Posts

Showing posts from September, 2013

CHEESE and BUTTER SANDWICH

Image
Ito yung simpleng sandwich na inihanda ko kasama ng pasta carbonara nung nagpadasal ako sa haus nitong nakaraang mga araw.   Simple lang siya kasi simple din lang ang mga sangkap.   Pero nagulat talaga ako sa comments at reaction ng mga bisita ko na naka-kain nito.   Puring-puri talaga nila.   Wala namang espesyal na sangkap akong inilagay.   Siguro, komo para ito kay Mama Mary at sa Holy Family, sumarap ito dahil gusto ko rin masiyahan ang mga kakain.   Sabi ko nga parati, lagyan natin ng pagmamahal ang ating mga niluluto para mas lalo pa itong sumarap.   At ganun na nga siguro ang nangyari. CHEESE and BUTTER SANDWICH Mga Sangkap: Loaf Bread or Tasty Bread 1 bar Unsalted Butter or Daricream 1 bar Cheddar Cheese (grated) Salt and pepper to taste To Assemble: 1.  Sa isang bowl, paghaluin lang ang butter, grated cheese at timplahan ng kaunting asin at paminta.  Haluing mabuti. 2.   ...

PASTA CARBONARA : My Other Version

Image
The day before my birthday (September 11), dinala sa aming tahanan ang mga imahe ni Mama Mary at ng Holy Family.   Nag-stay ito sa bahay ng isang linggo at sa huling araw ay nagpakain ako ng kahit papaano sa mga magdadasal. Simpleng snacks lang ang aking inihanda.   Ito ngang pasta carbonara at simpleng butter cheese sandwich.   Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang munti kong nakayanan. Ilang beses na din akong nakapagluto nitong pasta carbonara.   Pero sa pagkakataong ito, ginaya ko yung napanood ko sa Youtube, kung saan nilagyan pa ng itlog ang pinaka-sauce nitong pasta dish na ito.  Kung titingnan natin closely yung pict ng dish na ito sa itaas, mapapansin nyo yung tiny bitsna naka-kapit sa pasta noodles.   I think yun yung effect nung pagsama ko ng binating itlog sa sauce.   At mas sumarap siya ha.   Try nyo din po. PASTA CARBONARA : My Other Version Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 500...

HONEY-BUTTER-GARLIC GLAZE CHICKEN WINGS

Image
Marami na ring resto o fastfood dito sa Manila na nagse-served ng fried chicken na coated ng sari-saring mga sauces.   Kung baga nasa taste mo na kung ano ang gusto mo na kasamang sauce.   Ang pansin ko lang sa mga fried chicken na ito, matabang at walang lasa kung yung manok lang ang kakainin mo at walang sauce.   Sa madaling salita ang isinasarap nung fried chicken ay hindi dun sa chicken mismo kundi sa sauce. Sa sariling version ko naman hindi ganun ang ginawa ko.   Minarinade ko muna yung chicken bago ko pinirito at saka ko inihalo sa sauce o glaze.   the best na ihain ito ng mainit o kakaluto lang.   Winner talaga! HONEY-BUTTER-GARLIC GLAZE CHICKEN WINGS Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Wings 6 pcs. Calamansi o 1/2 Lemon 1 cup Flour 1 cup Cornstarch 1 pc. Egg (beaten) Salt and pepper to taste For the sauce or glaze: 1/2 cup Melted Butter 1 head minced Garlic 1/2 cup Pure Honey Bee 2 tbsp. Tomato Catsup ...

CRAB STICKS and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Ito ang isa sa mga dish na ginawa ko nitong nakaraang 50th Birthday ng aking kapatid na si Ate Mary Ann.  Marami ang nagka-gusto dito at hiniling talaga nila na i-post ko daw ulit dito sa blog ang recipe at kung papaano ito gawin. Marami na din akong version na nagawa sa dish na ito.   Yung iba nilagyan ko pa ng nuts like cashiew nuts.  Yung iba naman ay nilagyan ko pa ng hinog na mangga.   Pero kahit ano pa ang ilagay nyong palaman sa spring roll na ito tiyak kong magugustuhan ito ng kakain.   Masarap at napaka-refreshing talaga.   Try nyo din po. CRAB STICKS and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Romaine Lettuce Pipino (cut into strips) Crab Sticks (cut into strips) Sesame Oil For the Sauce: 2 cups Mayonaise 2 tbsp. Peanut Butter 3/4 cup Evaporated Milk 1 tsp. Sesame Oil Salt and pepper to taste To Assemble: 1.   Ilubog sa tubig ang 1 pirasong rice paper sa loob ng 5 sigundo. 2.   Ilatag ito sa is...

