Posts

Showing posts from February, 2015

BEEF MORCON ESPESYAL

Image
Ang Beef Morcon ang isang dish na masasabing kong espesyal talaga.   Sa amin kasi sa Bulacan, sa mga espesyal na okasyon lang ito inihahanda kagaya ng mga fiesta at kasalan.   Espesyal din kasi medyo may kamahalan ang karne ng baka at medyo may karamihan ang nga sangkap sa pagluluto nito. Nitong nakaraang Chinese New Year ito ang dish na niluto ko para sa aming pananghalian.   3 days before pa lang ay minarinade ko na ang beef at sa gabi bago ang okasyon ay niluto ko na ito.   Nakakatuwa dahil sa first time na nagluto ako nito ay succesful naman ang kinalabasan.   Halos kapareho ito ng niluluto ng aking Inang Lina.   Yummy talaga. BEEF MORCON ESPESYAL Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced... pa-slice nyo na lang sa butcher sa palengke para buo pa rin ang laman) 1/2 cup Katas ng Calamansi 3/4 cup Soy Sauce 1 tbsp. Worcestershire Sauce Salt and pepper to taste Para sa palaman: Chorizo de Bilbao or any Spanis...

RAINBOW GELATIN

Image
Nitong nakaraang Chinese New Year gumawa din ako ng isang simple at makulay na dessert ang Rainbow Gelatin.   Biglaan din lang ang paggawa ko nito kaya medyo kulang-kulang ang sangkap na aking nagamit.   Kung ano nalang ang available yun na lang ang ginamit ko. Yung iba cathedral window o stain glass window gelatin ang tawag nila dito.   Para maiba lang rainbow gelatin naman ang ipinangalan ko. Para hindi maging matrabaho ang paggawa nito, sa halip na lutuin ko ang ibat-ibang kulay na gelatin, yung jelly ace na paborito ng mga bata na lang ang aking ginamit.   Yun lang dapat palamigin muna ng bahagya ang white gelatin bago ito ibuhos sa hulmahang may jelly ace.   Otherwise, baka matunaw yung jelly ace na inilagay. Masarap siya komo may flavor na yung jelly ace.   At maganda sa mata ha....hehehehe RAINBOW GELATIN Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (white color) 1 small can Condensed Milk 1 tetra brick All Purpos...

ITALIAN SPAGHETTI with HOTDOGS and MUSHROOM

Image
Ito ang noodle dish na niluto ko para sa aming Chinese New Year breakfast.   Sa mga ganitong okasyon hindi pwedeng mawala ang noodles dahil sa pamahiin ng mga Tsino for long life ang noodles.   Also, ang mga sangkap na inilagay ko dito ay hotdogs lang at sliced mushroom.   At dahil Chinese new year nga, red sauce ito at swerte daw ang bilog-bilog.   hehehe Italian style spaghetti sauce ang ginamit ko pero nilagyan ko pa rin ng kaunting asukal para mawala ng kaunti ang asim ng sauce.   And as expected winner ito sa aking pamilya.    hehehehe. ITALIAN SPAGHETTI with HOTDOGS and MUSHROOM Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti Pasta (cooked according to package direction) 560 grams Del Monte Italian Style Spag Sauce 400 grams Purefoods TJ Hotdogs (sliced) 1 big can Sliced Mushroom 2 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Olive Oil 2 cups grated Cheese 1 cup Melted Butter 1 head Minced Garlic  1 pc. large White Onion (...

CHEESY BABY POTATOES with PIMIENTO

Image
Paborito ng aking asawang si Jolly at aking mga anak itong Baby Potatoes na ito na may bacon at cheese.   Masarap naman kasi talaga ito.   Nagluluto lang ako nito kapag may espesyal na okasyon kagaya ng Pasko at Bagong Taon.   Maraming beses ko na ding na-post ito dito sa blog. Nitong nakaraang Chinese New Year (hindi man kami Chnese...hehehehe) ay nagluto ako nito sa kahilingan na din ng aking asawa.   At para mas maging espesyal pa ito at magkaroon pa ng extra na flavor, nilagyan ko pa ito ng pimiento o chopped red bell pepper.   Ang sarap ng kinalabasan kaya ayun isang daupan lang ay naubos ang aking niluto.   Yummy talaga!!! CHEESY BABY POTATOES with PIMIENTO Mga Sangkap: 1 kilo Baby or Marbled Potatoes (hugasang mabuti....kung medyo malaki hatiin sa gitna) 250 grams Smokey Bacon (cut into small pieces) 1 tetra brick All Purpose Cream 4 tbsp. Cheez Whiz 1 large Red Bell Pepper (cut into small cubes) 5 clo...

