Posts

Showing posts from November, 2010

GINATAANG TULINGAN na may GULAY

Image
Nagbabakasyon sa aming bahay ang biyenan kong si Inay Elo. Hindi siya masyadong mahilig sa mga karne na ulam kaya naman dinadalasan ko ang pagluluto ng mga ulam na isda. Kaya naman nitong isang araw ay naisip kong mag-luto ng ginataang tulingan. Nung una simpleng ginataan lang ang plano ko. Pero nai-suggest ng pamangkin ng asawa ko na si Keth na kasama din namin dito sa bahay na mas masarap daw kung lalagyan ko ng sitaw ng talong. Nabanggit din niya na mainam daw na i-prito ko muna ang isda saka ko gataan. At yun nga ang ginawa ko. Aba masarap nga. :) GINATAANG TULINGAN na may GULAY Mga Sangkap: 1 kilo Tulingan 100 grams String Beans (Sitaw) Hiwain sa nais na haba 100 grams Egg Plant (Talong) Hiwain sa nais na laki 400 ml. Coconut milk ( 1 can) or Kakang gata from 1 coconut 1 thumb size Ginger sliced 4 cloves minced Garlic 1 medium size Onion chopped 1 tsp. Maggie Magic Sarap salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplaha ng asin ang tulingan. Hayaan muna ng ilang minuto. 2....

GROUND CHICKEN with SQUASH in OYSTER SAUCE

Image
Another dish by accident ang entry ko sa inyo for today. By accident kasi hindi ko alam kung may ganito talagang dish. Dapat kasi gagawa ako ng chicken burger with mushroom gravy, kaso parang gahol na ako sa oras kasi nga maagang papasok ang mga anak ko sa school. Ito pa naman dapat ang baon nila. Kaya ang ginawa ko niluto ko na lang ang giniling na manok sa kung ano ang available na sangkap sa bahay. Nakita ko nga ang kalabasa na dapat sana ay gagawin kong pumpkin soup na hindi na din natuloy sa ano mang kadahilanan. By anyways, masarap ang kinalabasan ng dish na ito kahit by accident lang. Hehehehe. Try nyo din. Okay na okay ito sa mga nagmamadali. Pwede din kayong gumamit ng ibang gulay katulad ng baguio beans, chicharo o kaya naman ay repolyo. GROUND CHICKEN with SQUASH in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Ground Chicken 250 grams Squash cut into cubes 1/3 cup Oyster Sauce 1 head Minced Garlic 1 medium size Onion chopped 2 tbsp. Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 tbsp. ...

PORKLOIN in HONEY, BARBEQUE and HOISIN SAUCE

Image
Tuwing Lunes hanggang Biyernes, maaga akong gumigising para mag-prepare ng mga babaunin nila pag-pasok nila sa school. 5:30am pa lang kasi ng ga ay sinusundo na sila ng kanilang service. Kaya naman 3:45 pa lang ay gising na ako para magluto ng pang-breakast nila at pang-baon. Para hindi ako kapusin sa oras, minsan niluluto ko na sa gabi ang ang pang-ulam nila. Kung mga prito-prito lang naman, okay na na sa mismong araw na ito iluluto. Kagaya nitong entry ko for today. Tinimplahan ko na ito at niluto nung gabi pa lang at kinabukasan naman ay saka ko na lang ipinagpatuloy ang pagluluto. Kung baga, pinalambot ko na sa gabi at finishing na lang sa kinabukasan. Masarap ang dish na ito. Pwedeng-pwede din ito sa mga espensyal na okasyon katulad ng pasko o Bagong Taon. Tiyak ko na magugustuhan ito ng inyong pamilya. PORKLOIN in HONEY, BARBEQUE and HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Porkloin (lomo) 1 8oz. Sprite 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Barbeque Sauce 1...

