Posts

Showing posts from October, 2015

CHICKEN MACARONI SALAD

Image
Papalapit na talaga ang kapaskuhan.   I'm sure marami sa atin ang nag-iisip na ng mga pagkaing ihahanda para sa ating Noche Buena.  Ofcourse kapag Noche Buena hindi nawawala sa hapag ang mga pasta at salad dishes kagaya nitong Chicken Macaroni Salad.   At para maging mas espesyal ang dish na ito para sa isang espesyal na okasyon, nilagyan ko pa ito ng karagdagang twist para mas lalo pa itong mapasarap.   Nilagyan ko pa ng cashiew nuts para magkaroon ng ibang texture habang kinakain natin ito.   Try nyo din po. CHICKEN MACARONI SALAD Mga Sangkap: 500 grams Elbow Macaroni Pasta(cooked according to package directions) 1 whole Chicken Breast 2 tangkay Celery (cut into small pieces) 2 cups Cashiew Nuts 1 medium size can Pineapple Tidbits 4 cups Lady's Choice Mayonaise 1 small Red Onion (finely chopped) 1 tbsp. White Sugar 1 cup grated Cheese 3 pcs. Hard Boiled Eggs Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. ...

SARCIADONG TUNA

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw.   Na-dengue po kasi ang pangalawa kong anak na si James kaya naging busy po ako sa pag-aasikaso sa kanya.   Awa naman po ng Diyos ay naka-labas na siya kahapon ng hospital. Kaya eto po ituloy natin ang pag-post ng masasarap na pagkaing tiyak kong magugustuhan ninyo. May nabili po akong isdang tuna.   Nag-iisip ako kung ano ang masarap na luto dito.   Nung una balak ko sanang i-bistek ito pero parang na-miss ko naman na kumain ng sarciado.   Hehehehe.   Kaya eto po ang recipe ng aking sarciadong tuna. SARCIADONG TUNA Mga Sangkap: 1 kilo Tuna Steak 1/2 kilo Tomatoes (chopped) 1 pc. large Onion (chopped) 1 head minced Garlic 2 pcs. Eggs (beaten) 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang sliced tuna ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali...

FRIED CHICKEN IN HONEY-CALAMANSI GLAZE

Image
Paborito ng aking mga anak ang fried chicken.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa kanila. Para naman di sila magsawa (..na imposible naman hehehe) nilalagyan ko ng variation o twist ang mga fried chicken na niluluto ko.   Kung hindi sa marinade mix ay sa sauce ko ito binabago. Kagaya nitong recipe natin for today nilagyan ko ng sauce o glaze ang fried chicken.  Para bang yung fried chicken ng Bon Chon?    Pero simple lang ang ginawa ko dito.  Katas ng calamansi at honey bee ang aking ginamit.   Sa pamamagitan ng glaze na ito hindi na kailangan ng sauce o gravy ang inyong fried chicken.  For sure solve na solve dito ang makaka-kain nito. FRIED CHICKEN IN HONEY-CALAMANSI GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh (skin on) 1 tbsp. Garlic Powder 1 cup Cornstarch 1 cup All Purpose Flour 1 tsp. Maggie magic Sarap Sal;t and pepper to taste Cooking Oil for Frying For the glaze: 10 pcs. Ca...

BATCHOY TAGALOG with MISUA

Image
Medyo lumalamig na ang panahon.   Nagpapaalala lang na papalapit na talaga ang kapaskuhan.   At kapag ganitong medyo malamig ang panahon, masarap humigop at mag-ulam ng pagkaing may sabaw. Kagaya nitong Batchoy Tagalog with Misua.   Isa ito sa mga soup dish na paborito ko kahit noong bata pa ako.   Pero yung niluluto ng Inang ko noong araw ay walang misua.   Dito lang sa Maynila ko natutunan at nakakita na naglalagay ng misua sa batchoy at masarap naman din nung matikman ko. BATCHOY TAGALOG with MISUA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Lomo (cut into small cubes) 300 grams Pork Liver (cut into small cubes) 1 pc. large Sayote (cut into small cubes) 2 pcs. Misua Noodles 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 5 pcs. Silinjg Pang-Sigang a bunch of Sili Leaves 2 pcs. Knorr Pork Cubes 3 tbsp. Cooking Oil Salt (or patis) and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa i...