CRISPY CHUNKY PORK SISIG ala DENNIS

Image
Isa sa mga paboritong ulam ng aking mga anak itong pork sisig.   Madalas nga kapag gipit na ako sa oras at kailangan ko pang magluto ng pangulam nila, bumibili na lang ako nitong sisig sa aking suking karinderia. Kaya nang makita ko itong maskara o ulo ng baboy nitong minsang nag-grocery ako, naisipan kong magluto nitong sisig para sa aking mga anak.   Sarili kong version ito.   Alam kong maraming version ang sisig at katulad ng adobo maraming pamamaraan itong lutuin at maging ang mga sangkap na inilalagay. Sa version kong ito, bale 3 beses kong niluto ang baboy.   Okay lang kahit medyo matagal.   masarap naman ang kinalabasan na nagustuhan naman ng aking mga anak. CRISPY CHUNKY PORK SISIG ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Ulo ng Baboy (yung kasama yung tenga) 1/2 kilo Atay ng Baboy 3 pcs. Siling pang-sigang 1 pc. large White Onion (chopped) 1 pc. large White Onion (quartered) 2 pcs. Dried Laurel 8 pcs. Calamansi 3 tb...

OUR CHINESE NEW YEAR BREAKFAST

Image
Kahapon February 19 ay Chinese New Year.   Wala man kaming lahing tsino, nakisaya na din kami ng aking pamilya sa ilang kaugalian na ginagawa nila tuwing sumasapit ang new year.   At komo walang pasok ang opisina at mga paaralan, nagluto ako ng espesyal na almusal bilang pagsalubong na din sa Chinese New year. Una ay itong baby potatoes na ito na nilagyan ko ng cream, cheese, pimiento at bacon.   Favorite ito ng aking asawang si Jolly at mga anak. For long life, nagluto din ako ng Italian style spaghetti na nilahukan ko din  ng hotdogs at sliced mushroom. At mawawala ba ang tikoy tuwing new year?   Malagkit ito para daw magbuklod ang mga pamilya. Naglagay din ako ng nilagang itlog ng pugo at manok at maliliit na chocolates na hugis itlog din. Pampaswerte daw ang pinya at mga oranges kaya bumili din ako nito. Hindi naman sa naniniwala ako sa kaugaliang tsino tuwing dumarating ang bagong taon.   Kung baga,...

ALIMANGO HIPON at KALABASA sa GATA - Our Valentines Day Lunch

Image
Ang mga seafoods kagaya ng alimango at hipon ay mga pangulam na masasabi nating espesyal.   Bukod kasi sa masarap naman talaga ito medyo may kamahalin din ang presyo.   Kaya naman nitong nakaraang Valentines Day, ito ang ulam na aking inihanda para sa aming tanghalian. Niluto ko ito sa kalabasa at gata ng niyog.   Niluto ko muna ang kalabasa sa kaunting gata hanggang sa madurog na naging pinaka-sauce ng alimango at hipon.   Ang sarap talaga ng kinalabasan.   Sauce pa lang ay ulam na kung baga.   Hehehehehe.   Try nyo din po. ALIMANGO HIPON at KALABASA sa GATA - Our Valentines Day Lunch Mga Sangkap: 1 kilo Alimango (yung babae ma mainam) 1/2 kilo Medium to large size na Hipon (alisin yung sungot o balbas) 250 grams Kalabasa (cut into cubes) 4 cups Pure Coconut Cream 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large size Onion (sliced) 1/2 stp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking O...

SARCIADONG SALMON

Image
Ang isdang salmon partikular yung pink salmon ang isdang hindi na kailangan pa ng kung ano-anong pampalasa dahil masarap na talagang klase nn isda ito.    Kung baga asin at paminta lang ay okay na. Nitong nakaraan nga naming wedding anniversary ipinagluto ko ng salmon ang aking asawang si Jolly.   Yung isa ay simpleng pan-fried lang na sinamahan ko ng steamed broccoli at ang iba naman ay nilagyan ko ng ginisang kamatis ala sarciado.   Masarap!   Iba talaga kapag niluto mo ang isdang masarap na ng simpleng luto lang.   Yummy!!!! SARCIADONG SALMON Mga Sangkap: 3 slices Pink Salmon 6 pcs. Tomatoes 1 pc. White Onion 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Fresh Egg (beaten) Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooing Oil Spring Onion for garnish Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang magkabilang side ng pink salmon.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   I-pan-fry ito sa isang non-stick na kawali ha...

