Posts

Showing posts from February, 2012

MAGHAPONG KAINAN sa BULACAN

Image
Tama ang title ng entry kong ito for today. As in maghapong kainan ang nangyari sa huling pag-uwi namin sa aking bayan sa Bulacan. Pabinyag kasi ng pinsan kong si Jenica para sa panganay niyang anak na si Althea. Swerte naman at isa sa mga sponsor ay ang asawa kong si Jolly. BTW, born-again christian pala ang napangasawa ng pinsan kong si Jen kaya dedication ang tawag sa pabinyag nila. hehehe Maaga pa lang ay gumayak na kami pa-uwi sa amin sa Bocaue dahil 10:00am ang schedule ng dedication. Ayos naman at mga 9:30am pa lang ay nakarating na kami at tamang-tama sa pag-alis at papunta sa venue ng dedication. 11:30am ay natapos na ang mga seremonya at tumuloy na kami sa bahay nila sa Balagtas, Bulacan kung saan ginawa naman ang reception. Nagpa-cater na lang sila. Maraming food. I-try ko na lang na i-recall ang mga pangalan ayon sa aking pagkakatanda. Yung nasa ibaba ay Beef Mongolian. Beef dish na manamis-namis ang lasa na nasa bed ng mix vegetables. Yung nakikita din sa ...

PANCIT CANTON-SOTANGHON GUISADO

Image
Matagal-tagal na ding hindi ako nakakatikim ng pancit guisado. Ewan ko ba? Daig ko pa ang naglilihi nitong mga nakaraang araw. Hehehe Kaya naman para mawala ang cravings ko sa pancit guisado, pinlano ko talaga na magluto nito nitong nakaraang Sabado para almusal namin. Kaya naman namili talaga ako ng mga pansahog para dito. Sotanghon noodles ang ginamit ko dito sa halip na ordinaryong bihon. Sinamahan ko din ng canton noodles para makadagdag ng flavor at texture sa panlasa. At hindi naman ako nabigo. Ang pancit guisado na hinahanap-hanap ko ay eksakto sa aking naging panlasa. Winner!!! ika nga...hehehe PANCIT CANTON-SOTANGHON GUISADO Mga Sangkap: 1/2 kilo Sotanghon noddles 1/2 kilo Canton or Egg noodles 2 pcs. Chinese sausage sliced 300 grams Chicken Breast Fillet cut into strips 1 medium size Carrot cut into strips 1/2 medium size Repolyo 1 cup chopped Kinchay 1 Knorr Chicken cubes 1/2 cup Soy Sauce 2 pcs. Egg beaten 5 cloves Minced Garlic 1 large Red Onion sliced 1 ts...

BRAISED PORK LIEMPO with HONEY-SOY GLAZE

Image
Marami din akong pinagkukuhanan ng recipe ideas dito sa net. Ilan na dito ang http://casaveneracion.com ni Connie, http://www.overseaspinoycooking.net, http://panlasangpinoy, yummy.ph at iba. Kung sa tingin ko ay simple lang, madaling gawin at simple din ang mga sangkap, sinusubukan ko itong gayahin para mai-share ko din sa inyo. Ofcourse may mga palpak din na mga attempt ko. Hehehehe. Kagaya nitong entry ko for today. Napaka-simple at napaka-daling lutuin. Konti din lang ang mga sangkap pero hindi konti ang sarap at lasa. Dapat lang medyo alisto sa may bandang huling part kung hindi ay baka mangitim ang inyong niluluto. BRAISED PORK LIEMPO with HONEY-SOY GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (yung manipis lang ang taba...cut into 3 inches long) 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Pure Honey Bee 2 pcs. Star Anise 2 pcs. Dried laurel leaves 5 cloves minced Garlic 1 large Onion chopped 1 tsp. Sesame Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta an...

