Posts

Showing posts from September, 2015

IBA PANG PAGKAING INIHANDA KO .......

Image
Bukod sa nai-post ko nang Spicy Shrimp in Coconut Milk at Arroz Valenciana ala Dennis na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake, may tatlong putahe pa akong niluto para pandagdag sa handa.   Hindi ko na ginawan ng separate post dahil may recipe na naman ako ng mga ito sa archive.   Ngayon kung gusto nyo pa tin ng recipe para sa mga ito, i-message nyo lang ako at ibibigay ko sa inyo ng link ng recipe. Yung nasa itaas ay Roasted Pork Belly.  Personal na request yan ng may birthday.   Masasabi kong na-master ko na ang pagluluto nito.   Tamang-tama ang lambot at lutong ng balat nito. Next ay itong No-bake Lasagna.   Personal requestdin po ito ng may birthday.   Nung una sab ko spaghetti na lang at medyo marami ang bisita niya.   Baka kako hindi magkasya ang 1 tray ng lasagna na ito.   Ayos naman.   Ito ang unang naubos sa lahat ng handa niya. And lastly, ang paborito ng...

ARROZ VALENCIANA ala DENNIS

Image
Nitong nakaraang kaarawan ng pangany kong anak na si Jake, naisipan kong magluto nitong arroz valenciana.  Ang arroz valenciana ay para din lang paella na nag-origin sa Valencia sa Espanya.  Kinokonsidera na pagkain ito ng mahihirap noong araw komo sama-sama na ang kanin at ang ulam sa isang lutuan.  Butofcourse sa panahon natin ngayon na medyo sosyal kapag sinabing paella.  Para bang mayayaman lang ang nakaka-kain nito. Dito sa atin sa Pilipinas mayroon din tayong bersyon na tinatawag nating bringhe.   Kaning malagkit ito na kinulayan ng luyang dilaw na may sahog ding manok o karne at mga gulay kagaya ng patatas, carrots at iba pa. Sa version kong ito, pinaghalo ko ang paella at ang valenciana.   Bukod kasi sa karne nga baboy at atay, nilagyan ko pa ito ng tahong at hipon.   At for added twist, nilagyan ko din ito ng gata ng niyog para mas maging malasa.   Yan ang natutuan ko naman sa aking Inang Lina. Masarap ang rice dish na ito....

SPICY SHRIMP IN COCONUT MILK

Image
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Spicy Shrimp in coconut Milk. Wala sa original menu ang dish na ito.   Roasted Pork Belly, Fried Chicken at Lasagna lang talaga ang ihahanda ko.   Pero naisip ko na parang bitin yung handa kaya naisipan kong dagdagan nitong hipon nga at gumawa din ako ng paella valenciana. Masarap ang dish na ito.   Cayene powder ang ginamit kong pampa-anghang kaya tamang-tama lang yung anghang ng dish.   Nagustuhan nga ng mga bisita.   Hehehehe SPICY SHRIMP IN COCONUT MILK Mga Sangkap: 2 kilos Medium size Shrimp (alisin yung matulis na sungot at balbas) 2 cups Kakang Gata 1/2 tsp. Cayene Powder 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ...

MY SON JAKE BIRTHDAY CELEBRATION

Image
September 22 talaga ang birthday ng panganay kong anak na si Jake.   Pero komo simpleng araw yun minabuti naming September 25 na lang ito i-celebrate para walang pasok ang opisina at eskwelahan. Taon-taon naman ay ginagawan ko talaga ng paraan para makapag-celebrate kahit papaano ng kanilang kaarawan ang tatlokong anak at ang aking asawang si Jolly.   At kagaya ng nakagawian ko, tinatanong ko ang may birthday kung ano ang gusto nilang lutuin ko para sa kanilang handa. Sa anak kong si Jake, gusto daw niya ng Lasagna, fried chicken at leechon kawali.   At yun naman ang aking inihanda.   Dinagdagan ko na lang ng ginataang hiponat paella valenciana.   Gumawa din ako ng coffee jelly para sa dessert.  Dumating ang kanyang mga kaibigan nung high school pa siya sa Aquinas at ilang ka-klase niya sa UE.  Dumating din ang kanyang mga pinsan na sina Janet, Totoy at kaniyang pamilya at ang nanay nila na si Ate Tess.  Dumating din an...

