Posts

Showing posts with the label adsense

INAY ELO'S 90TH BIRTHDAY BLOWOUT

Image
Last June 24 nag-celebrate ng kanyang 90th Birthday ang aking mother in law na si Nanay Elo.   Hindi nagkaroon ng handa nung araw na yun sa request na din ng isa niyang anak na si Lita na darating naman ng July 12.   Kaya ang nangyari July 13 nagkaroon ng isang simpleng tanghalian ang buong pamilya. Bale nag-toka-toka ang bawat anak ng may birthday ng pagkaing ihahanda.   Sa aming pamilya natoka ang Pancit Palabok na ginawa ko talagang espesyal at maraming sahog. Ang balikbayan din na si Beth ang sumagot naman ng hipon at mga alimango.   Ako din ang nagluto ng mga ito. Para sa hipon, simpleng butter, garlic at sprite lang ang aking inilahok dito. Sa alimango naman ay iginisa ko at nilagyan ng oyster sauce. Tokwa't Baboy naman ang share ng kanilang Kuya Alex. Kare-kare naman ang sinagot ni Ate Azon. Ang balikbayan mula Abu Dhabi naman na si Lita ang sumagot ng Lechon. Masaya ang lahat na pinagsaluhan an...