Posts

Showing posts from January, 2010

PORK STRIPS with HONEY-PINEAPPLE GLAZE

Image
Eto na naman ang isang napaka-simpleng dish pero talaga namang masarap. Kahit siguro first timer sa pagluluto ay hindi mahihirapan. Bukod kasi sa simple ang pagluluto, simple din ang mga sangkap na kinakailangan. Ito pala ang dinner namin last night and it's a hit sa mga bata. Ito din pala ang baon ng mga bata sa school for their lunch kinabukasan. hehehehee PORK STRIPS with HONEY-PINEAPPLE GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Butterfly cut Pork (cut into strips) 1 can (120ml) Del Monte 100% Pineapple Juice 2 large white onion sliced 2 tbsp. Soy Sauce 1 cup Pure Honey bee salt and pepper 3 tbsp. cooking oil Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy 2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito hanggang sa pumula ng kaunti ang karne. 3. Ilagay ang ginayat ng sibuyas at pineapple juice. 4. Takpan at hayaang maluto sa medium na apoy. I-tsek from time to time kung natutuyuan ng sabaw. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan. 5. Kung malambot na ang karne at kauntin na ...

CHICKEN FILLET with PESTO and CHEESE

Image
Remember my homemade pesto? Yes. Ito ang isa sa mga sangkap na ginamit ko sa dish na ito na entry natin for today. Actually para siyang chicken cordon bleu. Pero yun nga pesto and cheese lang ang ipinalaman ko dito. Masarap siya kahit na sa anong klaseng dip. Pwedeng mayo-garlic, barbeque sauce, catsup ang mayo o kahit na mang tomas sarsa ng lechon pa siya. Try nyo ito. siguradong magugustuhan ng inyong mga anak. CHICKEN FILLET with PESTO and CHEESE Mga Sangkap: 6 pcs. Whole chicken breast fillet (walang balat) 1 cup of Basil Pesto 12 pcs. Sliced cheese 5 pcs. Calamansi salt and pepper to taste 1 egg 2 tbsp. flour 2 cups Japanese Bread crumbs cooking oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1. Hiwain sa gitna ang buong breast fillet. Lagyan ng hiwa sa gitna na parang bulsa kung saan ilalagay ang palaman. 2. I-marinade ang manok sa asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 30 minuto. 3. Palamanan ng basil pesto at keso ang bawat isang breast fillet. 4. Sa isang bowl, paghaluin ang h...

BUTTERED CAULIFLOWER

Image
Napaka-simple ng entry natin for today. Actually, nagdadalawang isip ako kung ipo-post ko ito o hindi. Kaya lang, nanghihinayang ako na hindi mai-share ang tuwa ko nung kinakain ko na ito for my dinner the other night. Mula nung maoperahan ako, medyo hinay-hinay na ako sa aking mga kinakain. Pinagbawalan na din ako ng doctor ko na magbawas na sa pagkain ng maraming kanin at mga pagkaing matataba. Haayy ang hirap naman. Kung pwede nga daw prutas at gulay na lang. Pero pwede ba yun? Dapat balanse sa lahat. Nung time na niluto ko ito, ang katernong ulam nito ay piniritong tilapia. At yun nga, itong gulay na ito at pritong isda ang aking kinain. Hindi na ako kumain ng rice. O di ba? Pero satisfied pa rin ako sa aking dinner...hehehehe. Simple lang ito...pero masarap. BUTTERED CAULIFLOWER Mga Sangkap: 500 grams. Cauliflower (hiwain o himayin sa nais na laki) 1/2 cup Salted Butter 1/3 cup chopped parsley salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola, magpakulo ng kalhati...

ROASTED BEEF SHANK ASADO

Image
The last time na nag-groceries ako, nakabili ako ng dalawang pirasong beef shank o yung pata ng baka. Nabigla nga ako sa pagbili, kasi yung dalawang pirasong yun na may kapal na mha 1 inch ay almost P400 ang halaga. Kaya ang nangyari, inilaga ko yung isa at yung pangalawa naman ay ito ngang roasted beef na ito. Simple lang ang dish na ito. Para lang itong barbeque. Ginamitan ko din pala ito ng Hunts barbeque sauce to add more flavor. Try it! Sulit ang tagal ng pagpapalambot sa baka. ROASTED BEEF SHANK ASADO Mga Sangkap: 1 pc. Beef shank about 1 inch ang kapal 1/2 cup soy sauce 2 tbsp. Worcerstershire sauce 1 tsp. groud black pepper 2 pcs. laurel leaves 1 pc. star anise 3 tbsp. brown sugar 1 tsp. rock salt 1/2 tbsp. Hunts barbeque sauce 1 large onion 6 cloves garlic 1 tbsp. Cornstarch 2 cups water Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa barbeque sauce. 2. Lutuin ang baka sa medium na apoy hanggang sa lumambot. Maaring lagyan ng ...

