Posts

Showing posts from February, 2016

BEEF BROCCOLI

Image
It's a treat basta beef ang ulam namin sa bahay.   Medyo mahal kasi di ba ang karne ng baka?   Kaya minsan-minsan lang kami nag-uulam nito.   Madalas nga yung mura na part lang yung binibili ko kahit na medyo matagal palambutin. This time naman sinubukan kong magluto nung mas mahal pa na parte ng karne ng baka.  Yung sirloin.   Kahit na medyo may kamahalan ang parte na ito, binili ko pa rin dahil naisip ko tamang-tama ito na samahan ng broccoli.   At eto na nga, isang masarap na beef dish para sa aking mahal na pamilya. BEEF BROCCOLI Mga Sangkap: 1 kilo Beef Sirloin (cut into bite size pieces) 500 grams Broccoli (cut also into bite size pieces) 1 pc. Carrot (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Cornstarch 1 thumb size Ginger (grated) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang karne...

CHICKEN with HAM and CHEESE ROLL

Image
Magaling na cook itong bago naming helper na si Ate Haydee.   Kapag simpleng luto lang ang gagawin siya na ang pinagluluto ko.  Pero kapag Saturday at Sunday, ako ang nagluluto at nagluluto ako ng espesyal na ulam komo nitong araw lang na ito kami nagkakasabay na pamilya na kumakain. One Sunday nga nagluto ako nitong Chicken Roll na may palaman na sweet ham at cheese.   Chicken Cordon Bleu ag tawag ng iba sa dish na ito.   Meron na din akong recipe nito sa archive.   But this time, minarinade ko muna yung chicken fillet sa katas ng calamansi para mas magka-flavor ang laman ng manok.  Masarap talaga.  Pang-espesyal na araw talaga.  CHICKEN with HAM and CHEESE ROLL Mga Sangkap: 5 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (cut each into half) 5 slices Square Sweet Ham (cut also into half) 10 slices of Quick Melt Cheese (cut into 2 inches long) 5 pcs. Calamansi 3 cups Japanese Breadcrumbs 2 cups All Purpose Flour 2 Eggs beaten Cook...

PENNE PASTA with ITALIAN SAUSAGES, HAM, PEPPERONI in ITALIAN PASTA SAUCE

Image
Sa panahon ngayon pwede tayong magluto at kumain ng masarap sa ating mga bahay kahit hindi tayo expert sa pagluluto.   Sa dami ba naman ng mga instant mixes sa market ngayon papaanong mamamali pa ang inyong pagluluto? Kailangan na lang ng kaunti pang imagination para mas lalo pang mapasarap ito.    And ofcourse lakasan lang ito ng loob.   Kahit ako naman, nagkakamali pa din hanggang ngayon sa mga niluluto.   At duon ako natututo, sa mga pagkakamali na nararanasan ko. Kagaya nitong pasta dish na ito.   Instant pasta sauces lang ang aking ginamit at nilahukan ko lang ng extra pa na mga sangkap at presto may isang masrap na pasta dish na ako na masarap at maikukumpara sa mga nakakain natin sa mga mamahaling restaurant o hotel. Try nyo din po. PENNE PASTA with ITALIAN SAUSAGES, HAM, PEPPERONI in ITALIAN PASTA SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according to package directions) 2 tetra pack Italian Style Spagh...

BLUEBERRY PANNA COTTA

Image
Nitong nakaraang pasko, nakatanggap ako mula sa aking ka-trabahong si Angelo ng panna cotta powder na may kasama pang blueberry syrup bilang pamasko.  Nitong nakaraang araw sinubukan kong lutuin ito base na din sa instructions na ibinigay sa akin ni Angelo.   Nilagyan ko din ng additional toppings para mas lalo pa itong sumarap. Masarap at puring-puri talag ito ng aking asawa at mga anak.   Nag-re-request nga sila na gumawa ulit ako nito.  Kaso, hindi ko alam kung may instant panna cotta powder din dito sa Pilipinas.   Yung bigay kasi ni Angelo ay galing pa ng Italy.   Pero ita-try ko pa din ito from scratch talaga.  Abangan nyo kung ano ang nangyari.   Hehehehe BLUEBERRY PANNA COTTA Mga Sangkap: 1 sachet Panna Cotta Powder 1 tetra brick All Purpose Cream 1 big can Evaporated Milk 1/2 cup White Sugar Choco Mucho or Kit-kat for toppings Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang sauce pan paghaluin ang pa...

