Posts

CALIFORNIA MAKI ala EJ

Image
So Doc EJ ay ka-officemate ng asawa kong si Jolly.   Kumare din namin siya dahil pareho namin siyang nag-anak sa binyag sa anak ng isa pa nilang ka-officemate na si Doc Kaye. One time, nakita ko na nag-post siya ng pict sa FB na gumagawa ng California Maki.   At dahil paborito ko ito, nagbiro ako sa kanya na gusto ko rin kako niyan (maki).   At sumagot din naman siya na kapag gumawa daw siya ulit nito ay padadalhan niya ako. At ganun nga ang nangyari, ang pict sa itaas ang ipinadala niya.   Masarap ha.   At mas lalo pang tumingkad ang lasa dahil sa Japanese mayo na inilagay niya sa ibabaw.   Ang bloopers pala na nangyari...hehehehe.  May nakalagay na lettuce sa gitna nitong mga maki na ito.   Ang ginawa ko una ko itong kinain not knowing na dun pala naka-lagay yung wasabi.   Hahahaha....sabay luwa ko ito at sabay mumog ng tubig.  hehehehe. The last time na gumawa ako nitong California Ma...

SINIGANG na ULO ng LAPULAPU na may SQUID ROLL

Image
Sa fish section ng SM Supermarket sa Makati, may ibinebenta doon na mga ulo ng isda sa mura lang na halaga.  May tuna, salmon, tanigue, lapu-lapu at iba pa.   Yun lang pipili ka talaga nung maganda at medyo malaman pa.   Masarap na gawin itong fish stocks para sa iba pa nating lutuin o soup.   Kung malaman naman ang makuha mo masarap ito isigang. At yun nga ang  ginawa ko.   Kaso iniisip ko kung kakasya ba sa amin ang nabili ko.   Kaya ang ginawa ko hinaluan ko pa ito ng squid roll na available din sa supermarket na yun.   At ayos naman ang kinalabasan.   Masarap na sabaw at may makakain ka pang squid rolls.   Yummy!!!! SINIGANG na ULO ng LAPULAPU na may SQUID ROLL Mga Sangkap: 1 kilo Ulo ng Lapulapu (...piliin yung may laman....cut into serving pieces) 10 pcs. Squid Roll 5 cloves minced Garlic 1 pc. Onion (Sliced) 1 thumb size Ginger (cut into strips) 2 pcs. Tomatoes (sliced) Kangk...

FRUITY GELATIN

Image
After nung attempt kong gumawa ng panna cotta (instant) na hindi naging ganun ka-succesful, naisipan kong gumawa ulit nito para dessert ng aking mga anak.   Naghahanap kasi lagi sila ng dessert after kumain.   At komo bakasyon pa rin sila ngayon matatakaw talaga silang kumain.   Hehehehe. Madali lang gawin ang dessert na ito. FRUITY GELATIN Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (White) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 (370ml can) Alaska Evap (Red label) 1 can Fruit Cocktail Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-drain ang fruit cocktail at itabi ang sabaw o syrup nito. 2.   Lagyan ng fruit cocktail ang mga hulmahan na gagamitin. 3.   Sa isang kaserola, painitin ang sabaw ng fruit cocktail, asukal at evaporated milk.   Huwag hayaang kumulo. 4.   Ilagay na ang tinunaw na gelatin powder at all purpose cream.   Haluing mabuti. 5.   Tikman at i-adjust ang tamis. 6. ...

