Posts

Showing posts from March, 2013

SI HESUS ay NABUHAY! HALLELUIA..HALLELUIA!!!

Image
ISANG MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY SA ATING LAHAT!!!! Nawa ang biyaya at pag-asa ng nabuhay na si Hesus ay sumaating lahat mula ngayon at sa araw-araw ng ating mga buhay.  AMEN

Si HESUS ay NAMATAY para sa ATING LAHAT

Image
Biyernes Santo na naman.   Ito ang araw kung saan inaalala natin taon-taon ang paghihirap at pagpapakasakit at kamatayan ng ating Panginoong Hesus para tubusin ang ating mga kasalanan. Tingnan mo ang kanyang mga mata sa larawan habang nakapako sa krus.   Kay mo ba siyang tingnan sa kanyang kalagayan na yan? Sana'y maging makabuluhan para sa ating lahat ang Kanyang ginawa para sa ating lahat. AMEN

HUWEBES SANTO: ISANG PAGNINILAY.....

Image
Hindi ko na matandaan kung anong year nung mangyari sa akin ang isang karanasan na hindi ko malilimutan habang ako ay nabubuhay.   Ang pangyayari na nagbigay sa akin ang magandang aral na hanggang ngayon ay akin pa ring ginagawa. Maraming tao ang ginagawang outing o pagkakataon na magbakasyon ang mga mahal na araw.   Marami ay nagpupunta sa mga beach o yung iba naman ay nag-a-out of the country pa.   Katulad din noong magyaya ang aking mga kaopisina na mag-bakasyon sa La Union at Baguio. Miyerkules Santo ng umalis kami ng Maynila.   Gamit ang isang ford pierra na sasakyan, dumiretso kami ng San Fernando, la Union para sa una at pangalawang araw ng aming bakasyon.   Kina-Biyernesan o Biyernes Santo, umakyat naman kami ng Baguio.   Marami ding tao sa Baguio nung mga panahong yun...mga nagbabakasyon din. Sa bandang hapon tumulak na kami pauwi pabalik ng La Union.   Tinahak namin ang Marcos Highway.   Da...

RESTAURANT STYLE FRIED CHICKEN

Image
Tayong mga magulang, we always wants the best for our children lalo na sa mga pagkaing kinakain nila.  Ako as much as possible, lutong bahay ang pinapakain ko sa kanila sa araw-araw. Pero minsan mahirap din ang ganito lalo na kung pareho kayo ng inyong asawa na nag-wo-work.   Kaya ako madalas niluluto ko na sa umaga yung pangulam namin sa gabi para hindi ako ngarap o rush sa pagluluto ng dinner. Malaking tulong din ang mga available na sauces at marinade mixes sa mga ganitong pagkakataon.   Halimbawa kung gusto ng mga anak nyo ng fried chicken na parang Jollibee ang dating o yung mga nakakain natin sa mga restaurant. To the rescue itong Fried Chicken Mixes ng Del Monte (walang bayad ito ha...free advertisement ito...hehehe).  Kumpleto ng pang-marinade at pati na din ang gravy na sawsawan.   Masarap talaga at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga anak.   Ty nyo din po. RESTAURANT STYLE FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 1 whole C...

JAMES GRADUATION DAY TREAT

Image
Last Saturday March 23 ay nag-graduate sa Elementary ang pangalawang kong anak na si James.   Nagkaroon ng misa sa umaga at 4pm naman ng hapon ay ginanap ang graduation proper. Nagpapasalamat ako sa Diyos at nairaos namin ng aking asawa kahit papaano ang kanyang 6 na taon na pag-aaral sa elementarya.   At eto isang panibahong hamon naman ang pagpasok niya sa Grade 7 o high school. Bilang treat na din namin sa aking anak, ay dinala namin siya after ng graduation sa isang restaurant sa Shangri-la Plaza sa may Crossing ng Mandaluyong City.  Gusto sana niya ay isang buffet na dinner kaso wala kaming mahanap na resto. Pinili na lang niya itong isa resto na nagse-serve ng mga steaks, ribs at burgers.   Ang Tender Bob's (Uy!   free advertisement ito ha...hehehehe) Inumpisahan namin ang aming pagkain sa isang fresh green salad na may mango, shrimp at crab sticks.   Masarap siya at nagustuhan ko talaga ang dressings. Su...