PASTA with HOMEMADE PESTO

Image
Kagaya ng naipangako sa last na posting ko, narito ang pasta dish na niluto ko gamit ang homemade pesto na ginawa ko. Ayos na ayos ito sa mga nagbabawas ng timbang. Wala itong meat at ang oil na ginamit dito ay olive oil. It's a simple dish pero masarap. Mainit na pandesal pala ang sabay kong kinain kasama nito. Pwede din kainin ito as replacement sa rice. Grilled chicken or pork ayos na ayos dito. Try nyo. PASTA with HOMEMADE PESTO Mga Sangkap: 450 grams Flat pasta noodles (cooked according to package directions) 2 cups Basil pesto 2 tbsp. Olive oil 1 cup grated cheese sat and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Lutuin ang pasta ayon sa package direction. I-drain...ilagay sa isang lalayan. 2. Sa isang kawali, ilagay ang olive oil at pesto. 3. Ilagay ang pasta noodles at haluin sa pesto. 4. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa. 5. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng grated cheese sa ibabaw. Ihain kasama ang inyong paboritong tinapay or toasted bread. Enjoy!!!

HOMEMADE BASIL PESTO

Image
Last Christmas season nagkaroon ng kris-kringle sa office. Before ng revelation nagpo-post kami ng mga wish namin na gusto naming matanggap. Ang ni-request ko ay blender. Ang naka-bunot pala sa akin ay ang staff kong si Ian Linzag. Nung ni-request ko ito, itong homemade pesto ang number 1 sa list ko na gagawin. At eto nga nagawa ko na ang pesto na gustong-gusto ko lalo na sa pasta. HOMEMADE BASIL PESTO Mga Sangkap: 150 grams Fresh Basil leaves 2 cups Cashiew nuts plain 10 cloves garlic 1 cup Olive oil 1 cup grated cheese (Keso de bola ang ginamit ko) 1 tsp. ground black pepper 1 tsp. Iodize salt Paghaluin at durugin sa blender ang lahat ng sangkap ng by batch. Nung una kasi inilagay ko lahat sa blender, ang nangyari yung ilalim lang ang nadurog....hehehehe. Kaya ayun, inunti-unti ko na lang para ma-mix at madurog lahat. Abangan ang pasta dish ko na niluto kasama ang homemade pesto na ito. Sarap....

MEAT BALLS with MUSHROOM in WHITE SAUCE

Image
See picture pa lang parang ang sarap-sarap na ng entry natin for today. Lalo pa siguro kung matikman nyo ito. Masarap talaga. Sa pag-luluto ng meat balls o bola-bola, wala naman talagang eksaktong recipe. Nasa sa atin yun kung ano ang mga sangkap na gusto natin isama. Kanya-kanyang diskarte kung baga. Katulad nitong niluto ko, sibuyas, mushroom at parsley lang ang ibang sangkap bukod syempre sa asin at paminta. Ang nagpasarap sa kabuuan ng lutong ito ay ang sauce. Yun ang nagdala sa lutuing ito. MEAT BALLS and MUSHROOM in WHITE SAUCE Mga Sangkap: For the Meatballs: ½ kilo Pork giniling 5 pcs. Dried Mushroom 2 medium onion finely chopped 2 tbsp. Oyster sauce 1 tsp. ground black pepper 1 tsp. salt 4 cloves minced garlic 1 cup Parsley chopped 1 tsp. Maggie magic sarap 1 tsp. garlic powder 2 eggs 1 cup flour 1 tsp. sesame oil For the sauce: ½ cup butter 1 small can Alaska Evap 1 big can Whole button mushroom 1 tbsp. Flour Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang bowl, pagsama-samahin...

ADOBONG TUYO

Image
No, hindi tuyo na isda ang ibig kong sabihin sa recipe natin for today. Hindi ito tuyong isda na in-adobo ha....hehehehe. Actually it's the ordinary chicken adobo pero yun lang wala itong sauce. Dito sa Manila, ang adobo, lalo na yung nabibili sa mga karendirya, ay maraming sauce. Marahil ay sa request na din ng mga customer nila. Sabagay, masarap naman talagang i-mix yung sauce ng adobo sa mainit na kanin. Kaya nga nagkaroon ng adobo rice di ba? Nung grade school days ko noong araw, kapag may mga picnic or party sa school, itong adobong manok na tuyo o walang sauce ang pinababaon sa akin ng aking Inang. Ibinabalot niya sa dahon ng saging ang kanin kasama na ang adobong manok at nilalagyan pa niya ng kamatis. Kaya naman ang sarap talaga ng kain ko nun. Yun ang idea na naisip ko nung niluto ang adobong manok na ito. Ang ginawa ko na lang, itinabi ko pa rin yung sauce para sa kung sakaling may gusto ng may sauce, lalagyan na lang ito. ADOBONG TUYO Mga Sangkap: 1 Whole Chicken cut int...

