Posts

Showing posts from June, 2011

CREAM DORY with CREAMY CHEESY SAUCE

Image
Hindi pa rin kami masyadong kumakain ng isda sa bahay. Hehehehe. Takot pa din sa fish kill. Ewan ko ba...parang pag kumakain ako ng isda...parang nalalasahan ko yung mga patay na isda na nakikita ko sa mga news sa tv. At isa pa, napakamahal ng mga isdang dagat na nabibili sa palengke ngayon. Marahil ay komo wala ngang masyadong bumibili ng bangus at tilapia na siyang masyadong naapektuhan ng fish kill na ito. Ang ginawa ko na lang ay yung frozen na cream dory ang binili nang minsang mag-grocery ako sa SM sa Makati. Nung una, hindi ko maisip kung anong luto ang gagawin ko dito. Sa gusto ng asawa ko, pinirito ko na lang ito na may crispy breadings at gumawa ako ng white sauce. Sa totoo lang, panalo ang ang dish na ito lalo na ang sauce. CREAM DORY with CREAMY CHEESY SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Cream Dory (cut into serving pieces) 1 pack Crispy Fry Breading Mix 1 cup All Purpose Flour 5 pcs. Calamansi 1/2 tsp. Ground Pepper For the Sauce: 1/2 cup Butter 3 cloves Minced Garlic 1 medium size ...

EASY POTATO & PUMPKIN SOUP

Image
Here's an easy to prepare soup na tiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong mga pamilya. Okay na okay din ito para sa mga anak natin nahindi natin mapakain ng gulay. Hehehehe May version na ako ng pumpkin soup o kalabasa soup sa archive. Paki-check na lang. Pero ang version kong ito ay masasabi kong espesyal kahit mabilisan lang ang pagluto. Wala kasi akong mai-terno na pritong isda na aking niluto. Kaya madalian ang soup na ito. Naalala ko lang yung soup na ganito na nabasa ko lang din sa isa pang paborito kong food blog. Try nyo ito. Yummy! Creamy! EASY POTATO & PUMPKIN SOUP Mga Sangkap: 250 grams Kalabasa cut into cubes 1 large Potato cut also into cubes 6 cups Chicken broth or 2 pcs. Chicken cubes 1 cup Milk or Cream 5 cloves Garlic 1 large White Onion quartered 3 tbsp. Olive oil 1/2 cup Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, pakuluan ang patatas, kalabasa, bawang at sibuyas sa sabaw ng manok o sa 6 na tasang tubig at 2 pcs. na Chicken c...

TORTANG GINILING OVERLOAD

Image
Sa mahal ng mga bilihin ngayon, ang word na pagaaksaya is a big NO sa ating lahat. Kahit nga yung mga tira-tira na ulam, ibinabaon ko pa para hindi lang masayang. Syempre naman hindi naman yung tipong mapapanis na. hehehehe. Sa mga tira-tira na mga pagkain kagaya ng hotdogs, ham, left-over na karne like adobo, chicken, or mix vegetables, etc. The best na pwedeng gawin dito ay i-recycle para mapakinabangan pa. Ang torta ang lutong pwedeng gawin sa mga ito. Kagaya ng entry kong ito for today. Mga tira-tira lang ang sangkap ng tortang giniling na ito. Pero wag ka. Masarap ang kinalabasan at hindi mo sasabihing recycled ang dish na ito. Try nyo din. TORTANG GINILING OVERLOAD Mga Sangkap: 300 grams Ground Pork 3 pcs. Regular Hotdogs (sliced) 3 slices Sweet Ham (cut into small pieces) 1 cup Mix Vegetables (Carrots, Corn green peas) 1 small Potato (cut into small cubes) 4 Eggs beaten 1/2 cup grated Cheese 1/2 cup Milk 1/2 tsp. Ground Black Pepper 1/2 tsp. 5 spice Powder 3 cloves minced Garlic...

