Posts

Showing posts from July, 2010

PINOY MENUDO

Image
Sa amin sa Bulacan hindi mawawala ang Menudo kapag may mga espesyal na handaan katulad ng binyagan, kasalan, fiesta o kahit birthday man. Kung sa Batangas ay caldereta, sa amin sa Bulacan ay itong menudo. Ang hindi ko lang talaga makuha ay kung paaano nila ito niluluto at yung mga sangkap na ginagamit dito. Ang alam ko lang ay yung pangkaraniwan na luto na para ding afritada. Kahit ganun pa man, masarap pa din ang kinalabasan ng menudo kong ito. Masarap ito i-ulam sa kanin o kaya naman ay sa tinapay. Tinawag ko pala itong Pinoy Menudo kasi nung i-check ko sa Google ang word na Menudo, may ibang klase palang menudo sa Mexico. Malayong-malayo ito sa menudong alam ko kaya naman nilagyan ko na lang ng pinoy sa title. hehehehe. But anyway, masarap ito kung kakaunti lang ang sauce, pero komo gusto ng mga anak ko na ma-sauce dahil nilalagay nila sa kanin nila, ma-sauce ang version kong ito. PINOY MENUDO Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim 1/2 kilo Pork Liver 1 large Carrot 1 large Potato 1 cup Gr...

CHICKEN CALDERETA ala BATANGAS

Image
Ang caldereta ang isa sa mga all time favorite nating mga Pilipino sa mga handaan. Ofcourse the classic Beef Caldereta o kahit manok o pork man, panalo pa rin basta lutong caldereta. Maraming version ang caldereta. Depende na lang siguro kung nasaan kang lugar. Kagaya nitong Batangas version na walang tomato sauce. Na-post ko na yung beef version at eto naman ay ang chicken version ko. Try it! Masarap, malasa, malinamnam at talaga namang mapupuri ka sa mga makakatikim. CHICKEN CALDERETA ala BATANGAS Mga Sangkap: 1 Whole Chicken cut into serving pieces 2 tbsp. Pickle Relish 1 tbsp. Chili-garlic sauce 1/2 cup Reno Liver spread 1 tbsp. Worcestershire Sauce 2 pcs. Potatoes (cut into cubes) 1 pc. Carrot (cut into cubes) 1 pc. Red Bell Pepper (cut also into cubes) 1 cup Green peas 1/2 cup grated cheese 1 large onion chopped 5 cloves minced garlic 2 pcs. tomatoes chopped 2 tbsp. Olive oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuya...

FISH FILLET with CREAMY SAUCE

Image
Dapat sana kasama ito sa handang iluluto ko para sa birthday ng asawa kong si Jolly. Pero komo nga nagahol na ako sa oras hindi ko na lang ito itinuloy. Niluto ko na lang ito as baon ng mga bata sa school. Ito na din ang naging dinner namin that day. Ang dish na ito ay isa sa mga paborito ng aking asawa. Kapag naa-assign nga siya sa branch nila sa Alabang, nire-request nila na ipagluto ko sila nito. Nakakatuwa naman at nagugustuhan nila ang luto ko. FISH FILLET with CREAMY SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Fish fillet (any white fish: tuna, lapu-lapu, dory) Juice from 1 pc. Lemon 1 tsp. Lemon Zest Salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) 2 cups All Purpose Flour 1 egg beaten cooking oil for frying For the Sauce 1 small can Alaska Evap (red label) 1/2 cup Parsley (finely chopped) 1/2 cup Butter 2 tbsp. Flour Salt and Pepper to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang fish fillet sa asin, paminta, lemon zest at katas ng lemon. Haya...