ATE MARY ANN'S 50TH BIRTHDAY

Image
Last September 21, nag-celebrate ng kanyang ika-50 kaarawan ang aking  panganay na kapatid na si Ate Mary Ann.   Actually, September 20 ang birthday.  Pero komo Biyernes yun minarapat naming Sabado gawin para mas marami ang maka-punta.   Dinner ang handa kaya maaga pa lang ay umuwi na kami ng Bulacan para makatulong ako sa pagluluto.   Ayaw kasi naming mapagod ang may birthday sa kanyang party. 3 dish lang naman ang niluto ko.   Yung Ham and Pesto pasta, Cheesy Baby Potatoes with bacon at Crab and cucumber Spring Roll.   Nakakatuwa, dahil nag-tatak talaga sa mga bisita ang spring roll na ginawa ko.   Hehehehe.  Cheesy Baby Potatoes witn Bacon Crab Stick and Cucumber Sprint Roll  Ham and Pesto Pasta Arroz Valenciana Lechon Kawali Chicken Afritada Lengua with Creamy Mushroom Sauce Steamed Shrimp Garbanzos for dessert  Maja Maiz gawa ng aking Tita Ineng At ca...

BRAISED PORK BELLY in PINEAPPLE-ORANGE and HONEY

Image
Ang Braising ay isang pamamaraan ng pagluluto kung saan ang karne ay niluluto sa kaunting liquid hanggang sa lumambot ang karne at maluto.   Tamang-tama ito sa mga mommy na busy sa kanilang work sa bahay o sa office man.   Madali lang lutuin ang dish na ito.   Basta tama ang pagpak-marinade nito at pagkaluto ay tiyak kong magugustuhan ng mga kakain.   Simple din lang ang mga sangkap nito kaya sigurado akong kayang-kaya nyo itong gawin.   Try nyo din po. BRAISED PORK BELLY in PINEAPPLE, ORANGE and HONEY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly o Leimpo (piliin  yung manipis lang ang taba) 2 cup Pineapple Juice (sweetened) 1 pc. Mandarin Orange 1/2 cup Pure Honey Bee 3 tbsp. Soy Sauce 5 cloves minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) Salt and pepper to taste 2 tbsp. Brown Sugar Paraan ng pagluluto: 1.  I-marinade ng overnight ang pork belly sa pineapple juice, bawang, sibuyas, asin at paminta. 2.  Sa isang non-stick ...

PANCIT ALANGANIN ng BOCAUE

Image
Sa bayan ng Bocaue na aking bayang sinilangan, may isang klase ng pancit na talaga namang ipinagmamalaki namin.   Ito ay ang Pancit Alanganin.  Bakit pancit alanganin?    Actually, parang ordinaryong pancit din lang siya.   Yun lang mayroon siyang konting sabaw kaya parang alanganing sopas at alanganing tuyong pancit ito.  Lalong nagpasarap dito ang masaganang toppings na gulay, karne ng baboy at chicharong baboy. Sikat na sikat sa bayan naming ito ang Nory's Panciteria na nagpasikat nitong pancit alanganin na ito.   Ilang beses na din itong na-feature sa mga show sa tv kagaya ng sa Jessica Soho Report at iba pang pang-international na palabas. Nitong nakaraan kong kaarawan ito lang ang niluto kong handa para maging almusal namin.  Pero syempre may kasama naman itong mainit na pandesal na nilagyan ng butter.  Try nyo din po. PANCIT ALANGANIN ng BOCAUE Mga Sangkap: 500 grams Rice Noodles o Bihon 500 grams P...

CHICKEN TOCINO ala DENNIS

Image
Ang tocino ang isa sa mga paboritong pang-ulam sa almusal nating mga Pilipino.   Lalo na kung sasamahan mo ng mainit na sinangag, pritong itlog at mainit na kape?   Winner ang ating umagahan panigurado.   Pero marami sa atin ang hindi din bumibili ng tocino lalo na yung nabibili sa palengke dahil marami sa mga ito ay yung mga natira nang karne at may mga sangkap pa itong preservatives na hindi okay sa ating katawan. Kaya mainam siguro na tayo na lang ang gumawa ng sarili nating tocino hanggat maaari.   Sigurado pa tayo na malinis ito at walang preservatives o harmful na sangkap.   Try nyo din po. CHICKEN TOCINO ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet (hiwain pa ng manipis) 1-1/2 cup Pineapple Juice (sweetened) 2 tbsp. Tomato Sauce 1 head minced Garlic 4 tbsp. Brown Sugar 2 tbsp. Soy Sauce Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng paggawa: 1.  Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng mga...

