Posts

Showing posts from January, 2017

CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Ito ang isa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming media noche.   Crab Stick and Cucumber Spring Roll. Actually, marami na din akong na-post na recipe nito sa archive.   Minarapat ko lang na i-post ulit with the latest picture para sa mga bago pa lang na sumusubaybay sa food blog kong ito.   Mayroon ding nag-message sa akin na i-post ko nga daw ang recipe para magaya niya. Madali lang naman ang appetizer na ito.   Ang mahirap ay yung pag-hanap ng mga sangkap at yung mismong pag-assemble.   Kapag hindi ka kasi mabilis sa pag-roll masisira o mapupnit lang yung wrapper. Pero winner talaga ang spring roll na ito.   Hina-hanap-hanap talaga sa akin ito kapag may espesyal na okasyon sa amin.   Try nyo din po. CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Crab Sticks (cut into strips) Cucumber (cut into strips) Romaine Lettuce Cashiew Nuts (durugin) For the sauce:Mayonaise All Purpose Crea...

STEAMED LAPU-LAPU

Image
December 31, 2016 habang naghahanda ako para sa mga ihahanda para sa media noche, nagdala ng pagkalaki-laking lapu-lapu ang pamangkin ng aking asawa na si Japok.   Pinapaluto daw ito ng aking bayaw na kanyang tatay para pagsaluhan nga sa media noche. Sa isip ko, dalawang luto ang pwedeng gawin sa isda.  Yung may sweet and sour sauce at yung steam.   Nag-suggest ako ng steam.   Sa isip ko kasi mas madali ang trabaho at hindi masyadong marami ang sangkap na gagamitin. Ang naging problema ko lang dito ay ang steamer na gagamitin.   Sa laki ng lapu-lapu, walang steamer na ganun kalaki para magkasya ito.   Ayoko namang putulin ang isda para magkasya.   Ang ginawa ko na lang pinakuluan ko ito sa kumukulong tubig na tinimplahan ng mga pampalasa.   Ayos din naman. At ito na nga ang kinalabasan ng aking Steamed Lapu-lapu.   Masarap at pang-espesyal na okasyon talaga.   Yum yum yum!!!! STEAMED LAPU-LAPU ...

CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS

Image
Basta espesyal na okasyon espesyal din at mga kakaiba ang inihahanda o niluluto ko.   Yun din kasi ang gusto ng aking asawang si Jolly.  Kagaya nitong nakaraan naming noche buena, mga kakaiba o espesyal na putahe ang aking inihanda. Isa na dito itong California Maki with Crab Salad Toppings.   Nagaya ko ito sa isang Japanese restaurant na nakainan ko.   Yun lang hindi ganun kaganda ang hiwa komo ordinary knife lang ang ginamit.   Pero panalo ang lasa at sarap nito.  Para ka na ding kumain sa isang mamahaling Japanese restaurant. CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS Mga Sangkap: Japanese Rice Crab Sticks Nori (that black seaweeds sheets) Japanese Mayonaise Ripe Mango (cut into strips) Salt and pepper to taste Note:    Ang dami ng mga sangkap ay depende sa dami ng lulutuin.   Paraan ng pagluluto/assemble: 1.   Isaing ang Japanese rice katulad ng pagsasaing sa ordinaryo na bigas.   ...

PENNE PASTA with CREAMY PESTO SAUCE

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang media noche.  Penne Pasta with Creamy Pesto Sauce. Gusto ng asawa kong si Jolly na ang mga ihahanda namin ay yung bihira lang namin makain.   Naisip kong pesto sauce naman ang ilagay sa pasta dahil nagustuhan namin yung natikman namin na ganito ding luto sa isang Italian restaurant na nakainan namin.   At para mas maging masarap nilagyan ko din ito ng twist.   Nilagyan ko pa ito ng toasted cashiew nuts sa ibabaw to add additional texture.   Also, pinaghalong mozzarela at cheddar ang inilagay kong cheese. PENNE PASTA with CREAMY PESTO SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according package directions) 250 grams Cooked Sweet Ham (cut into small pieces) 100 grams Fresh Basil Leaves 1 cup Olive Oil 250 grams Cashiew Nuts 1 cup Mozzarela Cheese 1 cup Cheddar Cheese 2 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Melted Butter 2 head Minced Garlic 2 pcs. Onion (chopped) 5 clov...

BABY BACK RIBS in HICKORY BARBEQUE SAUCE

Image
Pasensya na po kung ngayon lang po ulit ako nakapag-post sa munti nating tambayan na ito.   Medyo naging busy lang po talaga sa nakaraang holidays at dito na din po sa office.   Pero promise po babawi po ako sa inyo.   Hehehehe Ito po ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena.   Itong Baby back Ribs in Hickory Barbeque Sauce. Actually may recipe na po ako nito sa archive pero naisipan kong mag-post ng panibagong recipe dahil sa tingin ko ay may masarap ang version na ito at talaga namang nagustuhan ng panganay kong anak na si Jake.   For sure kahit po kayo ay magugustuhan nyo din ito. BABY BACK RIBS in HICKORY BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: About 1.5 kilos Baby Back Ribs 2 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade Mix 1 Head Minced Garlic 2 pcs. Chopped Onions 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 1 can Sprite or 7Up Soda 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Worcestershire Sauce Salt to taste 1/2 cup Brown ...

MEDIA NOCHE 2017

Image
Sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo sa San Jose, Batangas kami nag-media noche at sumalubong sa Bagong Taong 2017.   Dapat simple lang naman ang aking inihanda at yung iba naman ay dala ng aking mga hipag.   Birthday din kasi ng January 1 ang namayapa kong biyenang lalaki na si Tatay Tonying kaya napagkaisahan na sa bahay na lang ng biyenan kong babae magkainan ng media noche. Late yung ibang kapamilya na dumating.   Ang lakas kasi ng ulan nung bago sumapit ang bagong taon. Nagluto ako ng Creamy Penne Pasta with German Sausage and Pesto Sauce.   Ito ang naisip kong gawin sa pasta dahil nasrapan ako dun sa nakain naming pasta sa isang Italian resto sa Resorts World.   Bitin ang naging kain namin dun kaya naisip kong magluto nito para naman sa media noche.   To add a twist, nilagyan ko din ito ng toasted cashiew nuts as toppings. Ito naman yung Steamed Lapu-lapu na pinaluto sa akin ng bayaw ko.   Aba...