Posts

Showing posts from March, 2011

HOTDOG with SCRAMBLED EGGS and MAYONAISE

Image
May napansin ba kayo sa mga pictures ng mga recipe na pino-post ko nitong mga nakaraan araw? Medyo maganda na ano? Hehehehe. Naka-utang na kasi ako ng bagong digicam. Mura lang ang kuha ko. Latest model daw yun ng Canon. So kung mapapansin nyo malilinaw na nga ang mga pictures. Hehehehe Napanood nyo na ba yung commercial ng isang brand ng mayonaise na inihalo ang mayonaise sa binating itlog? Ito ang ginawa ko dito sa sliced hotdog na inalmusal namin nitong nakaraang araw. Masarap nga siya. Creamy ang texture ng scrambled egg at masarap talaga sa kanin o sa tinapay. Try nyo din. Magugustuhan nyo din ito. HOTDOG with SCRAMBLED EGGS and MAYONAISE Mga Sangkap: 10 pcs. Regular Hotdogs sliced (Purefoods ang ginamit ko) 1 cup Lady's Choice Mayonaise 4 pcs. Eggs beaten 3 cloves Minced Garlic 1 medium size Onion sliced 2 tbsp. Canola oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, batihin ang itlog at mayonaise hanggang sa mag-mix na mabuti. 2. Sa isang non-stick na ka

MISUA, BOLA-BOLA at PATOLA

Image
Dapat sana yung siomai recipe ang una kong ipo-post, kaso mas nauna ko itong nailuto as our soup and main dish sa aming dinner kahapon. Yung bola-bola na ginamit ko dito ay yung sobra lang ng siomai dahil kinapos ako ng siomai wrapper. Mga 15 pcs. na balls din ang nabuo ko sa natirang giniling kaya naman itong almonsiogas na ito ang naisip ko agad na recipe na lutuin. Madali lang naman itong lutuin. Basta may masarap ka na sabaw ay tiyak kong masarap ang misua soup na iyong magagawa. Ang sabaw pala na ginamit ko dito ay yung pinaglagaan ko ng pata ng baboy na entry ko nitong nakaraang araw. Ang kinalabasan? Isang masarap na misua soup na may bola-bola at patola. MISUA, BOLA-BOLA at PATOLA Mga Sangkap: Para sa bola-bola: 250 grams Giniling na baboy 250 grams Hipon (alisin ang ulo, buntot at shell at hiwain ng maliliit) 1 pc. small Singkamas (hiwain ng maliliit na cubes) 1 medium size Onion finley chopped 1 Egg beaten 2 tbsp. Cornstarch 2 tbsp. Sesame oil Salt and pepper to taste Iba p

TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata)

Image
Ewan ko ba, parang naglalaway ako sa lechong kawali nito mga nakaraang araw. Marahil ay dahil sa diet ko na bawal ang mga mamantikang pagkain at talaga namang na-miss ko ng mga ilang buwan na din. Nitong nakaraan kong check, nakakatuwa naman at puro magaganda ang resulta ng aking mga laboratory test. kahit ang aking blood sugar at cholesterol level ay pawang magaganda ang resulta. Kaya naman nitong nakaraang Linggo ay naisipan kong magluto ng crispy pata na niluto sa turbo broiler. Mas mainam itong gamitin kesa sa ipi-prito pa. Iwas tilamsik ng mantika na ayaw na ayaw ko pag nagluluto ng lechong kawali. May ilan na din akong posting about this recipe. Pero hayaan nyong i-share pa din sa inyo ito para ma-enjoy din kahit ng inyong mga mata. hehehehe TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata) Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork leg o pata (yung malaman na part) 1/2 cup Rock Salt 1 large onion sliced 1 tsp. Whole Pepper corn Paraan ng pagluluto: 1. Pakuluan ang pata ng baboy sa isang kaserolang may tubig