NILAGANG MANOK

Image
Kapag ganitong maulan, tatlong bagay ang masarap gawin: matulog, kumain at humigop ng mainit na sabaw. Hehehehe Tamang-tama itong dish na handog ko sa inyo for today. Ang napaka-simpleng Nilagang Manok. Ang nilaga marahil ang pagkaing kahit hindi marunong magluto ay kayang gawin. Bakit naman hindi, basta pakuluan lang ang lahat na mga sangkap at timplahan ng pampalasa ay tapos na ang inyong mainit na sabaw. But ofcourse ano ba ang dapat tandaan kapag nilaga ang ating lulutuin? 1 bagay lang. Dapat fresh ang mga sangkap na gagamitin. Otherwise, hindi masarap ang kakalabasang sabaw nito. Try this Nilagang manok. Ayos na ayos ito ngayong tag-ulan. Note: Hindi ko na nilagyan ng dami ng mga gulay na ilalagay. Bahala na kayo kung gaano karami ang gusto ninyo NILAGANG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Fresh Chicken cut into serving pieces Repolyo Pechay tagalog Baguio Beans Patatas cut into cubes Carrots cut into cubes 1 thumb size Ginger sliced 1 tsp. Whole Pepper corn 1 large White Onion quatered s...

CHICKEN FILLET in PINEAPPLE SAUCE

Image
My family loves chicken. Kahit ano sigurong luto ng manok ay siguradong patok sa aking pamilya. Ofcourse, fried chicken pa rin ang pinaka-paborito nila. Kaya naman para hindi maging boring ang aking fried chicken, sinasamahan ko ito ng ibat-ibang mga sauces. Click naman sa mga anak ko ang ganito. Kaya naman, patuloy pa din ang pagtuklas ko ng mga sauces na babagay sa masarap nang fried chicken. Katulad nitong entry ko na ito for today. Pineapple tidbits ang ginamit ko na pang-sauce sa niluto kong fried chicken fillet. Para mas mag-mukha pang katakam-takam ito, nilagyan ko ng turmeric powder ang sauce para tumingkad ang pagka-dilaw nito. Try it! CHICKEN FILLET in PINEAPPLE SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Chicken thigh fillet (cut into serving pieces) 4 pcs. Calamansi 1 small can Pineapple Tidbits or Chunks (reserve syrup) 1 tsp. Cornstarch 1 tsp. Turmeric Powder 2 tbsp. White Sugar 3 cloves minced Garlic 1 medium size Onion sliced 1 thumb size Ginger sliced 1 cup All Purpose Flour 1 Egg bea...

TORTANG DULONG

Image
Remember yung balikbayan na bisita namin sa bahay na kapatid ng asawa kong si Jolly? Yes. Komo alam kong sabik sila sa mga pagkaing pinoy naisip ko na ihain sa kanila itong tortang dulong na ito. May nakita kasi akong sariwang dulong sa palengke at itong torta agad ang naisip kong gawing luto. Madali lang ito. Basta ang importante dito ay sariwa dapat ang dulong. TORTANG DULONG Mga Sangkap: 1/2 kilo Fresh Dulong 1 large white Onion finely chopped 3 pcs. Eggs beaten 1/2 cup All purpose flour 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1/2 tsp. ground Black pepper 1 tsp. Garlic powder Canola oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, paghalu-haluin lamang ang lahat ng sangkap. 2. Sa isang non-stick na kawali, magpa-init ng 1 tasang mantika. 3. Sa isang platito, maglagay ng tamang dami ng pinaghalong mga sangkap. 4. Dahan-dahang isalin o i-priot ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side. 5. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel. Ihain habang mainit pa na ma...

STIR FRIED PORK and BAGUIO BEANS

Image
Another simple dish ang handog ko para sa inyo sa araw na ito. Ayos na ayos ito lalo na sa mga working mommy (o daddy na kagaya ko...hehehe) na nagmamadali na makapag-prepare ng dinner for their kids. Simple lang itong lutuin at simple din lang ang mga sangkap. Pero kahit ganito ito kasimple, hindi simple ang lasa nito. STIR FRIED PORK and BAGUIO BEANS Mga Sangkap: 1 kilo Bacon cut Pork (cut into 1 inch long) 300 grams Baguio Beans (cut also into 1 inch long) 1 large Carrot cut into strips 1/2 cup Oyster Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 large Onion sliced 5 cloves Minced Garlic 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang bacon cut pork ng asin at paminta. 2. Sa isang non-stick na kawali, lutuin ang karne hanggang sa mawala ang pagkapula nito at naglalabas na ng mantika. 3. Sunod na i-gisa ang bawang at sibuyas. 4. Ilagay na din ang baguio beans at carrots. Halu-haluin. Hayaan ng mga ilang minuto. Huwag i-overcooked ang gulay. 5. Ilagay na ang oyster sauc...