LINGGO ng PALASPAS

Image
Ngayong araw ay ang Linggo ng Palaspas.   Sa mga Kristyanong Katoliko na tulad ko, ito ang simula ng mga Mahal na Araw o ang linggo ng pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesus para tubusin tayo sa ating mga kasalanan. Noong araw natatandaan ko, Sabado pa lang bago mag-palaspas ay busy na kami para gumawa nga ng palaspas.   Ito ay mula sa murang dahon ng puno ng niyog na nilalagyan pa ng dekorasyon at dinadala sa simbahan para mabendisyunan. Ganito din ang ginawa ng mga naunang tao noong panahon ni Hesus.  Noong magsimula ang kanya sakripisyo para sa atin, pumasok siya sa Herusalem sakay ng isang asno at sinalubong siya ng maraming tao na may dalang mga dahon at tangkay ng puno at iwinawasiwas habang dumadaan si Hesus.   Ang iba naman ay naglalatad ng kanilang mga balabal sa daraan ni Hesus.   Ito ay pagpapakita ng mga taong yun ng kanilang paggalang at pagpupuri sa inaasahan nilang Mesias. At sa Linggo ng Palaspas na ito, ipakita din natin...

BEEF KARE-KARE with COCONUT MILK

Image
  Isa sa mga paborito kong dish ay itong kare-kare.   Gusto ko kasi yung sarap ng sauce nito at yung sinasabayan mo pa ng bagoong alamang.  Hindi kumpleto para sa akin kare-kare kung walang bagoong.   Hehehehe. Sa panahon ngayon madali na ang pagluluto ng kare-kare.   Marami na din kasing kare-kare mix na available sa market ngayon.   So igisa at palambutin mo lang yung karne o manok na ihahalo at ilagay mo ang mix na ito ay meron ka nang masarap na kare-kare. Bagamat ganun lang kasimple ang pagluluto nito, yung iba ay nilalagyan ng twist para mas lalo pang mapasarap ang sauce nito.   Kagaya ng aking Tiya Ineng sa Bulacan, nilalagyan niya ng gata ng niyog ang sauce at tunay nga na mas lalo pa itong sumarap. Ganun ang ginawa ko sa Beef Kare-kare na ito na niluto kong nitong nakaraang araw.   Instant kare-kare mix din lang ang ginamit ko at pagkatapos ay nilagyan ko ng kakang gata.   At lalo ngang ...

LUMPIANG SINGKAMAS

Image
Kapag ganitong panahon ng mga Mahal na Araw o Semanta Santa, nangingilin talaga kami o umiiwas muna sa pagkain ng karne lalo na kung araw ng Biyernes.   Well, okay na din ito, bukod sa healthy naman ang mga gulay makakaiwas ka pa sa taba ng karne na masama sa ating katawan.   Hehehehe At sa mga panahon ding ito ay sagana ang mga pagkain kagaya ng singkamas.  Ayos na ayos ito na papakin o i-snacks lalo na sa init ng panahon.   Matubig kasi ito at nakakabusog din sa mga nagda-diet.   hehehehe. Itong agad Lumpiang Singakamas ang naisip kong gawin sa isang tali ng singkamas na nabili ko nitong isang araw.   Taman-tama kako at diet kami sa karne.   Ang ginawa ko na lang, sinahugan ko ito ng tokwa at yung natirang steamed chicken na niluto ko.   Masarap ang lumpiang ito.   Lalo na kung may maraming dinikdik na mani at bawang ang sauce...hehehehe LUMPIANG SINGKAMAS Mga Sangkap: 3 pcs. large size Sing...