SINAING NA YELLOW PIN TUNA

Image
Kahit papaano ay nangingilin kami sa pagkain ng karne tuwing Biyernes ng mga Mahal na Araw na nag-simula nung nakaraang Ash Wednesday. Ito siguro ang kaunti naming sakripisyo na sa tingin ko naman ay hindi mahirap gawin. Kahit naman nung mga bata pa kami, ginagawa na rin ito ng aking mga magulang pag-araw ng Biyernes. Di ba nga pangkaraniwan na pritong isda at ginisang munggo ang ulam pag Friday? Kaya eto, nitong nakaraang Biyernes ay itong sinaing na yellow pin tuna ang aming iniulam for lunch at dinner. Mula nang madiscover ko ang sarap ng sinaing na isda, ito na ang ginagawa kong luto basta lang available ang tuyong kamias na ginagamit na pang-asim bukod sa suka. SINAING NA YELLOW PIN TUNA Mga Sangkap: 1 kilo sliced Yellow Pin Tuna 1 cup Sugar cane vinegar 5 cloves MInced Garlic Pinatuyong Bunga ng kamias salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserol, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at lagyan ng 2 tasang tubig. 2. Lutuin ito haggang sa kumonte na lang a

SCRAMBLED BACON, SAUSAGE & EGG

Image
Isang simple at masarap na pang-ulam sa almusal o kaya naman ay palaman sa tinapay ang handog ko sa inyo para sa araw na ito. Yun lang medyo may kamahalan ito kumpara sa iba pang pang-almusal na ulam na inihahanda natin sa araw-araw. Bacon kasi ang pangunahing sangkap nito na lam naman natin na medyo may kamahalan ng konti. Imagine, mga 250 grams lang nito ay mga P120. Kung lima kayo sa bahay na kakain. kukulangin ito sa inyo. Ang solusyon? Lagyan natin ng iba pang lahok para dumami. At eto, sinamahan ko ng natiranaming almusal na longanisa, kamatis at sibuyas. Marami nga ang kinalabasan. Naiulam na namin 5 at may natira pana naging palaman sa aming afternoon snack. SCRAMBLES BACON, SAUSAGE & EGG Mga Sangkap: 300 grams Bacon cut into 1 inch long 4 pcs. Eggs beaten 3 pcs. cooked Longanisa o chinese sausages sliced 2 pcs. large Tomatoes sliced 1 large white Onion sliced 3 cloves Garlic 1/2 cup Parmesan Cheese salt and pepper to taste 2 tbsp. Butter Paraan ng pagluluto:

ROAST BEEF in BARBEQUE SAUCE and 5 SPICE POWDER

Image
Una sa lahat, pagpasensyahan nyo na ang kuha ng dish na ito na entry ko for today. Sadyang nagloloko na ang aking digicam at hindi naman ako makabili ng kapalit at wala pang pang-budget. Hehehehe Mga ilang roast chicken at pork na din ang nai-post ko sa food blog kong ito. But this is the first time na i-try kong mag-roast ng Beef. Yes, Roast Beef ang entry natin for today. Pero ito siguro ang mas economical version ng dish na ito. Sa halip na yung may kamahalan na parte ng karne ng baka, beef brisket lang ang ginamit ko dito. Okay din na beef brisket ang gamitin, mayroon kasi itong konting taba na kailangan para hindi maging dry ang ating roast beef. ROAST BEEF in BARBEQUE SAUCE & 5 SPICE POWDER Mga Sangkap: 1.5 kilo Beef Brisket (pahiwa nyo na parang log o pahaba) 1 cup Barbeque Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. 5 Spice powder 1 tsp. Ground Black Pepper 1 head Minced Garlic 2 cups Brown Sugar 1 tbs. Worcestershire Sauce Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa i

