Posts

Showing posts from December, 2013

ISANG MAPAYAPA at MASAGANANG BAGONG TAON sa LAHAT!!!!

Image
ISANG MAPAYAPA at MASAGANANG BAGONG TAON sa LAHAT!!! Isang panalangin ang handog ko sa inyong lahat na tagasubaybay ng Food blog kong ito: Panginoong naming Diyos na makapangyarihan sa lahat...nagpupuri at nagpapasalamat kami sa iyo...sa panibagong taon na ito na Iyong ipinagkaloob sa amin.   Panibagong taon...panibagong pag-asa sa aming lahat. Salamat sa taong 2013.   Sa mga biyaya at pagpapala na iyong ipinagkaloob.   Bagamat naging mahirap para sa amin ang taong ito..alam kong hindi mo kami pinabayaan maging sa pinakamabigat naming problema.   At sa mga pagsubok na sinuong namin, salamat din po.   Dahil dito, naging mas matatag kaming humarap sa hamon ng aming buhay.   At maraming salamat at nalampasan namin ang lahat ng ito. Ipinapanalangin ko ang lahat ng tagasubaybay ng munting Food Blog kong ito.   Sana ay pagpalain mo sila at bigyan ng kanilang pangangailangan sa araw-araw.   Huwag mong it...

WALDORF SALAD

Image
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan naming Noche Buena.   Waldorf Salad. Nung um-attend kasi ng Christmas party nila ang asawa kong si Jolly, ito ang isa din sa mga pagkain pinagsaluhan nila.   Nag-uwi siya nito sa bahay at nagustuhan ko talaga.   Masarap.  Kaya naman naisipan kong gumawa din nito para sa aming Noche Buena. Akala ko noong una sa Germany ito nag-origin.  Kasi parang German ang pangalan...hehehehe Pero nung i-check ko ito sa Google, sa New York pala ito nag-simula.   Sa Waldorf Astoria Hotel.   Sa original recipe, fresh apple, walnut, celery at mayonaise lang ang mga sangkap nito.   Pero habang nagtatagal ay nadagdagan na din ito ng chicken o turkey, ubas at iba pa. Try nyo din po.  Ayos na ayos ito para sa inyong Media Noche. WALDORF SALAD Mga Sangkap: 8 pcs.  Red and Green Apples (cut into cubes) 300 grams Chicken Breast (boiled then cut into cubes) 1 cup Cel...

PANCIT MALABON OVERLOAD

Image
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Pasko.  Pero hindi sa Noche Buena namin ito inihanda komo may pasta dish na.   Sa mismong araw ng pasko namin ito pinagsaluhan. Actually, ang Pancit Malabon ay para rin lang pancit palabok o yung pancit luglog na alam natin.   Ang pagkakaiba lang siguro nito ay yung matatabang noodles na ginagamit at mas marami itong seafoods na sahog o toppings.   Marahil ay komo malapit sa dagat ang Malabon pangkaraniwang hanapbuhay doon ay ang pangingisda kaya naging ganito ang pancit na ito na tinawag na ngang Pancit Malabon. Sinabi kong Pancit Malabon Overload ito komo nga ang dami kong sahog na inilagay.   Talagang kinumpleto ko ang mga sahog dahil ito ang share ng hipag kong si Lita.   Siya din ang nag-request na magluto ako nito.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ng lahat ang niluto ko. PANCIT MALABON OVERLOAD Mga Sangkap: 1.5 kilos Bihon na pang pancit Malabon (ma...

PASKO SA BATANGAS 2013

Image
Masayang naipagdiwang ng aming pamilya ang nakaraang Pasko at Noche Buena sa San Jose Batangas.   Kahit medyo nakakapagod ang paghahanda, sulit naman dahil nagustuhan ng lahat ang aming inihanda. Actually, kanya-kanyang share ang naging handa namin.   Pati nga ang hipag kong nasa Ireland na si Beth ay nag-share din para sa aming Noche Buena.   Yung Beef Lasagna at sar-saring prutas ang share niya.   Kami naman ay yung Waldorf Salad at Crab and Cucumber Spring Roll.   Ang aking hipag ding si Ate Pina ang nag-share ng 3 manok para i-roast, samantalang si Lita naman ay Pork barbeque at Pancit Malabon.   Si Ate Azon naman ay Pork Hamonado at Kare-kare, samantalang si Kuya Alex naman ay Kare-kare din, halabos na hipon at alimango. Masaya at nabusog ang lahat sa aming mga pinagsaluhan.   Komo ako nga ang nagluto, parang naumay na ako sa mga pagkain.   Kare-kare at lasagna lang at kaunting prutas ang aking ...