CRISPY BABY SHRIMP OKOY

Image
Maraming klaseng okoy o ukoy. Pangkaraniwang nakakain natin ay yung toge na may hipon sa ibabaw o kaya naman yung ginayat na kalabasa na may hipon din. Basta ang alam ko ang okoy ay may pangunahing sangkap na itlog at harina na piniprito sa mantika. Yung iba torta ang tawag dito. Kung medyo sosyal na dating fritters naman. hehehehehe Nung minsang umuwi kami sa aking biyenan sa Batangas, nagluto ng ganito ang bilas kong si Ate Myla. Nagustuhan ko at pati na ang mga bata. Kaya eto, nang may makita akong maliliit na hipon sa Farmers, ito na agad ang naisip kong lutuing dinner nitong nakaraang araw. Masarap! lalo na sa sawsawang suka na may bawang at sili....panalo talaga. CRISPY BABY SHRIMP OKOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Hipon na maliliit 1/2 cup chopped parsley 1 small chopped onion 3 eggs 1 cup flour 1 tsp. salt 1/2 tsp. black pepper 1 tsp. maggie magic sarap cooking oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1. Paghaluin ang itlog, harina, asin, paminta at maggie magic sarap. Maaaring lagyan ng k...

GINISANG MUNGGO with SOTANGHON

Image
Ang ginisang munggo marahil ang isang pagkaing pinoy na pinoy na pinoy talaga ang dating. marami sa ating mga Pilipino na alam na kung papaano ito lutuin at marahil ay nagkakaiba na lang sa sahog na inilalagay. May entry na ako sa archive para sa ginisang munggong ito. Kung baga, version 2 ko na ito. May idinagdag kasi ako na sangkap yung sotanghon nga na natutunan ko naman sa lugar ng aking asawang si jolly sa Batangas. Actually, siya ang nag-request na lagyan ko ito ng sangkap na yun at masarap naman talaga ang kinalabasan. Try it! Yung bunso ko, gustong-gusto ito. GINISANG MUNGGO with SOTANGHON Mga Sangkap: 250 grams Green Monggo (Ibabad sa tubig ng overnight) 250 gram Pork Liempo cut into small cubes 10 grams Sotanghon or vermicelli noodles 4 cloves minced garlic 1 tali Dahon ng ampalaya 1 large onion chopped 1 large tomato chopped 1 Knorr Pork cubes salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola lutuin ang hiniwang karne ng baboy na may 1 tasang tubig na may ka...

BLUE MARLIN BELLY in OLIVE OIL

Image
Kapag isda ang schedule na ulam namin, bihira na sa supermarket ako bumibili nito. Minsan oo. Madalas sa pinakamalapit na palengke ako bumibili para naman maganda at sariwa ang isdang mabibili ko. Sa Cubao sa Q.C. kami nakatira ng aking pamilya. Dalawang palengke ang pinakamalapit sa amin. Ang Farmers market at Arayat market. Kung quality fish and seafoods talaga ang hanap mo, Farmer is the best. Kagaya nitong nakaraang Linggo. Naisipan kong mag-isda naman kami for our dinner. Swerte naman at nakabili ako ng belly ng blue marlin. Yun lang medyo may kamahalan. P280 ang kilo. Pero okay na rin. Minsan lang naman kaming makakain ng ganitong kasarap na isda. Hehehe. Simple lang ang recipe na ito. Salt, pepper at maggie magic sarap lang na niluto sa olive oil. Walang ibang herbs and spices pa. Gusto ko kasing hindi matakpan yung natural na sarap ng isdang ito. At hindi naman ako nagkamali. Masarap with its natural flavor. The best lalo na ang katerno nitong ulam ay ginisang munggo na may sot...

