Posts

Showing posts with the label noodles

PANCIT LOMI GUISADO

Image
Nitong huling pagbisita namin sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang mahal na araw, hindi maaring hindi ako maka-kain ng paborito kong loming Batangas.   Ewan ko ba, solve na solve ako sa kanilang lomi.   Kaya naman ng magawi kami ng palengke bago kami bumalik ng Manila, naisipan kong bumili nitong lomi noodles. Actually, hindi ko pa alam noon kung yung may sabaw ang gagawin kong luto dito o yung guisado o parang pancit.   Pancit guisado nauwi ang naging luto sa noodles.   Pork at gulay ang isinahog at nilagyan din ng kaunting sesame oil para madagdag ng flavor sa noodles. PANCIT LOMI GUISADO Mga Sangkap: 1 kilo Lomi Noodles (Egg noodles) 1/2 kilo Pork Belly 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 100 grams Baguio Beans (sliced) 1 pc. Carrot (cut into strips) Pechay Baguio or Repolyo (sliced) 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste ...

BATCHOY TAGALOG with MISUA

Image
Medyo lumalamig na ang panahon.   Nagpapaalala lang na papalapit na talaga ang kapaskuhan.   At kapag ganitong medyo malamig ang panahon, masarap humigop at mag-ulam ng pagkaing may sabaw. Kagaya nitong Batchoy Tagalog with Misua.   Isa ito sa mga soup dish na paborito ko kahit noong bata pa ako.   Pero yung niluluto ng Inang ko noong araw ay walang misua.   Dito lang sa Maynila ko natutunan at nakakita na naglalagay ng misua sa batchoy at masarap naman din nung matikman ko. BATCHOY TAGALOG with MISUA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Lomo (cut into small cubes) 300 grams Pork Liver (cut into small cubes) 1 pc. large Sayote (cut into small cubes) 2 pcs. Misua Noodles 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 5 pcs. Silinjg Pang-Sigang a bunch of Sili Leaves 2 pcs. Knorr Pork Cubes 3 tbsp. Cooking Oil Salt (or patis) and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa i...

PANCIT BATO GUISADO with a TWIST

Image
Nagkaroon ng part 2 ang celebration ng aking kaarawan sa aming tahanan last Sunday.   Lumuwas pa from Bulacan ang aking mga Tiya Lagring, Tita Virgie, Ang aking Ninang Neneng, Pareng Reymond, Leah, kapatid kong si Shirley at Salve para bumati at makisaya sa aking kaarawan. May niluto pa akong roasted chicken, lumpia embotido, Lapu-lapu with special sauce at itong pancit bato guisado. Itong Pancit Bato na ito ay nakuha ko lang sa noodles na nabili ko nung pumunta kami ng Bicol nitong nakaraang Linggo.   Nilagyan ko na lang ng twist para lalong sumarap.   Dun kasi sa recipe na nasa label ng noodles sobrang simple lang ang ginawang luto sa pancit.   At komo espesyal ang okasyon at ang kakain, minabuti kong lagyan ito ng twist para lalo pang sumarap. At tama naman, nagustuhan ng aking mga kamag-anak ang pancit bato na ito na aking niluto.   PANCIT BATO GUISADO with a TWIST Mga Sangkap: 500 grams Pancit Bato Dried Noodles 50...

PASTA CARBONARA with FRESH BASIL

Image
Hindi mawawala sa mga birthday na kainan ang mga noodles or pasta dishes.   Sabi nga, pampahaba daw ito ng buhay.   Hindi naman masamang sumunod kaya nitong kaarawan ng bunso kong anak na si Anton nagluto ako nitong Pasta Carbonara.   White sauce daw kasi ang gusto ng may birthday kaya ito ang niluto ko. At para mapasarap pa, nilagyan ko din ito ng fresh basil leaves na mas lalong nagpa-tingkad sa lasa ng sauce nito.   Yummy talaga.   Try nyo din po. PASTA CARBONARA with FRESH BASIL Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 500 grams Bacon (cut into small pieces) 1 big can Sliced Mushroom 1 big can Alaska full Cream Evaporated Milk 2 tetra bricks Alaska Crema or All Purpose Cream 2 cups Grated Cheese 1 cup Melted Butter 2 cups Chopped Fresh Basil Leaves 1 head Minced Garlic 1 pc. Large White Onion (chopped) 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: ...