LUMPIANG SHANGHAI - My Other Version

Image
Ang lumpia ay isa sa mga pangkaraniwang pagkain na katulad ng adobo ay napaka-versatile. Bakit ko nasabi yan? Katulad ng adobo, marami itong version o paraan man ng pagluluto. Ang nakakatuwa pa sa lumpia, kahit na ano pwede mong ipalaman dito. Kung ikaw ay medyo nagba-budget sa inyong pagkain, ito ang isa sa masasabing kong matipid na pang-ulam. Bakit naman? Sa kalhating kilo na giniling na baboy ay marami ka nang magagawang lumpia. Mapapansin nyo na marami na din akong nai-post na version ng lumpiang ito. Gusto ko lang i-share sa inyo ang isa pang version na hindi naman ako mapapahiya sa lasa at sarap nito. LUMPIANG SHANGHAI – My Other Version Mga Sangkap: ½ kilo Giniling na Baboy ½ cup Red/Green Bell Pepper (hiwain ng maliliit) 1 large White Onion (finely chopped) 5 cloves Minced Garlic ½ cup Fresh Basil Leaves (finely chopped) 1 pc. Egg beaten 1 pc. Egg (paghiwalayin ang puti at pula. Ilagay yung pula sa paghahaluing mga sangkap. Yung puti naman ay gagamitin na pandikit sa edge ng l...

FRIED CHICKEN with HONEY-SOY GLAZED

Image
Paborito ng mga anak ko ang fried chicken. Kahit ako. Paborito ko ito lalo na kung malutong ang pagkaluto ng balat…..hehehehe. Pero kung minsan, nakakapag-isip ka kung papaano mo pa ito mapapasarap. Nariyan na ang mag-research sa internet para makuha lang o magaya ang paborito nating fried chicken sa mga sikat na fastfood chain. Ofcourse, iba na rin yung original…hehehehe. Kagaya nitong entry natin for today. Hindi ko alam kung may ganitong recipe na at hindi ko inaangkin na ako ang original sa recipe na ito. Pero ang masasabi ko, masarap ito at talaga namang nagustuhan ng mga anak ko. Ito pala ang baon nila nitong nakaraang araw sa school. FRIED CHICKEN with HONEY-SOY GLAZED Mga Sangkap: 5 pcs. Chicken Leg Quarter (cut each leg into 2) Juice from 1 pc. Lemon 1 tsp. Lemon zest Salt and pepper to taste 1 cup Flour 1 tsp. Maggie Magic Sarap Cooking oil for frying 2 tbsp. Butter ½ cup Pure Honey ½ cup Soy Sauce 2 tbsp. Brown Sugar Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa asin, pami...

SHRIMP and ALIGUE PASTA

Image
Sa ating mga Pilipino basta may kaarawan, hindi mawawala ang mga handing pancit mo kaya naman ay spaghetti. Isa marahil ito sa mga kaugaliang Tsino na namana natin na ang ibig sabihin ay long life o mahabang buhay. Yun naman ang lagi nating wish kung tayo ay nagbe-birthday. At mayroon nga akong nilutong pasta dish nitong nakaraang birthday ng aking asawa si Jolly. Shrimp and Aligue pasta. May nai-post na akong halos kapareho din lang ng dish na ito (Pasta Aligue). Yun lang dinagdagan ko ng hipon ang version kong ito para naman mas lalo pang sumarap at may laman ang pasta. Madali lang itong lutuin at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga bisita. Yun lang, hinay-hinay sa pagkain dahil taba ng talangka. May kataasan ang cholesterol content nito. SHRIMP and ALIGUE PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Fettucine or Spaghetti pasta (Cooked according to package directions) 1 cup Taba ng Talangka (available ito sa supermarket in bottle) ½ kilo Hipon (alisin ang ulo at balat) 1 head Minced Garl...