MENUDONG PUTI as SEEN @ KAPUSO MO JESICA SOHO

Image
After maipalabas last Sunday night itong Menudong Puti na niluto ko sa Kapuso Mo Jesica Soho sa GMA 7, marami ang nag-request ng recipe para dito.   Yun naman talaga ang plano ko.   Ang i-share ito after na maipalabas ang segment na yun ng menudo. Kagaya ng nasabi ko sa interview, halos kapareho din ito ng tradisyunal na menudo na alam natin.   Yun lang ang pagkakaiba nito ay sa halip na tomato sauce all purpose cream ang ginamit ko.   Butter din ang ginamit ko sa pag-gisa para mas maging malinamnam at nilagyan ko pa ng dagdag na grated cheese para makumpleto na. For sure magugustuhan ninyo ang Menudong Puti na ito.   Tamang-tama sa nalalapit na Kapaskuhan. MENUDONG PUTI as SEEN @ KAPUSO MO JESICA SOHO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into bite size pieces) 5 pcs. Jumbo Cheese Dogs or 2 cans Vienna Sausages (cut the same size as the pork) 1 tetra brick All Purpose Cream 2 pcs. Pork Cubes (boiled in 3 c...

ME @ KAPUSO MO JESICA SOHO

Image
Nakapanood ba kayo ng Kapuso Mo Jesica Soho kagabi October 11?   Kasama po kasi ako sa Menudo segment kung saan ipinakita ang ibat-ibang klase ng luto ng menudo.   Yung sa akin ay yung Menudong Puti. Monday October 5, naka-received ako ng email mula sa researcher ng KMJS na nagtatatanong about my Menudo with Pineapple in Pasta Sauce.   So in-email back ko naman yung mga tanong niya.   Unfortunately, hindi ito na-approve ng producer. Wednesday naman October 7, nagtanong naman sila about my White Pork Menudo na naka-post din dito sa blog.   At yun na nga, na-approved ito at nag-schedule na na mag-shoot. Nag-leave ako sa work dahil after lunch ng October 8 yung schedule ng shooting.   So maaga pa lang ay busy na talaga ako sa paghahanda ng mga gagamitin sa pagluluto. 8 ng gabi na sila nakadating sa bahay dahil may kinunan pa sila sa Bulacan.  Yung Menudong Bukid nga. Nakakatuwa talaga dahil nun lang ako...

PORK CURRY

Image
Ito ang isang dish na asianong-asiano ang dating.   Pork Curry.   Bakit naman?    Bukod kasi sa curry powder na ginamit na pampalasa nilagyan ko din ito ng coconut cream na pangkaraniwan nakikita at inilalahok sa mga dish ng kapitbahay nating bansa. Hindi ko nakalakihan na kumain ng pagkaing may curry powder.  Dito na lang sa Manila ko ito natikman at nagustuhan ko naman.   Chicken Curry ang unang dish na natikman ko na ganito. Kahit nung nagluto ako nito para sa aking pamilya ay nagustuhan din nila.  Tamang-tama lang din kasi yung anghang nito at yung creaminess ng gata.  Kaya naman nitong isang araw ay naisipan kong magluto ulit nito pero pork naman ang aking ginamit na pangunahing sangkap.   And as expected, nagustuhan ito ng aking mga anak. PORK CURRY Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim or pigue (cut into cubes/adobo cut) 2 tbsp. Yellow Curry Powder 2 cups Kakang Gata 1 thumb size Ginger (cut into strips...

BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw.   Nagkaroon lang po ako ng problema wih Google at hanggang ngayon po ay ina-apela ko pa ang problemang nakikita nila sa aking blog.  Pero ganun pa man, narito ang isang beef dish na tiyak kong inyong magugustuhan.   BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Laman ng Baka (hiwain ng manipis) 1 can Sliced Mushroom 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 1 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Sunod na ilagay ang hiniwangkarne ng baka at timplaha ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa. 3.   Ilagay ang sabaw ng canned mushroom at ang toyo.   Takpan at hayaang maluto ang karn...

HONEY GARLIC FRIED CHICKEN WINGS

Image
Nitong nakaraan kong kaarawan, nag-order ang asawa kong si Jolly ng Honey Garlic Chicken sa kanyang ka-trabaho para pandagdag sa aking mga inihandang pagkain.   Madami daw kasi akong guest na pupunta.   Hehehehe. Nagustuhan ko ito at naisip ko talaga na gayahin ito with my own version.   HIndi ko na tinanong o hiningi ang recipe sa nagluto kung papaano niya ito ginawa.   Habang kinakain ko ito nire-re-construct ko na lang ito sa aking isip sabay isip na din kung papaano ko ito gagawin naman. Masarap ang kinalabasan ng aking version.   Tamang-tama yung lasa ng garlic at yung naghahalong alat at tamis naman ng honey.   Try nyo din po. HONEY GARLIC FRIED CHICKEN WINGS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Wings 1 tbsp. Garlic Powder 1 cup Cornstarch Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the glaze: 2 heads Minced Garlic 2 tbsp. Butter 1 cup Pure Honey Bee Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang chicken w...