Posts

Showing posts with the label side dish

ATCHARANG PAPAYA

Image
Sa mga handaan ako madalas makakita ng atcharang papaya.   Fiesta, kasalan, binyagan at iba pa.   Ang Inang lina ko ang masarap na gumawa nito.   Masarap ito na side dish sa mga pritong karne o isda man.   Kaya nitong isang araw naisipan kong gumawa nito gamit ang natirang green papaya na ginamit ko sa aking escabeche. Madali lang naman gumawa nito.   Ang pinaka-key lang dito ay ang tamang timpla ng suka at gagamitin.   Siguro nasa sa inyo na kung anong timpla ang gusto ninyo.  Ibigay ko lang ang basic procedure at mga sangkap. ATCHARANG PAPAYA Mga Sangkap: 1 medium size Green Papaya (balatan at gadgarin sa nais na laki) 2 cups Cane Vinegar 3 tbsp. Sugar 1 tbsp. Salt or salt to taste 1 cup grated Carrots Freshly ground Black Pepper 1 medium size Red Onion 5 cloves minced Garlic Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang sauce pan, pakuluan ang suka, bawang, sibuyas, asin, asukal at paminta.  Huwa...

CRAB STICKS and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Ito ang isa sa mga dish na ginawa ko nitong nakaraang 50th Birthday ng aking kapatid na si Ate Mary Ann.  Marami ang nagka-gusto dito at hiniling talaga nila na i-post ko daw ulit dito sa blog ang recipe at kung papaano ito gawin. Marami na din akong version na nagawa sa dish na ito.   Yung iba nilagyan ko pa ng nuts like cashiew nuts.  Yung iba naman ay nilagyan ko pa ng hinog na mangga.   Pero kahit ano pa ang ilagay nyong palaman sa spring roll na ito tiyak kong magugustuhan ito ng kakain.   Masarap at napaka-refreshing talaga.   Try nyo din po. CRAB STICKS and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Romaine Lettuce Pipino (cut into strips) Crab Sticks (cut into strips) Sesame Oil For the Sauce: 2 cups Mayonaise 2 tbsp. Peanut Butter 3/4 cup Evaporated Milk 1 tsp. Sesame Oil Salt and pepper to taste To Assemble: 1.   Ilubog sa tubig ang 1 pirasong rice paper sa loob ng 5 sigundo. 2.   Ilatag ito sa is...

CHINESE TEA EGGS / MARBLED EGGS

Image
Mahilig ba kayo sa nilagang itlog?  If yes, itong dish natin for today ay para sa inyo.   Actually, isang hamak na nilagang itlog lang talaga siya na nilagyan lang ng flavor.  Ok din ito para hindi maging boring ang simpleng nilagang itlog.  May dalawang pamamaraan ang pwedeng gawin para makuha ang marbled effect sa nilagang itlog na ito.   Pwede mo itong isama sa nilulutong adobo o kaya naman ay itong paraan na babanggitin ko dito sa post kong ito.   Sa pagluluto ng adobo, isama lang ang itlog at hayaan ng mga 5 minuto.   Alisin sa adobo at pitpitin ang balat ng itlog para mag-crack.   Ibalik lang ulit sa nilulutong adobo at hayaan pa ng ilang minuto.   Mas mainam na ilubog ito sa sabaw para mas lalong kumapit yung kulay ng toyo sa marbled effect sa itlog.   CHINESE TEA EGGS / MARBLED EGGS Mga Sangkap: 6 pcs. Fresh Eggs 3 tbsp. Dark Soy sauce 1 tsp. Salt 2 pcs. Tea bag 4 pcs. Star...