HAPPY BIRTHDAY JESUS!!!!

Image
Isang MALIGAYANG PASKO sa LAHAT ng tagasubaybay at sumusuporta sa Food Blog kong ito. Dalangin ko ang magandang kalusugan at masaganang taon para sa ating lahat.   I-adya nawa Niya tayo sa mahihigpit na pagsubok at ilayo tayo sa mga kapahamakan.   Nawa ang taong 2014 ay maging mabiyaya para sa ating lahat. Amen

ANG TUNAY NA BIDA NG PASKO: SI HESUS

Image
Ilang tulog na lang at Pasko na.   Alam ko lahat ay abala na sa paghahanda sa pinakahihintay nating araw.  Ang nakakalungkot lang, parang nagiging komersyal na ang pagdiriwang natin nito.   Parang naka-pokus na lang tayo sa mga materyal na bagay kagaya ng damit na ating isusuot, pagkain na kakainin para sa noche buena at ang mga regalo na ibibigay natin sa mga inaanak at mga kaibiagn.   Kahit nga sa mga dekorasyon na inilalagay ay nawawala na kung bakit nga ba may Pasko. Sana huwag nating kalimutan ang tunay na dahilan kung bakit ba may Pasko.   Alalahanin natin ang naganap sa unang pasko kung saan isang sanggol ay isinilang sa isang hamak na sabsaban o pakainan ng mga hayop. Si Hesus.  Siya ang tunay na bida ng kapaskuhan.   Huwag sanang mabaling lang sa mga materyal na bagay ang ating pagdiriwang.  Kundi, pagmamahalan, pagbibigayan at pagtulong sa kapwa ang ating gawin.   Ito marahil ang pinaka-magandang regalo na maiaalay ...

PAELLA VALENCIANA

Image
Ito ang isa sa mga pinaplano kong lutuin at ihanda sa nalalapit na Noche Buena.   Paella Valenciana.   Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman ganun kakumplikado ang pagluluto nito.   Hindi na rin kailangan paellera o yung lutuan ng paella para makapagluto lang nito.   Kung baga, ordinaryong gamit lang sa kusina at simpleng mga sangkap ay okay na. Masarap ang dish na ito.   Kumpleto kasi ang mga sangkap.   May rice at ulam na din in one.   Nilagyan ko na din lang ng ilang twist para mas lalo pa itong mapasarap.   Try nyo din po. PAELLA VALENCIANA Mga Sangkap: 2 cups Bigas na Malagkit 2 cups Ordinaryong Bigas (Jasmin na bigas ang ginamit ko dito) 1/2 kilo chicken breast cut into small pieces 1/2 kilo Atay at Balunbalunan ng manok 1/4 kilo Porkloin or kasim cut into cubes 3 pcs. chorizo de bilbao (hiwain ng pahaba) 3 pcs. medium size potatoes cut into cubes (cut into small pieces) 2 pcs. red and ...

CHEESY BACON and BABY POTATOES

Image
Uunahan ko na kayo, re-post lang ang dish nating ito for today.   Naisip ko lang i-post ulit ito in-time para sa mga nag-iisip ng panghanda sa kanila Noche Buena. Naalala ko lang ang dish na ito kasi tinatanong ng bunso kong anak na si Anton kung magluluto ako nito.   Sabi ko hindi, komo in the last 2 or 3 years ata ay included ito sa aming Noche Buena menu.   So for this year pahinga muna siya.   Hehehehe Masarap ang dish o appetizer na ito.   Baka nga dito pa lang ay mabusog na kayo at hindi na kayo makakain ng iba pang putahe.   Hehehehe.   Talaga kasing pang-espesyal na okasyon ang dish na ito.   I-try nyo din po. CHEESY BACON and BABY POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 2 cups or 1 jar Cheese Wiz 1 tetra brick All Purpose Cream 1 small can Alaska Evap (red label) 1/2 kilo Bacon (cut into 1/2 inch long) 1 head minced Garlic 1/2 cup Melted Butter Salt and pepper...