PORK STEAK with PEANUT SAUCE

Image
Madali lang ang recipe natin for today. Actually ang focus ng entry ko na ito ay hindi sa pork steak mismo kundi sa peanut sauce na aking ginawa. Wala akong pinagbatayas sa peanut sauce na ito. Basta sinunod ko lang kung ano ang nasa isip ko.... at viola! Isang masarap na pagkain ang kinbalabasan. PORK STEAK with PEANUT SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Steak Juice from 6 pcs. calamansi salt and pepper olive oil for frying For the peanut sauce: 2 tbsp. peanut butter 3 cloves minced garlic 1 tsp. garlic powder 1 tbsp. Hoisin sauce 2 tbsp. soy sauce 1 tbsp. brown sugar salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang pork steak sa katas ng calamansi, asin at paminta. Ang ginamit ko pala dito ay yung dinurog pa lang na pamintang buo. Hayaan nga mga 15 minuto. 2. I-prito ito sa olive oil hanggang sa pumula at maluto. Hanguin sa isang lalagyan. 3. Para sa sauce. Sa parehong kawali, igisa ang bawang. 4. Ilagat ang peanut butter at toyo. Haluing mabuti hangang sa matunaw ang peanu...

CRISPY CHICKEN WRAP

Image
Nakatikim na ba kayo nung crispy pizza wrap ba yun sa pizza hut o sa KFC? Dito ko nakuha ang recipe natin for today. Ang idinagdag ko lang ay ang paggamit ng hoisin sauce na nakuha ko naman nung minsang kumain kami ng peking duck sa isang chinese restaurant. Madali lang ito. Basta i-prepare lang ang mga sangkap at mayroon na kayong isang masarap na pang-almusal o kaya naman ay pang meryenda. CRISPY CHICKEN WRAP Mga Sangkap: 500 grams Chicken Breast fillet cut into strips 3 pcs. calamansi (juice) 1 egg 2 tbsp. flour 2 cups Japanese Bread crumbs salt and pepper to taste cooking oil for frying ---- 1/2 cup Hoisin sauce or Mayonaise Romaine Lettuce 1 cup grated Cheddar cheese 15 pcs. Tortilla wraps Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang chicken breast fillet sa calamansi, asin at paminta. 2. Ihalo din ang binatinf itlog at harina. Halu-haluin hanggang ma-coat ang lahat ng manok sa itlog at harina. Hayaan ng mga 15 minuto. 3. Isa-isang i-coat ang manok ng japanese bread crumbs at saka i-pr...

MY SON JAMES 1ST COMMUNION

Image
Special lagi sa atin ang mga 1st. Kagaya na lang ng nakaraan nating anniversary ng food blog nating ito. Nakakatuwa at marami pa rin ang tumatangkilik. Yung una nating girlfriend o boyfriend. Yung una nating halik....hehehehe. Unang beses na nakasakay ng eroplano. At marami pang iba. Last January 12, 2010, nag-1st communion ang aking pangalawang anak na si James. Ginanap ito sa San Carlos Seminary Chapel sa Guadalupe, Makati. Parang ang bait-bait ng anak ko dito sa pict na ito. Inosenteng-inosente talaga. Hehehehe Pict niya after he recieved the body and blood of Christ. Gwapo ano? Kamukha ba ng Daddy niya? hehehehe Waiting for the ceremony to start. Before the mass start. With my wife Jolly. Ang porma. May pinagmanahan talaga. hehehehe. After ng seremonya nagtuloy kami sa food court ng glorietta 4 sa Makati for our lunch. Yung mga bata Greenich ang kinain. Kami naman ni wifey ko ay chicken with pasta dish. Sa akin Pasta with pesto. Sa kanya naman ay oriental pasta. One of this day...

FILIPINO PORK ASADO

Image
Pag sinabing asado, ang unang pumapasok sa ating isip ay yung siopao na asado. Kung baga, parang ito yung basihan lagi pag asado ang pinaguusapan. Before ko isinulat ang entry na ito nag-check muna ako sa google kung ano ba talaga ang asado. Hindi pala ito pangalan ng isang lutuin kundi pamamaraan ng pagluluto ng karne kagaya ng baka at iba pa. Hindi ito mina-marinade kundi nilalagyan lamang ng asin at iniihaw sa baga ng mga 2 oras. Sa Espanya, niluluto naman ito sa oven. Common sa atin ay yung chinese asado na manamis-namis na may sangkap na star anise. Pero ako, itong entry natin for today ang nakalakihan ko na luto ng asado. Ito yung niluluto ng aking Inang kapag may espesyal na okasyon. May pagkahalintulad ito sa niluluto nating mechado. Siguro ang pagkapareho lamang nito sa chinese asado ay yung ini-sliced muna ito bago ihain. Try it! Malinamnam siya..... FILIPINO PORK ASADO Mga Sangkap: 1.5 kilo Whole Pork kasim or Pigue (pahaba sana ang pagka-buo) 1 pouch Del Monte Tomato Sauce ...