SPRITEY PAN-GRILLED LIEMPO

Image
Ang inihaw na liempo ang isa sa mga paborito nating ulam lalo na sa mga picnic o kahit sa anumang kainan. Ang sarap i-ulam nito lalo na kung may sawsawang calamansi na may toyo at suka at lagyan mo pa ng ginayat na sibuyas, kamatis at konting sili. Siguradong mapaparami ang kanin mo kapag ganito ang ulam....hehehehe. Isa na naman ito sa mga inihanda ko sa birthday ng aking asawa. Komo sira nga ang turbo broiler namin, at wala naman kaming place na pwedeng pag-ihawan, e di pan-grilled na lang ang ginawa kong luto dito. Take note, ito ang unang naubos sa lahat ng mga pagkaing inihanda ko....hehehe May entry na ako na spritey roast liempo. At yun nga ay luto using a turbo broiler. What is good sa version kong ito ay yung tamang-tamang lasa ng timpla ko sa liempo. Halos kapareho lang din siya ng luto sa baga. Ofcourse less the abo....hehehe. SPRITEY PAN-GRILLED LIEMPO Mga Sangkap: 2 kilos Pork Liempo (About 1/2 inch thick...at yung hindi gaanong mataba) 2 cups Sprite soda 1 pc. Lemon (ju...

HONEY-LEMON-GINGER CHICKEN

Image
Isa ito sa mga dish na gustong-gusto ko. Kaya naman isinama ko siya sa handa nitong nakaraang birthday ng asawa kong si Jolly. Bukod kasi sa talaga namang masarap, madali pa itong lutuin. May kakaiba siyang lasa na talaga namang swak sa kahit kaninong panlasa. Hindi naman ako napahiya sa mga bisita. Nagustuhan naman nila ang chicken dish na ito. HONEY-LEMON-GINGER CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumstick 1/2 cup Pure Honey Juice from 1/2 Lemon 1 tsp. Lemon zest 1/2 cup Soy Sauce 2 tbsp. Ginger cut into strips 2 tbsp. Brown sugar 1 tsp. Sesame oil salt and pepper to taste 2 tbsp. Chopped parsley Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, lemon juice at lemon zest. Hayaan ng mga 30 minuto. 2. Sa isang non-stick pan, i-hilera ng ayos ang mga hita ng manok at isalang sa kalan. Lutuin hanggang sa pumula ng konti ang balat ng manok. 3. Ilagay ang hiniwang luya at halu-haluin. 4. Ilagay na din ang toyo, brown sugar at 1 tasang tubig. Hayaan...

ALIGUE RICE

Image
This is my 3rd dish na inihanda ko sa Birthday ng aking asawang si Jolly. Ito yung isa sa mga dish na madalian talaga ang ginawa kong luto. Papaano ba naman, 10am ko nalaman na may magla-lunch sa amin komo hindi nga sila pwede ng dinner. Basta ang nasa isip ko nun ay kung anong ulam ang pwedeng iluto na madali lang gawin. Una nga ay yung hipon na napost ko na ang recipe, pangalawa ay itong ngang aligue rice at pangatlo ay yung pan-grilled na liempo. Habang naka-marinade ang liempo ang hipon at aligue rice muna ang ginawa ko. Ayos na ayos. Bago mag-lunch naluto ko na ang dapat iluto pago pa dumating ang mga bisita. Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang mga niluto ko. ALIGUE RICE (Fried Rice with Crab Fat) Mga Sangkap: 5 cups Cooked Rice (yung long grain mas mainam...jasmin rice ang ginamit ko dito) 3 tbsp. Taba ng talangka (crab fats available in bottle) 5 cloves Minced garlic 3 tbsp. Olive oil 2 Eggs beaten Salt and pepper to taste 1 tsp. maggie magic sarap (optional)...

SPRITEY CHILI-GARLIC PRAWN

Image
Ito ang pangalawang dish na inihanda ko sa birthday ng asawa kong si Jolly. Dinner talaga ang handa ng may birthday. Kaso sinabihan niya (Jolly) ako na may magla-lunch daw sa bahay dahil hindi pwede sila ng gabi. Sabi ko lang walang problema at magluluto ako ng dish na madali lang lutuin. At ito ngang entry natin for today ang isa sa dish na iniluto ko for lunch. Kahit may kamahalan ang hipon ay okay na din. Espesyal naman ang okasyon. hehehehe. Ang kasama pala nito ay inihaw na liempo at aligue rice. (Abangan din ang recipe sa mga ito.) Actually may entry na ako na ganitong dish sa archive pero dahil super special ang ginawa ko dito, i-share ko pa rin sa inyo ang recipe ng dish na ito. SPRITEY CHILI-GARLIC PRAWN Mga Sangkap: 1 kilo Medium to large size Prawn (tanggalin yung balbas) 2 cups Sprite 1 head Minced Garlic 1/2 cup Butter 1/2 Lemon Juice 1 tsp. Lemon Zest 1 to 2 tbsp. Chili-garlic sauce 2 tbsp. Sugar 1 tbsp. cornstarch Salt and Pepper to taste Parsley for ga...