LAING ala DENNIS

Image
After nang pagbisita namin sa aking Tiyo Lando sa Bicol, parang nag-crave ako bigla sa pagkain ng Laing.   Yes.   Yung lutong Bicol na dahon ng gabi na may gata.   Tyempo din na napanood ko sa youtube yung movie nina Aga at Claudine yung Kailangan kita.   Gustong-gusto ko yung part ng encounter ni Caloy played by Aga at yung Tatay niya na tinuturuan siyang magluto ng laing.   Gusto-gusto ko yung part na sinabi nung tatay..."...pare-pareho lang naman ang pagluto ng laing...pare-pareho rin ang mga rekado...pero siguro iba lang ang gata ko....punong-puno ito ng pagmamahal....alam mo...ito rin yung paborito ng anak ko...si Caloy".   Ito talaga yung mga linya na tumagos sa akin.   Kaya ayun..napaluto tuloy ako ng laing.    hehehehe Ito siguro ang the best na luto ko ng laing.   Winner talaga!!!! LAING ala DENNIS Mga Sangkap: 500 grams Sariwang Dahon at Tangkay ng Gabi (cut into small pi...

GINISANG AMPALAYA with CHICHARONG BABOY

Image
The day after nitong nakaraan kong kaarawan, pumunta ang sa aming bahay ang aking mga tiya, ninang sa kasal at ang aking kapatid na si Shirley.   At komo kaarawan ko, may dala pa silang regalo at isa na dito itong chicharong baboy na galing pa ng Bulacan. Yung chicharon na dala nila ay yung primera klase na may laman pa.   Sarap na sarap ako at ang aking mga anak ng kinakain na namin ito.   Hehehehe.   Nagtira naman din kami at balak kong isahog sa ginisang ampalaya.   At ito na nga ang nangyari. Masarap, malinamnam at malasa talaga ang kinalabasan ng aking ginisang ampalaya.   Try nyo din po. GINISANG AMPALAYA with CHICHARONG BABOY Mga Sangkap: 2 pcs. Ampalaya (sliced) Chicharong Baboy (cut into small pieces) 2 pcs. Fresh Eggs (batihin) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 1 pcs. Knorr Pork Cubes (dissolved in 1 cup water) 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste ...

IBA PANG PAGKAING AKING INIHANDA......

Image
Bukod dun sa mga nai-post ko na na pagkaing aking niluto para sa aking kaarawan, may ilan pang putahe na niluto ako nahindi ko na ginawa ng separate na post.   Meron na din kasing recipe dito sa archive na pwede nyong tingnan.   Kagaya nitong turbo broiled crispy pata.   Eto po ang recipe nito: http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/08/turbo-broiled-crispy-pata.html.   Nagutuhan talaga ng mga bisita ko itong crispy pata na ito.  Para na din kasing lechon ang lutong ng balat at malmbot talaga ang laman dahil sa tagal na pinakuluan. Isa pa ay itong Lumpiang Embotido.   Nagustuhan ko yung version kong ito ng lumpiang shanghai.   Malasa kasi yung palaman at masarap talaga.   Eto po naman ang recipe nito:   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/09/lumpiang-embotido.html May dalawa pang dish na naidagdag sa aking handa na in-order naman ng aking asawang si Jolly sa kanyang officemate na si Chi...