MISUA with SIOMAI

Image
Noong araw kapag tag-ulan, madalas magluto nitong misua na may bola-bola at patola ang aking Inang Lina.   Masarap kasi ito at tamang-tamang pang-ulam o pang-meryenda man.   Natatandaan ko noon, isinasabaw ko itong misua sa lamig na kanin at ayos na ayos na ang aking meryenda sa hapon. This time siomai naman ang aking inilagay sa misua.   Yung siomai na ginamit ko dito ay yung available na sa mga frozen section ng mga supermarket.   Ginamit ko dito ay yung sa Puregold na pork and shrimp siomai. Alam nyo, nung kinakain ko na ang misua soup na ito, nagbalik sa aking ala-ala ang luto ng aking Inang Lina.   Hindi man kasing sarap ng kanyang luto, pero nalalapit na din ang lasa.   Oh na miss ko bigla ang aking Inang Lina. MISUA with SIOMAI Mga Sangkap: About 20 pcs. Pork & Shrimp Siomai 2 pcs. Misua Noodles 1 cup Katas ng Achuete 2 pcs. Pork Cubes 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 2 tbsp. Cooking Oil...

PANCIT LOMI GUISADO with LECHON KAWALI

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post ng bagong recipe nitong mga nakaraang araw.   Medyo busy lang po sa work at sa isang project para sa aking pamilya. Nitong huling uwi namin sa San Jose Batangas, nakabili ako ng 1 kilo ng lomi noodles.   Isa lang ang nasa isip ko na luto nung bilhin ko ang noodles na ito.   Ang Pancit Lomi Guisado.   para lalo pa itong maging katakam-takam, nilagyan ko pa ito ng toppings na lechon kawali na ulam naman namin ng nakaraang araw.   Kaya isang pancit overload ang kinalabasan ng aking pancit.   Winner talaga!!!! PANCIT LOMI GUISADO with LECHON KAWALI Mga Sangkap: 1 kilo Lomi or Egg Noodles 1/2 kilo Chicken Liver (cut into small pieces) Lechon Kawali (cut into cubes) 2 pcs. Chicken Cubes 1 pc. Carrot (cut into strips) 100 grams Baguio Beans (cut into strips) Repolyo (cut into strips) 1 cup Evaporated Milk 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil...

PANCIT MIKI GUISADO

Image
Isa sa mga paborio kong noodles itong miki.  Matagal-tagal na din akong hindi nakakakain nito kaya naisipan kong magluto nito para sa aming almusal. Sa pancit miki guisado na ito pwede tayong gumamit ng kung ano-anong gulay.   Mas gusto ko sana kung patola ang ilalagay kaso wala akong makitang magandang patola sa palengke. Also, pwede din na lagyan ito ng chili-garlic sauce kung gusto nyo na medyo spicy ang inyong noodles.   Yun bang parang yaki sba ang dating. At syempre, huwag kakalimutan ang calamansi para mas lalo pang sumarap ang inyong pancit. PANCIT MIKI GUISADO Mga Sangkap: 500 grams Miki Noodles 1 whole Chicken Breast 4 pcs. Tofu or Tokwa (cut into cubes) Baguio Beans (cut into 1 inch long) Carrots (cut into strips) Sayote (cut into strips) Pechay Baguio Celery 3 tbsp. Oyster Sauce 2 tbsp. Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 1 tsp. Cornstarch 1 tsp. Brown Sugar 1/2 cup Cooking Oil Salt and pepper to taste ...

PANCIT MALABON ala DENNIS

Image
Siguro maitatanong ninyo, ano ba ang pagkakaiba ng Pancit Malabon sa Pancit Palabok at Pancit Luglog.   Halo pareho lang naman kasi ang mga ito.   Ang pagkakaiba lang ang ang mga sahog na inilalalagay at ang noodles na ginagamit. Sa Pancit Malabon, komo malapit ito sa dagat at sagana sa mga lamang dagat, marami sa mga toppings o sahog na ginagamit dito ay mga seafoods kagaya ng hipon at pusit.   Pero kagaya nga ng nasabi ko halos pareho lang ito ng palabok at luglog.   For me, pare-pareho silang masasarap.   Hehehehe. PANCIT MALABON ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Thick Noodles (Pang-palabok) 500 grams Pork Liempo 300 grams large size Shrimp (alisin ang ulo)  300 grams Squid or Pusit (alisin yung tinta at i-cut into rings) 1 pc. large Tinapang Bangus  (himayin ang laman) Chicharong Baboy (durugin) Pechay Baguio (hiwain sa nais na laki) Kinchay (chopped) 2 heads Minced Garlic 1 large Onion (sliced) Patis to...

