Posts

Showing posts from August, 2015

HOME MADE PIZZA

Image
Nitong nakaraang birthday ng anak kong si James, dapat sana ay gagawa din ako nitong pizza.   Nakabili na ako ng mga sangkap na gagamitin pero hindi ko na ito itinuloy gawin komo hindi naman darating yung mga kaklase niya at ilan lang naman kaming kakain sa bahay.   Marami na din kasi yung una kong naluto na. Naisip kong gumawa nito komo paborito din ito ng aking mga anak.  Hindi na naman mahirap gumawa nito dahil ang mga sangkap ay available na din sa mga supermarket.   Kagaya nitong pepperoni na ito na nabili ko sa Robinson Supermarket at yung pizza crust. Also, yung sauce na ginamit ko dito ay yung meat sauce na sobra sa ginawa kong lasagna.   Dinagdagan ko na lang ng tomato sauce pa at it na nga ng kinalabasan.   Masarap.  Pwede mo na ding ihanay sa mga nabibiling pizza sa market. HOME MADE PIZZA Mga Sangkap: 2 pcs. 12 inches Pizza Crust Grated Quick Melt Cheese 3 cups Spaghetti or meat Sauce 1 cup Pepperon...

CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Image
Ito ang isa pang dish na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng pangalawa kong anak na si James.   Chicken and Baby Potato Salad. Favorite ko ang chicken potato salad.   Kaya nga basta may pagkakataon ay nagluluto ako.   Hinahaluan ko din ito ng cashew nuts para magkaroon ng ibang texture at lasa habang kinakain. Simple lang ang version kong ito ng potato salad.   Ilan din lang ang sangkap na ginamit ko pero punong-puno pa rin ito ng sarap.   Ito pa lang a isang busog na sa akin.  hehehe CHICKEN and BABY POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 2 pcs. Whole Chicken Breast Fillet 1 large Carrot (cut into cubes) 2 cups Salted Cashew Nuts 2 cups Mayonaise Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang manok sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin. 2.   Kapag naluto na ang manok, hanguin ito sa isang lalagyan lutuin naman sa parehong pinagpakuluan ang...

COFFEE JELLY ni DENNIS

Image
First time ko pa lang gumawa nitong Coffee Jelly na ito.   Gumawa ako nito para dessert nitong nakaraang kaarawang birthday ng pangalawa kong anak na si James.   Wala akong sinundan na recipe.   Basta tantya-tantya lang ang ginawa ko.   Pero wag ka, kahit ako ay nagulat sa kinalabasan ng dessert na ito.   Masarap.   Parang yung coffee jelly na drink din na nabibili natin sa Starbucks.   Kulang na lang siguro ay yung whip cream na inilalagay sa ibabaw.   Hehehehe.   Try nyo din po. COFFEE JELLY ni DENNIS Mga Sangkap: 2 sachet Mr. Gulaman Powder (colorless) 10 grams Instant Coffee (Great Taste) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 tetra brick Condensed Milk Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Magpakulo ng 5 na basong tubig sa isang kaserola. 2.   Kapag kumulo na ilagay naman ang tinunaw na kape sa 1 tasang tubig. 3.   Ilagay na din ang asukal. ...

MOJOS POTATOES ala DENNIS

Image
MOJOS POTATOES ala DENNIS This is the second time na gumawa ako nitong Mojos Potatoes.   May katagalan na din yung last na ginawa at marami akong natanggap na positive reviews sa post kong yun. Ang Mojos Potatoes na ito ang itinerno ko sa fried chicken na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng anak kong si James.   Paborito din kasi niya ito.   Kapag kumakain nga kami sa Shakeys agawan silang magkakapatid sa mojos. Dalawang version ng recipe ang ibibigay ko para dito.   Kayo na ang bahala kung ano mas magki-click sa inyong panlasa: Verison #1 - Using Fried Chicken Breadings 2 packs Chicken Breadings 1 kilo medium size Potatoes(sliced) Cooking Oil for frying Version #2 - Using Breadings from scratch 1 kilo medium size Potatoes (sliced) 1 cup Cornstarch 1 cup Flour 1 tbsp. Garlic Powder 1 tsp. Cayene Powder 1 tsp. 5 Spice Powder Cooking Oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1.  Ilagay ang lahat na sangkap maliban sa cook...