YAKINIKU BEEF & BEAN SPROUT in OYSTER SAUCE

Image
Isa na namang lutuin gamit ang yakiniku beef. Hindi ko alam kung anong part ng baka ang karneng ito. Pero para siyang bacon na may layer ng laman at fats. Masarap siyang i-pan-grill kasi lumalabas yung fats niya na nagdadagdag ng flavor sa lutuin. Isa pa, mura lang ito na nabibili sa supermarket. It's only P200 pesos per kilo compare sa regular price ng baka. This time, niluto ko naman siya using my favorite sauce. Ang Oyster sauce. Niluto ko siya na parang mongolian barbeque. Pero yun nga dinagdagan ko ng sauce. Mahilig kasi ang mga bata sa sauce na inilalagay nila sa kanin nila. hehehehe. Madali lang itong lutuin...try nyo. YAKINIKU BEEF & BEAN SPROUT in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Yakiniku Beef or Thinly sliced beef 250 grams Bean Sprout or Toge 1 carrot cut like a matchsticks 1 thumb size ginger thinly sliced 5 cloves minced garlic 1 large red onion chopped 1/2 cup chopped Onion leaves 2 tbsp. oyster sauce 1/2 cup soy sauce 1/2 cup brown sugar 4 tbsp. sesame oil 2 tbsp...

HAPPY 1ST ANNIVERSARY SA ATING LAHAT!!!!

Image
HAPPY ANNIVERSARY sa ATING LAHAT!!!!! Kay bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ng umpisahan ko ang munting food blog nating ito. Ang http://www.pinoycook.net/ ni Ms. Connie Veneracion ang naging inspirasyon ko nung gawin ko at umpisahan ang food blog kong ito. At after naman na ma-feature niya ako sa kanyang food blog, dumami na din ang bumibisita dito. Nakakatuwa naman dahil ang dami ko talagang natutunan na ibat-ibang klaseng luto ng pagkain. Bukod pa dun, ang dami ko talagang naging kaibigan. Kaya naman patuloy pa din ako sa pagpo-post. Alam ko kasi na nakakatulong din ako kahit papaano sa munti kong kakayanan. Para makapagpatuloy pa ako sa pagba-blog, hiling ko sana na mag-send kayo sa akin ng inyong mga suggestions or comments para mas mapaganda pa natin ang ating munting tambayan na ito. Kung mayroon kayong request na mga recipe, pwede natin itong pagusapan dito sa ating blog. Mas maganda naman siguro yung ganun, yung mga interaction kayo at ako. Muli ang aking pagbati...

ROAST PORK in SALT & PEPPER

Image
Noong araw, hindi naman uso ang kung ano-anong pampalasa sa ulam. Basta may asin at paminta ok na ang pang-ulam. Ang adobo nga nilagyan lang ng suka, asin at paminta ay solved na. Kung papansinin nyo ang mga classic nating pang-ulam, simpleng-simple lang ang mga sangkap. Yun naman ang mas mainam. Kapag marami kasing sangkap, lalo na yung mga pampalasa, natatabunan na yung tunay na sarap ng niluluto. Yun ang naging batayan ko sa pagluluto ko ng ating entry for today. Roast pork siya na niluto sa turbo broiler (pwede din sa oven). Yung mga nauna kong roast pork recipe di ba maraming mga herbs an d spices akong inilagay. Not this one. Asin at paminta lang ang inilagay ko. Hiniwaan ko lang ang laman ng karne para manuot ang asin at paminta sa loob ng laman. Also, hindi ako nag-concentrate sa pagpapalutong ng balat. Yung sa lasa ng laman talaga ang focus ko dito. At ang kinalabasan naman, masarap at lasang-lasa ang sarap ng karneng baboy. At para sa sawsawan naman? Suka na may bawang, asin ...

TINOLANG BAKA

Image
Oo tama ang basa nyo sa pangalan ng recipe natin for today. Tinolang Baka. Sa totoo lang bago ko sinubukang lutuin ito, nag-check muna ako sa Internet kung mayroong ganitong recipe. Isa lang ang nakita kong naglakas loob na gumawa nito at maganda naman ang feedback niya tungkol sa lutuing ito. It's the classic tinola. Yun lang beef ang ginamit kong karne sa halip na manok. Nilagyan ko din ng dried mushroom para mas maging malasa ang sabaw nito. At hindi naman ako nabigo. Masarap ang kinalabasan ng tinola kong ito. Try it and you'll love it!!! TINOLANG BAKA Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (hiwain sa nais na laki) 1 medium Green Papaya (Balatan at hiwain sa nais na laki) 2 thumb size sliced ginger 1 large Onion chopped 4 cloves minced garlic 1 tali dahon ng sili 1 pc. dried mushroom 1 tsp. Pamintang buo 2 pcs. siling pang-sigang salt or patis to taste 1 tbsp. Achuete seeds (katasin sa 1/2 tasang tubig) Paraan ng paluluto: 1. Palambutin ang karne ng baka sa isang kaserolang may t...