CHICKEN WAKNATOY

Image
Ang waknatoy ay isang popular na dish sa Marikina.   Para din lang itong menudo pero nilahukan ng pickles.   Masarap ito at pangkaraniwang inihahanda sa mga espesyal na okasyon. May nabasa ako dito sa net na may chicken version din pala ito.   Chicken with Pickles ang nakapangalan pero naka-lagay din na chicken waknatoy.   Dito ko naisipan na i-try din itong lutuin sa bahay.   At tama, kagaya ng pork version nito masarap din ito at nagustuhan din ng aking pamilya.   Try nyo din po. CHICKEN WAKNATOY Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 3 pcs. Whole Pickles (sliced) 1 pc. Large Bell Pepper  (sliced) 1 pc. Carrot (cut into cubes) 2 pcs. Potatoes (cut into cubes) 1 tetra pack Tomato Sauce 1 cup grated Cheese 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sib...

HAPPY VALENTINES DAY!!!

Image
It's Valentines Day today.   Alam ko may kanya-kanya tayong pakulo para mai-celebrate natin ito with our love ones.   Yung mga may budget, mawawala ba naman ang napaka-mahal ngayong mga roses.   And for sure punong-puno din ang mga restaurant mamahalin man o yung tipong carenderia lang.   Kahit papaano ay alam kong ise-celebrate natin ito. Ako for the past 17 years mula nung ikinasal kami, hindi nawawala ang roses para sa aking asawang si Jolly.   Ofcourse, ipinagluluto ko din siya ng espesyal na dish.   Pero ang higit sa lahat ay ang aking pagpaparamdama sa kanya ng aking pagmamahal. Pero syempre, hindi dapat na sa araw lang na ito natin ipinadarama ang ating pag-ibig sa ating mga minamahal.   Dapat sa araw-araw habang tayo ay nabubuhay. HAPPY VALENTINES DAY po sa LAHAT!!!!

BRAISED PORKCHOPS in BARBEQUE SAUCE

Image
Saan ang date nyo bukas Valentines Day?    Makikisabay ba kayo sa dagsa ng tao na mag-se-celebrate nito bukas?   Well, minsan din lang naman ito sa isang taon kaya maki-join na din.   hehehe. Yun lang medyo magastos kung lalabas pa at kakain sa labas.   Why not celebrate it at home at magluto na lang para sa inyong minamahal.   Hehehehe.   Tipid pa.  Why not ipagluto nyo na lang ng espesyal na ulam at tiyak na magugustuhan niya. At ito ang pede nyong ihanada.   Braised Porkchops in Barbeque Sauce.   Madali lang itong lutuin at ilan lang ang mga sangkap na gagamitin. Pero sabagay, kahit tuyo man ang inihanda mo sa iyong mahal basta't naroon ang pagmamahal, mararamdaman at mararamdaman namn niya ito.   Happy Love day sa lahat!!! BRAISED PORKCHOPS in BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Skinless Porkchops 1 pouch Del Monte Barbeque Marinade 5 cloves Minced G...

COCO FRUITY GELATIN

Image
Dumalaw sa bahay ang nakatatandang kapatid ng aking asawang si Jolly na si Ate Pina nitong nakaraang Biyernes.   May dala siyang pasalubong na toasted mamon para sa mga bata.   Masarap ang mamon na ito lalo na kasabay ang mainit na kape. Siguro nagsawa na ang mga bata sa toasted mamon na yun kaya naisipan kong gumawa ng dessert na pwedeng magamit ito.   Tamang-tama naman at may 1 can pa ng fruit cocktail sa aming cabinet at iba pang sangkap para magawa ang dessert na ito. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan ng aking mg anak ang dessert na ito.   Try nyo din po. COCO FRUITY GELATIN Mga Sangkap: Mamon Tostado 1 can Fruit Cocktail 1 sachet Mr. Gulaman (White color) 1 can Coconut Cream 1 small can Condensed Milk White Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Ihilera sa bottom ng isang square na hulmahan o lalagyan ang mamon tostado.    Ilagay na din sa ibabaw nito ang fruit cocktail. 2.   Sa is...