PEPPERONI and PENNE PASTA

Image
Tayong mga Pilipino ay mahihilig sa matatamis.   Hindi pepwedeng wala tayong minatamis o panghimagas na kahit ano man lang pagkatapos nating kumain. Kahit nga sa mga pagkain katulad ng spaghetti ay mas gusto natin yung medyo matapis ang lasa.  Kay nga click na click sa atin ang spaghetti ng Jollibee.   Hehehehe. Nitong nakaraan kong kaarawan Italian style na pasta naman ang aking inihanda.   Yung canned chunky tomatoes ang aking ginamit at fresh na basil.   Nilagyan ko na lang ng kaunting asukal para hindi naman masyadong maasim ang lasa ng sauce.   Try nyo din po. PEPPERONI and PENNE PASTA Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according to package directions) 200 grams Pepperoni 1 can Chunky Tomato 2 cups Chopped Fresh Basil Leaves 2 pcs. Pork Cubes (tunawin sa 1 tasang tubig) 2 cups Grated Cheese 1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) 3 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste 1 tbsp. of Suga...

PANCIT BATO GUISADO with a TWIST

Image
Nagkaroon ng part 2 ang celebration ng aking kaarawan sa aming tahanan last Sunday.   Lumuwas pa from Bulacan ang aking mga Tiya Lagring, Tita Virgie, Ang aking Ninang Neneng, Pareng Reymond, Leah, kapatid kong si Shirley at Salve para bumati at makisaya sa aking kaarawan. May niluto pa akong roasted chicken, lumpia embotido, Lapu-lapu with special sauce at itong pancit bato guisado. Itong Pancit Bato na ito ay nakuha ko lang sa noodles na nabili ko nung pumunta kami ng Bicol nitong nakaraang Linggo.   Nilagyan ko na lang ng twist para lalong sumarap.   Dun kasi sa recipe na nasa label ng noodles sobrang simple lang ang ginawang luto sa pancit.   At komo espesyal ang okasyon at ang kakain, minabuti kong lagyan ito ng twist para lalo pang sumarap. At tama naman, nagustuhan ng aking mga kamag-anak ang pancit bato na ito na aking niluto.   PANCIT BATO GUISADO with a TWIST Mga Sangkap: 500 grams Pancit Bato Dried Noodles 50...

ANTON'S CHICKEN

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Anton's Chicken. Roasted chicken siya na ipinangalan ko sa aking bunsong anak na si Anton.   Hindi ko alam kung original ang recipe na nagawa ko pero marami ang nagsasabi na masarap daw talaga itong roasted chicken ko na ito. Simple at iilan lang ang mga sangkap na ginamit ko pero markadong-markado talaga sa lasa.   the seret is in the marinade at yung tagtal ng pagbabad dito.   Syempre pa yung freshnessng manok na gagamitin.   Try nyo din po.   Anong sabi ng mga sikat na lechong manok dyan sa tabi-tabe?    Hehehehe. ANTON'S CHICKEN Mga Sangkap: 1 Whole Chicken (about 1.2 kilograms) 10 pcs. Calamansi 1 cup Soy Sauce 2 heads Minced Garlic 3 stem Lemon Grass or Tanglad 1 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang loob at labas ng manok. 2.   Kiskisin ang loo...

PINAPUTOK na BANGUS sa DAHON ng SAGING

Image
Ito ang isa sa mga dish na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Pinaputok na Bangus sa Dahon ng Saging. May ilang recipes na din ako nito sa archive.   Ang pagkakaiba nito ay yung binalot ko pa ito ng dahon ng saging for extra flavor saka ko binalot ng aluminum foil.   Nilagyan ko din ng itlog na maalat ang palaman para kumpletos rekados na talaga. Also, nung binili ko yung boneless bangus na ito, pina-alis ko na yung kaliskis para walang hazzle habang kinakain. As expected, nagustuhan ng aking mga bisita ang dish na ito.   Ang isang guest ko nga gusto pa na mag-order para naman daw sa birthday ng husband niya.   Hehehehe PINAPUTOK na BANGUS sa DAHON ng SAGING Mga Sangkap: Boneless Bangus Kamatis Sibuyas Itlog na Maalat Dahon ng Saging Aluminum Foil Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang boneless bangus at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. ...

