BATCHOY TAGALOG
Kapag narinig natin ang Batchoy ang unang pumapasok sa isip natin ay yung La Paz Batchoy na noodle dish na maraming sahog sa ibabaw at may chicharon pa. Masarapa naman talaga ang noodle dish na ito. Pero itong batchoy na sinasabi ko naman ay yung soup dish na parang tinila ang pagkaluto. Mga lamang-loob ng baboy kagaya ng lapay, puso, bato ang sahog nito. Mayroon din itong lomo o yung malambot na parte ng baboy at nilalagyan din ng nabuong dugo ng baboy. Sa gulay, sayote, sili at dahon ng sili ang inilalagay din dito. Isa sa mga paborito kong may sabaw na ulam ang dish na ito. Natatandaan ko nagluluto nito ang aking Inang Lina at sarap na sarap talaga ako sa sabaw nito. Matagal nang hindi ako nakakapagluto nito. Mahirap kasing makahanap ng sariwang lamang-loob ng baboy. Pero nitong huling pamamalengke ko sa Agora market sa San Juan, naka-tyempo ako ng sariwang lapay, puso at bato ng baboy. ...