LEMON & HERBS PORK CHOP

Image
Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko sa 1.2 kilos na pork chop na nabili before new year pa. Before new year pa kasi gusto ko puno ang fridge namin bago magpalit ang taon. Para buong taon may makakain kami...hehehehe. Pamahiin. Pero okay lang, wala namang mawawala. Balik tayo sa pork chop. Yun nga, up to the last minute di ako maka-decide kung anong luto ang gagawin ko. Pambaon pa naman ito ng mga bata pagpasok nila sa school. Kung ibi-bistek ko, parang yun na naman. Sabagay ano pa bang luto ang pwede sa porkchop? Hanggang sa makita ko ang nag-iisa pang lemon na ginamit ko sa aking fruit basket. 2 ito. Yung isa di ba ginamit ko na dun sa chicken na niluto ko? At yun nga, nauwi sa pagbo-broil sa turbo ang kawawang porkchop. Try this...with the use of lemon and 2 kinds of herbs, ang sarap ng kinalabasan. Pwede din itong i-prito o kaya naman i-grill. Ako mas pinili ko na i-turbo broil para maalis ang excess na taba o mantika. LEMON & HERBS PORK CHOP Mga Sangkap: 1 kilo Pork ch...

FRIED RICE OVERLOAD

Image
After nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon tiyak kong marami tayong handa na natira at nakalagay lang sa ating fridge. Bukod sa mga prutas, ang daming tira na pagkain kagaya ng hamon, gulay at kung ano-ano pa. Sayang naman kung masisira lang ito at matatapon lang. So kailangan na maka-isip tayo ng paraan kung papano ito mare-recycle at mapakinabangan muli. Ang recipe natin for today ay mula sa mga tira-tirang pagkain na naka-imbak sa fridge namin mula pa noong Pasko. So para makaluwag-luwag ang fridge, ito dish na ito ang nabuo. Masarap ito. Para ka na ring kumain sa isang chinese restaurant. Again, ang mga sangkap na ginamit ko dito ay puro tira-tira lang. FRIED RICE OVERLOAD Mga Sangkap: 5 cups Cooked Rice (Yung long grain mas mainam at hindi malambot) 1 pc. chinese Sausage thinly sliced 3 slices of Sweet ham chopped 2 slices of Spam or Luncheon meat chopped 1 cup Frozen Mix vegetables (carrots, peas, corn) 5 cloves Minced garlic 1 eggs (scrambled, chopped) 1 tbsp. sesame oil 2 tbs...

CHICKEN 1-2-3 with LEMON

Image
Yes, hindi nga kayo nagkakamali ng basa. Yan nga ang pangalan ng dish natin for today. Meron talagang ganyang dish kahit i-check nyo pa sa google. Dinagdagan ko na lang ng Lemon to add more flavor sa dish. At hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng lutuin kong ito. 1-2-3 is actually the proportion ng mga pangunahing sangkap. Brown sugar, soy sauce and vinegar. Hindi ito yung 1-2-3 na tinatakbuhan ha....hehehehe. Ito ang baon ng mga bata sa school at baon ko na rin sa office. Nagulat lang ako talaga sa lasa, kasi masarap siya. Parang lechong manok na andoks ang lasa ko....hehehehe. Try nyo ito....masarap talaga. CHICKEN 1-2-3 with LEMON Mga Sangkap: 1 whole Chicken cut into serving pieces 1 cup brown sugar 2 cups soy sauce 3 cups vinegar 1 whole Lemon (gadgarin yung balat, pigain yung katas) 1 head minced garlic 1 tsp. ground pepper 1 tsp. salt 1 tsp. maggie magic sarap Sesame seeds or chopped onion leaves to garnish Paraan ng pagluluto: 1. Paghaluin ang brown sugar, toyo...