SHRIMP CURRY

Image
Noon ko pa binabalak na magluto nitong Shrimp Curry na ito. Hindi lang matuloy-tuloy komo nga may kamahalan ang hipon. Pero nitong nakaraang pamimili ko sa SM Supermarket sa Cubao, may nakita akong hipon na itinitinda na wala nang ulo. P380 ang kilo nito at naisipan kong bumili kahit 1/2 kilo lang. Itong shrimp curry agad ang naisip ko ng bilin ko ang hipon na ito. At yun nga ang inulam namin nitong nakaraang araw. Masarap, tamang-tama lang ang anghang at nakakagana talagang kainin. Isa pa, madali lang itong lutuin. Mas matagal pa ata yung pagbabalat sa hipon kesa sa tagal ng pagluluto. Hehehehe. SHRIMP CURRY Mga Sangkap: 1/2 kilo medium size Shrimp (alisin yung ulo at balatan. Itira yung butot) 1 large Potato (cut into cubes) 1 Carrot (cut into cubes) 1 Red Bell pepper (cut into cubes) 2 cups Kakang Gata (coconut cream) 3 pcs. Siling pang-sigang 1 tbsp. Curry Powder Salt and pepper to taste 5 cloves minced Garlic 1 pc. Onion Sliced 1 thumb size Ginger sliced 2 tbsp. Canola oil Chopped...

BEEF STEW in TANDUAY ICE

Image
Na-try nyo na bang uminom ng Tanduay Ice? Hindi ko alam kung bagong product ito ng Tanduay pero nung matikman ko ito ay nagustuhan ko talaga. Para lang kasi siyang lemon juice pero after ng isang bote ramdam mo na ang tama. Kahit anag asawa kong si Jolly nagustuhan din niya ang drunks na ito. Sa drinks na ito nabuo ang recipe ko for today. Noon ko pa talaga binalak na gamitin ang tanduay ice na ito sa aking mga niluluto. Hindi ko lang malaman pa kung saan. Kaya naman nung makabili ako ng 1 kilo ng mechado cut na baka ay ito agad ang naisipan kong gawin. Beef stew na pinalambot ang karne sa 1 boteng tanduay ice. Ang resulta? Isang masarap na beef na ulam. Parang malapit siya sa caldereta pero ito kasi parang may tamis at anghang na konti. Basta ang masasabi ko lang, magluluto ulit ako nito. Masarap kaya. Hehehehe BEEF STEW in TANDUAY ICE Mga Sangkap: 1 kilo Beef cut into cubes 1 bottle Tanduay Ice 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Worcestershire Sauce 4 pcs. Tomatoes chopped 1 large Onion chopp...

HAPPY FATHERS DAY Tatang Villamor

Image
HAPPY FATHERS DAY!!!! (Media Noche 2011 - From left: Jake, James, Tatang Villamor, Jolly, Anton and Me) Sa espesyal na araw na ito, hayaan nyong magpugay ako sa isa sa mga importanteng tao sa ating buhay. Ang ating mga ama. Dito sa atin sa Pilipinas, maraming tawag sa ating mga ama. Ako in particular, Tatang ang tawag ko sa aking ama. Yung iba naman ay Papa. Meron din Tatay. May tumatawag din ng Itay, Ama, Amang, Daddy, Itang at iba pa. Ang aking Tatang Villamor ay 69 years old na. Malakas pa siya bagamat may mga nararamdamang sakit na din katulad ng rayuma at athritis. Solong anak na lalaki ang aking tatang at 5 silang magkakapatid. Nagiisa lang siyang anak na lalaki kaya siya lang ang katu-katulong ng aking lolo sa pagsasaka. Walang maipagmamalaking mga titulo ang aking tatang. Hindi siya nakapag-tapos ng pag-aaral. Pero napakarami niyang mga kaibigan at hindi matatawaran ang kanyang katapatan sa mga ito. Nung namatay nga ang kanyang kauna-unahang apo, napakarami ang nakiramay at na...