ITALIAN CHICKEN SAUTE

Image
Ang sosyal naman ng dating ng entry natin for today. Italian chicken saute. Pero sa totoo lang Chicken afritada lang ito na nag-level-up. hehehehe. Nakuha ko lang ang recipe na ito dun sa label ng Del Monte Four Cheese Pasta Sauce na ginamit nitong isang araw. Remember yung Macaroni na niluto ko? Yup, hindi ko nilagay lahay yung sauce. Siguro mga kulang-kulang 2 cups pa yung natira..kaya ito yung recipe na pinag-gamitan ko. Nilagyan ko na lang ng ng kaunting twist para mas sumarap pa ang dish na ito. ITALIAN CHICKEN SAUTE Mga Sangkap: 1 whole Chicken cut into serving pieces 100 grams Bacon chopped 2 cups Del Monte Four Cheese Pasta Sauce 2 pcs. Potatoes cut into cubes 1 large Carrot cut into cubes 2 pcs. Red bell pepper 5 cloves Minced Garlic 1 large Red Onion chopped 1 tsp. Dried Thyme 2 tbsp. Olive oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. 2. Isunod na ilagay ang bacon. Halu-haluin hanggang sa medyo ma-toast ito....

CREAMY PASTA with BASIL and PAN-GRILLED CHICKEN

Image
Here's a pasta dish na tiyak kong magugutuhan ninyo lalo na yung mga nag-iisip ng kung ano ang ihahanda sa kanilang Noche Buena at maging sa kanilang Media Noche. Ofcourse hindi mawawala ang mga pasta dishes sa mga ganitong okasyon. Ipahinga na muna natin ang ating spaghetti recipe at i-try naman natin ang naiiba kumpara sa pangkaraniwan na nakakain naman natin sa mga nagkalat na fastfood chain. Tiyak ko na magugustuhan ninyo ito dahil bukod sa masarap na madali pa itong lutuin. Hindi rin mahirap ang mga sangkap dahil mabibili naman din natin ito sa mga palengke or supermarket. Try nyo ito...masarap talaga. CREAMY PASTA with BASIL and PAN-GRILLED CHICKEN Mga Sangkap: 500 grams Fettucine Pasta 3 whole Chicken Breast Fillet 2 cup All Purpose Cream 1/2 cup Butter 1 cup Fresh Basil leaves finely chopped 2 cups Grated Cheese 5 cloves minced garlic 1 large White onion chopped salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Iluto ang pasta ayon sa package direction. 2. Gamit ang...

STEAMED & FRIED CHICKEN

Image
Marami-rami na din ang nai-post kong fried chicken recipe sa blog nating ito. Bakit naman hindi? paborito itong ulam ng tatlo kong anak. Kaya naman challenge sa akin ang tumuklas pa ng iba pang pamamaraan sa pagluluto nito. One of their favorite ay yung fried chicken ala Max. Ang maganda kasi dito ay yung sarap to the bones na tinatawag. O yung ubos talaga at buto na lang ang natitira dahil sa sarap at sa lambot ng manok. Sa Max style fried chicken, inilalaga muna ang manok sa secret nilang spices at saka pini-prito ng lubog sa mantika. Dalawang beses nila ito pini-prito para maging mas malutong ang balat ng manok. Dito nabuo ang inspirasyon ko nung niluto ko ang fried chicken na ito na entry ko for today. Yun lang, sa halip na ilaga ko ang manok, in-steam ko ito hanggang sa maluto. OK naman ang kinalabasan. Nagustuhan ng aking mga anak at literal na buto na lang ang natira sa kanilang mga pinggan. Hehehehe. STEAMED and FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 1 Whole Chicken cut in...

