TORTANG ALAMANG
Nitong huling pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang alamang na itinitinda sa mura lang na halaga. Isang maliit na tiklis ay P50 pesos lang. So kumuha o bumili ako ng isang maliit na tiklis. Siguro mga 1 kilo din ito. Ang alamang ay yung maliliit na hipon na kadalasang ginagawang bagoong. Sa amin sa Bulacan niluluto din namin ito na ginigisa sa bawang, sibuyas at kamatis at saka nilalahukan ng dahon ng kinchay. Inuulam namin ito kasama ang hinwang kamyas o manggang hilaw. Yummy! Nung binili ko ang alamang na ito, dalawang luto ang nasa isip kong gawin. I-torta nga ang isa at ang isan naman ay gawing bagoong. At eto na nga ang aking Tortang Alamang. Masarap itong isawsaw sa suka na may bawang o kaya naman ay sa banana catsup. Try nyo din po. TORTANG ALAMANG Mga Sangkap: 1/2 kilo Sariwang Alamang 2 pcs. Fresh Eggs 1-1/2 cups Harina 2 pcs...