ROASTED BABY BACK RIBS in SPRITE and BARBEQUE SAUCE
Narito ang pangalawang dish na niluto ko nitong nakaraan naming Media Noche. Roasted Baby back ribs in Sprite and barbeque Sauce. May ilang entries na din ako about baby back ribs or barbeque spare ribs sa archive. Mukhang pare-pareho lang pero may pagkakaiba din lalo na kung papaano ito niluto and ofcourse yung mga istorya sa likod nito. Hehehehe. Kagaya na lang nitong baby back ribs na ito. Komo nga may party pa kami na a-attend-an nung gabing yun, inilaga ko na in advance ang karne at saka ko na lang kako iro-roast. Ang nangyari nga 45 before new year ay hindi ko pa ito naisasalang sa turbo broiler. Kaya ayun tinodo ko na lang ang init ng turbo broiler and presto isang masarap na dish pa rin ang aking nagawa. Okay lang naman ang ganun. Malambot na kasi yung laman ng ribs at iba-brown na lang ang kailangan. Puring-puri ang ribs na ito ng gabing yun. ROASTED BABY BACK RIBS in SPRITE AND BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1.2 kilo Whole Baby Back Ribs 1 can Sprite Soda 1 cup Barbeque Sauce ...