STIR FRIED BEEF and ASPARAGUS

Image
Once a week lang kami kung kumain ng karne ng baka. Medyo may kamahalan kasi ang karneng ito. Imagine kung buto-buto na pang laga mga 200 ang kilo. Kapag yung magagandang parte kagaya ng sirloin nasa 300 nama ang kilo. Kagaya nitong entry ko for today. 1+Kilo ito ng sirloin na ang naging halaga ay P330, so dapat talagang masarap ang kakalabasan ng dish na ito. Tamang-tama na isahog ko dito ang medyo may kamahalan din na gulay na Asparagus. At ano ang magandang awing luto dito? Ano pa e di Stir Fry. Masarap, simple at tiyak kong magugustuhan ninyo. STIR FRIED BEEF and ASPARAGUS Mga Sangkap: 1 kilo Beef Sirloin cut into bite size pieces 200 grams Asparagus cut into 1 inch long 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 large Onion sliced 1 tbsp. Brown sugar 5 cloves Minced Garlic 1 tsp. Cornstarch 1 tbsp. Sesame oil 2 tbsp. Cooking oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang karne ng baka sa asin, paminta, toyo at oyster sauce. Hayaan ng mga 30 minuto. 2. Habang mi...

INSTANT KUNG PAU CHICKEN

Image
Noon ko pa gustong i-try na mag-luto nitong sikat na sikat na Kung Pao Chicken. Marami na din akong nabasa na mga recipe at desidido talaga akong i-try. Pero yun nga wala akong lakas ng loob na i-try ito. Hehehehe Kaya naman nang makita ko itong bagong produkto ng Clara Ole ito agad ang naisip kong gawin. Although pang-pasta ang sauce na ito, masarap din ito as kung pao chicken. Kaya eto, i-try nyo ang aking instant Kung Pao Chicken INSTANT KUNG PAO CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet (cut into cubes) 1 sachet (220ml) Clara Ole Kung Pao pasta sauce 1 large Green Bell Pepper cut into cubes 1/2 cup roasted peanuts 2 tbsp. Chili Sauce 1 thumb size Ginger 5 cloves minced Garlic 1 large Onion sliced 1 tbsp. Sesame oil 2 tbsp. Cooking oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang chicken fillet ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang manok sa kaunting mantika hanggang sa mawala ang pagka-pink nit...

PAN-GRILLED PORK STEAK

Image
Isa sa mga gusto kong parte ng karne ng baboy ay itong pork steak. Ewan ko basta ito ang naka-label sa kanya pag bumibili ka sa supermarket. Hehehehehe. Ito yung parte ng baboy na parang marble ang itsura at parang porkchops ang hiwa. Ang maganda sa parte ng baboy na ito ay hindi ito dry pagkatapos mong lutuin. Juicy pa rin ito at malasa. Ayos na ayos ito na inihaw o pa-steak nga. Ito ang ginawa ko sa nabili kong pork steak nitong nakaraang araw. Simpleng marinade mix lang ang ginawa ko at presto isang masarap na ulam ang naihain ko sa aking pamilya. PAN-GRILLED PORK STEAK Mga Sangkap: 1 kilo Pork steak (pork shoulder ata din ang tawag dito) 1 pc. lemon (1 tbsp. lemon zest at juice) 1/2 cup Worcestershire Sauce salt and pepper to taste 1/2 cup Honey 1/2 cup Barbeque sauce Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, lemon zest at juice at worcestershire sauce. Hayaan ng mga isang oras. Overnight mas mainam. 2. I-ihaw ang karne sa non-stick...

FOUR CHEESE MACARONI

Image
My family love pasta dishes. Kaya naman kung may pagkakataon at kung may espesyal na okasyon nagluluto ako nito. Sa tatlo kong anak at sa aking asawang si Jolly, iba-iba sila ng gusto na luto sa pasta. Ang wife ko ang gusto niya ay yung hindi masyadong ma-sauce. Gusto niya yung kagaya ng pasta with pesto or just basil, cheese and garlic pasta. Ang bunso kong si Anton, yung white sauce naman ang gusto. Ah yung dalawa sina Jake at James kahit ano basta pasta dish gustong-gusto nila. Kaya naman nitong nakaraang Linggo, ito ang niluto ko kahit na walang okasyon for our breakfast. Alam nyo kung ano ang sabi ng bunso ko habang kumakain kami? Tirhan daw siya nito for his snack. hehehehe Gusto ko itong product na ito ng Del Monte. Itong Four cheese Spagetti sauce nila. Masarap talaga siya sa pasta at kahit na konti lang ang sahog ko dito ay okay na okay pa din. Yun lang nilagyan ko pa ng konting brown sugar ang sauce para mas tumama sa panlasa ng mga bata. Okay na okay talaga ito lalo na sa da...