INIHAW NA BANGUS with a TWIST

Image
Nanonood ba kayo ng Umagang kay Ganda sa ABS-CBN Channel 2? Nag-reformat na sila at nagkaroon ng mga bago pang mga host. Yes. Nandun pa din yung mga datihan na katulad nina Tita Winnie at Anthony Taverna. Mayroon din silang mga bagong segment at ang isa sa mga nagustuhan ko ay yung portion ni Tita Winnie na nagpapakita ng mga lutong bahay na ang dali-dali lang sundan. Hindi ko makalimutan ang inihaw na bangus na niluto niya nitong isang araw. Ang pagkakaiba sa version niya ng inihaw na bangus ay, bukod sa kamatis at sibuyas na ipinapalaman natin, nilagyan pa niya ito ng itlog na maalat. Sa isip pa lang ay paniguarado na akong masarap ang version na ito ng inihaw na bangus. bakit naman hindi, yun lang itlog na maalat na may kamatis at sibuyas ay panalo na, what if ipapalaman pa ito sa boneless na bangus? Winner ito. Kaya naman ito ang niluto ko nitong nakaraang araw. Ang hindi nga ako nagkamali, masarap at malinamnam ang inihaw na bangus na ito. Siguro lang, kung binalot...

CREAM DORY with CURRY SAUCE

Image
Hindi masyadong tanyag sa ating mga Pilipino ang pag-gamit ng mga spices kagaya ng curry powder. Kahit nga ako, sa mga karinderya lang ako naka-tikim ng mga luto o ulam na may curry. Yung iba hindi gusto ito komo may kakaibang amoy na parang amoy bumbay. hehehehe. Pero nung natutunan kong kumain ito, nagustuhan ko ito talaga at naging part na din ng aming pang-ulam sa bagay. Katunayan naging paborito din ito ng pabnganay kong anak na si Jake. Na-try ko nang magluto ng dish na may curry powder sa manok, baboy at maging sa karne ng baka. Sa isda ko na lang hindi ito na-try not until last week. Yes. May nabili akong 1 kilo na cream dory at ito agad fish fillet with curry sauce ang aking naisip na gawing luto. Pero siguro, kung magluluto ulit ako ng dish na ito, hindi cream dorry ang gagamitin kong isda. medyo matabang kasi ang lasa ng isdang ito, halos matabunan na ito sa matapang na lasa ng curry powder. Lapu-lapu, maya-maya or tuna marahil ang mainam na substitute....

STRAWBERRY GELATIN with CHOCOLATE SYRUP

Image
Hindi kagandahan ang pagka-kuha ko sa pict ng dessert na ito pero tinitiyak ko sa inyo na magugustuhan ito ng mga kids at maging ang mga young at hearts. Hehehehe. Bakit naman hindi? Strawberry na gelatin tapos nilagyan pa ng chocolate syrup...panalo ito. Yung strawberries na ginamit ko dito ay yung nabili ko pa galing Baguio. Medyo late ko na nga ito na-post komo hindi nga kagandahan ang pict. Pero for sure masarap ang dessert na ito. STRAWBERRY GELATIN with CHOCOLATE SYRUP Mga Sangkap: 3 cup fresh Strawberries 1 sachet Unflavored Mr. Gulaman (White color) 2 cups Sugar 2 cups Evaporated Milk 2 cups all Purpose Cream 1 tbsp. Vanilla Chocolate Syrup Paraan ng pagluluto: 1. I-blender ang fresh strawberries at 2 cups Evaporated milk. 2. Sa isang kaserola, magpakulo ng 3 tasang tubig. 3. Samantala, tunawin ang Mr. gulaman sa 1 tasang tubig. 4. Isalin ang tinunaw na gulaman sa kumukulong tubig. 5. Ilagay na din ang strawberry-milk micture at halu-haluin. 6. Ilagay na ...

PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with MUSHROOM-GARLIC SAUCE

Image
Isa sa mga paborito kong lutuin ang pan-grilled chicken fillet. Ang mainam sa dish na ito, pwede kang mag-lagay ng kung ano mang sauce ang gusto mong ilagay. Ito ang natutunan ko sa isang fastfood sa isang foodcourt sa Makati. Plain grilled chicken fillet at pagkatapos ay ikaw ang pipili kung anong sauce ang gusto mong ipalagay. Mayroong barbeque sauce, gravy, asian sauce at iba pa. Ofcourse paborito ko ang mushroom sauce nila. Kaya naman ito ang ginawa kong luto sa 1 kilo na chicken breast fillet na nabili ko. At syempre, ang mushroom sauce ang inilagay ko na sauce. Dinagdagan ko pa ng toasted garlic for extra flavor and viola! Isang masarap na dish ang aking naihanda sa aking pamilya. PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with MUSHROOM-GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Breast Fillet (skin on) 1 big can Sliced Mushroom 1/2 cup Butter 1 head Minced Garlic 1 cup Evaporated milk or cream 1 pc. Knorr Chicken cubes (dissolved in water) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto:...