MINATAMIS NA SAGO, LANGKA at NATA DE COCO

Image
Remember yung na mentioned ko na bisita namin sa bahay na galing sa Ireland na kapatid ng aking asawa? Yes. Komo alam kong sabik sila sa mga pagkain pinoy, sinamahan ko na din ng dessert na ito para makumpleto na. Ang dessert na ito ay very common sa mga lugar sa Batangas. Minamatamis nila yung sago at may nilalagay sila na dahon na pampalasa na hindi ko naman alam ang tawag. Dito sa version ko, nilagyan ko naman ng bunga ng langka at nata de coco para mas lalo pang mapasarap. Yummy ito lalo na kung malamig ng konti. Panalo kung lalagyan mo ng kinadgad na yelo at gatas...hehehe..parang halo-halo na. MINATAMIS na SAGO, LANGKA at NATA DE COCO Mga Sangkap: 1/2 kilo Sugar 1/2 kilo Sago (yung luto na) 300 grams Langka (himayin) 1/2 kilo Nata de Coco Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, magpakulo ng 3 tasang tubig. 2. Ilagay ang langka kung kumukulo na at hayaan ng mga 10 minuto. 3. Sunod na ilagay na ang asukal, sago at nata de coco. Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot na ang ar...

SINIGANG NA TUNA BELLY

Image
Bisita namin sa bahay ang kapatid ng aking asawa na si Beth at ang kanyang dalawang anak na sina Joko at Alyssa. Balikbayan sila from Ireland at nagbabakasyon dito sa Pilipinas for 1 month. Sa bahay namin sila tumutuloy ng mga ilang araw para asikasuhin ang mga ilang papeles na kailangan nila. Alam kong sabik sila sa mga pagkaing pinoy kaya naman ito ang inihanda ko sa kanila. Sinigang na tuna belly ang aking inihanda. Nitong mga nakaraang araw hindi muna kami kumakain ng mga pangkaraniwang isda dahil sa balita ng fish kill sa Batangas at sa Pangasinan. Kaya itong tuna belly ang aking niluto, alam ko kasi na galing pa ito sa parte ng Mindanao. I think General Santos City. SINIGANG NA TUNA BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Tuna Belly (cut into serving pieces) 1 tali Sitaw (Hiwain sa nais na baha) 1 tali Talbos ng Kangkong 1 pc. medium size Labanos sliced 1 pack Sinigang Mix 1 thumb size Ginger sliced 1 large Tomato sliced 1 large Onion sliced 5 cloves minced Garlic 3 pcs. Siling pang-sigang 2 ...

TALONG, BAGOONG, TUYO AT ITLOG

Image
Tag-ulan na naman. Dalawa lang ang masarap gawin sa mga ganitong panahon. Ang kumain at matulog.....hehehehehe. Haaayyy....katamad pumasok sa office kapag ganitong maulan. Ito ang breakfast namin nitong nakaraang araw. Gustong-gusto ko talaga ang pritnong talong na may kasamang bagoong. At syempre pa tuyo na isasawsaw mo sa sukang may bawang at sili. Panalo kung sasamahan mo pa ng pritong itlog sa malasado ang pula. At para makumpleto ang buong almusal, sinangag na kanin na may maraming bawang. Haaayyyy.....nasira na naman ang diet ko. Pero okay lang, hindi naman madalas na ganito....hehehehe Have a nice day!!!!

OLD-FASHIONED PORK ASADO

Image
Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan o kaya naman ay sa Pampanga makikita mo at matitikman ang pork asado na ito. Sa mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta o kaya naman ay kasalan siguradong matitikman mo ito.Ito rin ang nakagisnan ko na pork asado sa namayapa kong Inang Lina. Magaling siyang magluto nito. Kahit hindi pa uso ang mga pampalasa noon, napapasarap niya talaga ang kanyang asado. Hindi katulad ng previous entry ko na mga instant sauces ang ginagamit ko, dito naman ay talagang mano-mano ang sauce na ginamit. Ofcourse dinagdagan ko na din ng konting tomato sauce para mas lalo pa itong sumarap. Madali lang ito. Wala kayong gagawin kundi paghalu-haluin lang ang lahat ng mga sangkap at hintayin lang maluto o lumambot ang karne. Ty nyo din. OLD-FASHIONED PORK ASADO Mga Sangkap: 1 kilo pork picnic (kasim) 2 medium onions, sliced 1 head minced Garlic 1/4 kilo fresh tomatoes, sliced 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Vinegar or 8 pcs. Calamansi 1/2 cup tomato sauce 3 cups water salt a...

