PAKSIW na PATA by REQUEST
May nag-message sa akin sa isa sa mga post ko dito sa food blog kong ito about paksiw na pata. Tanong niya, bakit daw kapag naghahanap siya ng recipe para sa paksiw na pata, iba-iba yung nakukuha niya. Mayroon daw na nilalagyan pa ng bulaklak ng saging, yung iba naman daw ay may kung ano-ano pang inilalagay. Ang sagot ko naman, ang paksiw ay pagkaing may sangkap na suka at marami talagang version ito kahit saang lugar ka sa Pilipinas mag-punta. Kung baga, nasa nagluluto kung gusto mo yung may iba pang mga sangkap or yung just plain suka, bawang at paminta lang. Sa paksiw na pata mas gusto ko yung plain lang. Straight forward kung baga. Sa biyenan kong si Inay Elo ko din ito nakuha. Pero ang pinaka-key dito ay yung pagkasariwa ng pata na gagamitin. Sa simpleng luto na ito, malalasahan mo talaga yung sarap ng karne, sabi ko nga straight forward, walang paliguy-liguy ang lasa. Ang kainaman din...