WAKNATOY ng MARIKINA : MENUDO sa amin sa BULACAN
Ang Waknatoy ay isang pork dish na kilalang-kilala sa Lungsod ng Marikina. Isa itong espesyal na dish na makikita natin sa mga handaan kagaya ng fiesta, kasalan, binyagan at iba pa. Actually, ang dish na ito ay halos kapareho lang ng kilala nating Menudo. Sa amin sa Bulacan ay ganito din ito niluluto. Ang pagkakaiba lang marahil nito ay yung paglalagay nila ng sweet pickle relish o pickles sa dish para magkaroon ng kaunting asim at tamis. Try nyo din po. Pwede nyo din pong i-consider ito para sa inyong Noche Buena Feast. WAKNATOY ng MARIKINA : MENUDO sa amin sa BULACAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into small cubes) 1/4 kilo Pork Liver (cut also into small cubes) 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 tetra pack Tomato Sauce 1 pc. large Potato (cut into cubes the same as the meat) 1 large Carrot (cut same as the potato) 1 large Red Bell Pepper (cut same as the potato) 1 cup Garbansos (in can) 3 t...