CRISPY PORK LIEMPO in SINIGANG MIX

Image
Sa mga working mom or dad na kagaya ko, na naghahanda pa ng dinner pagka-galing sa trabaho, ito ay para sa inyo. Mahirap para sa ating mga working mom and dad ang ganitong sitwasyon. Kaya ang ginagawa ko madalas ay sa umaga ko na niluluto ang ulam namin for dinner. Buti na lang ang ang panganay kong anak na si Jake ay marunong nang mag-saing kaya bawas na yun sa lulutuin ko pa. Nitong nakaraang araw, hindi ako nakapagluto ng pang-ulam namin sa dinner. Kaya naman naging impromtu ang dish na ito na niluto ko. Ilang minuto lang siguro in less than 20 minutes ay napakain ko na ang aking mga anak. Try nyo din ito kung madaliang pork dish ang gusto ninyo. Madalian pero hindi tipid sa lasa at sarap. CRISPY PORK LIEMPO in SINIGANG MIX Mga Sangkap: 6 slices Pork Liempo 2 tbsp. Sinigang Mix Cooking oil for frying Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Gamit ang kutsilyo, tusuk-tusukin ang laman ng liempo. 2. Sa isang bowl, pagsamahin ang sinigang mix, konting asin at pamin...

MANGO SAGO PUDDING

Image
May mga ilang mango and gelatin dessert na din akong na-post sa food blog kong ito. But this time sinamahan ko naman ng maliliit na sago. Dapat sana Mango Sango o yung parang sabaw na walang gulaman ang gagawin ko dito. Kaya lang naisip ko, baka hindi masyadong mag-click sa mga anak ko ang dessert na soup style. Buti na lang at may nahagilap pa akong 1 sachet na unflavored Mr. Gulaman na yellow color. At eto na nga, nabuo ang mango sago pudding na ito. Sa totoo lang, masarap ang dessert na ito. Para siyang leche plan na mango flavor. At dahil may kasama na sago, may kakaibang texture ito habang kinakain. Try nyo ito. Yummy!!!! MANGO SAGO PUDDING Mga Sangkap: 3 pcs. Hinog na Mangga 1 sachet Yellow color Unflavored gelatin 1 cup Uncooked Sago (yung maliliit) 1 can Alaska Condensed milk 2 cups Sugar (kayo na ang bahalang mag-adjust sa nais nyong tamis) 1 tbsp. Vanilla 5 cups Water Paraan ng pagluluto: 1. Kuhanin ang laman ng hinog na mangga at ilagay sa blender. Lagyan n...

BEEF SHORT RIBS STEW KOREAN STYLE

Image
Pasensya na kung hindi kagandahan ang pict ng entry kong ito for today. Kulang ata sa ilaw....hehehe. Pero kahit hindi kagandahan ang pict nito, panigurado naman akong bawing-bawi naman sa sarap at lasa ang dish na ito. Sauce pa lang ay ulam na. hehehehe. It's very simple, na kahit baguhan lang sa pagluluto ay kayang-kaya itong lutuin. Komo may kamahalan ang karne ng baka, maaari ding samahan ito ng gulay kagaya ng carrots, bok choy, young corn or Baguio beans. Pero kagaya nga ng sinabi ko, sauce pa lang nito ay ulam na. Kaya damihan nyo na lang ang sabaw habang niluluto ninyo ito. BEEF SHORT RIBS STEW KOREAN STYLE Mga Sangkap: 1/5 kilo Beef Short Ribs cut into1 inch cube 1 cup Soy Sauce 2 thumb size Ginger sliced 2 pcs. Dried Laurel Leaves 2 pcs. Star Anise 2 pcs. Onion slized 5 cloves Garlic 1 cup Brown Sugar 1 tbsp. Toasted Sesame Seeds 1 tbsp. Sesame oil 2 tbsp. Canola Oil 1 tbsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Leeks or Onion Leaves to garnish Paraan ng paglu...