HAMBURGER for BREAKFAST

Image
Sa ating mga Pilipino, typical na pagkaing pang-almusal ang kanin o sinangag at may pang-ulam na itlog, tuyo o isda. Hanggang sa lumaon ay nauso na din ang mga silog kagaya ng tapsilog, tocilog at kung ano-ano pang silog. Ang pagkaing pang-almusal ang medyo may kahirapan na ihanda o pag-isipan. Nakakasawa na din kasi ang mga pangkaraniwan natin kinakain. Kagaya namin, umiikot lang ang pang-ulam namin sa almusal sa: hotdog, itlog, meatloaf, tocino, longanisa, corned beef o tuna, at iba pa. Minsan ang ginagawa ko pag-Saturday o Sunday, nagluluto ako ng macaroni soup o lugaw. O kaya naman ay pasta o noodle dish. Nitong nakaraang Lunes, naisipan ko naman na subukan ang hamburger para almusal. At para ikumpleto ang almusal, sinamahan ko na din ng hushbrown potatoes. Ang resulta? Nagustuhan naman ng aking mga anak ang aking inihanda. Kahit ang pangalawa kong anak na si James na hindi kumakain ng gulay ay kinain niya ang lettuce, tomatoes at cucumber na nakalagay dito. U

BINAGOONGANG ADOBO ala RANDY ORTIZ

Image
Inquirer.net ang online new na aking binabasa pagdating ko pa lang sa aking opisina. Okay kasi dito libre na at up to date pa ang mga news. Nitong isang araw may nabasa ako na isang recipe under ng Lifestyle section nila na nakatawag talaga sa aking pansin. Ito ay ang binagoongang adobo ni Randy Ortiz. http://lifestyle.inquirer.net/food/food/view/20110317-325838/For-Randy-Ortiz-its-binagoongan-adobo-on-a-bed-of-grilled-eggplant Kilala naman siguro natin si Randy Ortiz. Siya ang isa sa mga kilalang fashion designer dito sa Pilipinas. Sinubukan ko nga itong kanyang recipe at talaga ngang masarap. Yun lang manok lang ang giamit ko sa dish na ito. Kakatapos lang kasi naming kumain ng pork kaya eto chicekn na lang ang aking niluto. Try nyo ito. Another twist sa classic favorite nating adobo. BINAGOONGANG ADOBO ala RANDY ORTIZ Mga Sangkap: 1 kilo or 10 pcs. Chicken drumstick 3 pcs. Dried laurel Leaves 1 cup vinegar 1 cup soy sauce 3 tbsp. Bottled Sweet Bagoong Alamang 1 cup Bro

KALDERETANG DILAW para kay PNOY

Image
Wala lang...hehehehe. Wala lang akong maipangalan sa caldereta dish version na ito na aking niluto nitong nakaraang araw. Hehehehe. Actually, hindi masyadong visible yung pagka-yellow nung sauce sa picture pero sa actual madilaw siya talaga na parang nilagyan ng curry powder. Naisipan ko lang lagyan ng turmeric powder itong calderetang ito just to test kung ano ang kakalabasan ng masarap nang beef caldereta. Hindi naman ako nagkamali. Masarap, medyo spicy ng kaunti pero okay naman. Kahit nga mga anak ko ay nagustuhan ang beef dish na ito. Dahil sa kulay ng dish na ito, ito ay inihahandog ko sa ating presidente Noynoy Aquino. :) KALDERETANG DILAW para kay Pnoy Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket or Kalitiran 2 pcs. medium Potatoes cut into cubes 1 large Carrot cut into cubes 1 large Red bell pepper cut also into cubes 3 tbsp. Worcestershire sauce 3 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 small can Reno Liver spread 1/2 cup Butter 1 tsp. Turmeric Powder 1 tsp. Chili Powder 5 cloves MInved

PORK MENUDO OVERLOAD

Image
Isa sa mga putahe na madalas nating nakikita sa mga handaan sa Bulacan ay itong Pork Menudo. Kahit sa mga karinderya dito sa kamaynilaan, ito ang pangkaraniwan nating nakikita. Masarap kasi talaga ito. Yung iba gusto yung ma-sauce. Yung sa amin sa Bulacan naman ay medyo dry ng konti. Pag marami kasing sauce ito madali itong napapanis at hindi okay ito sa mga handaan. Gustong-gusto ko ang dish na ito. Kaya naman nitong isang araw ay nagluto ako nito para sa aming dinner at para baon na din ng mga bata sa school. Ginawa ko itong extra special komo nga hindi naman kami madalas na nakaka-kain nito. Tinawag ko itong Pork menudo oveload kasi nga dinagdagan ko pa ito ng hotdog, ham, green peas at cheese cubes. Masarap ito. At napuri na naman ang luto kong ito ng mga ka-opisina ng aking asawang si Jolly. Hehehehe. PORK MENUDO OVERLOAD Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim cut into cubes 1/2 kilo Pork Liver cut into small cubes 1 large Carrot cut into cubes 2 large Potato cut int