LINGUINE PASTA with CREAMY PESTO and BACON SAUCE

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Linguine Pasta with Creamy Pesto and Bacon Sauce.  Pinasarap ito gamit ang Alaska Crema (ayan free advertisement ha..hehehe) In this pasta dish, pwede din gumamit ng kahit aling klase ng pasta.   Ang maganda sa pasta dish na ito, mura lang ang magagastos pero hindi tipid sa lasa.   Nakakatuwa ng dahil nagustuhan ito ng aking mga naging bisita.   Try nyo din po. LINGUINE PASTA with CREAMY PESTO and BACON SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Linguine Pasta (cooked according to package directions) 500 grams Bacon (cut into small pieces) 5 cloved Minced Garlic 1 large Red Onion (chopped) 2 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste For the pesto sauce: 100 grams Fresh Basil Leaves 100 grams Cashiew Nuts 1 cup Olive Oil 2 heads Garlic 1 cup Grated Cheese 2 tetra brick Alaska Crema 1 tsp. Whole Pepper Corn Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang linguine pasta ac...

LOMI at SOTANGHON GUISADO (BAMI)

Image
Nitong nakaraang uwi namin ng Batangas, nag-uwi ulit ako pabalik ng Manila nitong fresh lomi noodles.  Sa palengke ng San Jose ko ko ito binili bakgo kami umuwi. Ang nasa isip kong luto na gawin dito ay pa-guisado na may kasamang sotanghon noodles.   May nabasa kasi akong dish sa may parte ng Bisayas na Bami ang tawag.   Pancit miki o canton ito na may kahalong sotanghon noodles.   May ganito ding klase ng pancit sa mga karatig nating bansa kagaya ng Indonesia. Hindi ko ito tinawag na bami komo hindi ko naman isinakto ang mga sangkap at ang paraan ng pagluluto sa original na recipes kaya tinawag ko na lang ito Lomi and Sotanghon Guisado.   Also, kaunti lang na mga sangkap ang inilagay ko para hindi matabunan ang mga noodles na aking ginamit.   At para mas lalong maging katakam-takam ito, nilagyan ko pa ng hard boiled eggs sa ibabaw.   Di ba ang sarap tingnan?   Try nyo din po. LOMI at SOTANGHON GUISADO (...

CHICKEN LOMI GUISADO

Image
Bukod sa glutinous rice flour na nabili ko sa San Jose Batangas nitong huling uwi namin, bumili din ako ng noodles na ginagamit nila sa kanilang masarap na Lomi.   Masarap kasi ito at wala nung parang mapait na after taste kagaya nung mga nabibiling miki dito sa Manila.   Tuwing umuuwi nga kami ng Batangas ay hindi pwedeng hindi kami dadaan ng palengke para kumain ng lomi.   Hehehehehe. CHICKEN LOMI GUISADO Mga Sangkap: 1 kilo Lomi Noodles 1/2 kilo Chicken (cut into small pieces) 250 grams Kikiam (sliced) 100 grams Baguio Beans (sliced) 1 pc. Sayote (cut into strips) 100 grams Repolyo (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali, i-prito ang hiniwang kikiam hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan. 2.  Sa parehong kawali igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 3.   Isunod na ag...

CANTON-SOTANGHON CON LECHON

Image
Nitong nakaraang wedding anniversary namin ng asawa kong si Jolly, hindi man magarbo o maraming handa, pero tiniyak kong magugustuhan ng aking pamilya lahat ng aking lulutuin sa araw na yun. Isa na dito ay itong pancit na inalmusal namin.   Pinaghalong sontanghon at canton noodles na nilahukan ko ang lechon kawali.   At para mas maging katakam-takam, nilagyan ko pa ng hard-bliled eggs sa ibabaw.  O di ba parang ang sarap-sarap.   Bukod dyan, sa halip na pandesal ang katerno, putong puti ang aking inihain.   Yup, bumili lang ako pero masarap ha.   Naubos nga ang pancit ng isang kainan lang.   Hehehehe.   Ibig sabihin, masarap talaga. CANTON-SOTANGHON CON LECHON Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Liempo 1/2 kilo Canton Noodles 250 grams Sotanghon Noodles 250 grams Squid Balls (cut into half) 1 large Carrot (cut into strips) 1/2 Cabbage (sliced) 1 small Chayote (cut into strips) 1/2 cup Kinchay (chopped) ...