CRISPY PATA

Image
All time favorite ng mga pinoy itong crispy pata. Well sino ba naman ang hindi matatakam sa malutong at malasang dish na ito na ayos na ayos na pang-ulam o pan-pulutan man. (O eto na naman ang isa pang pulutan recipe...hehehehe) Ito ang isa sa mga dish na niluto nitong nakaraan naming wedding anniversary ng aking asawang si Jolly. Simple dinner lang at kami-kami din lang ang kumain. Walang ibang bisita. Sa pagluluto ng crispy pata, importante na ang pata na gagamitin ay yung sa bata pa na baboy. Malalaman mo ito sa kapal ng balat. Kapag medyo makapal, matanda na o inahin ang baboy. Huwag ito ang gamitin at baka hindi nyo makain ang balat sa tigas. Hindi din ito mapapalutong. Importante din ang flavor na iyong ilalagay sa pagpapakuluan ng pata. Yung iba, simpleng asin at paminta lang ang inilalagay. Pero ako, gumagamit ako ng mga herbs at spices para lalo pang mapasarap ang favorite natin na ito. CRISPY PATA Mga Sangkap: 1 medium size Pork Leg (Pata) 1 tsp. Paprika 1 ...

MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO

Image
Sa araw na ito, ipinagdiriwang ng lahat ng taong nag-mamahal ang Valentines Day o Araw ng mga Puso. Ewan ko ba, kagaya ng pasko may kakaibang kilig ang araw na ito sa marami. Para sa akin, ang araw ng mga puso ay para sa lahat na marunong mag-mahal. Hindi lamang sa ating mga iniirog o kasintahan, lalo na din siguro sa mga mahal natin sa buhay, ang ating pamilya. Ako, hindi lamang sa salita ko ipinararamdam ang aking pagmamahal. Sa araw-araw na ipinagluluto ko ang aking pamilya, buong pagmamahal ang aking inilalagay sa aking mga niluluto para maramdaman nila ang aking pagmamahal. Kahit kapag nagkakatampuhan kami ng aking asawa, ipinaparamdam ko sa kanya na okay na kami sa pamamagitan ng pagluluto ng paborito niya dish o yung espesyal na pagkain. Maging sa aking asawang si Jolly, hindi ko man madalas sinasabihan siya ng I Love You, pero ipinararamdam ko sa kanya na mahal ko siya at ang aming tatlong anak araw-araw. Sana lang, ang araw ng mga puso ay gawin natin sa araw-araw. Sigur...

HONEY-LEMON ROAST CHICKEN

Image
Nakatikim na ba kayo nung bagong chicken ng Kenny Rogers? Yung Honey Roast Chicken. Ako hindi pa din. hehehehe. Iniisip ko kasi kung papaano ilalagay yung honey sa chicken e madali itong masunog. Well, secret siguro yun ng Kenny. Pero naging challenge ito sa akin nitong lutuin ko ang honey-lemon roast chicken ko na ito. Idinagdag ko pala ang lemon komo marami pa ako nito sa aming fridge. Remember, yung galing pa ng Baguio? Hehehe Medyo nasunog ng konti yung finished product kaya itong part na lang na medyo maganda ang kinunan ko ng picture. But I've learned my lesson alam ko na sa susunod kung ano ang dapat kong gawin. Sa procedure sa ibaba, ito na yung adjustment na dapat gawin para hindi masunog o umitim yung balat ng chicken. HONEY-LEMON ROAST CHICKEN Mga Sangkap: 1 Whole Chicken (about 1.3 kg) 2 pcs. Lemon (yung 1 gadgarin ang balat para makuha ang lemon zest at pigain para makuha yung juice) 1/2 cup Pure Honey Bee 1 head minced Garlic Aluminum foil Salt and pe...