CHICKEN in TOMATO PESTO SPAGHETTI SAUCE

Image
Sa mga working Mom at sa mga daddy na din na siyang nagluluto para sa pamilya, pabor na pabor ang mga naglalabasang mga instant food mixes. Kung baga, mix mix lang ay may malulutong ulam na kayo. Syempre naman iba pa rin yung pinaghirapan mo talaga. Pero kung talagang kapos ka na sa oras lalo na at late ka na nakauwi okay na okay ang mga instant food mixes na ito. Kung may extra cash ka naman, ofcourse food delivery naman ang sagot. Hehehehe. Ako din gumagamit din ako ng mga food mixes na ito. At madalas din ay nag-e-experiment ako sa mga luto gamit ang mga ito. Oo naman may mga sablay din...hehehehe. Kagaya nitong entry ko for today. Late na ako naka-uwi sa bahay dahil sa siksikan sa MRT at traffic sa daan. Habang nasa daan, iniisip ko na kung anong luto ang pwede kong gawin sa 1 buong manok na balak kong lutuin. Adobo ang pinakamadaling luto na pwedeng gawin. Kaya lang kaka-adobo lang namin nitong nakaraang Linggo. Kaya eto, with the help of an instant spaghetti sauce nabuo ang dish ...

PORK LIEMPO INASAL

Image
Inasal ang tawag sa mga Ilonggo. Inihaw naman sa mga tagalog. Sa Batangas naman binangi ang tawag dito. In english roast di ba. At asado naman sa mga Espanyol. Hindi pa nagsusulputan ang Mang Inasal dito sa kalakhang Maynila ay nakatikim na din ako ng chicken inasal kahit hindi ako nagpupunta ng Ilo-ilo. Kung hindi ako nagkakamali, chicken bacolod ata ang pangalan ng restaurant na yun sa may kanto ng pasay road. That was a long time ago. Ewan ko kung mayroon pa noon dito sa Manila. Gustong-gusto ko ang lasa ng chicken inasal. Ilang beses na din akong nagluto nito na nai-post ko na din. Kaya namabn minarapat ko na magluto nito ulit pero pork liempo naman ang ginamit ko. Pinagbatayan ko ang mga sangkap at ang paraan ng pagluluto ng chicken inasal par amakuha ko yung tamang lasa. At nagtagumpay naman ako. Masarap at malinamnam talaga ang kinalabasan. PORK LIEMPO INASAL Mga Sangkap: 1 kilo sliced Pork Liempo (piliin yung manipis lang ang taba) 5 tangkay na Tanglad o lemon grass aliced (yun...

ENSALADANG TALONG

Image
Remember yung niluto kong pan-grilled pork steak? Oo, ito naman yung side dish na niluto para pang-terno sa inihaw na baboy. Ang kinalabasan? Sira na naman ang diet ko. hehehehe Paborito ko talaga ang talong. Kahit simpleng prito lang at may bagoong, ulam na sa akin ito. Lalo na siguro kung torta naman ang gagawing luto, siguradong panalo ang kain ko. Hayyy!!! Yun lang, siguradong sasakit na naman ang kasu-kasuan ko pag kumain ako nito. Hehehehe Whats good sa enseladang talong na ito ay yung kasimplehan at yung bagoong balayan na ipinang-timpla ko. Yummy talaga. ENSELADANG TALONG Mga Sangkap: 4 pcs. large Talong 1/2 cup Bagoong Balayan 2 pcs. Kamatis diced 1/2 Red Onion chopped Ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1. I-ihaw ang talong....Palamigin....Balatan....at hiwain sa nais na laki. Ilagay sa isang bowl. 2. Ihalo ang kamatis at sibuyas sa hiniwang talong. 3. Timplahan ng bagoong balayan at konting paminta. Ihain kasama nag paborito nyong inihaw na isda o baboy. Enjoy!!!!