BEEF POCHERO version 2

Image
Isa sa mga paborito kong ulam na lutuin ay itong beef prochero. Gustong-gusto ko kasi yung lasa na nagaagaw ang asim at tamis ng sauce. At syempre ang ibat-ibang klaseng gulay na nakahalo dito. This is my second version ng dish na ito. Kakabasa ko kasi ng mga recipes sa iba pang food blog, marami pala talagang version ng dish na ito. Ofcourse bukod pa yung pochero version ng mga Cebuano na parang Bulalo naman dito sa Manila. At komo nga mahirap pakainin ng gulay ang aking mga anak lalo na ang pangalawa kong si James, ito ang ipinabaon ko sa kanilang lunchbox. Naubos naman, komo nga siguro masarap ang manamis-namis na sauce. BEEF POCHERO version 2 Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket cut into cubes 3 pcs. Chorizo de Bilbao or Macao Sausage 2 cups Tomato Sauce a bunch of Pechay Tagalog 1/2 Medium size Cabbage (hiwain sa nais na laki) 1 pc. large Carrot cut into cubes 2 pcs. large Sweet Potato cut into cubes 5 pcs. Saging na Saba cut into 2 3 tbsp. Brown Sugar 5 cloves minced garl...

BRAISED PORK BELLY in HONEY-LEMON and BLACK BEAN SAUCE

Image
Nitong mga nakaraang posting ko mapapansin nyo siguro ang mga entry ko na aksidente ang pagkakaluto. Hehehehe....Aksidente pero masarap :) Ewan ko ba....up to the last minute ay nababago ang plano ko. Katulad na rin nitong entry ko for to day. Dapat sana gagawin ko itong lechon kawali, pero ang kinalabasan braised pork belly na parang pork humba ang dating. Madali lang lutuin ang dish na ito. All you have to do is to put everything in a pot at lutuin lang sa mahinang apoy. Ayos na ayos ito sa mga may slow-cooker at mga nagmamasukan sa trabaho. Isalang lang sa slow cooker bako pumunta ng office at pagbalik nyo ay may masarap na ulam na kayo. Try it! BRAISED PORK BELLY in HONEY-LEMON and BLACK BEAN SAUCE Mga Sangkap: 1.5 Kilo Pork Belly o Liempo (hiwain ng mga 1.5 inches ang kapal) 2 tbsp. Black Bean Sauce 1/2 cup Pure Honey Juice from 1 Lemon 1 tsp. 5 spice powder 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Vinegar 1/2 cup Brown Sugar 1 tsp. Ground Black Pepper 1 head Minced Garlic 1 large ...

CHICKEN FILLET with BARBEQUE-HONEY SAUCE

Image
The last time na mag-groceries ako, nakabili ako ng 1 kilo ng chiken breast fillet...yung wala nang balat. Ngayon nitong lulutuin ko na hindi ko malaman kung anong luto an gagawin ko dito. Nauubusan na ba ako ng idea? Hehehehe. Ang ginawa ko? konting gisa-gisa..konting tambog-tambog.....konting tikim-tikim.....adjust ng konting lasa....and presto may ulam na kami. Hehehehe Ganun naman ang pagluluto... Parang nung araw.... Kung ano ang available sa paligid o sa kusina, yun na lang ang inilalagay. Kaya nga ang dami nating version ng adobo at sinigang di ba? CHICKEN FILLET with BARBEQUE-HONEY-LEMON SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken thigh fillet 1 large Carrot cut into cubes 1 pc. Lemon (kunin yung juice at gadgarin yung balat) 1/2 cup Barbeque Sauce 2 tbsp. Worcestershire Sauce 2 tbsp. Soy Sauce 1/2 cup Honey with Lemon 2 tbsp. brown sugar 1 thumb size ginger sliced 1 large onion sliced 5 cloves minced garlic 2 tbsp. cooking oil or butter sa...