ENSELADANG LABANOS

Image
Nakakain na ba kayo ng enseladang labanos? Matagal na ding hindi ako nakakakain nito. Noong araw gumagawa nito ang aking Inang Lina lalo na kapg pritong isda ang aming ulam. Masarap ito. Lalo na itong ginawa ko na ipinars ko sa pritong galunggong. Madali lang itong gawin. Walang luto na gagawin. Paghahaluin lang ang mga sangkap at mayroon ka nang enseladang labanos. Try nyo din. Masarap talaga. ENSELADANG LABANOS Mga Sangkap: 1 large Radish o Labanos (hiwain ng pahaba na parang match sticks) 1 cup Vinegar Onion leaves salt, pepper and sugar to taste Paraan ng paggawa: 1. Hiwain ang labanos na parang match sticks. 2. Sa isang bowl, paghaluin ang suka, asin, paminta at asukal. Haluin. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung naghahalo ang alat, tamis at asim ng mga sangkap. 3. Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa hiniwang labanos. 4. Ibudbod sa ibabaw ang iniwang onion leaves. 5. I-chill sa fridge bago ihain. Ihain ito kasama ang bagong prito...

GINATAANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA

Image
Ito ang isa sa mga niluto kong handa nung salo-salo namin sa Batangas nung nakaraang Linggo. Si Lita na kapatid ng aking asawa ang sponsor nito. Ako lang ang nagluto. hehehehe. Ito ang isa sa naisipang ihanda komo paborito ito ng aking biyenan. Hiling pa nga na lagyan daw ng kalabasa at sitaw ang alimango para mas sumarap. Nakakatuwa naman at matataba ang mga alimango kahit na mga lalaki ito. Talaga namang puring-puri ang pagkakaluto ko nito dahil siguro sa sarap ng sauce. Kahit nga ang balikbayan na nakabalik na ng Ireland na si Beth ay nag-comment pa sa FB ko at nagpapasalamat sa masarap kong luto. hehehehe. GINATAANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA Mga Sangkap: 3 kilos Alimango (alisin ang mga paa at huiwain sa gitna) Gata mula sa dalawang niyog 300 grams Kalabasa cut into cubes 1 tali Sitaw cut into 1 inche long 5 cloves Minced Garlic 1 large White Onion sliced 2 thumb size Ginger sliced 5 pcs. Siling pang-sigang 1/2 cup Butter salt and pepper to taste Paraan ng paglultuo: 1. Sa isan...

ENSALADANG TALONG

Image
Remember yung niluto kong pan-grilled pork steak? Oo, ito naman yung side dish na niluto para pang-terno sa inihaw na baboy. Ang kinalabasan? Sira na naman ang diet ko. hehehehe Paborito ko talaga ang talong. Kahit simpleng prito lang at may bagoong, ulam na sa akin ito. Lalo na siguro kung torta naman ang gagawing luto, siguradong panalo ang kain ko. Hayyy!!! Yun lang, siguradong sasakit na naman ang kasu-kasuan ko pag kumain ako nito. Hehehehe Whats good sa enseladang talong na ito ay yung kasimplehan at yung bagoong balayan na ipinang-timpla ko. Yummy talaga. ENSELADANG TALONG Mga Sangkap: 4 pcs. large Talong 1/2 cup Bagoong Balayan 2 pcs. Kamatis diced 1/2 Red Onion chopped Ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1. I-ihaw ang talong....Palamigin....Balatan....at hiwain sa nais na laki. Ilagay sa isang bowl. 2. Ihalo ang kamatis at sibuyas sa hiniwang talong. 3. Timplahan ng bagoong balayan at konting paminta. Ihain kasama nag paborito nyong inihaw na isda o baboy. Enjoy!!!!