TUNA PESTO SPAGHETTI

Image
Nag-birthday last June 3 ang kumare namin at kaibigang si Jorina. Nasa Dubai siya ngayon at doon nagwo-work. Nung minsang nakausap ko siya sa telepono at nalamang malapit na ang birthday niya, nasabi kong ipagluluto ko siya ng pasta dish pa-tungkol sa kanyang birthday. At ito ngang pasta dish na ito ang aking niluto para sa kanya. Instant pesto lang ng Clara Olei ang ginamit ko dito at masarap naman ang kinalabasan. Dinagdagan ko na lang ng ham strips para may pampangiti sa ibabaw. Corned tuna pala ng ginamit ko na sahog dito. TUNA PESTO SPAGHETTI Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti pasta cooked accroding to package direction 2 cans Century Corned Tuna 4 slilces Sweet Ham cut into strips 1 pouch Clara Olei Cheesy Pesto pasta Sauce 2 cups Grated Cheese 5 cloves Minced Garlic 1 large Red Onion chopped 1/2 tsp. Dried Basil 2 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang non stick na kawali, i-prito ng bahagya ang hiniwang ham. Hanguin sa isang lalagyan. 2. Sa pare...

PAN-GRILLED PORK STEAK

Image
Isa sa mga pabirito ko ang inihaw na baboy. Kapag ito ang ulam ay tiyak na marami na naman akong kanin na makakain. Yun lang hindi ako madalas makapagluto nito komo nga sa condo kami naka-tira. Pangkaraniwan na yung liempo o pork belly ang madalas na nakikikita nating iniihaw. Masarap naman talaga ang parteng ito ng baboy. Yun lang, hahanap ka talaga nung parte na hindi masyadong makapal ang taba. As an alternative sa liempo para natin mai-ihaw, okay din na gamitin ay yung pork steak o yung parte ng baboy na parang marble ang laman at taba nito. Hindi ko alam pero sa may parte ng batok ata ito makikita. May makikita kayong ganito sa mga supermatket kagaya ng SM. Ang inam sa parteng ito ng baboy, hindi nagiging dry ang ating inihaw. May konting taba din kasi ito in-between nung mga laman. Masarap nga ito na pork steak. PAN-GRILLED PORK STEAK Mga Sangkap: 5 pcs. Pork Streak 5 pcs. Calamansi 5 tbsp. Worcestershire Sauce Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang pork...

ISPAGETING PINOY

Image
Sa ating mga pinoy, basta may birthday hindi talaga mawawala ang pancit o kaya naman ay spaghetti. Ito marahil ang namana natin sa ating mag ninunong intsik na ang ibig sabihin ay long life o pampahaba ng buhay. Kahit nga nasa malayong lugar ang may birthday o kaya naman ay yumao na, inaalala pa din natin sila sa paghahanda ng mga ganitong klaseng pagkain. Kagaya na lang nitong nakaraang May 29. Birthday ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Beth. Nasa Ireland sila. Pero nung araw na iyon, naisipan kong ipagluto siya ng spaghetti kahit biglaan. Pinoy style na spaghetti ang niluto ko. Meaning, medyo manamis-namis ang sauce nito at syempre hindi mawawala ang sahog na hotdog at giniling na baboy. Pero wag ka, naubos ha. Para kasing spaghetti ng Jollibee ang dating ng niluto ko. hehehehe. Magluluto ulit ako nito sa darating na mga araw.....hehehee. ISPAGETING PINOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti pasta cooked according to package direction 1/2 kilo Pork giniling 1/4 kilo Purefoods Hotdog...

BUFFALO WINGS

Image
Noon ko pa gustong i-try na magluto nitong buffalo chicken wings. Komo maanghang ang dish na ito, hindi ko ma-try at baka hindi makakain ang mga anak ko. Ngayong 2 lang kami ng asawa ko sa bahay, natuloy na din ang pagluluto ko nitong dish na ito. Mga ilang recipe at paraan ng pagluluto din ang nabasa ko para sa dish na ito. Ang common lang sa kanila ay yung pagka-spicy nito. Yung iba ay walang breadings na ginamit yung iba naman ay meron. Yung iba din isinasama na yung spicy sauce sa piniritong wings, yung iba naman inilalagay na lang as a dip. Well, kahit ano pa man ang pamamaraan at sangkap na ginamit, masarap talaga ang dish na ito. Pwede itong pampagana bago ang main course o kaya naman ay pulutan sa isang inuman. BUFFALO WINGS Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Wings 1 tsp. Paprika 1 tsp. Chili Powder (depende kung gaano kaanghang ang gusto ninyo) 3 pcs. Calamansi 1/2 tsp. ground Black Pepper 1 cup Instant Chicken Breading Mix For the Dip: 1/2 cup Mayonaise 1/4 cup Milk 2 tbsp. Olive ...