HEALTHY CHOPSUEY

Image
After na ma-diagnosed ako na diabetic naging medyo alalay ako sa mga kinakain. Ako lang naman. hehehehe. Kaya kung mapapansin ninyo ganun pa din naman ang niluluto ko para sa aking pamilya. Yun ang mahirap sa parte ko, gusto ko man na kumain ng marami ng mga niluluto ay hindi pwede, mahirap na na maaga ang kamatayan ko. Hehehehe. Matatamis na pagkain, kanin at moderation sa aking mga kinakain ang kailangan lang naman talaga para ma-control ko ang aking blood sugar. HIndi naman kailangan na hindi ka kakain. Syempre dapat healthy ang pagkain na kinakain. Katulad nitong simpleng entry ko na ito. Chopsuey without pork or chicken. Squid balls lang ang ginamit kong sahog at oyster sauce. Winner ang chopsuey na ito. HEALTHY CHOPSUEY Mga Sangkap: 15 pcs. Squid balls quartered 1 cup sliced Carrots 1 cup Sliced Baguio beans 1 pc. Sayote Sliced 1 cup Brocolli 1 cup Cauliflower 1 large pc. Red Bell pepper curt into cubes 1 small Cabbage chopped 1/2 cup Oyster Sauce salt and pepper to taste 2 tbsp....

LUMPIANG SHANGHAI - In my Dreams

Image
Last October 30 ilang araw bago mag-undas, napanaginipan ko ang aking namayapang Inang Lina. Sa aking panaginip, inutusan niya akong mag-luto ng lumpiang shanghai at ipamigay ito sa mga taong tumulong sa kanya nung siya ay nagkasakit. Malinaw na malinaw ang instructions niya sa at pagkagising ko kinabukasan ay ipina-alam ko agad ito sa aking kapatid si Shirley na nasa Bulacan. Pinakiusapan ko din siya na gawin ito komo nga nasa Batangas ako noon. Nitong isang araw, tinupad ko ang utos ng aking Inang na mag luto nga ng Lumpiang Shanghai. Iniba ko na lang ang pamamaran ng pagluluto at dinagdagan ko ng iba pang mga sangkap. Yun naman ang maganda sa lumpia...kahit ano pwede mong isahog dito para mas lalo pang sumarap. At isa pa, sa version kong ito niluto ko muna yung palaman bago ko binalot ng lumpia wrapper. At hindi naman ako nagkamali, masarap at nagustuhan ng mga anak ko ang lumpiang prito na ito. LUMPIANG SHANGHAI - In my Dreams Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Pork 250 ...

SINAMPALUKANG MANOK - Dapat sana Tinola :)

Image
Dapat sana tinolang manok ang gagawin kong luto sa manok na ito. Kaso, sa aking pagmamadali para makauwi na ng bahayalimutan kong dumaan sa palengke at bumili ng mga gulay na kailangan dito. Hindi pala ako nag-i-stock na gulay sa fridge kasi nga nasasayang lang. Pag-check ko ng fridge pagdating ko sa bahay, tiningnan ko kung ano ang pwede kong isahog sa manok na ito na aking lulutuin. May nakita akong kamatis, konting sitaw at luya. Sinamnalukang manok agad ang pumasok sa isip ko kaya ito nga ang ginawa kong luto. Sa amin sa Bulacan, ang sinampalukang manok ay usbong na dahon ng sampalok ang ginagamit na pang-asim. Pero komo nga last minute na yung naging decision ko, sinigang mix na lang ang ginamit ko dito. Kinabukasan habang nagba-browse ako ng mga recipe sa website ni Mama Sita, nakita ko doon ang recipe niya ng sinampalukang manok. To my surprise, halos parehong-pareho ang recipe niya sa akin. Ang pagkakaiba lang ay tamarind paste ang ginamit niya sa halip na sinigang mix. Sobrang...