CHICKEN LIVER, GIZZARD and MIX VEGETABLES

Image
Ilang araw ko ding pinag-isipan kung ano ang mga dish na ihahanda ko sa birthday ng aking asawang si Jolly. Siguro naka-tatlo akong revise bago na-finalized ang listahan ko. Hehehehe. As promised, narito ang isa sa mga niluto kong dish. Chicken Liver and Gizzard with Mix Vegetables. It’s a simple dish at napakadaling lutuin. Talaga namang nagustuhan ito ng aming mga bisita. Nakikita ko ang dish na ito sa mga espesyal na handaan kagaya ng fiesta, binyagan o kaya naman at kasal sa amin sa Bulacan. Magandang i-handa ito sa mga espesyal na okasyon dahil sa bukod sa masarap na ay colorful pa ito at kaiga-igaya talaga sa mata ng mga bisita. CHICKEN LIVER and GIZZARD with MIX VEGETABLES Mga Sangkap: ½ kilo Chicken Liver (cut into serving pieces) ½ kilo Chicken Gizzard (Pakuluan hanggang sa lumambot, cut into serving pieces) 50 pcs. Quail eggs (ilaga at balatan) 1 pc. Large Sayote (balatan at hiwain sa maliliit na cubes) ½ kilo Frozen Mix Vegetables (peas, carrots, corn) ½ cup Gr...

MY WIFE JOLLY'S 2010 BIRTHDAY

Image
Birthday ng asawa kong si Jolly yesterday, July 17. Kahit medyo mahigpit ang budget, ipinaghahanda ko pa din siya bilang pasasalamat sa isa na namang taon sa kanyang buhay. Natatandaan ko kasi nung araw, kahit mahirap ang buhay namin ipinaghahanda kami ng aking ina tuwing dumarating ang aming kaarawan. Kahit simple lang mayroon talagang handa basta birthday namin. Ayaw na ngang mag-handa ng aking asawa pero sabi ko mainam yung kahit papaano ay may pagsasaluhan kasama ang pamilya at malalapit ng kaibigan. Nasa itaas ang mga naihanda kong pagkain: Pan-grilled liempo, kanio-cucumber spring roll, honey-lemon-garlic chicken, chicken liver, gizzard in mic vegetables, and shirmp and aligue pasta. (Abangan ang nga recipe nito sa darating na mga araw) Kahitna napagod ako sa pagluluto, sulit naman dahil nagustuhan ng aking asawa ang aking mga niluto. Tingan nyo naman, kahit pagod na, todo ngiti pa rin sa picture...hehehehe Maghapon ang birthday celebration. Lunch time, sina mareng Beng at ka...

SESAME OIL CHICKEN

Image
Ang rasamalaysia.com ang isa sa mga paborito kong foodblog sa Internet. Hindi ko alam kung papano ako napadpad dun and since then lagi na akong bumibisita to look for new recipe. At ito ngang entry natin for today ang isa sa mga natutunan kong dish sa kanya. Simple at masarap naman talaga. Nilagyan ko na lang ng kaunting twist para naman ma-improve ko pa ang dish. At hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng version ko ng sesame oil chicken na ito. SESAME OIL CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken breast fillet (cut into cubes) 2 pcs. Sweet Potatoes (cut into cubes) 2-3 inches Ginger (peeled and cut into strips) 5 tbsp. Sesame oil ½ cup Soy sauce 1 tbsp. Shaoxing rice wine ½ cup Oyster Sauce 3 tbsp. Brown or Muscovado sugar 1 tbsp. cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta, 1 tbsp. sesame oil at ¼ cup na Toyo. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang luya sa 3 tbsp. olive ...