MY SON JAMES 15th BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last August 19, nag-celebrate ng kanyang ika-15 kaarawan ang pangalawa kong anak na si James.   James Manuel ang tunay niyang pangalan.   Kinuha ko yung Manuel komo ka-birthday niya ang dating pangulong Manuel Quezon. Tinanong ko ang mau birthday kung may ka-klase siyang darating para sa kanyang kaarawan.   Wala naman daw.   Pero katulad ng kanyang mga nakaraang mga kaarawan (the same with my other two kids) naghanda ako kahit papaano.   Nakasama namin sa celebration ang aming kumare na kaibigan ng aking asawang si Jolly na si Edith kasama ang kanyang anak.  Simple lang ang mga dish na aking niluto para sa may kaarawan.   At kagaya ng ginagawa ko dati pa, kung ano ang paborito nila o yung gusto nila na iluto ko, yun ang inihahanda ko.   Nagluto ako ng Lasagna, fried chicken at tinernuhan ko ng Mojos Potatoes, Chicken and Baby Potatoes Salad at Coffee Jelly naman para dessert. Nag-enjoy ang lahat sa...

CHIZZA ala DENNIS

Image
Madalas ba kayong kumain sa KFC?   If yes for sure alam nyo itong bagong product nila.   Ang Chizza. Hindi ko pa na-try ang Chhizza na ito.  Pero sa picture pa lang, sa tingin ko, it's a breaded chicken fillet with pizza sauce and toppings just like the pizza we love. Sinubukan kong gayahin ito sa bahay at ito na nga ang kinalabasan.   Nag-baon nito ang aking asawang si Jolly at nagustuhan ngad aw ng mga officemate niya.   I-try nyo din po. CHIZZA ala DENNIS Mga Sangkap: 4 pcs. Whole Skinless chicken Breast Fillet (cut into half) 1/2 cup Flour 1/2 cup Cornstarch 1/2 tsp. 5 Spice Powder 2 cups Pizza Sauce (Italian style) Grated cheese Red Bell Pepper (cut into small cubes) White Onion (cut into rings) 5 cloves MInced Garlic Pepperoni Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Pitpitin ang chicken breast fillet gamit ang kitchen mallet hanggang sa medyo numipis. 2.   Timplahan ng asin at p...

COCO PORK BINAGOONGAN

Image
I think this is the best pork binagoongan na naluto ko.   Ang sarap talaga.   Sauce pa lang ay ulam na ulam na.   Muntik pa nga akog maubusan ng aking mga anak.   Gulay at kaunting laman na lang ang natira sa akin. Marahil ang tnay na nagpasarap sa version kong ito ay yung quality ng bagoong na ginamit at yung pirong kakang gata.   Ang ginamit ko kasi yung yung bagoong alamang na nabili pa ng asawa ko sa Ilocos.   Masarap talaga.   Balak ko ngang magluto ulit nito this coming weekend.   Hehehehe COCO PORK BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into cubes) Sitaw o String Beans 1 cup Sweetened Bagoong Alamang 2 cups Kakang Gata 5 pcs. Siling Pang-sigang 1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng kaunting asin at paminta ang hiniwang pork belly. 2.   Sa isang non-stick na k...

BABY POTATOES with HOTDOGS and HAM

Image
Saturday and Sunday ay espesyal na araw sa aming pamilya.   Nito lang kasi kami nagkakasabay-sabay na kumain komo walang pasok ang mga bata.   At komo espesyal nga ang mga araw na ito, nagluluto din ako ng espesyal na breakfast para a kanila. Sa halip na kanin at ulam ang aking inihanda, nagluto ako nitong baby potatoes.   Paborito ito ng aking asawa at mga anak.   May ilang recipes na din ako nito sa archive.   This time hotdogs at ham naman ang aking isinahog.   Paborito din kasi ito ng mga bata.   And as expected, ubos at nagustuhan talaga ito ng aking mga anak.   Yummy!!!! BABY POTATOES with HOTDOGS and HAM Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (linising mabuti at hiwain sa gitna) 1/2 cup Cheese Wiz 1 tetra brick All Purpose Cream 8 pcs. Hotdogs (sliced) 200 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 1/2 Melted Butter 1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) Salt and pepper to taste ...