CRISPY HERBED PORKCHOPS

Image
Nag-request ang pangalawang kong anak na si James na pritong porkchops ang ipabaon ko sa kanya sa kanyang school field trip. Kaya naman sinunod ko ang hiling niya. Kaso, nung araw ng kanilang field trip ay nagkaroon ng bagyo at hindi natuloy ang kanilang lakad. Ang nangyari, kami ang kumain ng porkchops na hiniling niya...hehehehe. Very common ang entry kong ito for today. Ang mai-share ko sa inyo dito ay kung papaano magiging mas masarap at crispy ang inyong pork chops. CRISPY HERBED PORKCHOPS Mga Sangkap: 1 kilo Porkchops (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba at hindi gaanong makapal ang hiwa) 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Dried Rosemary 2 cups Casava Flour 1 tbsp. Garlic Powder 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 Egg beaten Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang porkchops sa asin, paminta, garlic powder, dried basil at dried rosemary. Hayaan ng mga 1 oras o mas matagal pa. 2. Kung lulutuin na, ihalo ang binating itlog sa minarinade na por...

BIYAYA NG LANGIT

Image
Tuwing undas o araw ng mga patay ay umuuwi kami sa bahay ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas. Gustong-gusto ko dito at pati na rin ang mga bata dahil sa aliwalas na paligid at malamig na klima. Kung December nga dito ay para kang nasa Baguio malamig ang simoy ng hangin kay laging tanghali na ako nagigising dahil sa sarap ng tulog. Bukod sa maaliwalas na paligid ay gustong-gusto ko din dito dahil sa dami ng mga puno ng prutas na pwedeng akyatin. Hehehehe. Lalo na nitong nakaraang undas, kung saan hitik na hitik sa bunga ang mga puno ng prutas dito. Ang daming bunga ng lansones na abot kamay lang ng anak kong si Jake ang bunga. At alam nyo ba, napaka-tamis ng lansones na ito. Ano ang sinabi ng lansones na galing Bangkok dito. Kahit siguro isang kaing ay kaya kong ubusin. Hehehehe. Dito ko naisip ang kasabihang, "Kapag may itinanim...may aanihin". Marahil sa ganda ng lupa at sa lamig ng panahon sa lugar na ito kaya naisipan ng mga biyenan ko na ma...

SARDINES and EGG

Image
Para hindi maging boring ang mga pangkaraniwang dish na inuulam natin sa araw-araw, mainam din na maging experimental tayo sa ating pagluluto paminsan-minsan. Yun bang nilalagyan natin ng twist ang mga pamamaraan ng pagluluto o kaya naman ay yung mga sangkap na inilalagay natin. Katulad na lang nitong dish na ito na entry ko for today. Ordinary sardines. Ano ba ang pwedeng gawin sa sardinas kundi igisa o kaya naman ay kainin straight from the can. Ang ginawa ko, nilagyan ko siya ng itlog at kung anong available na spices sa aking cabinet. Ang kinalabasa? Isang kakaiba at masarap na sardinas. hehehe. Try nyo din masarap talaga. SARDINES and EGG Mga Sangkap: 1 big can Sardines (any brand will do) 3 Eggs beaten 1/2 tsp. Dried Basil 4 tbsp. Olive oil 1 large tomato sliced 1 large Onion Sliced 5 cloves Minced Garlic Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick pan, i-prito ang itlog sa 2 tbsp. Olive oil. Halu-haluin para hindi magbuo-bu...