MY 48TH BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last Saturday September 12 ay ipinagdiwang ko ang aking ika-48 kaarawan.   Every year naman, ipinagdiriwang ko ito kahit papaano kasama ang aking pamilya, mga mahal sa buhay at mga kaibigan.   May kaunting handa kahit papaano bilang pasasalamat sa buhay na ibinigay sa atin ng Diyos. Mga all time favorite dish ang aking niluto.   Wala masyadong putahe na kakaiba.   Nagluto ako ng embotido spring roll, Anton's roasted chicken, pinaputok na bangus sa dahon ng saging, pepperoni and penne pasta at maja maiz naman para dessert.   Nag-order naman ang aking asawang si Jolly ng 2 pang extra dish at marami daw kasi akong bisita.   Itong honey garlic chicken at fried lapu-lapu na may masarap na toppings.  (I-try kong lutuin din ito...hehehe) Dumating ang marami sa aking mga kaibigan. Mga kumare at kumpare ko na sina Franny at Shiela...at si John na minsan minsan lang magkita-kita. Ang aking mga close na kaibigan na ...

CRISPY PATA

Image
All time favorite ng mga pinoy itong crispy pata.   Masarap ito lalo na kung bagong luto at malutong ang pagkaluto ng balat.   Pang-ulam man o pang-pulutan, walang tatalo sa crispy patang ito. Bihira akong magluto nito sa bahay.   Madalas niro-roast ko na lang ito sa turbo broiler para iwas tilamsik ng mantika.   Yun lang, iba pa rin talaga yung luto na pa-prito.   Parang mas kumpleto ang lasa nito. Ang picture pala sa itaas ay luto ng kapatid kong si Shirley.   Baon namin ito nung pumasyal kami sa aking tiyo sa Bicol.   CRISPY PATA Mga Sangkap: 1 medium size Pork Leg (Pata) 2 tbsp. Rock Salt 2 pcs. Dried laurel leaves 1 head Garlic (whole) 1 large Onion quatered 1 tsp. Whole Pepper corn Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng mga sangkap maliban sa cooking oil. Lagyan tubig. Dapat lubog ang pata ng baboy. 2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ...

SPAGHETTI with VIGAN LONGANISA

Image
All time favorite natin lalo na ng mga bagets itong spaghetti.   Mapa-birthday, o anumang okasyon ay naghahanda tayo nito.   Kami sa bahay basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa aming almusal. Alam ko marami sa atin ang marunong na magluto nito.   Pero alam ba ng marami na masarap ding isahog sa spaghetti ang longanisa?   Yes.  Yung longanisa na paborito nating almusal na may kasama pang sinangag at itlog. In this recipe, Vigan Longanisa ang aking inilagay.   Marami kasi ang natira sa almusal namin.   Hindi siguro nagustuhan ng mga bata ang lasa nito.   Nasanay kasi sila sa longanisa na matamis o yung hamonado.   Kaya yun nga para di masayang ang vigan longganisa na ito inilahok ko na lang sa aking spaghetti.   At ang resulta?   Isang masarap na version ng paborito nating spaghetti.   Try nyo din po. SPAGHETTI with VIGAN LONGANISA Mga Sangkap: 1...