HONEY-GARLIC GLAZE FRIED CHICKEN

Image
My kids loves fried chicken.  Kahit na sa mga fastfood fried chicken pa din ang gusto nilang i-order.   Kaya naman hindi nawawala sa aking menu ang chicken dish na ito. Para hindi sila mag-sawa, ginagamitan ko ng ibat-ibang pang-marinade ang chicken.   At kung minsan din nilalagyan ko ito ng glaze para maiba naman. Kagaya nitong huling luto ko ng fried chicken.   Simple salt, pepper at kaunting calamansi ang pinang-marinade ko at nilagyan ko lang breadings na cornstarch at flour.   Ni-request ng panganay kong anak na si Jake na lagyan ko daw ng honey glaze.   At yun nga ang ginawa ko.   Sinamahan ko na lang ng toasted garlic to add flavor sa glaze.   At ito na nga ang kinalabasan.   Try nyo din po. HONEY-GARLIC GLAZE FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken (legs, wings, thigh) 2 heads Minced Garlic 5 pcs. Calamansi 1 cup Pure Honey Bee 1 cup Flour 1 cup Cornstarch 3 tbsp. Melted B...

PORK DINUGUAN ala HAYDEE

Image
Matagal-tagal na din akong hindi nakaka-kain ng pork dinuguan.   Sa Batangas lang kasi ako nakakapagluto nito komo dun fresh talaga ang dugo ng baboy na magagamit.   Dito kasi sa Manila hindi mo matiyak yung quality ng linis ng dugo. Pero nitong nakaraang Linggo naisipan kong ito ang aming i-ulam para sa Valentines Day dinner.   Tamang-tama di ba?   Pula ang dugo.   Hehehehehe. Ang aming helper na si Ate Haydee ang nagluto nito.   Magaling siyang magluto at sinubukan ko kung mahusay din siya sa dinuguan.   Iba ang pamamaraan niya ng pagluluto ng dinuguan kumpara sa ginagawa ko at ito ang ishe-share ko sa iyo.   Try nyo din po. PORK DINUGUAN ala HAYDEE Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly (cut into small cubes) 10 cups Fresh Pork Blood 2 cups Cane Vinegar 1 head Minced Garlic 2 pcs. Onion (chopped) 5 pcs. Siling pang-sigang 3 pcs. Dahon ng laurel Salt and pepper to taste Paraan ng paglulu...

SARCIADONG TILAPIA

Image
Sa mga Katolikong Kristyano kagaya ko, nagsimula ang mga Kwaresma o ang apatnapung araw ng paghahanda sa Pagkabuhay ni Hesus.   At nitong ngang nakaraang Miyerkules sa pamamagitan ng pagpapahid ng abo sa noo nag-simula ito.   Ito ay nagpapa-alala sa atin na tayo ay nagmula sa abo at sa abo din tayo magbabalik. Sa apatnapung araw na yun, hinihikayat tayo ng simbahan na mag-ayuno at umiwas sa pagkain ng karne lalo na sa araw ng Biyernes.   At bilang pakikibahagi ng food blog kong ito, bibigyan ko kayo tuwing Biyernes ng mga ulam na pwede nating lutuin sa araw na ito. SARCIADONG TILAPIA Mga Sangkap: 6 pcs. Medium Size Fresh or Live Tilapia 1/2 kilo Tomatoes (chopped) 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) 5 cloves Minced Garlic 2 pcs. Onion (chopped) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and Pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang mga tilapia.   Hayaan ...

PAN-GRILLED PORK BELLY

Image
Isa sa mga paborito kong luto sa pork belly o liempo ay inihaw.   Ang problema lang hindi ko magawang mag-ihaw sa bahay komo sa condo nga kami nakatira ng aming pamilya. Kung bibili ka naman sa mga resto o yung ihaw-ihaw kagaya ng Andoks o Baliwag, medyo may kamahalan ito at mabibitin ka lang sa laki.   Kaya mas mainam pa nga na magluto ka na lang sa bahay. Para mawala ang pagke-crave ko sa inihaw na liempo, sa halip na iihaw ito sa live na baga ay sa kawali ko na lang ito niluto o pan-grill.   Pwede din yung mga nabibiling stove top na griller.   Yun lang iba pa rin talaga yung ihaw sa baga.  Pero pwede na din.   Masarap pa rin ang kinalabasan ng aking niluto.   Try nyo po itong recipe ko. PAN-GRILLED PORK BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba...pahiwa ng mga 1/2 inch ang kapal) 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade 1/2 can Sprite or 7Up 1 tsp. Ground Black Pepp...

GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA

Image
Espesyal na ulam sa amin ang mga seafoods kagaya ng sugpo, alimango at alimasag.   Bukod kasi sa masarap naman talaga ang mga ito, yun lang talagang may kamahalan ang presyo nito.    Pero ako naman bastat masisiyahan ang ang pamilya na kakain ay okay lang. Kagaya nitong alimasag na iniulam namin nitong mga nakaraang Linggo.   Maganda kasi yung alimasag na nakita ko sa palengke at tamang-tama kako na lagyan ko ito ng gata ng niyog at samahan na din ng gulay na sitaw at kalabasa.   Tunay nga na nagustuhan ng aking pamilya ang dish na ito lalo na ang asawa kong si Jolly.   Ubos ang kanin.   hehehehe GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA Mga Sangkap: 1 kilo Alimasag (mas mainam yung babae) 2 cups Kakang Gata Kalabasa (cut into cubes) Sitaw (cut into 1 inch long) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and p...

BRAISED CHICKEN in HICKORY BARBEQUE SAUCE

Image
Braising ay isang technique sa pagluluto kung saan ang karne ay bina-brown muna sa mainit na kawali at saka lulutuin sa kaunting liquid o sauce hanggang sa maluto.   Ganito ang ginawa ko sa dish na ito gamit ang paborito kong Clara Ole Hickory Barbeque Marinade Sauce. Yun ang mainam sa panahon ngayon.   Marami nang mga sauces o marinade mixes na available na mas lalong nagpapadali sa atig pagluluto.   Yes, ganito ang ginagawa ko kapag medyo nagmamadali ako sa aking niluluto.   Simple...madali pero hindi tipid sa lasa. Try nyo din po. BRAISED CHICKEN in HICKORY BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 5 pcs. Chicken Legs (cut into 2) 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade 2 pcs. White Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 1 tbsp. Brown Sugar 1/2 cup Melted Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng manok.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   Sa...

BEEF MUSHROOM & PECHAY in OYSTER SAUCE

Image
Espesyal para sa akin ang ulam na karneng baka.   Natatandaan ko noong araw, bihira lang kaming mag-ulam nito ng aming pamilya komo nga may kamahalan ito.   Araw ng Linggo kapag nag-uulam kami nito at pangkaraniwan nilaga ang ginagawang luto.   Minsan naman ay bistek ang luto na paborito ko din naman. Sa dish na ito pwedeng gumamit nung malambot na parte ng karne ng baka o kahit yung mas mura na parte.   Yun lang kung yung mas mura na parte ang inyong gagamitin medyo may katagala ang pagluluto na gagawin.   Pero okay din lang naman, masarap pa din ang kakalabasan.   Sa version ko pong ito ay yung mumurahing parte ng laman ng baka ang aking ginamit.   Try yo din po. BEEF MUSHROOM & PECHAY in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce A Bunch of Native Pechay 1 can Sliced Button Mushroom 2 tbsp. Brown Sugar 1 thumb size Ginger (cut into strips) 1 p...

CELEBRATING 18 YEARS OF LOVE

Image
Kahapon January 31, ipinagdiwang namin ng aking pamilya ang aming ika-18 taong anibersaryo ng aming kasal.   Ipinagdiwang namin ito kasama ang tatlong bunga ng aming pagmamahalan.   Nag-umpisa ang aming araw sa isang simpleng almusal.   Nagluto ako ng espesyal na spaghetti na nilahukan ko ng corned beef at hamon.   Tinernuhan ko lang ito nga French Toast na nagustuhan naman talaga ng aming mga anak. 11 ng umaga naman ay dumalo kami ng banal na misa sa Landmark chapel bilang pasasalamat 18 taon ng aming pagsasama.   At pagkatapos noon ay pumunta naman kami sa Buffet 101 para sa aming tanghalian sa kahilingan na din ng aming mga anak.  Medyo may presyo ang buffet sa resto na ito.  Pero okay lang... nag-enjoy naman kaming lahat sa mga masasarap na pagkain na pagpipilian.  For starters, kumuha ako ng ilang maki, sushi at ilang barbeque sticks na din.  Kumuha din ako ng paborito kong siomai at dumpling...