AKSIDENTENG CHICKEN BARBEQUE

Image
No....hindi na-aksidente ang chicken na ito na niluto ko. Hehehehe. Ang gusto ko lang sabihin sa title ay... biglaan na naging chicken barbeque ang chicken dish na dapat ko sanang lutuin. Dapat sana roasted chicken ala Anton ang gagawin kong luto dito. Matagal na din kasi kaming hindi nakakapagluto nito kasi nga nasira ang turbo broiler namin. Naiba ang plano kasi kulang pala ang mga sangkap na kailangan ko dito. Nang maghalungkat ako sa grocery cabinet ng aking biyenan, nakita ko itong Mama Sita Barbeque Marinade. At yun nag-decide na agad ako na i-marinade na lang dito ang manok na lulutuin ko. Hindi naman ako nagkamali, ang aksidenteng pagpalit ng plano ay naging kapuri-puri sa mga kumain ng chicken barbeque na ito. Salamat kay Mama Sita. (Hindi promotion yan ha....hehehe) AKSIDENTENG CHICKEN BARBEQUE Mga Sangkap: 1.5 kilos Chicken Legs 1 cup Mama Sita Barbeque Marinade Mix 3 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Ground Black pepper Paraan ng pagluluto: 1. Tusuk-tusukin o hiwaan ng kutsilyo ang ...

BEEF & BROCOLLI in OYSTER SAUCE

Image
Sa lahat ng recipe na nai-post ko sa food blog kong ito mula nang ito ay mag-simula, itong Beef with Brocolli in Oyster sauce ang may pinaka-maraming hits o views na nakuha. Sabagay, sino ba naman ang hindi nasarapan at masasarapan sa dish na ito? Winner talaga ito. Kaya nga kahit may kamahalan ang Sirloin beef at brocolli, niluto ko pa rin siya nitong isang araw. Gamit ang imported na ouster sauce na nabili ko sa Puregold sa Clark nung fieldtrip ng anak kong si Anton, mas lalong sumarap ang dish na ito na tinangkilik ng marami. Ang pagkakaiba pala ng entry kong ito compare dun sa una, first, sirloin ang ginamit ko dito na may kamahalan. P300 ang kilo nito sa Farmers market, second is yung oyster sacue na ginamit ko and third is yung presentation ng brocolli....hehehehe Try it! Panalo talaga ang dish na ito. BEEF & BROCOLLI in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Sirloin cut into bite size pieces 1/2 kilo Brocolli cut laso into serving pieces 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sau...

PISTEK na TALAKITOK

Image
Isa sa mga paborito kong ulam ang bistek tagalog. Yun bang sliced beef na nilagyan ng katas ng calamansi at toyo. Gusto-gusto ko nito lalo nayung sauce. Yun bang naghahalo na asim at alat. May fish steak na entry na din ako sa blog kong ito. Yun lang ang pagkakaiba ay ang klase ng isdang ginamit. Kahit anong isda naman pwede sa fish steak. Huwag lang yung masyadong matinik o kaya naman ay maliliit katulad ng dilis....hehehehe. Nang makita ko ang talakitok na ito sa palengke sa Farmers market, fish steak agad ang naisip na gawing luto dito. Ang ganda kasi nang pagkaka-sliced nito at sariwang-sariwa talaga. Sa mga biyenan ko sa Batangas ko pala niluto ito nung umuwi kami nung undas. Nakakatuwa naman at nagustuhan din nila. PISTEK na TALAKITOK Mga Sangkap: 1 kilo Sliced Talakitok 2 large Red Onion cut into rings 5 cloves minced Garlic 10 pcs. Calamansi (juice) 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. ...