ROAST PORK with APPLE-LECHON SAUCE

Image
Here's another dish na sa tingin ko ay pwede din natin i-consider sa nalalapit nating Noche Buena.   Ito ang sinasabing upgraded version nang pangkaraniwang lechon kawali na may Mang Tomas Sarsa ng Lechon. Actually, experimental ang ginawa kong ito.   Nakita ko lang kasi itong mansanas na nabili ko at bakit kako hindi ko isahog din ito sa lechon sauce para maiba naman.   Ang nasa isip ko ay yung magkaroon ng fruity taste yung sauce.  At hindi nga ako nagkamali.   Masarap at nagustuhan ng mga anak ko ang niluto kong ito. Yun lang medyo mahaba din ang proseso ng pagluluto at preparasyon nito although madali lang din siya gawin.   Pero sulit na sulit naman kapag kinakain mo na.  ROAST PORK with APPLE-LECHON SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba) 2 pcs. Laurel Leaves 3 tangkay Lemon Grass o Tanglad 1/2 tsp. Nutmeg 1 head Garlic 1 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Whole Pepper Corn For th...

SIMBANG GABI: Simula ng Pasko

Image
Ang Pilipinas ang may pinaka-mahabang pagdiriwang ng Pasko.   Bakit naman hindi, pagtungtong pa lang ng Ber months ay mau ilan na ding naglalagay ng palamuting pamasko sa kani-kanilang tahahanan.   At sa radyo naman ay makakarinig na din tayo ng mga tugtuging pamasko. Para sa mga Katolikong Kristyano na katulad ko, ang December 16 o ang Simbang Gabi ang opisyal na pasimula ng Pasko.   9 na araw na paghahanda bago ang araw ng kapangananakan ni Hesus. Noong araw ng aking kabataan, nagagawa ko pa ang mag-simbang gabi sa aming probinsya sa Bulacan.   Kasama ko ang aking mga kabarkada, sabay-sabay kaming naglalakad sa lamig ng umaga para mag-simba.   4 ng umaga ang simba noon.   Noong araw nakukumpleto talaga namin ang simbang gabi. At syempre pagkatapos ng simbang kabi, hindi kumpleto ang iyong pagsiba kung hindi ka makakabili at makaka-kain ng mainit na puto bumbong at bibingka.   Samahan pa ng mainit na salabat ay kumpl...

NOCHE BUENA SUGGESTION #3

Image
Ito po ang pangatlo sa series ng Noche Buena suggestions ko for 2013.   I hope makatulong ito sa inyo kahit papaano.   May nag-message na nga sa akin na ilan sa mga nai-post ko na suggestion ay lulutuin niya para sa kanilang Noche Buena. Okay.  Umpisahan natin sa appetizer.   Napili ko itong California Maki.   Ito ang isa sa mga inihanda ko sa aming 2012 na noche buena.   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/01/california-maki-ala-dennis.html Pwede itong appetizer at main course na din.   Pork Cordon Bleu.   Tiyak ko magugustuhan ito ng mga bata. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/10/pork-cordon-bleu.html Isa pa ay itong version ko ng Chicken ala Kiev.  http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/07/chicken-ala-kiev-my-own-version.html Syempre hindi mawawala ang noodle dish sa hapag.  Sa halip na pasta dish itong Pancit Palabok ang maisa-suggest ko.   Yun lang medyo marekado ang dish na ito....

CHEESY CHICKEN ADOBO

Image
Hindi ko kayang bilangin ang version ng paborito nating lahat na Adobo.   Masasabi nga natin na ito ang ating pambansang ulam dahil kahit saang parte ng Pilipinas ay may kani-kaniyang version at paraan ng pagluluto nito. Marami na rin akong nagawang version ng chicken o pork adobo at nadagdagan pa ito nang makita ko itong billboard na ito ng isang restaurant na ang specialty nila ay ang adobo na may cheese.   Well, hindi ako magtataka kung masarap ito dahil alam naman natin kahit anong pagkain kapag nilagyan mo ng cheese ay sumasarap. Kaya nga nitongisang araw, sinubukan kong magluto nito na may ibang paraan kesa sa usual na luto na ginagawa ko.  Ginisa ko muna kasi ito at nilahukan ko ng ginayat na tanglad.   At masarap nga ang kinalabasan ng aking cheesy chicken adobo.   Try nyo din po. CHEESY CHICKEN ADOBO Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 head minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1/2 cup Tanglad (...