GINISANG TINAPA with SALTED EGG

Image
Remember yung posting ko about attending a Sunday Mass at ABS-CBN with Fr. Suarez as the mass celebrant? Yes. After nun nag-invite ang sponsor ng mass na boss ng asawa kong si Jolly na si Doc Baby for a breakfast at UCC Coffee sa may Tomas Morato. Syempre libre yun kaya join naman kami. Nai-post ko na din kung ano ang food na in-order namin that time. At ang nakatawag ng pansin sa akin ay itong Ginisang Tinapa na in-order ng aking asawa. Sa isip ko gagayahin ko ang breakfast dish na ito. At eto na nga. Natuloy din. Nagustuhan naman ng asawa ko ang tinapa dish na ito. At halos malapit sa aking pinagkopyahan. Hehehehe. Try nyo din ito at katulad ko ay tiyak kong magugustuhan nyo din. GINISANG TINAPA with SALTED EGG Mga Sangkap: 8 pcs. Tinapang Gigi (himayin at alisin ang maliliit na tinik) 4 pcs. Salted Egg o Itlog na Pula (cut into small cubes) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion sliced 3 pcs. Tomatoes sliced 2 tbsp. Olive oil 1 tbsp. Liquid Seasoning Salt and pepper...

CRISPY LEMON CHICKEN WINGS

Image
Yung mga manok na nabibili natin sa palengke o supermarket, ewan ko, bakit parang walang lasa. Hindi katulad ng mga native na manok na gumagala lang sa ating mga bakuran, malasa ito lalo na pag ating sasabawan. Siguro dahil na din sa technology kaya nagka-ganun. Imagine, in just 45 days pwede nang ibenta ang manok? Kaya ang kinakain natin ay puno ng chemical. Kaya siguro maramng klaseng sakit ang lumalabas ngayon? Hindi yan ang gusto kong bigyan ng punto sa entry kong ito for today. Komo nga hindi masyadong malasa ang mga manok ngayon, mainam na matuto tayo kung papaano natin ito mapapasarap. Isa na dito ang tamang pag-marinade sa manok. At ano naman ang pwede nating gamitin? Marami. Isa na dito ang lemon. Nung huling bakasyon namin sa Baguio, sinamantala ko ang pamimili ng mga gulay na napakamahal dito sa Manila pero murang-mura lang doon. Kagaya nga ng lemon. Sa Baguio, P55 pesos lang ang per kilo. O hindi ba good deal yun. Kaya naman ni-ready ko na ang mga ...

SLICED PORK and SNOW PEAS STIR FRY

Image
The last time na mang-galing kami ng Baguio, talaga namang nag-fiesta ang mga mata ko sa mga sariwang gulay nag ako ay pumunta sa kanilang palengke. Bukod sa sariwa talaga ang mga gulay dito, napakamura pa ng kanilang presyo. Kaya naman isang bayong talaga na gulay ang inuwi ko ng Manila ng kami au umuwi. hehehehe Isa na dito ang snow peas na ito o chicharo sa marami ang aking nabili. Maniwala kayo sa hindi, itong niluto ko na ito (I think mga 1/2 kilo ito) ay nagkakahalaga lang ng P20. Oo bente pesos lang ang bili ko. At talagang sariwa at malulutong pa ha. Kaya naman isang luto lang ang nasa isip ko nung binili ko ang snow peas na ito. Stir Fry. At gamit nga ang nabili kong 1/2 kilo na bacon sliced pork ito ang kinalabasan ng aking stir fry pork and vegetables dish. Yummy!!!! SLICED PORK and SNOW PEAS STIR FRY Mga Sangkap: 1/2 kilo Bacon cut sliced Pork 1/2 kilo Snow Peas o Chicharo 1 large Red Bell pepper sliced 5 cloves minced Garlic 1 Onion sliced 2 tbsp. Soy Sauc...