PANCIT MALABON OVERLOAD

Image
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Pasko.  Pero hindi sa Noche Buena namin ito inihanda komo may pasta dish na.   Sa mismong araw ng pasko namin ito pinagsaluhan. Actually, ang Pancit Malabon ay para rin lang pancit palabok o yung pancit luglog na alam natin.   Ang pagkakaiba lang siguro nito ay yung matatabang noodles na ginagamit at mas marami itong seafoods na sahog o toppings.   Marahil ay komo malapit sa dagat ang Malabon pangkaraniwang hanapbuhay doon ay ang pangingisda kaya naging ganito ang pancit na ito na tinawag na ngang Pancit Malabon. Sinabi kong Pancit Malabon Overload ito komo nga ang dami kong sahog na inilagay.   Talagang kinumpleto ko ang mga sahog dahil ito ang share ng hipag kong si Lita.   Siya din ang nag-request na magluto ako nito.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ng lahat ang niluto ko. PANCIT MALABON OVERLOAD Mga Sangkap: 1.5 kilos Bihon na pang pancit Malabon (ma...

PANCIT MIKI with CHICKEN FILLET

Image
Matagal-tagal na din akong hindi nakaka-kain ng pancit miki.   Noong araw kasi madalas magluto nito ang aking Inang Lina na nilalahukan din niya ng patola.   Madalas magluto nito ang aking Inang komo matipid itong pangulam at nakakapagparami ang miki sa karne o manok na inilalagay.   Masarap ang pancit miki na pang-ulam o pang-meryenda man.   Mainam na pigaan muna ito ng calamansi bago kainin.  Pwedeng-pwede ito sa kanin o sa tinapay man. Try nyo din po. PANCIT MIKI with CHICKEN FILLET Mga Sangkap: 1/2 kilo Chicken Thigh Fillet 1/2 kilo Fresh Miki Noodles 1/2 cup Oyster Sauce 1/4 cup Soy Sauce 1 medium size Carrot (cut into strips) 100 grams Baguio Beans (cut itno 1 inch long) 100 grams Repolyo (sliced) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (Sliced) 2 tangkak Leeks (chopped) 1 tsp. Cornstarch 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawal...

PINATOLANG MANOK na may MISUA

Image
Isa sa mga paborito kong gulay ang patola.   Masarap at malasa ito lalo nayung sariwa o bagong pitas pa lang mula sa baging nito.  Masarap na ilahok ito sa mga lutuin may sabaw dahil manamis-namis ito at nagpapasarap talaga sa lasa ng sabaw. Ewan ko ba ang mga kabataan ngayon kung bakit hindi mahilig sa mga gulay.   Sa mga anak ko talagang pinipili pa nila ang gulay na kanilang kinakain.  Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako ng mga gulay katulad ng patola na hindi nila madalas nakikita at nakakain. Nga pala, ang dish na ito ay imbento lamang.   Kinuha ko yung idea sa dish na Pinatolang Baka na nabasa ko lang din dito sa net.   At para maging mas masarap at katakam-takam pa, nilahukan ko ito ng misua at nilagyan ko ng achuete para magka-kulay.   Try nyo din po. PINATOLANG MANOK na may MISUA Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Drumsticks 2 pcs. Micua Noodles 1 large Patola (sliced) 1 tbsp. Achuete Seeds 5 clo...

PANCIT ALANGANIN ng BOCAUE

Image
Sa bayan ng Bocaue na aking bayang sinilangan, may isang klase ng pancit na talaga namang ipinagmamalaki namin.   Ito ay ang Pancit Alanganin.  Bakit pancit alanganin?    Actually, parang ordinaryong pancit din lang siya.   Yun lang mayroon siyang konting sabaw kaya parang alanganing sopas at alanganing tuyong pancit ito.  Lalong nagpasarap dito ang masaganang toppings na gulay, karne ng baboy at chicharong baboy. Sikat na sikat sa bayan naming ito ang Nory's Panciteria na nagpasikat nitong pancit alanganin na ito.   Ilang beses na din itong na-feature sa mga show sa tv kagaya ng sa Jessica Soho Report at iba pang pang-international na palabas. Nitong nakaraan kong kaarawan ito lang ang niluto kong handa para maging almusal namin.  Pero syempre may kasama naman itong mainit na pandesal na nilagyan ng butter.  Try nyo din po. PANCIT ALANGANIN ng BOCAUE Mga Sangkap: 500 grams Rice Noodles o Bihon 500 grams P...