BEEF PICADILLO

Image
Ang Beef Picadillo ay isang dish na tanyag na tanyag sa Mexico at sa mga bansa sa Latin America. Kinakain nila ito na may kasamang beans o kaya naman ay fita bread. Dito sa atin sa Pilipinas, sa pagkaalam ko, dalawang klase ang picadillo. Yung isa ay parang soup at yung isa naman ay katulad nitong entry natin for today. Natatandaan ko naman noong araw, kapag nagluto ng picadillo ang aking Inang, parang sinigang siya na giniling nab aka na may sahog na sitaw at labanos. Yun ang kinalakihan ko na picadillo. Nito ko lang nalaman na ang picadillo pala ay para rin yung nabibili natin sa carenderia na giniling na baboy na may pareho ding sangkap. Well, kahit alin pa ang picadillo na nalalaman natin, isa lang ang masasabi ko, masarap ito at madali lang lutuin. BEEF PICADILLO Mga Sangkap: ½ kilo Ground Beef 2 cups Mix Vegetables (Peas, Carrots, Corn) 3 pcs. Medium Potatoes (cut into small cubes) ½ cup Red bell pepper diced 250 grams Tomato Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Red ...

LUGAW TOKWA BABOY

Image
Noong araw, mayroon kaming maliit na carinderia na pinamamahalaan ng aking Inang Lina. Ofcourse, tulong-tulong kami sa pagpapatakbo nito. Kaya nga natuto ako at nakahiligan ko ang magluto. Meryenda at lutong ulam ang itinitinda namin. Mayroon kasing pabrika malapit sa aming tindahan kaya naman nagluluto kami ng meryenda sa umaga at pati na din sa hapon. Isa sa madalas naming itinda na meryenda ay itong Lugaw Tokwa baboy. Mabiling-mabili ito hindi lang sa sarap ng lugaw kundi pati na rin sa sarap ng suka ng ginagamit namin sa tokwa't baboy. Iniluluto muna kasi namin ito kung baga ay pinakukuluan para maging mas masarap. Ito ang naisipan kong ihanda na almusal nitong nakaraang Linggo. Nakakatuwa naman at nagustuhan ng aking asawa at mga anak. Nagbalik ala-ala tuloy yung panahon na nagtitinda kami nito....hehehe. LUGAW TOKWA BABOY Mga Sangkap: 1 & 1/2 cup Malagkit na bigas 1/2 kilo Ulo ng baboy o Liempo 2 blocks Tokwa 1 cup Vinegar 1 cup Soy sauce 1 tbsp. sugar 1 pc. ...

CHICKEN with BUTTER, GARLIC & MIX VEGETABLES

Image
Sa bahay, basta chicken ang ulam siguradong busog na busog ang aking mga anak sa kain. Kahit anong luto ang gawin ko, siguradong magugustuhan nila. Kaya naman, hindi nawawala ang manok uting naggo-groceries ako. Sabagay, mas mainam na ang manok kesa sa baboy o ano mang red meat na available sa market. Itong dish na entry natin for today is actually walang plano. Basta inihalo ko lang kung a no ang available sa fridge at ito na nga ang kinalabasan. The basic gisa lang naman ang ginawa ko then add lang ako ng mga pampalasa at konting dried herbs. In this dish, knorr chicken cubes pala ang ginamit ko. CHICKEN with BUTTER, GARLIC & MIX VEGETABLES Mga Sangkap: 1 kilo Chicken legs cut into serving pieces 2 cups Mix Vegetables (Carrots, peas, corn) 1/2 cup Butter 1 head Minced Garlic 1 large size White Onion Sliced 1 pc. large Tomato sliced 1/2 tsp. Dried Basil 1 pc. Knorr cubes Salt and pepper to taste 1 tsp. cornstarch Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ang hiniwang manok ng asin at pami...