TAPUSAN SA SAN JOSE BATANGAS 2011

Image
Sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas, buong buwan ng Mayo nila ginagawa an g pag-aalay ng bulaklak kay Mama Mary. Sa bawat araw ay may mga nakatoka na siyang may kaarawan. Di ba nga sa amin na toka ang May 1 para mag-sponsor? Sa huling araw o May 31, ito ang tinatawag nila na tapusan. Ito bale ang parang pinaka-fiesta. At sa tapusan ngang ito ay sinimulan ng iang Banal na Misa. 11am na nag-start yung mass. Pagkatapos ng misa ay ayos na ayos dahil pananghalian na. Hindi na kami nag-handa sa bahay ng aking biyenan dahil nag-patay ng baboy ang kapatid ng aking asawa na si Ate Pina. Doon na lang daw kami mag-tanghalian at yun nga ang ginawa namin. Maraming handang ulam na nakahanda sa mesa. May pochero, adobo, pork hamonado at marami pang iba. Sa mga pagkain na yun ang adobo at pork hamonado ang aking nagustuhan. Yummy talaga...hehehehe Nag-enjoy talaga ang lahat sa pagkaing nakahain. Ganun naman talaga kapag may fiesta, overflowing ang mga pagkain. May dessert din p...

PENNE PASTA with ROASTED CHICKEN & HAM

Image
Maniwala man kayo sa hindi leftover o tira-tira lang ang sahog ng pasta dish na ito na niluto ko nitong nakaraang araw. Yes. Yung chicken ay yung natirang breast part ng roasted chicken na dinner namin nitong nakaraang araw din at yung bacon naman ay yung natira pa na breakfast namin. May natira ding tomato and potato soup na isinama ko na din para mas maging malapot ang sauce ng pasta. Bale yung pasta, cheese at canned tomatoes lang yung nadagdag na hindi leftover sa dish na ito. Hehehe. Ang huwag ka, masarap at parang gourmet pasta ang lasa ng pasta dish na ito. Ang sarap niya lalo na kung may mainit na pandesal o kaya naman ay toasted garlic bread. Samahan mo na din ng mainit na kape at kumpleto na ang breakfast mo. Hehehehe PENNE PASTA with ROASTED CHICKEN & HAM Mga Sangkap: 300 grams Penne pasta cooked according to package direction 3 cups Hinimay na laman ng manok (breast part roasted chicken) 1 cup Fried Bacon (cut into small pieces) 2 cup canned diced Tomatoes 2 cups Grated...

GINATAANG ALIMANGO

Image
Minsan lang kami makakain ng alimango sa bahay. Medyo may kamahalan kasi ito dito a Manila. Imagine P400 per kilo at hindi ka pa maka-sigurado kung mataba talaga at ilang piraso lang ito. Pero nitong isang araw, hindi ko talaga napigilan na bumili nito para sa dinner naming mag-asawa. Bale 2 piraso lang ang nabili ko. Pero kahit 2 pcs. lang ito ay talaga namang nag-enjoy kami sa aming dinner that night. Mainam na biyakin ang alimango bago lutuin para lumasa ang taba nito sa gata. Sa pamamagitan nito mas nagiging masarap ang sauce nito. GINATAANG ALIMANGO Mga Sangkap: 2 pcs. large Alimango (linising mabuti at hiwain sa gitna) Kakang gata mula sa dalawang niyog 3 pcs. Siling pang-sigang (yung isang piraso alisin ang buto at i-slice) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion sliced 1 thumb size Ginger sliced 2 tbsp. Canola oil salt and peper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at ang hiniwang siling pangsigang sa mantika. 2. Ilagay na agad ang ga...