A NIGHT with GOOD FRIENDS and GOOD FOOD

Image
Last March 13, 2013, naka-received ako ng call mula sa aking matalik na kaibigan na si Shiela.  Dumating daw from California ang amin ding kaibigan na si Tukayong Dennis (katabi ko in black t-shirt) at Rizza (third from left) at gusto magkita-kita kami para sa isang dinner.  Sila pala ay aking mga matalik na kaibigan na matagal-tagal na din na din kami nagkikita-kita.   Dati ko silang mga officemate na naging kasama din sa apartment na aming tinutulyan.   Malalim ang aming pagkakaibigan kaya naman talagang sabik na sabik kami sa isat-isa sa mga balita na na miss namin. Sa Yakimix sa Mall of Asia napagkasunduan na magkita-kita.   Late na kami nakadating dahil dinaanan ko pa ang aking asawang si Jolly sa kanyang work at sobrang traffic talaga that night.  Dumating kami at nagde-dessert na sila.   Kaya naman humabol na lang kami ng kain ng kwentuhan. Ang picture sa taas ang aming mga first ladies.  From left ay si Rizza...

SARCIADONG GALUNGGONG

Image
Noong araw natatandaan ko pa sa aming probinsya sa Bulacan, kapag ganitong paprating ang mga Mahal na Araw, marami ang nagpapabasa ng Pasyon.   Sa pagpapabasa, nagpapakain din ang sponsor sa mga tao.   May mga pamilya din na nagpapabasa at yung iba naman ay mga kapisanan. Natatandaan ko pa, kung hindi man dun sa kapilya kami nakikikain ay humihingi na lang kami ng ulam na handa nila.  Ang tawag dun sa paghingi ng pagkain ay pangangariton.   hehehehe.   Masaya ang naging kaugaliang ito.   Hindi lamang nagkakaroon ng pagutulong-tulong, may pagbibigayan din. Komo nga mga Mahal na Araw ito, madalas na pagkaing inihahanda ay gulay at isda.   Madalas din ay itong sarciadong isda o galunggong ang niluluto.   Okay naman.  Isa ito sa ga paborito kong luto sa pritong isda.   Kaya naman nitong nakaraang Biyernes (nangingilin din kami sa pagkain ng karne) ay ito nga ang aking niluto para sa aming hapuna...

STEAMED CHICKEN in GINGER, MIRIN and SESAME OIL

Image
May ilang steamed chicken recipes na din ako sa archive at marami sa mga ito ay nilagyan ko ng mga herbs and spices.   This time, mga sauces naman ang ginamit ko para magpa-angat pa sa flavor ng manok.  Gusto ko kasi ay huwag masyadong ma-over-power ng herbs yung lasa ng manok. Nito ko lang na-discover ang pag-gamit ng mga Chinese at Japanese sauces and oils.   Masarap nga ito at nagbibigay ng kakaibang lasa ang mga lutuin.   Kaya ito ang naisip kong gamitin dito sa steamed chicken na niluto ko.   Para din lang siyang Hainanese Chicken.   Try nyo din po. STEAMED CHICKEN in GINGER, MIRIN and SESAME OIL Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into half) 2 tbsp. grated Ginger 4 tbsp. Mirin 1 tbsp. Sesame Oil 3 tbsp. Sashimi  Soy Sauce or ordinary Soy sauce Salt and pepper to taste Chili Garlic Sauce Paraan ng pagluluto: 1.   Hugasang mabuti ang manok at kiskisan sa paligid at kaloob-looban ng manok ang pinagh...

CHICKEN CURRY - Coconut Milk or Evaporated Milk?

Image
Tuwing umaga habang naghahanda ako sa pagpasok sa opisina, nanonood ako ng morning show na Umagang kay Ganda.   Bukod sa news, yung portion tungkol sa pagluluto ang gustong-gusto kong panoorin.   Marami kasi din akong natututunan dito at may mga tips din sila na ibinibigay. Nitong nakaraang araw, nagluto sila ng fried tilapia na may curry sauce.   Isa sa mga tip nila ay kung evaporated milk ang ilalagay sa sauce ng curry o yung coconut milk.   Pwede naman daw kahit alin, although mas malasa at masarap kung gata ng niyog an ilalagay.   Sa mga asian countries kagaya ng Pilipinas, gata ang madalas isama sa lutuin na may curry.   Sa mga bansa naman sa Amerika o Europa, cream o evaporated milk naman ang nilalagay. Sa chicken curry dish na ito na niluto ko, evaporated milk ang ginamit ko, nakalimutan ko kasing bumili ng gata ng niyog sa palengke.  Pero okay lang, masarap naman din ang kinalabasan ng aking chiken curry na i...