PAN-GRILLED PORK BELLY

Image
Nasabi ng asawa kong si Jolly na gusto naman daw niya ng inihaw na ulam.   Hindi naman niya sinabi kung inihaw na isda ba o karne ang kanyang gusto.   Dalawa lang naman ang pwede kong gawin sa hiling niya.   Isa, bumili na lang ng inihaw na isda sa isang ihaw-ihaw malapit sa aming bahay.   At pangalawa naman ay magluto ako pero pan-grill nga lang.  Wala naman kasing pagiihawan sa bahay namin.  hehehehe  Komo kumpleto kami nitong nakaraang Linggo sa bahay, nito ko naisipang magluto ng inihaw..yun nga pan-grill nga lang.  Pork belly o liempo ang niluto ko at ayos naman dahil nagustuhan ng lahat ang aking ginawa. Simple lang ang timpla at luto na ginawa ko dito.  Pero yun nga, ang importante ay napasaya mo ang gusto ng iyong mga mahal sa buhay.   At isa pa, kahit simple lang ang inyong ulam basta sama-sama kayo ay okay na okay talaga. PAN-GRILLED PORK BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)...

DBTC 2013 FAMILY DAY

Image
Kagaya nang nabanggit ko sa post ko kahapon, nag-attend ang aming pamilya ng Family Day ng pangalawa kong anak na si James sa Don Bosco Technical College sa Mandaluyong na nasabay din sa ika-60 taong anibersaryo ng paaralan. Nag-umpisa ang program sa isang Banal na Misa at pagkatapos noon ay naghanda naman ang mga mag-aaral para sa kanilang human logo na ginawa sa kanilang football field.  Gamit ang robotics project ng mga mag-aaral ng paaralan ay nakuhanan ng maganda picture ang ginawa nilang human logo.  Nasa taas po ang picture. Ang picture na ito ay habang nag-po-form sila ng human logo.   Salamat naman at hindi masyadong tirik ang araw para hindi masyadong mainitan ang mga bata. Pagkatapos noon ay nagkaroon ng salo-salo sa bawat room ng mga mag-aral.  Bago pa man ang okasyon ay nag-assigned na ang pamunuan kung ano ang pagkaing dadalhin ng bawat mag-aaral.   Ang natoka nga sa aking anak ay ang lechong manok. Maraming pagkain ang nad...

ANTON'S ROAST CHICKEN

Image
Yesterday December 8, 2013.   Nag-attend ang aking buong pamilya ng Family Day ng aking pangalawang anak na si James sa Don Bosco Technical Collage sa Mandaluyong City. Roasted o Fried Chicken ang natoka na pagkaing dadalhin para sa aking anak.   Nung una, nagdadalawang isip ako kung magluluto ako o bibili na lang ng luto nang lechong manok o fried chicken.   Oo nga at iwas pagod kung bibili na lang, pero mas mahal ang magagastos dito.   Kaya naisipan kong magluto na lang at sa halip na 1 buong manok lang ay ginawa ko itong dalawa. Ang sikat na Antons Chicken ang aking niluto.    Ipinangalan ko ito sa aking bunsong anak komo gustong-gusto niya ito. Maraming nagdala ng lechong manok.  Yung iba ay yung commercial na available na lechon at yung iba naman ay lutong bahay din siguro.   Alam ko naman na ang niluto ko ay hindi napahuli sa kanilang mga dala.   Hehehehe. ANTON'S ROAST CHICKEN Mga Sangkap...

GINATAANG HIPON, SITAW AT KALABASA na may GINILING pa

Image
Ang galing talaga ng gata ng niyog ano.   Ang dami kasi nitong napapasarap na pagkain.  Kahit simpleng gulay lang ay napapasarap talaga.   Yun lang may ibang tao din na hindi masyado sa pagkain ng pagkaing may gata. Kung tutuusin, mula lang sa tira-tirang mga sangkap ang dish nating ito for today.   Yung hipon ay mula sa ibinawas ko mula dun sa sinigabng na ginawa ko.  Yung gata naman ay dun sa bibingkang malagkit.   At yung giniling naman ay mula dun sa pork burger.   Bumili na lang ako ng kaunting sitaw at kalabasa para mabuo ang dish na ito.   hehehehe. Yes tama yung nabasa nyo.   May inilahok din akong giniling na baboy sa dish na ito.  At lalong naging masarap ang kinalabasan.   Tiyak ko mapaparami ang kain ninyo.   Hehehehe GINATAANG HIPON, SITAW AT KALABASA na may GINILING pa Mga Sangkap: 300 grams medium size na Hipon 2 cups Kakang Gata 1 cup Giniling na Baboy ...