CHICKEN, MUSHROOM & POTATOES in CREAM

Image
Regular na visitor ako ng www.yummy.ph na site. Ito yung website mg Yummy Food magazine na paborito ko din na food magazine. Marami kasi ako natututunan na bagong recipes dito. Mainam nga at may website...hehehehe..hindi ko na kailangan na bumuli pa ng magazines. hehehehe. Habang nagba-browse ako sa mga chicken dish na available, nakita ko itong isang recipe na ang tawag ay Lola Virginias Asadong Manok de Carajay. Nang makita ko ang mga sangkap at ang paraan ng pagluluto, naisip ko na madali lang ito at ayos na ayos dahil may mga sangkap ako nito sa bahay. At ito nga ang luto na ginawa ko sa 1 buong manok na nasa freezer ko ng ilang araw. Yun lang nilagyan ko ng kaunting twist para mas lalo pang sumarap. Pero yung pangunahing sangkap syempre ay nandito at yun ay ang manok, cream at button mushroom. Yummy talaga ang dish na ito kaya subukan ninyo. CHICKEN, MUSHROOM & POTATOES in CREAM Mga Sangkap: 1 whole Chicken cut into serving pieces 1 large potato cut into cubes

STRAWBERRY SMOOTHIES

Image
Papalapit na talaga ang summer. Pag lumabas ka ng bahay, ramdam mo na ang init ng summer sa iyong balat na para bang nagaanyaya na maligo ka sa swimming pool o kaya naman ay sa beach. Hehehehe. Mararamdaman mo din ang summer kapag nakakita ka na ng mga prutas na tuwing summer talaga saganang-sagana. Katulad ng pakwan, melon, manga at maging strawberries. Minsang pauwi ako ng bahay galing sa opisina. Sa may pagbaba ko ng MRT sa may Cubao station. Nakita ko itong mama na nagtitinda ng strawberries na naka-pack sa styro. P35 pesos ang isang pack at pumayag naman siya na 3 pack na for P100. Good deal kako. Kasi sa supermarket yung isang pack na ganun ay P75 ang halaga. Isa lang ang nasa isip ko nung bilhin ko ang mga strawberries na ito. Ang gawin ko itong fruit shake o smoothies. Ayos na ayos kapag mainit ang panahon at pwedeng-pwede din na gawing drinks and desserts pagkatapos kumain. Nagustuhan ng mga anak ko ang strawberry smoothies o shakes na ito. Nag-request nga s

SAUCY CHICKEN and CORN

Image
Hindi ko alam kung may ganitong dish talaga. Basta ang ginawa ko lang, pinagsama-sama ko lang ang mga sangkap na available sa aming kusina at eto isang masarap na saucy dish ang kinalabasan. Nagsimula kasi ito sa 1 lata na whole kernel na mais na nasa fridge namin ng mga ilang araw na din. Kailangan kasi ng bunso kong anak na si Anton ng lata para sa school project at ito nga lata ng mais na ito ang aking ginamit. Simple lang ang dish na ito. Komo nagmamadali ako sa pagpe-prepare ng baon ng aking mga anak sa school, ito na lang ang dish na niluto ko para madali. Ito na din pala ang dinner namin kinagabihan. SAUCY CHICKEN and CORN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet cut into bite size pieces 3 tbsp. Hoisin Sauce 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1 big can Whole kernel Corn 1 tsp. ground Black Pepper 2 tbsp. Brown Sugar 1 tbsp. Cornstarch 1 tbsp. Canola oil 3 cloves minced Garlic 1 medium size Onion sliced Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at pamin

PASENSYA NA PO......