GARLIC BANGUS ala JOLLIBEE

Image
Tuwing dumarating ang mga panahon ng Mahal na Araw, maging ang mga restaurant o mga sikat na fastfood ay naglalabas o nag-o-offer ng mga pagkain na hindi karne nha tamang-tama sa panahon.  May mga Tuna Burger o kaya naman ay tuna Steak.   Ang Jollibee, mayroon naman sila nitong Garlic Bangus Steak.   I think fried daing bangus siya na nilagyan ng barbeque o steak sauce at binudburan ng toasted garlic bits.   Sa picture pa lang ay mukhang masarap na talaga ang fish dish na ito. Sa totoo lang, hindi ko pa na-try kainin ito sa Jollibee kaya di ko masasabi na nagustuhan ko o nasarapan ako.   Ang ginawa ko na lang ay ginaya ko ito sa bahay sa nabili kong 2 pirasong boneless na daing na bangus.   Nagustuhan ko ito at maging ang aking mga anak.   Ito ang sinasabing nangingilin ka sa karne, pero hindi sa sarap ng kinakain.   hehehehe.   try nyo din po. GARLIC BANGUS ala JOLLIBEE Mga Sangkap: 2 pcs. Bon...

GINISANG AMPALAYA na may SARDINAS

Image
Hindi ganun karami ang kumakain ng ampalaya.   Siguro dahil sa pait na lasa nito. hehehe  Pero ako (komo diabetic...hehehe)   kahit noong bata kami ay kumakain naman kami nito.   Pangkaraniwang luto nito ay guisado na hinahaluan ng hipon o kaya naman ay karneng baboy.   Yung iba, hinahaluan lang ito ng binating itlog at yun na.  Ayos na ayos ito na may kaulam na piniritong isda.   Tama para sa mga Mahal na Araw. Nitong huling beses na nagluto ako ng ampalaya, itlog lang din sana ang ilalahok ko.   Pero nung nakita ko yung natirang ginisang sardinas na ulam namin nung breakfast, naisip ko na bakit hindi ko ito ihalo nga sa ampalaya para hindi masayang.   At yun nga, nito ko lang nalaman na masarap din pala ang sardinas sa ampalaya. GINISANG AMPLAYA na may SARDINAS Mga Sangkap: 1 pc. medium to large size Ampalaya (sliced) 1 small can Sardines in tomato sauce 1 medium size Tomato (sliced) 1 medium s...

FRIED CHICKEN ADOBO

Image
Maraming beses ko nang sinubukan na gayahin ang adobo ng aking Inang Lina pero hindi ko talaga magawa.   Ewan ko, iba talaga ang sarap at lasa ng adobo ng aking Inang.   Kahit ang aking mga kapatid ay hindi matuluran ito kahit pa gayahin kung papaano niya ito niluluto noon. Ang adobo ng aking Inang ay yung kakaunti lang ang sauce.   At ang ginagawa pa niya, after na maluto ito ay pinipirito pa  niya.   Pagkatapos i-prito, ibabalik ulit niya yung sauce at hahayaan pa na mababad pa ito sa sauce.   Yummy talaga. At ganun ang ginawa kong luto sa chicken adobo na ito na niluto ko nitong nakaraang araw.   Niluto ko siya sa pangkaraniwang luto ng adobo at saka ko siya pinirito.   Hindi man kahalintulad ng adobo ng aking Inang, masarap din ito at para na ding naaalala ko ang kanyang luto. FRIED CHICKEN ADOBO Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1/2 cup Vinegar 2/3 cup Soy Sauce 2 pcs....