CHICKEN, VEGETABLES & MACARONI SOUP

Image
Paborito ng anak kong si Anton itong entry natin for today. Kahit ito lang ang ipakain mo sa kanya ay okay na okay na siya. Kaya naman nitong bago mag-undas nang umuwi kami ng Batangas ay nagluto ako nito para sa aming almusal. Tamang-tama dahil nung araw na yun ay magdamag na umulan at napakalamig ng umaga. Ayos na ayos ang mainit na sopas para pang-almusal. CHICKEN, VEGETABLES and MACARONI SOUP Mga Sangkap: 500 grams Elbow Macaroni Pasta 2 whole Chicken Breast 1 large Carrots cut into strips 1/2 Repolyo chopped 1 big can Alaska Evap (red label) 1 large Onion chopped 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, pakuluan hanggang sa tubig na may asin at paminta ang manok hanggang sa maluto at lumambot. Hanguin ang manok at palamigin. Himayin ang laman at itabi sa isang lalagyan. 2. Sa isa pang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. 3. Ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng manok. Hayaang kumulo. 4. Ilag...

SINIGANG na HIPON sa CALAMANSI

Image
Sa mga pagkaing Pilipino na may sabaw marahil nangunguna sa listahan natin ang sinigang. Mapa baboy man o isda, baka man o manok, o kahit na seafoods pa ang laman nito, panalong-panalo talaga ang asim ng sabaw nito. Kung mag Tom Yum ang Thailand, syempre hindi naman papatalo ang ating sinigang. Maraming pang-asim an pwedeng gamitin sa sinigang. Ofcourse pinaka-common dito ang sampalok. Pwede din ang kamyas, santol, manggang hilaw o kaya naman ay calamansi. Kahit saang parte ng Pilipinas ay may kaniya-kanyang version ng sinigang. Depende na lang siguro kung anong pang-asim ang available sa lugar na yun. Kaya nga sa recipe kong ito for today, naalala ko ang sinigang na bangus sa calamansi na inihain sa amin ng aking Ate Mary Ann nung huling beses na dumalaw kami sa aming lugar sa Bocaue Bulacan. Nagustuhan ko talaga yung asim ng calamansi na kanyang inilagay. Kaya naman ito din ang ginamit ko sa sinigang na hipon na ito na niluto ko. SINIGANG na HIPON sa CALAMANSI Mga Sa...

GINATAANG ALIMASAG

Image
Last Saturday namalengke ako sa Farmers market sa Cubao. Plano kong bumili ng hipon para kako mapag-sigang. Medyo matagal-tagal na din kaming hindi nakakakain ng sinigang na hipon. At ang ginawa ko isinigang ko ito sa calamansi. Pero hini hindi ang ipo-post ko ngayon. abangan nyo na lang ang posting ko para dito. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay itong alimasag na nabili kasama ng hipon. Medyo may kamahalan ang seafoods dito sa Farmers market. Pero bumili pa rin ako kahit 1 kilo lang. P220 ba naman ang kilo at ilang piraso lang ito. Pauwi kami ng Batangas nung araw na yun kaya naman napabili ako nito para kako sa aking biyenan na si Inay Elo. Gusto kasi niya nitong alimasag na may gata at ipagluluto ko kako siya. GINATAANG ALIMASAG Mga Sangkap: 1 kilo Alimasag 2 cup Purong kakang gata 1 thumb size Ginger sliced 5 cloves minced Garlic 1 large Onion choppep 3 pcs. Siling pang-sigang salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain sa dalawa ang mga alimasag. 2. Sa isang kaserola,...

UNDAS 2010

Image
Ang undas o ang araw ng mga patay marahil ang masasabi nating pinoy na pinoy na kaugaliang Pilipino. Hindi ko alam kung may ibang bansa na nagdiriwang ng ganitong okasyon. Marahil dahil sa likas na mapagmahal tayong mga Pilipino, kahit sa mga mahal natin sa buhay na namayapa na ay inaala-aloa pa din natin. Bukod sa pagtutulos ng kandila sa kanilang mga puntod, nagdadala din tayo ng mga bulaklak para sa kanila. Nagiging panahon din ito ng pagsasama-sama ng mga pamilya na ang iba ay nanggagaling pa sa malayong lugar. Sana ay manatiling buhay ang kaugaliang ito sa ating lahat. Amen...