Again, natuluyan na po ata talaga ang aking ginagamit na digicam. May mga naka-lineup na po akong recipe kaso hindi ko ma-upload yung mga pict. Nag-lock nga po kasi ang cam ko. I hope maayos ko na ito agad para makabalik agad ang aking mga post. Sana po ay patuloy pa din ang inyong pag-bisita dito sa munti kong blog. Salamat po. Dennis

BAKED LUMPIANG TUNA

Image
Yes. Totoo ang nabasa nyo sa title ng entry kong ito. Lumpia nga ito na sa halip na i-prito ay binake ko na lang gamit ang turbo broiler. Remember yung entry ko yesterday about Canned Tuna spring roll? Yung kalhati na nagawa ko ay ipinirito ko at yung kalhati nga ay ito. Noon ko pa gustong i-try ang baked lumpia nito after nung mabasa ko ito sa isa pang food blog na palagi kong binibisita. Ito ay ang http://userealbutter.com/ Okay ang food blog na ito bukod pa sa magagandang picture na pino-post na dito. Yung finished product pala niya dito ay medyo maputla ang kulay. Kung baga parang hilaw ang dating. At iyun din ang naging challenge sa akin kung papaano ko papapulahin ang balat. For the recipe, pwedeng nyong gamitin yung recipe ko ng canned tuna spring roll o kahit na anong recipe ng lumpiang shanghai. Ang gusto ko lang i-share sa inyo sa posting kong ito ay ibang pamamaraan ng pagluluto ng lumpiang shanghai. Basta ang gagawin nyo lang ay ilagay ito sa oven o sa turbo broiler at lut

CANNED TUNA SPRING ROLL

Image
Nakakagulat ang mga presyo ng bilihin ngayon. The last time nga na nag-groceries ako, nagulat ako kasi yung food namin na good for one week ay umabot ng kulang four thousand pesos samantalang halos the same item naman ang aking mga binili. Sabagay, hindi lang naman groceries, kahit gasolina, halos araw-araw ang pagtaas. Dagdagan mo pa ng kuryente at tubig. Haaayyyy! Papaano na kaya ang life? Kailangan na siguro talaga na seryosong mag-budget lalo na sa pamimili ng groceries. Madalas kasi dampot ka na lang ng dampot. Mainam din siguro na i-plano na ang uulamin sa buong linggo para yun lang ang bibilhin. Mainam din siguro na mag-isip tayo ng mga ulam na hindi masyadong mahal na hindi rin naman tipid sa lasa. Kagaya nitong entry ko for today. Siguro wala pang P100 ang magagastos dito pero may masarap na kayong ulam na tiyak kong ding magugustuhan ng inyong mga anak. CANNED TUNA SPRING ROLL Mga Sangkap: 2 cans 184g Century Tuna Chunks in Water (i-drain ang water) 1 cu

NILAGANG BABY BACK RIBS

Image
Paborito sa bahay ang mga ulam na may sabaw. Isa na dito ang nilagang baboy o kaya naman ay baka. Kagaya ng nai-kwento ko na, sa amin sa Bulacan, pangkaraniwan na nilagang baboy o baka ang ulam kapag araw ng Linggo. Espesyal na araw kasi ito para sa amin at sa aming pamilya. Ito dapat ang dinner namin nitong nakaraang Linggo. Kaso late na nagising sa hapon ang aking mga anak at naging alanganin na ang aming afternoon snacks. Yun palang natirang penne pasta dish na breakfast namin ang kinain at saka nachos na may salsa at cheese dip. Mga mag-6pm na nun kaya naisipan namin na yun na lang ang dinner namin that night. Nag fruit shake nalang kami para pang-dagdag sa aming kinain na late snacks. At ito nga ang naging dinner namin nitong nakaraang Monday. Naging espesyal ang nilagang ito dahil baby back ribs ang aking ginamit at chinese pechay, carrots, potatoes at leeks naman ang ginamit kong gulay. Naiba as compare sa panbgkaraniwan na gulay ng nilaga na repolyo at pechay tagalog. Masarap,