PEACHES and CREAM

Image
Ito ang dessert na ginawa ko nitong nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton.   Peaches and Cream. Actually, para siyang panna cotta dahil ginamitan ko ito ng ng gelatin.   Tinawag ko na lang itong peaches and cream komo yun nga ang main ingredients ng dessert na ito.   Wala ako sinunod na recipe, basta yung instict ko na lang ang aking sinunod.   Masarap ang dessert na ito.   Hindi masyadong matamis at okay na okay sa mga katulad kong taga media.   Me-diabetis.    Hehehehehe PEACHES and CREAM Mga Sangkap: 1 Pack Graham Cracker (yung durog na)1 cup Melted Butter 1 big can Peaches (sliced) 1 tetra Brick All Purpose Cream 1 tetra Brick  Full Cream Evaporated Milk 1 sachet White Mr. Gulaman Sugar to taste Paraan ng pagluluto:: 1.   Sa isang square dish paghaluin ang dinurog na graham crackers at melted butter.   I-press ito sa bottom gamit ang tinidor.  Ilagay muna...

PASTA CARBONARA with FRESH BASIL

Image
Hindi mawawala sa mga birthday na kainan ang mga noodles or pasta dishes.   Sabi nga, pampahaba daw ito ng buhay.   Hindi naman masamang sumunod kaya nitong kaarawan ng bunso kong anak na si Anton nagluto ako nitong Pasta Carbonara.   White sauce daw kasi ang gusto ng may birthday kaya ito ang niluto ko. At para mapasarap pa, nilagyan ko din ito ng fresh basil leaves na mas lalong nagpa-tingkad sa lasa ng sauce nito.   Yummy talaga.   Try nyo din po. PASTA CARBONARA with FRESH BASIL Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 500 grams Bacon (cut into small pieces) 1 big can Sliced Mushroom 1 big can Alaska full Cream Evaporated Milk 2 tetra bricks Alaska Crema or All Purpose Cream 2 cups Grated Cheese 1 cup Melted Butter 2 cups Chopped Fresh Basil Leaves 1 head Minced Garlic 1 pc. Large White Onion (chopped) 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: ...

CRABS in SWEET CHILI-GARLIC-BUTTER SAUCE

Image
Ito ang isa pang dish na niluto nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Crabs in Chili-Garlic Sauce. Kagaya ng hipon ang alimango ay espesyal din na ulam sa aming pamilya.   Bukod kasi sa may kamahalan din ang presyo nito e masarap naman talaga lalo na kung mataba o ma-aligue ang alimango.   Swerte naman at naka-jackpot ako nito sa Farmers Market.   Matataba at ma-aligue ang nabili kong alimango. CRABS in SWEET CHILI-GARLIC-BUTTER SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilos Alimango (female..linising mabuti) 2 tbsp. Chili-Garlic Sauce 1/2 cup Melted Butter 2 tbsp. Brown Sugar 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 1 tbsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto:  1.   I-steam muna ang alimango sa isang kaserola na may tubig at asin ng mga 10 minuto.   Palamigin at saka hatiin o biyakin sa gitna. 2.   Sa isang kawali, igis...

