Posts

Showing posts from April, 2014

EASY PORK CALDERETA

Image
Sa panahon ngayon, marami nang "instant" na pwede tayong gamitin.   From instant coffee, sinigang mixes, noodles at maging ang mga sauces para sa masasarap na putahe na ating nakasanayan.   Okay naman ito lalo na sa mga working mom and dad na silang pang nagluluto para sa kanilang pamilya. Ako pag nag-go-grocery, tumitingin din ako sa mga instant instant na ito para sa mga biglaang luto sa bahay.   Ofcourse wala pa ring tatalo sa pagkain niluto from the labor of love.   hehehehe. Sa easy pork caldereta na ito, pinagsama ko ang tradisyunal na gisa at ang caldereta mix na ito ng Mama Sita. EASY PORK CALDERETA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim o Pigue (cut into cubes) 1 sachet Mama Sita Caldereta Mix 1 medium size Carrot (cut into cubes) 1 large size Potato (cut into cubes) 1 large Red Bell Pepper (cut into cubes) 5 cloves minced Garlic 1 large White Onion (sliced) 2 pcs. Tomatoes (sliced) Salt and pepper to taste 2 tbsp. Olive Oil...

NILAGANG BUTO-BUTO na may MAIS at PATOLA

Image
Nitong Easter Sunday na papauwi na kami ng Manila, dumaan muna kami ng palengke ng San Jose sa Batangas para bumili ng mga ilang bagay.   Bumili ako ng buto-buto ng baboy at ilang gulay.   Bumili din ako ng noodles na ginagamit sa lomi at kapeng barako na paborito naming inumin sa umaga. Masarap ang karne ng baboy na nabibili dito sa palengke ng San Jose.   Sariwa kasi ito at talaga namang bagong katay lang.   Hindi katulad ng mga nabibili natin sa palengke o supermarket dito sa Manila sa frozen na.   Kaya naman naisipan kong ilaga na lang ang mga buto-butong ito at sinamahan ko ng patola at mais para hindi matabunan ang fresh na lasa ng buto-buto. At yun nga, napakasarap higupin ng sabaw ng nilagang ito kahit na napaka-init ng panahon.   Yummy!!!! NILAGANG BUTO-BUTO na may MAIS at PATOLA Mga Sangkap: 1.5 kilos Buto-buto ng Baboy (rib parts cut into pieces) 1 pc. Patola (hiwain sa nais na laki) 1 pc. Sweet corn (c...

GARLIC CRUSTED BAKED PORKCHOPS

Image
Easter Sunday ay nagpasya kaming bumalik na ng Manila mula sa aming Holy week vacation sa Batangas para makaiwas na din sa traffic ng lahat na magbabalikan ng Manila.   Pero bago kami umuwi ay nag-simba muna kami sa simbahan ng San Jose para syempre magpasalamat. 12:00 noon na din kami ng maka-dating ng bahay at gutom na din ang mga bata dahil sa byahe.   Buti na lang at may natira pang porkchops na minarinade ko sa garlic powder at garlic breading mixes na naging ulam namin bago kami umuwi ng Batangas.   Komo nagmamadali na ako na makaluto, naisipan kong i-turbo broil na lang ito at kataon kako na sabay maluluto ito ng sinaing.   At habang niluluto ko ang kanin at ulam, gumawang enseladang pahutan na nabili namin sa Batangas.   Tamang-tama ang enseladang ito sa porkchops na tinuturbo ko.   Ayun busog na busog at naging masarap ang aming kain. GARLIC CRUSTED BAKED PORKCHOPS Mga Sangkap: 10 pcs. Porkchops 1 sachet Garlic Flavor B...

PINAKA-SIMPLENG POCHERONG BABOY

Image
Ito naman ang dish na niluto Huwebes Santo nitong nakaraang bakasyon namin ng Mahal na Araw.   Pocherong Pork Belly.   Ito ang niluto ko komo pwede pa naman ang karne ng Huwebes Santo.   At isa pa, masarap ito at may sabaw at gulay na kasama pa. Kung tutuusin para din lang ito nilagang baboy.   Yun lang nilagyan ito ng tomato sauce at kaunting asukal para tumamis ng kaunti ang sabaw.   Also, dahil sa saging na saba at kamote na inilagay din, nagkaroon ng manamis-namis na flavor ang sabaw nito. PINAKA-SIMPLENG POCHERONG BABOY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into cubes) 1 tetra pack Tomato Sauce 1 pc. large Sweet Potato o kamote (cut into cubes) 6 pcs. Saging na Saba (cut into half) Pechay Tagalog Repolyo 1 large Onion (sliced) 2 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, ilaga ang baboy sa tubig na may asin at ginayat na sibuyas. 2.   Sa kalagitn...