PENNE PASTA with MINCED PORK and PIMIENTO

Image
Tuwing Sabado at Linggo, pinipilit kong makapag-handa ng almusal at iba kumpara sa almusal namin sa araw-araw. Ang ibig ko lang pong sabihin ay yung pangkaraniwan na kanin at ulam sa umaga. Nung Sabado, Arroz Caldo ang aking niluto at nito namang Linggo ay itong Penne pasta na may giniling na baboy at pimiento. Nakita ko kasi sa fridge yung natitira pang giniling na baboy at yung 1 pouch na pimiento na ginamit ko pa nung nagluto ako ng valentine dinner namin. May nakita din akong 1 tetra pack na Hunts Parmesan spaghetti sauce kaya sakto at nabuo ang pasta dish na ito. At huwag ka, naka-tatlong balik ang aking bunso na si Anton s pasta dish na ito. hehehehe. Paborito kasi niya itong pasta. PENNE PASTA with MINCED PORK and PIMIENTO Mga Sangkap: 500 grams Penne pasta cook according to package direction 300 grams Giniling na Baboy 1 pouch Pimiento in water (cut into small cubes, reserve water) 1 tetra pack Hunts Parmesan Spaghetti Sauce 1 cup Grated Cheese 1 cup Parmesan Chees

PATA HUMBA

Image
May entry na ako ng Humba sa archive. This time pata ng baboy naman ang ginamit ko at dinagdagan ko ng konting twist sa recipe. Ang humba ay halos kapareho lang ng ating classic na adobo. Marahil ang pagkakaiba lang nito ay nilalagyan ito ng brown sugar. Although may mga naglalagay din ng asukal sa kanilang adobo lalo na kung napasobra ang toyo o ang asin. Sikat na pang-ulam ito sa parteng Visayas. Sabi nga ng ka-officemate ko, basta may espesyal na okasyon kagaya ng kasal, binyag o birthday, hindi nawawala ang humba sa kanilang hapag. Well, masarap naman talaga ang dish na ito lalo na kung kakainin mo ito mga 1 araw o higit pa pagkaluto. Hehehehe. Sa amin hindi ito aabutin ng 1 araw...hehehhe....sigurado ubos agad ito pagkaluto pa lang. Hahahaha. PATA HUMBA Mga Sangkap: 1 whole Pata ng Baboy (yung malaman na parte. Pahiwa na butcher) 1 cup Suka 1 cup Toyo 2 pcs. Tuyong Dahon ng Laurel 2 cup Brown na Asukal 1 tsp. Pamintang Durog 2 pcs. Kamote hiwain na pa-kwadrado 5 pcs. Nilagang Itlo

STIR FRIED CHICKEN WITH CHAR SIU SAUCE

Image
Ang mga stir fried dishes marahil ang mga pagkain na dapat matutunan ng mga mommy o nagluluto na nagmamadali palagi. Syempre, bukod yun sa mga pagkain na instant o yung pinapa-deliver na lang. hehehehe. Walang kapagod-pagod yun. hehehe. Pero sino ba naman ang makakatagal na puro instant food o delivery ang pagkain araw-araw? Bukod sa magastos ito, syempre walang love na kasama. hehehehe. Noong araw komo ang mga nanay ay sa bahay lamang, they have all the time na ipagluto tayo ng masasarap nating ulam. Kumpara noon at ngayon, masa matagal i-prepare ang pagkain noon kesa ngayon. Example: Kung magsisigang ka ng baboy man o isda, magpapalambot ka pa ng sampalok at magpipiga para magkaroon ka ng pang-asim, hindi tulad ngayon na may mga instant sinigang mix na. Ofcourse iba pa rin syempre yung natural. Ngayon, marami na tayong mabibili na mga instant mix and sauces na pwede nating gamitin sa ating pagluluto. Sa mga kagaya ko na nagwo-work pa at pagkadating sa bahay ay magluluto, malaking tul