BEEF with CORN and POTATOES

Image
Isa na namang beef dish ang handog ko sa inyong lahat. Again, hindi ko alam kung may ganitong luto sa baka. Basta last minute ang naging decision na ganitong luto ang gagawin. Tiningnan ko muna akung ano ang available sa fridge at sa cabinet and presto nabuo ko ang dish na ito. Simple lang ito dish na ito. Gisa-gisa lang at lagay ng iba pang mga sangkap at mayroon ka nang isang masarap na putahe. BEEF with CORN and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 1 cup Whole kernel Corn 2 large Potatoes cut into cubes 5 cloves minced Garlic 1 large White Onion sliced Salt and pepper to taste 1/2 tsp. Maggie magic Sarap 1/2 cup butter 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Pakuluuan ang baka sa kaserolang may asin hanggang sa lumambot. Hanguin at palamigin. 2. I-slice ang baka sa nais na laki at kapal. 3. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 4. Ilagay ang hiniwang baka at halu-haluin. 5. Ilagay ang sabaw ng canned corn kernel at mga 1 tasa...

BEEF KALBI with MUSHROOM

Image
The last time na nag-groceries ako, nakita ko itong pack ng beef kalbi sa frozen section ng SM Supermarket sa Makati. Iniisip ko lang that time, ano pagkakaiba nito sa beef yakiniku na na-try ko nang lutuin. Sinubukan kong i-search sa google ang beef kalbi na ito. At according to wikipedia, kalbi o galbi ay isang klase ng dish sa korea, kung saan ito ay iniihaw na karne ng baka na na-marinade sa mga sauces at herbs. This time, niluto ko naman siya the way na gusto kong mangyari. At hindi naman ako nabigo. Masarap at malasa ang beef na ito na niluto ko. Ito rin pala ang ipinabaon ko sa mga anak ko at nagustuhan naman nila. BEEF KALBI with MUSHROOM Mga Sangkap: 1 kilo Beef Kalbi (Maninipis ang hiwa nito na parang bacon) 1 big can Whole button mushroom (sliced) 1/2 cup Soy sauce 1/2 cup Brown sugar 1 thumb size Sliced ginger 4 cloves minced garlic 1 large White Onion sliced salt and pepper to taste 1 tsp. Sesame oil 1 tsp. cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick n...

HONEY-CALAMANSI GLAZED PORKCHOPS

Image
Narito ang isa na namang dish na pwedeng ipam-baon ng ating mga kids sa school. Syempre pwede din pambaon natin sa office. hehehehe. Madali lang itong lutuin at talaga naman masarap. naghahalo kasi yung asim ng calamansi at tamis/asim ng honey. Hindi rin ito madaling mapanis dahil may sangkap itong brown sugar. HONEY-CALAMANSI GLAZED PORKCHOPS Mga Sangkap: 5 pcs. Porkchops 7 pcs. Calamansi 1/2 cup Pure Honey bee 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Brown Sugar 1 tbsp. Worcestershire sauce 2 tbsp. Olive oil salt and pepper to taste 1 large White Onion sliced Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang porkchops sa asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang porkchops sa olive oil hanggang sa pumula lang ng kaunti ang magkabilang side. 3. Ilagay ang marinade mix, toyo, worcestershire sauce at lagyan ng 1 tasang tubig. Takpan at hayaang lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan. 4. Kung malambot n...

SPAM PASTA with CREAMY LIVER SAUCE

Image
Tuwing Sabado o Linggo, pinipilit kong makapagluto ng breakfast na hindi yung pangkaraniwang almusal na kinakain natin sa araw-araw. Itlog, longanisa, tocino, tuyo, luncheon meat, canned tuna, coned beef at marami pang iba. Nakakasawa na din kasi kung ganito ng ganito ang ating kinakain natin. Ang it's a challenge everyday kung ano ang ipakakain nating almusal sa ating pamilya. Kagaya na lang nitong nakaraang Linggo. Nagluto ako ng pasta dish na hindi ko alam kung may recipe talaga na ganito. It's almost similarsa carbonara pero evaporated milk ang ginamit ko dito. Also, gumamit ako ng liver spread para mas lumasa pa ang sauce. Try nyo ito. Kakaiba at masarap. SPAM PASTA with CREAMY LIVER SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti pasta (cooked according to package direction) 1 can Spam (cut into small cubes) 250ml tetra brick Alaska Evap (red label) 1 small can Reno Liver Spread 4 cloved minced garlic 1 large White onion chopped 2 tbsp. Olive oil 1/2 tsp. Dried Bas...