PAN GRILLED BONELESS BANGUS

Image
After ng napakahabang holiday at kuta-kutakot na kainan, medyo umay na tayo sa karne at manok na ulam. Kaya naman ang hinahanap ng dila at panlasa natin ay yung pang-tanggal sa umay at lasa ng karne. Isda at gulay ang sagot dito. Kaya naman nitong isang araw ay naisipan kong mag-ihaw ng bangus para sa aming hapunan. Nung una problema ko ang pag-iihaw sa tinitirhan ko at ng aking pamilya. Sa isang maliit na condo kasi kami nakatira at wala talagang space para makapag-ihaw ka. Bakit hindi iihaw sa kalan o kung tawagin natin ay pan grill? Yun lang iba pa rin talaga ang ihaw sa baga. May smokey taste kasi ang ihaw dun. So ito nga ang entry natin for today, Pan Grilled Boneless Bangus. Pangkaraniwan at napakadali lang lutuin nito. Try nyo kung papano ko ito niluto. PAN GRILLED BONELESS BANGUS Mga Sangkap: 1 large Boneless Bangus 1 large White Onion chopped 2 large tomatoes chopped 1 thumb size ginger finely chopped 1 tsp. ground pepper 1 tsp. garlic powder 1 tbsp. rock salt 1 tsp. maggie ma...

PORK STEAK ALOHA

Image
Ang pork steak cut ang isa sa paborito kong part ng baboy. Ang ikinasarap kasi nito ay yung paghahalo ng kaunting taba at laman ng karne. Pag puro laman kasi parang dry yung kinakain mo at yung lasa ng pork ay yung nasa taba talaga. Ofcourse, hinay-hinay lang sa taba at baka tayo ma-cardiac.....hehehehe The last time nag-groceries ako, nakabili ako ng 1 kilo na pork steak sa SM Supermarket sa Makati. Masarap kasi itong gawing bistek tagalog. Pero last minute nagbago ang plano ko. Sa halip, ginawa ko itong parang pork hamonado with a chunk of pineapple. Ang kinalabasan.... Pork Steak Aloha. PORK STEAK ALOHA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Steak 2 cups Del Monte 100% Pineapple Juice 2 cups Del Monte Pineapple Chunk 1/2 cup Soy Sauce 5 cloves minced garlic 1 large Onion chopped 1 cup brown sugar salt and pepper to taste 1 tbsp. cornstarch Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa pineapple chunk. Hayaan ng mga 2 oras. Mas matagal mas mainam. Overnight is th...

MANGO ROYALE

Image
Ito ang dessert na ginawa ko last Christmas for the Noche Buena. Medyo late ko na ito pinost kasi nga medyo sablay ang naging finished product. Manggo ang itinawag ko dito. Pero sa iba manggo float naman ang tawag. Sablay, kasi hindi nabuo ang cream at gatas. Nang i-review ko yung recipe may nakita nga akong mali. Sa halip na isang can lang na condensed milk, dalawa ang nailagay ko. Kaya pala hindi nabuo. Pero sa totoo lang, masarap ang kinalabasan ng dessert na ito. Ito nga ang naunang maubos sa noche buena na inihanda ko. Sa recipe na ito tama na ang proportion ng mga sangkap na inilagay ko. Take note din, may ginawa akong twist kung papaano ito mapapasarap pa. MANGO ROYALE Mga Sangkap: 1 kilo Hinog na mangga 2 cups All Purpose Cream 1 cup Condensed Milk 3/4 cup Unsalted butter (melted) 1-1/2 cup Crushed Graham cracker Paraan ng pag-gawa: 1. I-chill muna ang cream at condensed milk sa fridge ng overnight. 2. Tunawin ang butter sa sauce pan at ibuhos sa dinurog na graham cracker. 3. H...

PRE-ANNIVERSARY SURVEY

Parang kailan lang nung una kong ginawa ang food blog kong ito. It's January 13, 2009 ang kauna-unahan kong post. So, malapit na pala talaga ang anniversary natin. Gusto ko lang sanang samantalin ang pagkakataong ito na pasalamatan kayong lahat na patuloy na tumatangkilik. Last December 29, 2009 na i-register ang pinakamaraming taong nag-visit sa isang araw. Umabot din ng 281 tao ang bumisita at 746 naman ang number of pages na na-view (Siguro naghahanap ng ihahanda sa bagong taon....hehehehehe?) . Kaya naman tuwang-tuwa ako sa pangyayaring ito. Bilang paghahanda sa ating unang taong anibersaryo, hiling ko sana na bumoto kayo sa inyong top 10 na paboritong recipe na nai-post ko dito. Email nyo sa akin sa denniscglorioso@yahoo.com ang inyong boto at ita-tally natin at ipo-post ko sa mismong araw ng ating anniversary. Also, maari din kayong maglagay sa inyong email ng mga request at suggestions kung papaano pa natin mapapaganda ang ating munting tambayang ito. Muli, salamat sa inyon...