CHAR SIU PORK ala DENNIS

Image
Ito ang isa pa sa dish na inihanda ko sa kaarawan ng bunso kong anak na si Anton.   Ang Char Siu Pork ala Dennis Char Siu ay isang Cantonese dish na ang ibig sabihin roasted pork.   May mga herbs at spices sila na inilalagay para maging malasa ito. In my own version, yung hickory barbeque marinade ng Clara Ole ang ginamit ko dito.   HInaluan ko na lang ng Hoisin sauce para nandun yung lasa na parang Instik.  Hehehehe.   Masarap ang kinalabasan ng version kong ito.  Nagustuhan nga ng aking biyenan ang pork dish ko na ito.   Try nyo din po. CHAR SIU PORK ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Pork Tenderloin or Lomo 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade 2 tbsp. Hoisin Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 1 pc. Onion (chopped) 1 tsp. Sesame Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng pork tenderloin o lomo.   Hayaan ng ilang sandali. 2....

SHRIMP in ZESTO ORANGE and OYSTER SAUCE

Image
A shrimp dish is always a treat for me and my family.  Kaya naman nitong nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton ay ito ang isa sa mga niluto ko. Marami-rami na din akong shrimp dish sa archive pero ang isang ito ay nilagyan ko pa ng twist.  Ang ginawa ko yung Zesto Orange na nasa tetra pack ang isinabaw ko para maluto ang hipon.   At para dagdag na sarap nilagyan ko din ng oyster sauce. Winner ang dish na ito.   Nagustuhan nga ng mga bisita namin.   Try nyo din po. SHRIMP in ZESTO ORANGE and OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Medium to large size Shrimp (alisin yung sungot o balbas) 1 tetra pack Zesto Orange Juice Drink 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Melted Butter 2 tbsp. Brown Sugar 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper ot taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-prito ang bawang sa butter hanggang sa ma-tusta.   Hanguin sa isang lalagyan...

MY SON ANTON'S 13th BIRTHDAY

Image
Last Saturday August 8, nagdiwang ng kanyang ika-13 kaarawan ang bunso kong anak na si Jericho Anton.   At komo mag-teenager na siya, sinikap kong ipaghanda siya kahit na papaano. Always, naman basta nagbe-birthday ang mga anak ko, tinatanong ko sila kung ano ang pagkain na gusto nilang lutuin ko.   Para kay Anton, Carbonara at fried chicken ang ni-request niya. Unang guest na dumating sa bahay ay ang aking biyenan na si Inay Elo.   Kasama niya ang aking dalawang hipag na sina Ate Pina at Lita.   Kasama din ang naging ninong namin sa kasal na si Ninong Nardo. Sabi ng may birthday may bisita daw siya na mga classmates niya pero last minute ay hindi nakapunta dahil hindi daw pinayagan ng mga magulang. Ito ang aking mga nilutong pagkain para sa may birthday:   Pasta Carbonara with Fresh Basil leaves,  Shrimp in Zesto Orange and Oyster Sauce, Crabs in Chili-Garlic Sauce,  Fried Chicken,  Pork Char Siu,  Inihaw...

HICKORY BABY BACK RIBS

Image
Sunday is a special day para sa aking pamilya.   Family day ito eh.   Kaya naman ginagawa kong espesyal lalo na ang pagkaing aming pinagsasaluhan. Kagaya nitong nakaraang Linggo.  May nakita ako sa supermarket na magandang cut ng baby back ribs.   Paborito ito ng aking asawa at mga anak.   At isa lang luto ang naisip ko para dito, ang lutuin gamit ang Clara Ole Hickory Barbeque Marinade. Bago ko ito niluto, binabad ko muna ang karne sa barbeque marinade mix na it at sa sprite soda.   Sa pamamagitan nito mas nanunuot ang lasa ng barbeque sa laman ng karne.   At viola!!!!  para na rin kaming kumain sa isang mamahaling barbeque house.   Try nyo din po. HICKORY BABY BACK RIBS Mga Sangkap: About 1.5 kilos Baby Back Ribs 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade Mix 1 can Sprite Soda 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 1 tbsp. Brown Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1....