LECHON KAWALI version 2

Image
One of my favorite dish ang Lechon Kawali. Ofcourse the best pa rin ang real na lechon. Hehehehehe. Komo may kamahalan ang totoong lechong baboy, lechong kawali ang pwedeng ipalit. May entry na ako sa archive for lechong kawali. Kung baga, itong entry ko for today is the improved version. Sa pagluluto ng lechong kawali, importante kung papaano mo ito papakuluan o palalambutin. Pwede tayong gumamit ng kung ano-anong herbs and spices para mas sumarap ang ang lechon. Di ba ang lechon Cebu ganun ang ginagawa? Kaya naman panalo talaga ang lasa ng lechon nila. Also, ini-sliced ko ng mga 1/2 inch ang kapal ng liempo bago ko ito pinirito. Ginawa ko ito para mas maging crispy ang laman at balat ng liempo. Isa pa, huwag kakalimutan na i-freezer muna ang pinalambot na liempo bago i-prito. Sa pamamagitan nito hindi masyadong matilansik ang mantika habang pini-prito. LECHON KAWALI version 2 Mga Sangkap: 1.5 Kilo Liempo (Piliin yung hindi masyadong makapal ang taba) 3 pcs. Dr...

CRISPY CALAMARES

Image
No...hindi ako nagkamali ng post ng picture na nasa itaas. Calamares talaga yan. Akala nyo siguro ay chicken nuggets ano? Hehehehe. Explain ko kung bakit ganyan ang itsura. Ang madalas siguro na nakikita natin na calamares ay yung squid rings. Yes, nung unang bese na nagluto ako nito ay napalpak. Bukod sa malata ang kinalabasan ay umurong pa ng husto ang pusit. Kaya naman nitong pangalawang beses na nagluto ako ito, tinandaan ko na ang mga pagkakamali ko. Una, dapat hindi masabaw o matubig ang pusit na lulutuin. Maaring dampian ito ng paper towel para maalis ang extrang tubig. Pangalawa, hindi yung squid rings ang ginamit ko dito. Ang ginamit ko ay yung malalaking pusit na nahiwa na nang pa-strip. tong ginamit ko dito ay nabili ko sa SM Supermarket. Try nyo ito. Nagustuhan talaga ng mga bata. Masarap itong appetizer, pang-ulam o kaya naman ay pulutan. CRISPY CALAMARES Mga Sangkap: 1/2 kilo Large Squid/Pusit (cut into strips or rings) 1 egg beaten 1 tsp. Katas ng l...

BRAISED PORKLOIN in HONEY and PINEAPPLE JUICE

Image
May isang tagasubaybay ng blog kong ito ang nag-email sa akin na kung pwede daw akong mag-suggest ng mga lutuing pwedeng pambaon sa school ng kanyang mga anak. Sa totoo lang, yan din ang problema ko....hehehehe. Pero nag-suggest ako na i-click yung label na pambaon sa archive sa kanang bahagi ng screen at duon may ilang entry ako na pwede na pambaon. Narito ang isa pang dish na pwede sa mga espesyal na okasyon at pwede din na pambaon ng mga bata sa school. Mainam na pambaon ito kasi hindi ito madaling mapanis. Tiyak ko na magugustuhan ito ng inyong mga anak katulad ng mga anak ko. BRAISED PORKLOIN in HONEY and PINEAPPLE JUICE Mga Sangkap: 1 kilo Porkloin (about 2 whole pcs.) 150ml can Del Monte 100% Pineapple Juice 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Pure Honey 1 cup Brown Sugar 2 tbsp. Olive oil 1 large White Onion sliced 5 cloves minced Garlic salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Tusuk-tusukin ng icepick o kutsilyo ang laman ng porkloin sa lahat ng bahagi nito. 2. I-mari...