CRISPY CHICKEN FILLET with MAYO-CATSUP DIP

Image
Dapat sana gagawin kong Crispy Chicken Sandwich itong nabiling kong chicken breast fillet.   Kaso, komo nga nagkasakit ako nitong mga nakaraang araw, hindi ako nakapag-plano ng mga iuulam namin that week.   So wala akong maisip na pang-ulam para sa araw na yun, kaya naisipan ko na lang na ito ang iluto a samahan na din ng mayo-catsup dip para mas sumarap pa. Ang pitso o breast part ng manok ay medyo dry pag naluto at wala itong masyadong lasa.  Kaya mainam na tamang seasoning o marinade ang gawin bago ito i-prito.  Mainam din na kainin na ito agad pagkaluto para crunchy pa talaga.   Ang recipe na ito ay pareho din kung gagawa kayo ng crispy chicken sandwich o burger.  Dagdagan nyo lang ng lettuce, tomatoes,cucumber at cheese ay ayos na ayos na ito.  Try nyo din po. CRISPY CHICKEN FILLET with MAYO-CATSUP DIP Mga Sangkap: 4 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (skinless) 1/2 Lemon or 6 pcs. Calamansi 1 cup Flour 2 cups Japanese...

FRIED RICE with PORK CHICHARON

Image
Masarap talagang almusal sa umaga ang fried rice o sinangag na kanin.   Masarap talaga lalo na kung maraming bawang at mantikang baboy ang gagamitin mo.  hehehehe.   Kaya lang, minsan nagiging boring na nakagawian nating sinangag.   Mas masarap kung may konting sahog na gulay like carrots, corn, peas o kaya naman ay chopped na ham or bacon. Ako madalas bawang at binating itlog lang ang inilalagay ko.   Pero nang makita ko itong chicharong baboy na nabili ko, naisipan kong bakit hindi ko lagyan nito.   Siguro iisipin nyo, e di kumunat yung chicharon kapag inihalo sa mainit na sinangag?   Okay lang.   Yung flavor naman ang magdadala at magpapasarap sa inyong sinangag.   For extra crunch pwede nyong i-top ng chopped chicharon ang inyong sinangag bago ihain.   Try nyo din po. FRIED RICE with PORK CHICHARON Mga Sangkap: 6 cups Rice 1 head minced Garlic 3 tbsp. Mantikang Baboy or ordina...

BIRTHDAY DINNER with MY LOVE ONES

Image
It was my 46th Birthday last September 12, hindi katulad ng mga nakaraan kong kaarawan, hindi ako naghanda for this year.   Nag-pancit lang ako para almusal namin that day at yun na yun.   Hindi ba nga medyo dumadaan ako sa isang pagsubok sa aking kalusugan at sa aking finances?   Salamat sa aking asawang si Jolly at pinakain niya kaming mag-aama ng isang espesyal na hapunan. Hindi na kami lumayo pa.   Sa isang bagong mall malapit sa aming tahanan kami nagpunra.   Hindi ko na babanggitin pa yung mall at baka sumikat pa.   Hehehehe.   Bago kami kumain ay nag-ikot-ikot muna kami at pumili kung saan nga kami makakapaghapunan.   At napili na nga namin ang Mann Hann Restaurant. Halo ang mga food na sine-serve nila.   May Pilipino, Japanese, Chinese at iba pa.   Ang maganda pa dito, reasonable yung presyo nila at madami ang serving. Favorite naming lahat ang pork siu mai.  ...

CHICKEN LETTUCE and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Isa pang version ng paborito kong spring roll gamit ang rice paper.   This time, nilahukan ko naman ng crispy chicken fillet at mayonaise.   Actually, pwede din na i-grill yung chicken fillet at hiwain ng pa-strips. Kagaya ng sandwich, pwede din kahit ano ang ilagay sa spring roll na ito.   Tandaan lang na dapat ay medyo malasa ito para mag-compliment dun sa lettuce at sa pipino.   Winner ito may sauce o dip man o wala.   Mainam na starter sa mga espesyal o kahit ordinaryong okasyon.   Try nyo din po. CHICKEN LETTUCE and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Chicken Breast Fillet (pitpitin gamit ang kitchen mallet) Romaine LettucePipino (cut into strips) Mayonaise Calamansi or Lemon Salt and pepper to taste Egg Japanese Breadcrumbs Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin, paminta at katas ng calamansi ang pinitpit na chicken breast fillet.  Hayaan ng ilang sandali. 2...