HIGADILLO - Adobo at Paksiw in One

Image
Hindi ko alam kung saan nag-origin ang dish na ito na Higadillo.    Napanood ko lang din ito sa cooking segment ng Umagang Kay Ganda sa channel 2.    Naisip ko lang, masarap siguro ito dahil pinagsama ang pareho kong paboritong luto sa baboy ang adobo at paksiw. Yes, pinaghalong adobo at paksiw ang dish na ito.   Medyo manamis-namis din ito.   Try nyo din po. HIGADILLO - Adobo at Paksiw in One Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly, Kasim or Pigue (cut into cubes) 1/2 kilo Pork Liver (sliced) 1 cup Cane Vinegar 1/2 Cup Soy Sauce 2 cup Mang Tomas Sarsa ng Lechon 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1 tsp. Freshly crack Black Pepper 4 pcs. Siling Pang-sigang 2 pcs. Dried Laurel leaves 2 tbsp. Brown Sugar Salt to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng ka...

CRISPY CHICKEN with HONEY-GARLIC GLAZE

Image
Uso ngayon itong crispy fried chicken na nilagyan ng glaze na may iba-ibang flavor.   Actually, dati na ito na nabuhay muli dahil sa commercial ng isang fastfood giant na nagkaroon na din ng ganitong klase ng fried chicken. Well, masarap naman talaga itong fried chicken na nilagyan pa ng glaze.  Di na kailangan pa ng sawsawan o gravy habang kinakain ito.   Yun lang parang natatabunan na ng flavor ng glaze ang sarap ng chicken.   Pero anu pa man, mainam ito para sa mga anak natin na masyadong pihikan sa mga ulam na inihahanda natin.   Try nyo din po. CRISPY CHICKEN with HONEY-GARLIC GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Wings and Drumsticks 1 pc. Lemon or 8 pcs. Calamansi 2 cups Rice Flour Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the Glaze: 1 cup Pure Honey 1 tsp. Chili-Garlic Sauce 1 head minced Garlic Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang manok sa katas ng lemon o calamansi, asin at...

PORK and TOFU in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE

Image
Kung medyo nagba-budget tayo sa mga pagkaing ating inihahanda para sa ating pamilya, pangkaraniwang ginagawa natin ay nilalahukan natin ito ng mga gulay o extender kagaya ng tokwa.   Yung iba naman dinadagdagan na lang ang sabaw ang sauce para magskaya.   Dito sa dish na ito, tokwa ang aking ginamit.   Masarap ito at para ka na ding kumain sa isang Chinese restaurant.   Try nyo din po. PORK and TOFU in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 1 block Tofu or Tokwa (cut into cubes) 1 thumb size Ginger (cut into strip) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1/3 cup Black Bean Sauce 1/4 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   I-prito ang tokwa ng lubog sa mantika hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan. 2.   Baw...

FRUIT SALAD with NATA DE COCO and BLACK GRAPES

Image
Nitong nakaraang Christmas Holiday, pareho kami ng aking asawa na nakatanggap ng Grocery baskets mula sa aming mga employer.   May mga laman itong pasta noodles, spaghetti sauces, fruit cocktail, cheese, etc. na pangkaraniwang inihahanda nating mga Pilipino sa Noche Buena. Nitong nakaraan kong pag-go-grocery, nakita ko itong naka-pack na green at black grapes sa naka-sale.   Naisip ko bigla na bakit hindi ako bumili nito at ihalo ko sa fruit cocktail na nasa bahay?   Tamang-tama dahil kaka-anniversay lang naming mag-asawa at panay hanap din ng aking mga anak ng dessert pag natatapos silang kumain. Kaya eto isang masarap na fruit salad na nilahukan ko din nata de coco. FRUIT SALAD with NATA DE COCO and BLACK GRAPES Mga Sangkap: 1 can Fruit Cocktail (i-drain yung syrup) 1 bottle Nata De Coco 300 grams Seedless Black and Green Grapes 1 tetra brick Alaska Crema 1 small can Condensed Milk Paraan para gawin: 1.   I-drain ang syrup ng frui...

