Float.   Yung peach mango pie ng Jollibee ang naging inspirasyon ko sa masarap na dessert na ito.   Madali lang itong gawin at walang cooking involve. Pero kahit simple ang mga sangkap at paraan ng paggawa nito hindi naman tipid ito sa lasa.   Sa katunayan nagustuhan ito ng aking mga anak.  PEACH MANGO FLOAT Mga Sangkap: 2 packs Graham Cracker 1 big can Peach in syrup (sliced) 1 kilo Mango (sliced) 3 tetra brick All Purpose Cream 2 tetra brick Condensed Milk Paraan ng pag-assemble: 1.   I-chill muna ang all purpose cream at condensed milk. 2.   Sa isang bowl paghaluin ang all purpose cream at condensed milk. 3.   Sa isang square dish, ihilera lang sa base ang graham cracker. 4.   Lagyan ito ng pinaghalong cream at milk at saka hilerahan ng hiniwang mangga. 5.   Gawin lang ulit ang #3 at 4 alte...

CALIFORNIA MAKI ala DENNIS

Image
Ito ang isa pang dish na inihanda ko nitong nakaraan naming Noche Buena.  California Maki. Paborito ko itong Japanese food na ito.   Kaya naman basta mayroon nito sa mga buffet table, ito agad ang una kong kinukuha at kinakain.   First time ko pa lang mag-try na gumawa nito.   At masasabi kong hindi naman malayo sa totohanang maki ang aking nagawa.   Hehehehe.   Siguro ang medyo sablay lang sa ginawa kong ito ay yung kutsilyo na ginamit ko.   Dapat ay yung matalas talaga para maganda ang kalabasan sa pagkahiwa. Nakakatuwa dahil masarap ang kinalabasan ng aking ginawa.   Kahit ang aking asawang si Jolly ay natuwa sa nagawa kong California Maki na ito. CALIFORNIA MAKI ala DENNIS Mga Sangkap: 2 cups Japanese Rice 3 tbsp. Mirin 1 tsp. White Pepper powder Crab Sticks Ripe mango (cut into strips) Nori Sheets Cucumber (cut into strips) Fish Roe Wasabi Japanese Mayo Sushi Soy Sauce Calamansi Mg...

CELEBRATING NEW YEAR in MY HOME TOWN

Image
Every year, tuwing bisperas ng Bagong Taon, ang lahat ng aking kapamilya sa father side sa Bocaue Bulacan ay nagkakaroon ng party bilang pagsalubong sa bagong taon.   Matagal na namin itong ginagawa.   Ginagawa namin ito para hindi antukin habang hinihintay ang ang pagsapit ng bagong taon.  Bago ang party party, dumalo muna kami ng aking pamilya sa isang misa.   Ito ay bilang pasasalamat na din sa nakaraang taon at pagdalangin ng isang mabiyayang bagong taon.  Pagkatapos ng aming pagsisimba ay diretso naman kami sa bahay ng aking Tiya Lagring para sa isang salo-salo. This year, ang mga katandaan ang punong abala sa paghahanda ng kakainin at ng mga gagawin para sa party.   Last year pala ay ang mga kabataan naman.  Marami ang pagkain na aming pinagsaluhan.   Una na dito ay itong Yang Chow Fried Rice.  Mayroon ding Chicken Barbeque Fish Fillet with Mayo-Garlic Sauce Pork Asado Halabos na ...