TINOLANG MANOK sa PATOLA at SOTANGHON

Image
Na-try nyo na bang mag-lahok ng patola at sotanghon noodles sa tinolang manok?   Pangkaraniwan kasi hilaw na papaya o sayote ang gulay na ating inilalagay.   Para maiba naman, naisipan kong patola nga at sotanghon naman ang aking inilagay.  First time ko lang ginawa ito at hindi naman ako nagsisisi sa kinalabasan dahil mas masarap at malinamnam ang naging sabaw nito. Para sa akin, okay lang naman na baguhin ang mga sangkap ng mga nakasanayan na nating luto ng pagkain.   Kahit nga yung pamamaraan ng pagluluto ay okay lang din.  Sa pamamagitan nito, natututo tayo ng iba pang technique para hindi maging boring sa ating nakasanayan na.   Try nyo din po. TINOLANG MANOK sa PATOLA at SOTANGHON Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 250 grams Chicken Liver 2 pcs. medium size Patola (slice into 1/2 inch thick) 10 grams Sotanghon Noodles Dahon ng Sili 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (sliced)...

PANCIT PUTI

Image
Ito ang isa sa mga pagkaing inihanda ko para sa birthday ng aking anak na si James.   Ang Pancit Puti.  Syempre hindi mawawala ang noodles basta may birthday.   HIndi ko alam kung bakit pancit puti ag tawag dito, pero sa tingin ko dalawang bagay lang ang ginawa dito para maiba sa karaniwang alam natin na pancit guisado.  Una, wala itong sangkap na toyo at pangalawa, nilagyan ito ng maraming toasted na bawang.   Sa office kapag may birthday ito ang ino-order nila kaya ko natutunan itong pancit puti na ito.   Try nyo din po. PANCIT PUTI Mga Sangkap: 1/2 kilo Rice Noodles o Bihon 300 grams Chicken Liver (cut into small pieces) 300 grams Chicken Breast Fillet (cut into strips) 1 pc. large Carrot (cut itno strips) 1/2 Repolyo (chopped) 1/2 cup Kinchay (choppep) 1 pc. Chicken Cubes 2 heads minced Garlic 1 large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang ...

DE LATANG SALMON at SOTANGHON

Image
 Kapag ganitong maulan at malamig ang panahon masarap talagang humigop ng mainit na sabaw.   Para sa akin the best yung simpleng sabaw lang pero punong-puno ng flavor o lasa.   At itong recipe natin for today ang tutumbok sa mga sinasabi ko.   Actually, isa ito sa mga childhood dish na naaalala ko na pinapaulam sa amin ng mahal kong Inang Lina. De latang Salmon (pink salmon) lang ang pangunahing sangkap nito.   May kamahalan kasi kung yung fresh na salmon ang gagamitin.   Hehehehe.   DE LATANG SALMON at SOTANGHON Mga Sangkap: 2 big cans Salmon in Oil 50 grams Sotanghon Noodles 1/2 Repolyo (sliced) 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) 1/2 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Sunod na ilagay ang sabaw ng Salmon in can at lagyan din ng nais na dami ng t...

BACON, HAM & MUSHROOM SPAGHETTI in POMODORO SAUCE

Image
Basta mayroong may birthday sa pamilya, nagluluto ako ng pasta dishes o pancit.  Ito siguro ang isa sa mga namana natin sa ating mga kababayang Tsino.   Pampahaba ng daw ng buhay.   O di ba? Nitong nakaraang birthday ng aking asawang si Jolly, hindi ako naghanda ng maraming food komo sa isang restaurant nga niya ito ipinagdiwang.   Ang ginawa ko, nagluto na lang ako nitong pasta dish in the morning of her birthday.   Sinamahan ko naman ito ng roasted chicken na paborito din aking pamilya para mas maging espesyal ang aming breakfast. BACON, HAM & MUSHROOM SPAGHETTI in POMODORO SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti pasta (Cooked according to package directions) 250 grams Bacon (cut into small pieces) 250 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 1 small can Sliced Mushroom 1 big can Dice Tomatoes 1 tetra pack or 2 cups Three Cheese pasta Sauce 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) a bunch of Fresh Basil leaves 1 tb...