SLICED BEEF SALPICAO

Image
First time ko pa lang magluto ang dish na ito. Sa pangalan pa lang kasi, akala mo isang komplikado recipe ito. Pero ang totoo, ang dali lang nitong lutuin at simple lang din ang mga sangkap na kailangan. Sa original recipe beef tenderloin o yung malambot na parte ng baka ang ginagamit. Marahil ay komo stir fry lang ang pagluto nito. Komo may kamahalan ang beef terderloin, beef brisket lang ang ginamit dito at binago ko din ng kaunti ang paraan ng pagluluto. Pero huwag ka masarap ang kinalabasan ng dish kong ito. Yummy talaga as in mapaparami ang kanin mo dito. hehehehe. SLICED BEEF SALPICAO Mga Sangkap: 1 kilo Beef thinly sliced 1/2 cup Worcestershire Sauce 6 tbsp. Liquid Seasoning 1/2 cup Soy Sauce 2 heads Minced Garlic 1 cup Sliced Mushroom 1/2 cup Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang karne ng baka sa 1/4 cup na worcestershire sauce, 3 tbsp. na liquid seasoning, 1 head na minced garlic at sa asin at paminta. Hayaan ng mga 1 oras.

FRIED PORKCHOPS with SWEET AND SOUR SAUCE

Image
Very common na siguro sa atin ang fried porkchops. Pero kung gagawan pa natin ito ng paraan para mapasarap at hindi maging boring, tiyak kong matutuwa ang inyong mga mahal sa buhay na makakakain nito. Kagaya nitong entry natin for today. Tinimplahan ko pa ng lemon ang porkchops para sumarap. Gumawa din ako ng sweet, sour at spicy sauce para sawsawan sa halip na catsup lamang. Dahil sa naghahalong alat, tamis, asim at anghang ng sauce, tiyak kong mas gaganahan ang kakain nito. Try it!!! FRIED PORKCHOPS with SWEET, SOUR and SPICY SAUCE Mga Sangkap: 8 pcs. Porkchops 1 cup Flour 1/2 cup Cornstarch 1/2 Lemon salt and pepper to taste Cooking oil for frying For the Sauce: 2 tbsp. Butter 1/2 cup Sweet Chili Sauce 1/2 cup Tomato Catsup 1 thumb size Ginger (cut into strips) 1/2 Carrot (cut into strips) 3 cloves Minced Garlic 1 medium size Onion sliced 2 tbsp. Sugar 1 tsp. Salt 1/2 tsp. Ground black pepper 1 tsp. Cornstarch 2 pcs. Green chilis sliced Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan an

SINAMPALUKANG MANOK na may MISO

Image
Isa sa mga paborito kong luto sa manok ay itong sinampalukan. Natatandaan ko nung bata pa kami, ito ang madalas na lutuin ng aking Inang Lina lalo na kung tag-ulan at uso ang usbong ng sampalok. Gustong-gusto ko ng sabaw nito dahil dun sa asim ng sampalok at dun sa kaunting anghang ng luya. But what if nilagyan mo pa ng miso? Gusto ko din ang sinigang sa miso, pero hindi ko pa na-try na sa manok ito lutuin. Kaya nitong nakaraang Linggo, sinubukang kong mag-luto ng sinampalukang manok na may miso at hindi nga ako nagkamali. Masarap at malasa ang sabaw at talaga namang nakakaginhawa sa lalamunan ng isang may taong may sipon at ubo. Tamang-tama kasi yung asim at anghang ng mga sangkap. Try nyo ito. Sinampalukang manok with a twist. SINAMPALUKANG MANOK na may MISO Mga Sangkap: 1 kilo Chicken cut into serving pieces 1 sachet Sinigang mix 1/2 cup Miso 1 taling Dahon ng Mustasa 1 taling Sitaw 2 pcs. Kamatis 1 large Sibuyas hiwain 4 cloves Bawang (dikdikin) 2 thumb size Ginger s