PORK BROCCOLI

Image
Ang Beef Broccoli ang isa sa mga top viewed recipe dito sa food blog kong ito.   Bukod sa beef, nakagawa na din ako ng ganito gamit naman ang manok.   Masarap naman lahat ang kinalabasan kaya hindi na ako magtataka kung ang pork version nito ay masarap din. Ganun ang ginawa ko sa 1/2 kilo ng pork na nabili ko na hiwa na nang maninipis.   Yung parang pang-tocino na ang hiwa.   Yung luto na yun agad ang naisip ko nang makita ko ang thinly sliced pork na ito na bili ko nitong huling beses akong mag-grocery. Tamang-tama din naman at hindi naman ganun kamahal ngayon ang broccoli.   Bumili ako ng 1 head na nagkakahalaga ng P65 pesos.   Ayos-na ayos kako ito sa 1/2 kilo ng pork na lulutuin ko.   Nakakatuwa dahil hindi ako nabigo na inaasahan kong lasa ng dish na ito.  Masarap, malasa at mapapakain ka talaga ng marami.   Hehehehe PORK BROCCOLI Mga Sangkap: 1/2 kilo Thinly sliced Pork Kasim or Pigue...

TINOLANG TAHONG

Image
Napadaan ako sa Farmers market sa Cubao para tumingin ng isda na pwedeng sabawan.  Ilang araw na din kasi na prito ang ulam namin sa bahay.   hehehehe.    Pero di na ako nakapunta sa mag-iisda dahil nakita ko ang matatabang tahong na naka-tinda sa may bukana ng palengke.  P70 per kilo ang benta at malalaki at matataba ang laman ng tahong.  Nung una, baked tahong ang naisip kong gawing luto kasi nga malalaki nga ang laman.   Pero komo nga may sabaw ang gusto kong lutuin, naisip ko na i-tola na lang ito.  Nakakatuwa dahil nagustuhan talaga ito ng aking asawang si Jolly at ang aking mga anak.   Humihirit pa nga.  Hehehehe TINOLANG TAHONG Mga Sangkap: 1 kilo medium to large size Tahong (linising mabuti) 3 thumb size Ginger (pitpitin) 1 pc. large Onion (sliced) Dahon ng sili 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang pinitpit na luya at sibuyas sa tub...

CHICKEN ARROZ CALDO with EGG

Image
Hindi ko alam kung sa mga kastila natin namana itong masarap na arroz caldo na ito.   Arroz kasi is the spanish term for rice at caldo naman ang ibig sabihin ay soup.   So, Rice Soup ito siguro in English.   hehehehe.   Sa kagaya ko na tagalog, nilugawang manok ang tawag namin dito.   Masarap ito lalo na kung bagong luto at kung medyo malamig ang panahon. Sa mga Intsik congee ang tawag dito.   At kagaya ng sa mga Tsino, marami din ang inilalagay nila dito para lalo pang sumarap.   Kagaya ng manok, baboy, baka, tokwa at marami pang iba.   Yun lang, ang lugaw o congee ng mga Tsino ay medyo matabang.  Kung baga, bahala ka na sa ilalahok mo dito para magkalasa.  Hindi katulad ng arroz caldo o yung nakasanayan nating lugaw na gisado sa luya, bayang at sibuyas.   Para sa akin, mas gusto ko ito kaysa sa lugaw ng mga Intsik.   hehehe CHICKEN ARROZ CALDO with EGG Mga Sangkap:...

CRISPY PORK BELLY with SINIGANG MIX

Image
Na-try nyo na bang gumamit ng sinigang mix para i-marinade ang manok o karne ng baboy?   Ako na-try ko na sa roasted chicken at masarap nga ang kinalabasan.   Actually, nabasa ko din lang sa isa pang food blog ang mga bagay na ito.   Hindi naman masamang subukan kaya nag-try ako. This time, sa pork belly ko naman ito ginamit.   Yes, yung ordinaryong sinigang sa sampalok powder ang ginamit ko.  Nung una nag-duda ako na baka umasim ang karne komo maasim nga ang sampalok.   Pero hindi.   Tamang-tama lang ang timpla at kakaiba siya sa ordinaryong breadings na natitikman natin. Also, para maging extra crispy ang pork belly na ito, rice flour ang aking ginamit na hinaluan ko din ng cornstarch.   Ang kinalabasan, mas matagal ang pagla-crispy ng liempo.   Try nyo din. CRISPY PORK BELLY with SINIGANG MIX Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly o Liempo (piliin yung manipis lang ang taba, hiwain na parang pan...