GINATAANG SITAW at KALABASA na may CHICHARONG BABOY

Image
Isa sa mga paborito kong gulay na ulam ay itong Ginataang Sitaw at Kalabasa.   Kaya naman basta may pagkakataon at pritong isda ang aming ulam, ito ang itineterno ko.   Gustong-gusto ko kasi yung creaminess ng gata na humahalo sa madurog na laman ng kalabasa.   Yummy!   Papaano naman kung sasahugan mo pa ng chicharong baboy na may laman ang gulay na ito?  Wow!  Extra rice please.   hehehehe Nitong kasing huling uwi ko ng Bulacan, bumuli ako ng 2 pack nitong chicharong baboy na may laman.   Kaya naman tamang-tama kako ito sa ginataang gulay na lulutuin ko.   At yun na nga, naging mas extra espesyal ang aking nilutong ginataang sitaw at kalabasa. GINATAANG SITAW at KALABASA na may CHICHARONG BABOY Mga Sangkap: 500 grams Kalabasa (cut into cubes) 1 tali Sitaw (cut into 1 inch long) 100 grams Chicharong Baboy (yung may laman...cut into cubes) 2 cups Kakang Gata 1 tbsp. Bagoong Alamang 5 cloves m...

FRIED CHICKEN ala MAX

Image
Nang makita ko itong spring chicken nitong nakaraan naming pag-go-grocery sa SM Supermarket sa Makati, isa lang ang pumasok sa isip ko na gawing luto dito.   Fried chicken Max style.  Yes.   Yung fried chicken na hindi balot ng mga breadings at kung ano-anong flavoring.   Lilinawin ko lang na hindi ito ang authentic na recipe ng fried chicken ng Max.   Ang pagka-alam ko wala pa ding nakaka-alam ng exact na recipe nito.  Ang recipe na ito ay base ko lang sa lasa na aking nalalasahan kapag kinakain ko ito.  Ofcourse medyo malapit-lapit lang ang nagagawa ko sa lasa.   Pero the best pa rin ito lalo na kung isasawsaw mo sa Jufran na catsup.  Para ka na din kumain sa Max resto.   Hehehehe FRIED CHICKEN ala MAX Mga Sangkap: 2 Whole Spring Chicken (cut into half) 1 sachet Sinigang Mix Powder 1 thumb size Ginger (sliced) 1 large Onion (sliced) Freshly Ground Black Pepper Rock Salt Cooking Oil for Fryi...

SCOTCH EGG ala DENNIS

Image
Ang Scotch Egg ay isang dish na nag-origin sa London, England taong 1738.   Ito ay gawa sa nilagang itlog na binalutan ng sausage meat o sa atin giniling na baboy at iba pang sangkap.    Niluluto ito sa oven at yung iba naman ay piniprito ng lubog sa mantika.   Masarap itong snacks o baon sa mga picnic at maging pang-ulam man. Sa version kong ito ng Scotch Egg, beef burger patties ang aking ginamit na pambalot sa nilagang itlog.   May nabasa kasi akong recipe na yun nga ang ginamit.   Ang mainam sa burger patties timplado na ito na hindi na kailangan pang timplahan ng kung ano-ano para magawa.   Ipambabalot lang ito sa itlog at saka igugulong sa harina, binating itlog at breadcrumbs ay okay na.   Kayo na an bahala kung anong sauce ang isasama nyo dito.  Para sa akin sweet chili sauce ay ok na.   Try nyo din po. SCOTCH EGG ala DENNIS Mga Sangkap: 10 pcs. Hard boiled Eggs 20 pcs. Beef Burg...

LECHON MACAU ver. 2

Image
Ito ang version 2 ng masarap na Lechon Macau na niluto ko.   In my first version, hiniwa ko na ang liempo ng mga 1/2 inch....pinakuluan sa mga spices at saka ko ni-roast sa turbo broiler.   Nakopya ko din lang ito sa isa pang food blog.   Nakatikim na din ako nito sa isang food stall sa may Glorietta 4 food court sa Makati. In this second version hindi ko na ito pinakuluan sa spices kundi minarinae ko na lang ng overnight at diretsong ni-roast sa turbo broiler.   Masarap din ang kinalabasan.   Crispy ang skin at malasa talaga ang laman nito.   Try nyo din po. LECHON MACAU ver. 2 Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly o Liempo (yung manipis lang ang taba) 1 tbsp. Garlic Powder 1 tbsp. 5 Spice Powder 1 tsp. Ground Black pepper 1 tbsp. Rock Salt 2 tbsp. Sesame Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwaan ang pork belly sa parte ng laman papunta sa balat.  Huwag isasagad sa balat ha.   Mga 1/2 inch ang...