PINATISANG PRITONG MANOK

Image
Tuwing umuuwi kami sa bahay ng aking biyenan sa San Jose Batangas, dumadaan muna kami ng palengke ng San Jose para mamili ng mga pagkaing kakailanganin namin sa mga araw na mag-stay kami doon.   Mahirap kapag may nakalimutan kang pag-sangkap sa ulam dahil may kalayuan din ang bahay ng aking biyenan sa kabayanan. Kagaya nitong nangyari sa manok na ito na aking niluto nitong nakaraang Miyerkules Santo.   Nakalimutan kong bumili ng breadings na gagamitin ko sa pagpi-prito.   Ang ginawa ko na lang ay naghanap ako ng available at pwedeng pampalasa sa kusina ng aking biyenan.   At yun nga, minarinade ko na lang ang manok sa patis at sa pamintang dinurog mula sa kanilang taniman ng paminta. Ang resulta?   Isang masarap ng pritong manok na nalalasahan mo talaga ang tunay na lasa ng manok.   Masarap talaga lalo na kung isasawsaw mo sa banana catsup.   Yummy!!!! PINATISANG PRITONG MANOK Mga Sangkap: 5 pcs. Chicken L...

PORK GINILING with MIX VEGETABLES

Image
Nitong nakaraang summer outing sa aming opisina, natoka akong magluto para sa aming tanghalian.  Dapat chicken adobo at sinigang na baboy lang ang ulam na lulutuin.   Pero nung magluluto na, nabago at nadagdagan ng bagong dish ang menu.   May mix vegetables at giniling na baboy. Hindi ko alam kung papaanong luto ang gagawin.   Kung maaga pa lang sana ay naabiso na para nasabi ko yung mga sangkap na gagamitin.   So ang nangyari kubng ano na lang ang mailagay at kung papaanong luto na lang ang nangyari. But to my surprise nagustuhan nila ang ginawa kong luto.   Actually simple lang siya pero masarap nga daw.   At ayun, nag-enjoy talaga lahat sila sa mga niluto ko.   Sa uulitin daw......hehehehe. PORK GINILING with MIX VEGETABLES Mga Sangkap: 1 kilo Pork Giniling 1/2 kilo Mix Vegetables (Corn, carrots, green peas) 1/2 bar Butter 1/2 cup Soy Sauce 1 head minced Garlic 2 pcs. large Onion (chopped...

PININDOT with a TWIST

Image
Nitong huling uwi namin ng aking pamilya sa bayan ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang Mahal na Araw, dumaan muna kami sa palengke para bumili ng mga pagkaing ka-kailanganin namin sa ilang araw.   Nakita ko itong nagtitinda ng powdered na malagkit na bigas sa may nagtitinda ng niyog.   Naisip ko agad na bakit hindi ako magluto ng pinindot para pang-meryenda namin sa bahay. Ang Pinindot ay isang pang-meryendang dish sa Batangas.   Giniling na malgkit na bigas ito na binilog na maliliit at niluto sa gata at may lahok ding sago.   Sa amin sa Bulacan, Alpahor ang tawag dito.   Sa amin naman, hinahaluan pa ito ng saging na saba, kamote, gabi at minsan ay may langka din.   Sa Maynila, mas kilala ito na Ginataang Halo-Halo o Ginataang Bilo-bilo. Sa version kong ito ng Pinindot, pinaghalo ko ang recipe naming taga-Bulacan at ang version ng Batangas.   Sinubukan ko din langyan ng all purpose cream...

MY 2014 HOLY WEEK VACATION

Image
Gusto ko pong ibahagi sa inyo ang nakaraang bakasyon namin ng aking pamilya at ang ginawa naming pag-gunita sa mga Mahal na Araw sa bayan ng aking asawa sa San Jose Batangas. Taun-taon naman ay dito kami nag-i-spend ng aming holy week.   Bukod sa napapahinga kami ng mabuti ay mayroon din kasing taunang reunion ang pamilya ng aking asawa.  Every year din naman ay naibabahagi ko ito sa inyo. April 16 o Miyerkules Santo pa lang ay nasa Batangas na kami.   Bale nauna na dun ang dalawa kong anak na sina James At Anton at kami na lang ang sumunod. Wala namang masyadong nangyari sa mga araw ng Miyerkules at Huwebes.  Kain at tulog din lang ang aking ginawa. April 18 Biyernes, dito nagsimula ang mga aksyon sa aming bakasyon.   Hehehehe.   Una, naisipan namin ng pamangkin ng asawa kong si Joel na mag-set ng pananghalian sa labas ng kanilang bahay na tabi din lang ng bahay ng aking biyenan.  Bale boodle fight ang style ng aming pa...

MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY!!!!

Image
Si Hesus ay muling nabuhay!   Haleliua...Haleliua!!!!  

SI HESUS ay NAMATAY para sa ATING LAHAT

Image
Nawa sa mga Mahal na Araw na ito, ating gunitain ang paghihirap ng ating panginoong Hesus para matubos ang ating mga kasalanan.   Magkaroon nawa tayo ng kaunting panahon sa pagninilay sa kanyang sakripisyong ginawa para sa atin.   Isang mapagpalang araw sa ating lahat.   Amen  

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Image
http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/04/cream-dory-with-white-basil-sauce.html Sa mga Katolikong Kristyano tulad ko, kapag dumarating ang mga Mahal na Araw, naging kaugalian na natin na mangilin sa pagkain ng karne tuwing biyernes ng Kuwaresma at Biyernes Santo.   Ito'y munting sakripisyo na iniuutos ng simbahan bilang pagaala-ala sa paghihirap ng Panginoon nating si Hesus para sa ating mga kasalanan. Sa araw na ito ng Martes Santo, minarapat kong magbahagi ng mga pagkain na pwede nating ikonsidera para sa mga araw na ito.  Paki-cut and paste na lang ng mga link para sa mga recipes: http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/02/sinigang-na-tiyan-ng-tuna.html http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/01/ginisang-tinapang-bangus-at-itlog-na.html http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/11/escabecheng-dalagang-bukid.html http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/07/tinolang-bangus.html http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/04/p...

TUNA FILLET with GARLIC & RED BELL PEPPER WHITE SAUCE

Image
Last Friday ko niluto ang tuna fillet na ito.   Kagaya ng iba pang mga Katolikong Kristyano, kapag panahon ng kwaresma, pinipilit naming hindi kumain ng karne kapag Biyernes.   Tamang-tama naman at may nabili akong fresh tuna fillet. Matagal-tagal na ding hindi ako nakakapagluto ng dish na ito.   Isa ito sa mga paborito ng asawa kong si Jolly sa lahat ng mga naluto ko na. Ang pinaka-key o nagdala sa kabuuan ng dish na ito ay ang freshness ng tuna at ang flavor o lasa ng sauce na inilagay.   Dapat sana, plain white sauce lang.   Pero naisipan kong lagyan ng red bell pepper for added flavor at para na rin magkabuhay ang itsura nito. Masarap talaga.   Malasang-malasa talaga ang sauce. TUNA FILLET with GARLIC & RED BELL PEPPER WHITE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Fresh Tuna Fillet (hiwain sa nais na laki at kapal) 1 cup Flour 1 pc. Egg 1/2 Cold Water Salt and pepper to taste Cooking Oil dfor frying For the Sauce:...

JELLY PLAN with COCONUT CREAM

Image
Sa unang attempt ko na gumawa nitong Jelly Plan, hindi masyadog maganda ang kinalabasan ng caramel toppings na inilagay ko.  Tumigas kasi ito na parang candy at nang itinaob ko na sa plato ay naiwan pa ito sa bottom ng llanera.   Kaya naman sa pagkakataong ito tiniyak ko na na hindi yun mangyayari. Ang problema naman hindi ako naka-bili ng evaporated milk para sa dessert na ito.   Nang bigla kong naalala yung custard cake na nabasa ko din sa isa pang food blog na coconut cream ang kanyang ginamit sa halip na evaporated milk.   Tamang-tama at may isa tetra brick pa ako ng coconut cream na gagamitin ko sana para sa maja mais na gagawin ko. At yun na nga coconut cream sa halip na evap ang aking ginamit at naging mas masarap ito compare sa original na recipe na aking nagawa na.   Try nyo din po.   Masarap at mura lang ang magagastos. JELLY PLAN with COCONUT CREAM Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (Yellow color) 1 big can Co...