CHICKEN BARBEQUE in HOISIN and OYSTER SAUCE

Image
Ang barbeque marahil ang isa sa mga pagkain na hindi nawawala sa ating hapag kung Pasko at Bagong Taon. Mapa baboy man o manok, hit na hit ito lalo na sa mga bata. Ofcourse sa mga matatanda na din. Hehehehehe. Maraming recipe tayong makikita sa Internet sa kung papaanong timpla at paraan ng pagluluto ng barbeque. Itong ginawa ko ay may pagka-asian ang dating. Ginamit ko ang hoisin at oyster sauce at kaunting sesame oil na very common sa mga lutuin ng mga chinese at sa ibang bansa sa asia. Try nyo ito. Naging kakaiba ang lasa ng paborito nating barbeque. CHICKEN BARBEQUE in HOISIN and OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Chicken Breast Fillet cut into cubes 2 tbsp. Hoisin sauce 2 tbsp. Oysters Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Sesame oil 1 tbsp. grated ginger 1 tbsp. brown sugar 1 head minced garlic 1 tsp. ground pepper barbeque sticks Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa manok. Maaring tikman ang marinade mix para matantya nyo kung okay na sa inyo...

HAM, CUCUMBER and KANI SPRING ROLL

Image
Here's another dish na inihanda ko sa aming media noche sa Bulacan. Actually, nagawa ko na ang dish na ito. Ang pagkakaiba lang ay nilahukan ko pa ito ng ham and cashiew nuts. Komo loves na loves ko ang dish na ito, kaya naman pinatikim ko din ito sa aking mga mahal sa buhay sa aking bayan sa Bocaue. Gulat nga ang mga naka-tikim. Kakaiba daw at masarap talaga. Ang ikinasarap pa sa palagay ay ang pagdadagdag ko ng ham at dinurog na cashiew nuts. Yun ang inam ng spring roll na ito, kahit ano pwede mong ilagay. Try nyo ito...ayos na ayos ito sa mga cocktails or parties. HAM, CUCUMBER and KANI SPRING ROLL Mga Sangkap: (Note: Ang dami ng sangkap ay depende sa dami ng spring roll na inyong gagawin) Rice paper 1 pack Kani or Crab Meat (Hiwain ng pahaba na parang palito ng posporo) Fresh Lettuce 100 grams Ham hiwain din ng pahaba 1 pc. Pipino o cucumber hiwain din ng pahaba 1 cup Cashiew nuts chopped into small pieces sesame oil salt ang pepper 1 cup mayonaise 1 tbsp. peanut butt...

CREAM, CHEESE & BACON in BOWTIE PASTA

Image
Isa ito sa mga dish na niluto ko last Media Noche namin sa Bulacan. Simple lang lutuin ang dish na ito. In 15 minutes kaya nyo itong lutuin. Tamang-tama naman, bago mag alas-dose ay naihain ko ito sa aming hapag. First time ko lang ma-try na mag-luto ng ganito at hindi naman ako nagkamali. Natutuwa nga ako at nagustuhan naman ito ng aking mga mahal sa buhay. CREAM, CHEESE & BACON in BOWTIE PASTA Mga Sangkap: 500 grams Bowtie Pasta (Lutuin sa tamang paraan) 250 grams Bacon chopped 1 big bottle Original Cheese Wiz 1 cup grated cheese 1 tetra brick All Purpose cream 1 head minced garlic salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-overcooked. 2. Sa isang kawali o sauce pan, i-prito ang bacon sa kaunting butter. Kung medyo tosted na hanguin ito sa isang lalagyan. 3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown. 4. Ilagay ang cream at cheese wiz. Halu-haluin hanggang sa mag-mix na mabuti ang cream at cheese wiz. 5....

BAGONG TAON sa amin sa BOCAUE 2010

Image
HAPPY NEW YEAR!!!! Isang taon na naman ang lumipas. At eto, isang panibagong taon na naman ang ating kinakaharap. Isang panibagong taon na may panibagong paghamon at pag-asa. Nawa ay gabayan tayo ng Panginoong Diyos na malampasan natin ang anu mang pagsubok na ating kakaharapin sa taong ito. Kagaya ng nabanggit ko sa aking nakaraang post, sa Bocaue, Bulacan sa aming bayan kami nag-celebrate ng bagong taon. Bukod kasi sa masaya ang bagong taon dito dahil sa dami ng paputok...hehehehe.. ay ipinagdiriwang din namin dito ang taunang year-end party. At this year nga ay may color coding pa ang bawat pamilya. Nasa pict sa itaas ang aking ama at mga kapatid. Orange team pala kami kaya ganyan ang suot namin. hehehehe. From the left, ako, si Salve, Tatang Villamor ko, Shirley at ang aking Ate Mary Ann.. Ang aming pamilya kasama ang aking Tatang, kapatid at mga pamangkin. Ofcourse ang aking asawang si Jolly at tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton. Ang aking pamilya ...