BICOL'S PINANGAT

Image
Kapag napupunta tayo sa mga malalayong lugar hindi pupwedeng hindi tayo magdadala o bibili ng pasalubong para sa ating mga kapamilya.   Syempre, yung espesyal na produkto ng ating binibili lalo na yung mga pagkain. Nitong huling pagbisita namin sa aking tiyo sa Bicol, bukod sa pili nuts at kung ano-ano pa, ito Pinangat ang isa sa mga nabili ko.   Pinangat?   Yes.  may dalawang klase ng pinangat.   Yung isa ay yung lutuin sa isda na nilalagyan ng pampa-asim kagaya ng kamyas o sampalok.   Para ding sinigang pero kakaunti lang ang sabaw nito at walang masyadong gulay. Ang isa pa ay itong pinangat Bicol.   Para itong laing.   Pinaghalo-halong hipon, kinayod na murang buko o niyog at sili at pagkatapos ay binalot sa dahon ng gabi at niluto sa gata. May nabibiling frozen nito kaya pwedeng-pwede na dalhin pabalik sa Manila.   Ang ginawa na lang namin ay inilagay namin sa styro na may yelo. Hindi k...

BICOL EXPRESS with a TWIST

Image
Noong papauwi na kami galing ng Bicol, pinabaunan kami ng aming Tiya Gloria ng pagkain para kainin namin sa byahe.   Kasama sa mga ulam na pinabaon ay itong Bicol Express. Nagustuhan ko talaga ang ulam na ito.   Tamang-tama lang ang anghang at talaga namang mapaparami ka ng kanin habang inuulam ito. Also, napansin ko na may nakahalong pineapple tidbits na mas lalong nagpasarap sa dish.   Naka-chat ko ang pinsan kong si Mak na anak ng aming Tiya Gloria, tinanong ko kung bakit may pineapple tidbits.   Pangtanggal umay daw yun kasi nga medyo spicy ito. Ilang araw lang mula ng manggaling kami ng Bicol ay naisipan ko nang gayahin at magluto nitong Bicol express na ito.   At para maiba naman ay nilagyan ko pa ito ng added twist.   Nilagyan ko pa ng toasted pili nuts nung akin na itong inihain.   Yummy talaga.   Truly a Bicol Signature dish. BICOL EXPRESS with a TWIST Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (c...

CHOPSUEY with ROASTED PORK BELLY

Image
Pangkaraniwang sahog na alam natin sa chopsuey ay manok na may kasama ding atay ng manok.   Yung iba naglalagay din ng squid balls at tokwa. Sa version kong ito, lechon kawali o roasted pork belly ang aking inilagay.   Nagluto kasi ako ng mga 2 kilos ng roasted pork belly.   Actually, sinadya ko talaga na sobrahan ang niluto ko para nga sa chopsuey na ito.   Ni-reserve ko din yung sabaw na pinaglagaan ng liempo para ipang-sabaw sa vegetable dish na ito. Yummy!  Nagustuhan talaga ng aking mga anak.   Yun lang, naubos lahat ang laman o yung roasted pork belly pero natira yung maraming gulay.  Hehehehe.   Ang mga bata talaga...pahirapan pakainin ng gulay. CHOPSUEY with ROASTED PORK BELLY  Mga Sangkap: 500 grams Lechon Kawali or Roasted Pork Belly (cut into cubes) 1/2 cup Oyster Sauce Sayote Carrots Cauliflower Baguio Beans Red and Green Bell peppers 1 tbsp. Cornstarch 5 cloves Minced Garlic 1 pc...

TINUTUNGAN MANOK ni TIYA GLORIA

Image
Sa lahat ng dish na ipinaulam sa amin ng aming Tiya Gloria nitong huling pagdalaw namin sa kanila, itong Tinutungang Manok ang nagustuhan ko sa lahat.   Unang subo ko pa lang nung isang piraso ng manok ay lasa ko na agad yung parang smokey taste ng gata ng niyog.   Masarap talaga. Actually, para din lang itong tinolang manok.   Ang pagkakaiba nga lang nito ay may lahok itong gata ng niyog na medyo may kahirapan ang proseso at yung tanglad.   Maanghang din ito. Also, native na manok ang ginamit dito kaya mas lalong malasa.   Kung yung ordinary na manok kasi parang kulang sa lasa. Try nyo din po ito.   Tunay na lutong Bicol talaga. TINUTUNGANG MANOK ala MAK Mga Sangkap: 1 whole Native Chicken (about 1.5 kilos) cut into serving pieces 1 medium size Green Papaya (balatan at hiwain sa nais na laki) 2 pcs. Kinayod na Niyog 3 tangkay na Tanglad 2 thumb size Ginger (cut into strips) Dahon ng Sili 1 head Minced Garli...