IT'S SHOWTIME

Image
Pasensya na po kung na-late ang post ko para kahapon April 9.   Na-invite po kasi ako ng aking kumpareng si pareng Darwin na manood ng It's Showtime ng live sa ABS-CBN.   Maaga kaming pumunta sa studio at late din naman na natapos kaya di ko agad na-post yung para kahapon.   Hehehehe Dapat sana ay ang asawa kong si Jolly ang kasama ko, kaso, may work siya that day at kami na lang ng panganay kong anak na si Jake ang natuloy. 9:00am ay nasa harap na kami ng ABS-CBN at habang hinihintay namin ang aking kumpare at pinag-breakfast ko muna ang aking anak na si Jake.   Kailangan kasi ay heavy breakfast ang kainin dahil hindi na pwedeng lumabas ng studio kapag nag-simula na ang show.  9:30am ay nakapasok na kami ng studio.   At komo empleyado nga ng ABS ang asawa ng kumpare ko na si Roselyn, nagkaroon din kami ng pagkakataon na makapanood ng taping ng Showtime na ipapalabas sa Holy Week.   Ayun, mga 11:00am ay nag-sta...

INADOBONG MANOK sa KAMATIS

Image
Napakarami na ring version ng adobong manok ang na-post ko sa food blog kong ito.   Ang mnga version na ito ay natutunan ko din sa iba pang food blog at yung iba naman ay napapanood ko lang sa mga cooking show. Sa Kris TV sa channel 2 ko nakuha ang version ng adobo na ito.   Alam naman natin na si Kris Aquino pag sinabi niyang masarap tiyak na masarap talaga ito.   Kaya naman number 1 endorser siya ng kung ano-anong produkto.. Ang pagkakaiba ng adobong manok na ito sa karaniwang adobo ay yung dami ng kamatis na nakalagay.   Halos ganun din naman ang pamamaraan ng pagluluto, pero sa totoo lang, masarap nga ang adobong manok na ito sa kamatis.   Isa pa nga pala, nilagyan ko din ito ng dagdag na twist para mas lalo pa itonh mapasarap. Nilagyan ko pa ito ng toasted garlic para magkaroon ng extra pang flavor. INADOBONG MANOK sa KAMATIS Mga Sangkap: 4 pcs. Chicken Legs (cut into serving pieces) 250 grams Chicken Liver 8 pcs. Kamatis (sliced) 2 heads MIn...

TORTANG LUNCHEON MEAT

Image
Sa mga pagkaing ating niluluto para sa ating mga pamilya, itong pang-almusal ang hirap na hirap ako.   Nakakasawa na din kasi ang pangkaraniwan nating naihahanda kagaya ng longanisa, tocino, tuyo, hotdogs, ham at iba pa.  Isama mo na din ang mga de lata na pagkain kagaya ng sardinas at mga sausages. Pero para siguro hindi maging boring ang mga pang-ulam sa almusal na ito, mainam na lagyan natin ng twist o ibahin natin ang pagkaluto. Halimbawa ay itong de latang luncheon meat na ito.  Palagi na lang na prito tapos isasawaw sa catsup ang drama nito.   Pero bakit hindi natin ito gawing torta o omellet?   Sa iba fritters ang tawag dito.  Bukod sa iba ito sa paningin ng mga kakain, mas masarap ito at mas marami din ang makaka-kain.   Try nyo din po. TORTANG LUNCHEON MEAT Mga Sangkap: 1 can Maling Luncheon Meat (cut into cubes) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 1 large White Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 4 pcs. Fresh Eggs (...

ATE AZON & KUYA DANNY'S 60TH BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Yesterday April 6, dumalo kami ng aking pamilya sa isang salu-salo sa pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ng mag-asawang Azon at Danny.   Si Ate Azon ay kapatid ng asawa kong si Jolly.   Sa kanilang bahay sa San Jose, Batangas ginawa ang salo-salo at talaga namang naumay ako sa dami ng handang masasarap na pagkain.   Wala akong niluto sa mga pagkain inihanda.   Tumulong na lang ako sa pag-aayos ng mga pagkain at sa paghihiwa ng pakwan, singkamas at mangga.   Hehehehe. Tradisyunal na pagkaing pang-handaan ang mga putahe.   Ang mga tagaroon na bihasa sa mga ganitong luto ang siyang nagluto ng lahat na mga handa. Una na rito ang Pork Asado o hamonado ba?    Ibinabad kasi yung tipak ng karne sa pineapple juice at manamis-namis ang lasa nito. Meron ding Pochero Pork Adobo nila na masarap talaga ang pagkaluto. Meron ding Relyenong Bangus Pork Afritada Lumpiang Hubad Pork Embotido nila na ib...