HAPPY BIRTHDAY TO ME

Image
It's my 46th Birthday today.   Kumpara sa mga nakaraan kong kaarawan, simple at walang handa ang taong ito sa akin.   Medyo natapat lang sa hindi masyadong magandang pangyayari, kasama na ang aking pagkakasakit kaya minarapat kong ipag-diwang na lang ito sa aming tahanan kasama ang aking mga mahal sa buhay. Ang picture pala sa taas ay kuha pa nung nakaraan kong kaarawan nung magpakain ako sa aking mga ka-opisina. Anyways, okay lang naman sa akin ang ganitong pagdiriwang.   Wala talaga eh.   Pero alam ko na may darating na mas malaki pang gift si Lord para sa akin. Amen.

PATA KARE-KARE

Image
Isa sa mga paborito kong ulam ay itong kare-kare.   Mapa-pork, baka, chicken,  o twalya man ay gustong-gusto ko ito.   Basta may ganito sa mga handaan o kainan, paniguradong ito ang aking unang kukuhanin.  Lalo na kung winner ang bagoong alamang na kasama nito?   winner talaga.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito. Dati, it's a challenge ang pagluluto ng kare-kare.   Kaya nga kino-konsidera na special dish ito.   Pero ngayon ay hindi na.   May mga available na kasing kare-kare mix sa market na pwede mong gamitin.   Ofcourse iba pa rin yung original na recipe.   Pero bakit natin pahihirapan ang sarili natin kung pwede naman ang ganito. This time Del Monte Kare-kare Mix ang ginamit ko.  (Free advertisement ito ha...hehehe).   Okay din naman siya.   Malapit naman talaga sa original na recipe.  Basta ang tatandaan lang natin sa ating ka...

MENUDO with PINEAPPLE in PASTA SAUCE

Image
Ang Menudo ang pagkain pangkaraniwan nating nakikita sa mga handaan katulad ng fiesta, kasalan, binyagan at iba lalo na sa amin sa Bulacan.   Masarap naman kasi talaga ito at espesyal talaga.   Sa mga carinderia ay winner din ang pang-ulam na ito.   Sauce lang kasi ay ulam na ulam na. Naisipan kong i-levelup ang love na love nating Menudo.   Bukod sa pangkaraniwang lahok na inilalagay natin katulad ng carrots, patatas at red bell pepper, nilagyan ko din ito ng pineapple tidbits.   Yung syrup nito ay inilagay ko din sa karne habang niluluto para magkaroon ito ng fruity flavor.   Also, sa halip na tomato sauce ang aking inilagay, 3 cheese pasta sauce ang aking ginamit.   Talaga namang mas sumarap pa a g masarap nang Pork menudo na paborito natin.   Try nyo din po. MENUDO with PINEAPPLE in PASTA SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 300 grams Pork Liver (cut into cubes) 1 ...

PAUMANHIN PO.....

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-update ng recipes dito sa ating munting tambayan.   Medyo nagkaproblema lang po sa aking kalusugan nitong mga nakaraang araw at dumaan din po ako sa medyo strict na diet.   Pero okay na po ako ngayon.   Sana ay magtuloy-tuloy na po ito. Sana po ay patuloy nyong suportahan ang food blog kong ito.   Magbabalik po ang mga regular kong post sa mga darating na araw. MARAMING SALAMAT PO... :)

TORTA BURGER

Image
Tatlo ang anak kong nag-aaral.   Kahit 2 na dito ay highschool, pinagbabaon ko pa din sila ng kanilang snacks para hindi na bibili pa sa school.   Minsan napansin ko na uwi pa rin nila ang kanilang baon at hindi nila kinain.   Siguro kako ay nagsasawa na sila sa mga cup cakes at biscuit na pinababaon ko.    hehehehehe.   Kaya naman naisipan kong gawan naman sila ng sandwich o burger. Yes.   But this time torta burger ang aking ginawa.   Remember yung tortang giniling na niluto ko nung isang araw?   Yun yung ginawa kong palaman sa kanilang burger.   Pinirito ko lang siya na kasing laki ng burger bun at presto may torta burger na.   Nilagyan ko na lang ng mayonaise, lettuce, cucumber at cheese para mas lalo pang sumarap.  At isa lang ang sinabi nila nung umuwi sila ng bahay, masarap daw ang burger nila.   hehehehe.   Try nyo din po para sa inyong mga anak....