GINISANG MUNGGO con PATA

Image
Nasubukan nyo na bang mag-sahog ng pata ng baboy sa inyong nilulutong ginisang munggo?   Ako nito ko lang nasubukan.  At wag ka, masarap ha.   Malasang-malasa ang piaka-sabaw nito dahil sa katas ng pinlambot na pata. Pero depende din sa pata kung kailan mo siya iasasabay na ilaga kasama ng mungo.   Itong kasing sa niluto sabay ko ito pinakuluan.   Ang siste, malambot na ang pata pero hindi pa durog na durog ang munggo.   Kaya ang ginawa ko, hinango ko muna ang pata at itinuloy ang pagpapakulo sa munggo. Pero winner talaga ang ginisang munggo na ito.  Ito siguro ang the best ginisang munggo na naluto ko.   Try nyo din po. GINISANG MUNGGO con PATA Mga Sangkap: 1 whole Pork Leg o pata (sliced) 2 cups Green Monggo Beans. 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil a bunch of Ampalaya Leaves 4 pcs. Siling Pang-sigang 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and Pepper to ...

MISUA with SIOMAI

Image
Noong araw kapag tag-ulan, madalas magluto nitong misua na may bola-bola at patola ang aking Inang Lina.   Masarap kasi ito at tamang-tamang pang-ulam o pang-meryenda man.   Natatandaan ko noon, isinasabaw ko itong misua sa lamig na kanin at ayos na ayos na ang aking meryenda sa hapon. This time siomai naman ang aking inilagay sa misua.   Yung siomai na ginamit ko dito ay yung available na sa mga frozen section ng mga supermarket.   Ginamit ko dito ay yung sa Puregold na pork and shrimp siomai. Alam nyo, nung kinakain ko na ang misua soup na ito, nagbalik sa aking ala-ala ang luto ng aking Inang Lina.   Hindi man kasing sarap ng kanyang luto, pero nalalapit na din ang lasa.   Oh na miss ko bigla ang aking Inang Lina. MISUA with SIOMAI Mga Sangkap: About 20 pcs. Pork & Shrimp Siomai 2 pcs. Misua Noodles 1 cup Katas ng Achuete 2 pcs. Pork Cubes 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 2 tbsp. Cooking Oil...

HOT and CRISPY FRIED CHICKEN

Image
Paborito ng mga anak ko ang fried chicken.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa kanila at with matching gravy pa.   Hehehehe. Patuloy pa din ang paghahanap ko ng fried chicken recipes para mas lalo ko pang ma-improve ang version na ginagawa ko.   And I think nakita ko na ang masarap na recipe ng fried chicken. Dun sa pinagkopyahan ko recipe daw ito ng chicken joy ng Jollibee.   Dapat sana ang ipapangalan ko dito ay fried chicken ala Jollibee, kaso hindi naman kalasa ang kinalabasan.   Ayoko naman lokohin ang mga taga-subaybay ng food blog kong ito kung yun ang ilalagay ko.   Kaya ang ginawa ko, Hot and Crispy Fried Chicken na lang ang aking ipinangalan.   Mas malapit sa katotohanan ng finished product.   Yummy!!!! HOT and CRISPY FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Legs (cut into thigh and drumstick) Salt and pepper to taste For the breadings: 2 cups All Purpos...

BANGUS SISIG

Image
Isa sa mga paboritong ulam namin sa bahay itong Sisig.   Kagaya ng Adobo, marami ding version itong sikat na sikat na sisig ng Pampanga.   May mga dagdag din na sangkap at maging ang paraan ng pagluluto ay nagiiba-iba. This time, sa halip na baboy ay bangus naman ang akijg ginawang sisig.   May sinunod akong recipe sa net at ito na nga ang kinalabasan. Masarap.   Hindi ko akalain na masarap din pala na sisig ang bangus.   Try nyo din po. BANGUS SISIG Mga Sangkap: 2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus 2 cup Dinurog na Chicharon 8 pcs. Siling Pang-sigang (sliced) 1 cup Mayonaise 1 tbsp. Garlic Powder 1/2 cup Melted Butter 2 tbsp. Vinegar 2 tbsp. Soy Sauce 3 pcs. White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Calamansi Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang boneless bangus ng asin at paminta.   Hayaan ng mga 1 oras. 2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang maluto....