HOTDOG SALPICAO

Image
Paborito ng mga bata at maging ng matatanda ang hotdog. Mapa-ulam man o palaman sa tinapay, panalo ito sa lahat. Pwede din itong gawing pulutan. Igisa lang sa bawang at sibuyas tapos lagyan ng konting catsup at hot sauce, panalo ito sa mga manginginom. Hehehehe. Pangkaraniwang luto natin sa hotdog ay syempre ang prito. Sa mga beach party o picnik naman ay iniihaw. Minsan nakakasawa natin ang ganitong luto sa hotdog. Kaya mainam siguro na paminsan minsan ay lagyan natin ng twist para naman maiba. Kagaya nito entry ko na ito for today. Konting gisa...konting liquid seasoning...may isang masarap ka nang ulam na pwede ding pampulutan. hehehehe. Try nyo ito. Dun sa mga nag-e-email sa aking ng recipe na pang pulutan, pwede ito sa inyo. HOTDOG SALPICAO Mga Sangkap: 1/2 kilo Purefoods Tender Juicy Jumbo Hotdogs sliced 4 tbsp. Liquid Seasoning 3 tbsp. Soy Sauce 1 head minced Garlic 2 tbsp. Butter or Olive oil 1 medium size Onion sliced Ground Black pepper ...

HAPPY 70th BIRTHDAY TATANG VILLAMOR

Image
Last February 2, 2012, ipinagdiwang ng aking ama na si Tatang Villamor ang kanyang 70th birthday. May kaunting handa rin nung araw na yun. Pero napagkasunduan naming magkakapatid na February 4 gawin ang big celebration. Simpleng araw kasi yung Feb 2 at sa malamang na hindi kami makakapunta komo may pasok ang mga bata. At yun nga February 4 ginawa ang celebration. According to my sister Shirley, as early as 4:00pm daw ay may mga bisita na. Mga relatives namin sa San Roque sa Pandi. Hindi ko na sila naabutan dahil late na kami nakauwi dahil may make-up class ang dalawa ko pang anak. Bale 8:00pm na din kami nakadating sa Bulacan. Sa tulong na din ng pamangkin kong si Rochelle, ay naka-copy din ako kahit papaano ng mga pict na kuya niya bago pa mag-simula ang kanina. Nasa itaas ang birthday cake at ang mga desserts. May fresh fruits na pakwan, melon at saging. At ang mga minatamis na beans at garbansos. May puto din on the side. Ang cake na ipinagawa ng aking kapatid par...

PAKSIW NA LECHONG KAWALI

Image
Di ba dumarating sa atin ang pagkakataon na parang may gusto tayong kainin. Parang naglilihi ba. hehehehe. Nito kasing isang araw, parang gusto kong kumain ng paksiw na lechon. Ewan ko ba. Paborito ko kasi ito. Gustong-gusto ko yung asim, alat at tamis ng sauce. At yung lumambot na balat ng lechon na talaga namang it melts in the mouth kapag kinakain mo na. Ang problema wala namang malapit na mbibilhan ng paksiw na lechon sa lugar namin. Sa Laloma sigurado marami. Pero malayo ang laloma para bumili lang ng konting paksiw. Hehehe Bakid ako dadayo pa ng Laloma o bumili pa ng luto nang paksiw kung pwede naman akong gumawa at magluto? At yun nga ang ginawa ko. Nag-turbo muna ako ng liempo at saka ko ito ipinaksiw. At sa wakas, napawi din ang paglalaway ko sa paksiw na lechon na ito. Yun lang hindi siya authentic na lechon pero okay na din. hehehehe PAKSIW NA LECHONG KAWALI Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Liempo (yung manipis lang ang taba) 1 bottle Mang Tomas Sarsa...

ANTON'S FIRST COMMUNION

Image
Last January 27, 2012, ginanap ang first communion ng aking bunsong anak na si Anton. Maaga pa lang ng araw na yun ay excited na ang aking bunso sa napakahalagang araw na yun sa kanyang buhay. Sa ating mga Katoliko, importante ang sakramentong ito. Pagkatapos ng binyag, kumpil at kumpisal itong sakramento ng eukaristiya ang isa sa pinakamahalaga. Dito kasi ay tinatanggap natin si Hesus sa anyo ng tinapay. Sa mga Catholic school katulad ng sa aking mga anak, ang first communion ay bahagi ng kanilang programa lalo na kapag ang bata ay nasa ikatlong baitang na o grade 3. Katulad ng sinabi ng pari sa kanyang sermon nung araw na yun, importante na gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa unang beses ng kanilang pagkokumunyon. Importante din na samahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagsisimba sa araw ng Linggo. Dapat din ay palalahanan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng kung ano ang dapat gawin bago at matapos ang pangungumunyon. Sa pamamagitan nito, nagigi...