PANCIT LUGLOG (Pancit Palabok)

Image
May nagtanong sa akin kung ano daw ang pagkakaiba ng pancit luglog sa pancit palabok. Sa pagka-alam ko, halos wala itong pinagiba lalo na sa mga sangkap na gagamitin. Ang pagkakaiba lang ay yung noodles na gagamitin at sa pag-a-assemble nito. Ang pancit palabok ay gumagamit ng bihon o yung maliliit na rice noodles, samantalang ang pancit luglog ay yung matataba ang noodles. Sa pag-a-assemble naman, ang pancit palabok ay inilalagay ang sauce at iba pang toppings sa ibabaw ng noodles kaya marahil ito tinawag na palabok. Samantalang ang pancit luglog naman ay hinahalo na ang sauce sa noodles at saka lalagyan ng toppings. Ito nga pala yung niluto ko nung birthday ng Inay Elo ko sa Batangas. Nakakatuwa naman at nagustuhan niya. PANCIT LUGLOG (Pancit Palabok) Mga Sangkap: 1 kilo Bihon (yung malalaki ang noodles) ½ kilo Ground Pork ½ kilo Frozen shrimp ½ kilo Frozen squid 2 cups Hinimay na tinapa (i-toast sa kawaling may kaunting mantika) 3 pcs. Tokwa 1 pack Pork Chicharon (durugin) 5 pcs. Ha...

HAPPY BIRTHDAY INAY ELO

Image
Last June 24 nag-celebrate ang aking Inay Elo (my biyenan) ng kanyang 86th birthday. Komo simpleng araw ito ay nung June 26 namin ito ginawa. Dumating din kasi from Ireland ang hipag kong si Beth with her family. Wala namang big party of malaking handa na ginawa. Nagpalauto lang ng pancit palabok ang matanda at bumili naman ng ice cream at mamon. Ofcourse sagot lahat ito balikbayan. Hehehehe Kahit simpleng meryenda lang anag aming pinagsaluhan, bakas sa mukha ng aking biyenan ang saya. Natutuwa din ako at nagustuhan niya ang niluto kong pancit luglog o palabok. Abangan nyo na lang yung recipe. Dalangin ko na sana ay bigyan pa ng mahabang buhay ang aking Inay Elo para makasama pa namin siya ng matagal. God Bless you Inay..... From Me, Jolly, Jake, James and Anton

PRESIDENT NOYNOY AQUINO - May pag-asa ba?

Image
Sa araw na ito June 30, 2010, iluluklok ng sambayanang Pilipino ang ika-15 pangulo ng Pilipinas. Kaakibat nito ang pag-asa na sa pamamagitan niya ay magkakaroon ng tunay na pagbabago sa ating bansa. Sa totoo lang, hindi ko ibinoto si President Noynoy. Mas pinagbatayan ko ang karanasan, plataporma at mga nagawa na ng kandito. Oo, idolo ko ang kanyang ama at ina na sina Sen. Ninoy Aquino at dating pangulong Cory Aquino. Pero, para sa akin, hindi automatic na ganun di siya. Sabi nga, hindi namamana ang governance. Ganun pa man, komo siya ang ibinoto ng nakakaraming mga Pilipino, buo ang soporta ko sa kanyang administrasyon. At bilang pag-suporta, susunod ako sa batas, magbabayad ako ng tamang buwis, at sa munting kong kakayanan ay tutulong ako sa aking kapwa. Ang pagbabago sa ating bansa ay naguumpisa sa ating mga sarili. Hindi natin pwedeng i-asa lang sa ating pamahalaan ang pagbabago na nais natin. Kung magka-kanya-kanya lang tayo, kahit sinong pangulo pa ang i-upo nat...