ORANGE ROAST CHICKEN

Image
The last time na mag-grocery kami, may nabili akong mandarin oranges na sale.   Bale buy 1 take 1 siya.   Bale 4 pcs. per pack so 8 pcs. lahat yun. Habang nag-iisip ako kung anong luto ang gagawin ko sa buong manok, nakita ko itong mga oranges na ito.   At dun nabuo na gamitin ito para pang-marinade sa manok at saka ko iro-roast sa turbo broiler.   Masarap naman ang kinalabasan. Ang gusto ko pang idagdag dito ay sa pamamaraan ng pagro-roast sa manok.  Sa totoo lang medyo nagkamali ako sa isang ito na niluto ko.   Nawala sa loob ko na matamis nga pala ang oranges at madali itong masunog kapag nainitan.   Kaya ganyan ang nagyari sa skin ng manok sa photo.   Kaya kapag magluluto kayo ng ganito, balutin nyo muna ng aluminum foil ang manok sa 1st 15 minutes nang pagluluto at tanggalin ang foil sa huling bahagi. TRy nyo din po. ORANGE ROAST CHICKEN Mga Sangkap: 1 whole Chicken (about 1.2 kilos) 1 whol...

TORTANG GINILING in BANANA LEAVES

Image
Hindi ko alam kung may gumagamit pa din ng dahon ng saging kapag nagluluto tayo ng torta .   Di ba komo hindi pa uso noon ang mga non-stick na kawali ginagamitan nila ng dahon ng saging ang pagpi-prito ng torta para di manikit sa kawali. Ganito din ang ginagawa ng aking Inang Lina noong araw. TORTANG GINILING in BANANA LEAVES Mga Sangkap: 1/2 kilo Lean Ground Pork 1 large Potato (cut into small cubes) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (chopped) 2 pcs. Tomatoes (chopped) 3 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 tbsp. Worcestershire Sauce Salt and pepper to taste Banana Leaves (i-cut na hugis bilog depende sa laki ng torta na nais nyo) Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang kawali, i-prito muna ang patatas hanggang sa maluto. 2.   Sunod na igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. 3.   Ilagay na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin, paminta at worcestershire sauce.   Halu-haluin.   Tikman at i-...

ENSELADANG TALONG na may MANGGA, ITLOG na MAALAT at BAGOONG

Image
Parte na ng hapag kainan nating mga Pilipino ang sawsawan at mga side dish na itine-terno natin sa ating mga main dish o pang-ulam.  May kilala nga ako hindi daw siya makakain ng ayos kapag walang patis sa tabi niya habang kumakain.   hehehehe.   Sabagay, kaya-kanya lang yan.   Yung iba naman hindi makakaing mabuti ng walang sabaw kung prito ang pang-ulam.   hehehehe. Itong recipe natin for today ay isang enseladang madali lang gawin.  Yun lang sigurong pagiihaw at pagbabalat ng talong ang medyo mage-effort tayo.   And yes, may post na ako ng halos katulad nito.   ang pagkakaiba lang ay ang pagdadagdag ko ng hilaw na mangga na lalong nagpa-sarap sa enseladang ito.   Ito pala ang itinerno ko sa pritong galunggong na iniulam namin nitong isang araw lang.    Yummy!!!   Try nyo din po. ENSELADANG TALONG na may MANGGA, ITLOG na MAALAT at BAGOONG Mga Sangkap: 4 pcs. Talong 5 ...

TUNA LASAGNA ROLL

Image
Remember yung No Bake Meaty Lasagna na niluto ko para sa birthday ng anak kong si James?   Yes.   May natira pang lasagna pasta sheets at balak ko talagang gawin ang lasagna roll na ito.   Pero sa halip na ground meat ang inilagay ko na palaman ay tuna naman ang ginamit ko.   Yes.   Yung nasa lata lang.   Corned tuna to be specific. Sa picture na ito, hindi ko na ito na-bake dahil nagmamadali na ako para ipakain sa aking anak na papasok pa sa school.   Okay din lang naman dahil masarap daw at nagustuhan naman niya. Sa intruction ko sa ibaba, yung complete procedure ang ilalagay ko para masundan ng lahat.   Actually madali din lang naman.   Try nyo po. TUNA LASAGNA ROLL Mga Sangkap: Lasagna Pasta sheet (cooked according to package directions) 2 cup Clara Ole 3 Cheese Pasta Sauce 1 can Corned Tuna 2 cups Quick Melt Cheese (grated) 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) ...