MY TATANG VILL'S 73rd BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last Monday February 2, 2015, ipinagdiwang ng aking Tatang Villamor ang kanyang 73rd birthday sa aming tahanan sa Bocaue Bulacan.   Nag-handa ng kaunting salo-salo ang aking mga kapatid na sina Ate Mary Ann at Shirley para sa aming mga kapamilya at mga kaibigan. Maramaing inihandang pagkain ang aking mga kapatid.  May Kare-kare...Roasted Porkloin with White Mushroom Sauce..Inihaw na tilapia....Fried Chicken.. Pancit Palabok...Spaghetti at masarap na Lechon.   Mayroon ding Halayang Ube, Bibingkang Casava, cup cakes at Pakwan para naman sa dessert. Ako naman ay nag-halfday sa aking trabaho para makisaya sa birthday ng aking Tatang.   Bumili na lang ako ng cake sa Red Ribbon para gift naming pamilya. Syempre hindi mawawala ang aking mga tiya sa birthday ng kanilang nag-iisang kapatid na lalaki.   Maaga pa lang ay nandun na talaga sila. Ito po yung Roasted Porkloin with White Mushroom Sauce. Ang masarap na Kare-kare Cr...

STEAMED BROCCOLI with CHEESE

Image
Ito ang vegetable dish na ipinares ko sa pan-fried pink salmon na niluto last Saturday para sa aming wedding anniversary lunch.   Steamed Broccoli with Cheese. Kagaya ng nabanggit ko sa aking previous post, kapag masarap na ang isda o gulay na lulutuin natin, hindi na kailangan pa ng kung ano-anong sangkap o pampalasa.   Mainam na simpleng luto lang ang gawin dito para hindi matabunan ang natural na sarap ng pagkain. The same sa broccoli na ito.   Masarap ito na i-steam lang at lagyan ng kaunting seasoning.   At sakto, tamang-tama sa pan-fried na salmon ang steam broccoli na ito.   Espesyal talaga parqa sa isang espesyal na okasyon. STEAMED BROCCOLI with CHEESE Mga Sangkap: 500 grams Fresh Broccoli (cut into bite size pieces) 1/2 cup Grated Quick Melt Cheese Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Hugasan at ibabad ang broccoli sa tubig. 2.   Ilagay ito sa heat proof na bowl at timplahan ng asin at...

PAN-FRIED PINK SALMON in BUTTER

Image
Noon pa nire-request ng asawa kong si Jolly na magluto naman daw ako ng pink salmon.   Hindi ko siya mapagbigyan komo napaka-mahal ng kilo ng isdang ito.   Sa supermaket nasa P600+ ang kilo nito. Pero nitong nakaraan naming wedding anniversary naisipan kong magluto nito para na din sa espesyal na okasyon at mapagbigyan na din ang mahal kong asawa.   Sa Farmers market ako bumili nito at P450 per kilo.   Komo masarap talaga ang isdang ito, hindi ko kinumplikado ang pagluto dito.   Ibig kong sabihin isang simpleng luto at kaunting sangkap lang ang aking inilagay para hindi matabunan ang masarap na lasa ng isda. At ito na nga, isang masarap na pananghalian para sa aming espesyal na araw. PAN-FRIED PINK SALMON in BUTTER Mga Sangkap: 1 kilo Pink Salmon (steak cut) 1/4 cup Melted Butter Salt and Pepper To taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang steak cut na pink salmon ng asin at paminta.   Hayaan...

OUR 17TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION

Image
Last Saturday January 31, ipinagdiwang naming mag-asawa kasama ang aming mga anak ang aming ika-17 taong anibersaryo ng aming kasal.   At katulad ng mga nakaraang taon hindi maaaring hindi namin ito ipagdiwang kahit papaano. Sa nakaraang labing-apat na taon hindi ko rin nakakalimutan at nawawala ang bulaklak para sa aking asawang si Jolly.   Ang iba lang siguro sa taong iyo, dati 1 dozen ng rosas lang pero ngayon 2 dozen na.   Hehehehe.   Ginising ko ang aking asawa sa pagbibigay ng mga bulaklak na ito. Nagluto din ako ng espesyal na almusal at pananghalian para sa kanila.   Sa breakfast nagluto ako ng tapang baboy, sinangag at itlog.    Sa panghalian naman ay itong pan-fried pink salmon in butter at itong steamed broccoli with cheese. Pumasok pa rin kami sa aming trabaho that day.   Half day lang naman ako at 2pm pa naman ang check-in time sa hotel na aming pupuntahan. 2pm nga ay nag-check-in ...