PORK STEAK ala POBRE

Image
Looks very special di ba?   Well talagang espesyal ang pagkaluto na ginawa ko sa pork steak na ito....hehehehe.   Sabi ko nga palagi, kapag nagluluto ako, hinahaluan ko ito ng pagmamahal. Pero sa totoo lang, simple lang ang ginawa kong pagluluto dito.   Kahit nga siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay kayang-kaya itong gawin.   Bukod pa sa pangtkaraniwang mga sangkap din lang ang mga lahok nito. Sa paghahanda ng masasarap na pagkain sa ating mga mahal sa buhay, hindi naman kailangan talaga na mga mamahaling sangkap.   Ang pinaka-importanteng sangkap lang talaga ay walang katumbas na halaga, dahil ito ay ang pagmamahal. Try nyo po ito. PORK STEAK ala POBRE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Steak (ito yung parteng baboy na parang marble ang itsura) 1/2 cup Toyomansi 8 pcs. Calamansi 2 large White Onion (cut into rings) 1 head minced Garlic 3 tbsp. Canola oil 1/2 tsp. Black ground Pepper 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt to taste Sprin...

SINIGANG na ULO ng SALMON sa SAMPALOK

Image
Na-try nyo na ba yung Sinigang sa Sampalok paste na bagong product ng Mama Sitas?   Yes, paste siya hindi kagaya nung pangkaraniwan na sinigang mix na powder. When I check the label, bukod sa sampalok pulp ay may nakahalo din ditong taro o gabi na inihahalo din natin sa sinigang.   Ang mainam sa ganito, para ka na ring nag-sigang na gamit ang tunay na sampalok without the hazzle nung paglalaga at pagpipiga pa ng sampalok. At para dito sa nabili kong ulo ng salmon nitong nakaraang araw, tamang-tama na isigang ko ito gamit ang sinigang sa sampalok paste na ito.   At di nga ako nagkamali, masarap, malasa at tamang-tama ang asim ng aking sinigang.   Try nyo din po. SINIGANG na ULO ng SALMON sa SAMPALOK Mga Sangkap: 1.5 kilos Ulo ng Salmon (cut into serving pieces) 1 tetra pack Mama Sitas Sinigang sa Sampalok paste 2 thumb size Ginger (sliced) 1 large Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic 2 pcs. Kamatis (sliced) 2 tbsp. Canola oil Kan...

FRIED CHICKEN FILLET with HONEY-OYSTER SAUCE GLAZE

Image
Never ko pa na-try na paghaluin ang honey bee at oyster sauce para gawing sauce.   Madalas hinahalo ko ang honey sa lemon o kaya naman ay calamansi.   Masarap talaga pag pinagsama ang mga ito.   Nitong nakaraang araw na nagluto ako ng fried chicken fillet, nag-iisip ako kung anong sauce o dip ang pwede kong gawin.   Wala naman akong calamansi o lemon.   Kung barbeque sauce naman, parang nung isang araw lang ako gumamit nun.   Hanggang sa makita ko itong bote ng oyster sauce na binili ko lang nitong huling pag-go-grocery namin.   Naisip ko lang, bakit hindi ko ito ihalo naman sa honey bee.   Kapag gumagamit ako ng oyster sauce nilalagyan ko ng konting brown sugar at mas lalo itong sumasarap.   Kaya sa tingin ko swak ang pag-combine ng honey bee at oyster sauce.   At tama ako, masarap nga ang kinalabaan ng honey-oyster sauce glaze na ginawa ko.   Hehehehe.   Try it al...