ADOBONG BABOY at SITAW sa ACHUETE

Image
Hindi ko alam kung saan nag-origin itong adobo sa achuete na ito.   The last time na naka-kain ako nito ay almost 1 year na sa San Jose Batangas. Actually, parang pareho lang naman ang lasa sa ordinaryong adobo na nakakain natin.   Ang pagkakaiba nga lang ay yung kulay dahil nga sa achuete. Marahil naimbento ang version na ito ng adobo dahil walang toyo na magamit.  Hindi ganun naman sa probinsya, kung ano ang available ay yun ang inilalagay. Also,  para kako dumami ng bahagya nilagyan ko din ng sitaw.   Ayun!   Akala ng mga anak ko ay kare-kare ang kanilang kinakain.   Naghanap ba naman ng bagoong.  hehehehe. ADOBONG BABOY at SITAW sa ACHUETE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly o Liempo 2 tbsp. Achuete Seeds 1 cup Can Vinegar Sitaw (hiwain ng mga 1 inch ang haba) 1 tsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste 1 head minced Garlic 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na ...

CHICKEN FILLET and TOFU in OYSTER and BLACK BEAN SAUCE

Image
Nakabili ako ng 1 kilo na chicken breast fillet.   Dapat sana gagawin ko itong chicken roulade stuffed with chinese chorizo.   Pero hindi ito natuloy sa hindi ko matandaan na dahilan.   Kaya ang nangyari, yung ilang piraso ng chicken breast ay niluto ko na lang na chicken katsu tama lang para sa kakainin ng aking mga anak.   Tuloy, naging alanganin yung natira pang chicken breast para sa isa pang dish. Dito ko naisipan na bakit hindi ko na lang haluan ito ng gulay.  So parang chopsuey ang kakalabasan.   Kaso hindi pala masyadong mahilig sa gulay ang aking mga anak.  Ang ginawa ko na lang, hinaluan ko ito ng fried tofu at nilagyan ko ng oyster sauce at black bean sauce o tausi. Also in this dish, ginawa ko yung technique na nabasa ko sa isang blog para mas maging tender ang laman ng manok.  Alam naman natin na medyo dry ang chicken breast.   Ito ay sa pamamagitan ng pag-gamit ng baking soda bago i-marinade ang manok....

NOCHE BUENA SUGGESTION #2

Image
Ito po ang aking Noche Buena Suggestion #2.   Konti lang po ang dish na inilagay ko dito pero masasarap lahat.   Minsan kasi mainam din yung konti lang ang pagpipilian para mas ma-enjoy mo talaga ang mga food.  Kapag kasi marami tayong nakikitang pagkain parang nauumay na tayo agad.   Kaya naman, mainam siguro na ang appetizer natin ay yung fresh at pang-tanggal umay na agad.   Try po ninyo itong Crab Sticks and Cucumber Spring Roll.   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/09/crab-sticks-and-cucumber-spring-roll.html Di siguguro mawawala ang pasta sa ating hapag.   Para maiba naman, itong penne pasta na may mix seafoods ang masarap na ihanda.   MIXED SEAFOODS and PENNE PASTA in WHITE SAUCE.   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/12/mixed-seafoods-and-penne-pasta-in-white.html For the main dish, bakit di natin subukan itong RELYENONG MANOK.   Lagyan din natin ng pipino sa s...

BANANA FRIES

Image
May nabili akong magandang saging na saba nitong huling pag-go-grocery namin.   Maganda kasi malalaki siya...tamang-tama lang ang pagka-hinog at wala nung mga pache-pache na maitim sa balat at laman. Yung iba ay pinirito ko lang at yung iba ay ginawa kong banana fries.  Papanong banana fries?   Komo malalaki at mahaba ang saba na ito, hiniwa ko siya ng pahaba na medyo malaki lang sa size ng regular fries.   Also, masarap itong kainin na side dish o kaya naman ay snacks habang bagong luto.   Also, pwede nyo itong i-dip sa melted chocolate or sa mga fruit jams kagaya ng stawberry or mango.   Try nyo din po.   Masarap at madali lang gawin. BANANA FRIES Mga Sangkap: Saging na Saba (cut into strips) Cornstarch Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.  Hiwain ang saging na saba ng pa-strips. 2.  Igulong sa cornstarch at ilagay muna sandali sa isang lalagyan 3.  I-prito ng lubog sa mantika hanggang sa m...