LAING ni TIYA GLORIA

Image
Nung papaunta pa lang kami ng Bicol para dalawin ang aking Tiyo Lando, napagusapan namin ng kapatid kong si Shirley kung nagluluto ba ng Laing ang aming Tiya Gloria.   Oo naman daw.   Sabagay, sino ba naman ang taga-Bicol na hindi marunong magluto nito?    hehehe.   Yun daw version ng aming tiya ay yung medyo tuyo o hindi ma-sauce. Ang picture sa itaas ay ang niluto mismo ng aking Tiya Gloria sa second day ng aming pag-stay sa kanilang bahay.  Niluluto pa lang ito ay super excited na ako para matikman ang masarap na Bicol dish na ito.   Kaya naman habang kinakain ko ito, nire-reconstruct ko talaga sa aking bibig kung papaano ito niluto.   At eto ang aking naging version naman. LAING ni TIYA GLORIA Mga Sangkap: About 100 grams Dried Gabi Leaves 500 grams Pork Belly (cut into small pieces) 3 cups Kakang Gata 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) 1 thumb size Ginger (cut into strip) Siling Pa...

GINATAANG LANGKA na may HIPON ni TIYA GLORIA

Image
Isa sa mga dish na inihanda para sa amin nitong huling pagdalaw namin sa aking Tiyo Lando sa Daraga, Albay sa Bicol ay itong Ginataang Langka na may Hipon.   Hindi ako ang nagluto niyang picture na nasa itaas kundi ang aking Tiya Gloria.   Iyan ang mismong inihain sa amin sa unang araw namin sa kanila. Hindi ako madalas makakain nitong ginataang langka pero masarap pala.   May iba pang ulam na inihanda pero itong dish na ito ang marami akong nakain.    Malinamnam yung gata at tamang-tama lang ang anghang.   Talagang nagpasarap yung hipon sa kabuuan ng dish. Tuwing may nagugustuhan akong pagkain, pimipilit kong i-reconstruct yung dish at niluluto ko sa bahay.   At eto sa ibaba ang recipe ng sa palagay ko ay kung papaano ito niluto.   Please feedback your comments kung nagustuhan ninyo. GINATAANG LANGKA na may HIPON ni TIYA GLORIA Mga Sangkap: 1 kilo Ginayat na Murang Langka 1/2 kilo Hipon 3 cups Ka...

VISITING MY MAMA LANDO in BICOL

Image
Last FridayAugust 28 ay pumunta kami ng aking kapatid at tiya sa Daraga, Albay sa Bicol para dalawin ang aking Tiyo Lando na matagal na naming hindi nakikita dahil na din sa kanyang karamdaman.   Na-stroke kasi siya 10 years ago at naparalisa ang kalhati ng kanyang katawan.    Day 1 - August 28 Alas-4 ng madaling araw ng dinaanan ako ng aking mga kasama sa may Ortigas papunta nga ng Bicol.   Matagal ang naging byahe namin.   12 hours namin ito tinakbo at may 2 kaming stop-over.  Medyo maulan at makulimlim ang araw na yun.   At nang punasok na kami ng Albay at nasilayan ko na ang Mt. Mayon, para akong natulala o namangha sa taglay niyang ganda.  Mag-a-alas kwatro kami nakarating sa tahanan ng aking tiyo sa Daraga.   Masaya kaming sinalubong ng aming Tiya Gloria at umiiyak naman nakita kami ng aking Tiyo Lando.   Tuwang-tuwa ako at nagkita ulit kami ng aking tiyo.   Siya pala ang bunso...