FRESH STRAWBERRIES and ALMOND JELLY in CREAM

Image
Vote for me at Foodtripfriday.net Remember yung naikwento ko na pasalubong na fresh strawberries ng kapitbahay kong si Ate Joy? Ito ang ginawa ko dun. Isang dessert na talaga namang masarap at very refreshing lalo na pagkatapos mong kumain. Dapat sana almond lychee with cream ang gagawin ko, pero nung matanggap ko nga ang pasalubong na ito ay nabago ang lahat. Well, mas masarap ang kinalabasan ng dessert na ito na nagustuhan naman talaga ng aking pamilya at maging ang aking mga ka-officemate. Hehehehe. Pinatikim ko din sila kahit konti nung nagbaon ako nito sa office. FRESH STRAWBERRIES and ALMOND JELLY in CREAM Mga Sangkap: 500 grams Fresh Straberries (alisin yung dahon) 1 pack Almond flavor Gulaman (lutuin ayon sa package direction then cut into cubes) 1 tetra pack All Purpose Cream Sugar to taste Paraan ng pagpe-prepare: 1. Sa isang bowl ilagay ang fresh strawberries and almond flavor na gulaman. 2. Bago ihalo ang cream sa gulaman at strawberries, paghaluin munang mabuti ang cream ...

GINATAANG HIPON (SWAHE)

Image
Tuwing umuuwi kami sa bayan ng aking asawa sa San Jose Batangas, lagi siyang nagpapabili ng ginataang hibe. Gustong-gusto niya ito maging ang aking biyenan. Hibe ang tawag nila dito although ang hibe in general ay dried shrimp o pinatuyong hipon na isinasahog sa mga nilulutong gulay katulad ng sayote o kaya naman ay upo. Nitong isang araw naisipan kong magluto nito sa bahay para naman masiyahan ang aking asawa. Gustong-gusto din pala ito ng mga anak ko. Nung una, yung malalaking hipon o sugpo sana ang gagamitin ko sa pagluluto. Pero nung makita ko yung mga buhay pa na hipon o swahe, ito na agad ang binili ko. Una mas buhay pa talag yung yung hipon at pangalawa mas mura ito kumpara sa sugpo. Panalo ang ang dish na ito. Lalo na kung naka-kamay kang kumain at may sawsawan ka na pinirat na sili at patis. hehehehe. Winner!!! GINATAANG HIPON (SWAHE) Mga Sangkap: 1 kilo Hipon (Swahe) Kakang gata mula sa dalawang niyog 4 cloves minced garlic 5 slices Ginger 1 large White Onio...

CHICKEN & BABY POTATO SALAD

Image
Belated Merry Christmas sa lahat. Ngayon na lang ulit ako nakapag-post dahil talaga namang super busy ako that week before the holidays. Kabi-kabila ang mga parties at syempre last minute shopping.....hehehehe...sila lang pala...hehehehe. Every year mula ng mag-asawa ako, kung hindi sa Bulacan ay sa mga biyenan ko Batangas kaming pamilya nagpa-pasko. Kung sa Batangas kami nagpapasko, sa Bulacan naman kami nagba-bagong taon. Laging ganun ang set-up. Ginagawa namin ito komo may mga idad na ang nabubuhay naming magulang. At isa pa, iba pa rin talaga ang pasko at bagong taon sa probinsya. This year, sa biyenan ko sa Batangas kami nag-pasko. Komo nga nag-iisa na lang siya at medyo mahina na, kami na ang bahala kung ano ang ihahanda sa noche buena. Malayo pa ang pasko, pinaplano ko na ang ihahanda sa noche buena ng pasko. At isa na nga rito ang entry natin for today. Alam ko simpleng dish lang ito. Pero may ginawa ako iba para mas lalong sumarap ito. Try nyo ito. Oka...

MOJOS POTATOES - My own version

Image
Natatandaan nyo yung entry ko na fish filletwith mayo-bagoong dip? Di ba nabanggit ko dun na may side dish akong ginawa na katerno nun? Eto na yun. Mojos Potatoes. Flavored potatoes ito kagaya nung nabibili o nakakain natin sa Shakeys. Pero itong entry ko na ito ay sarili kong version. Hindi man kasing sarap ng sa Shakeys pero may kakaiba itong sarap na ofcourse yung kumakain lang ang makakapagsabi. Ganun naman talaga eh. May iba-iba tayong panlasa. Kagay na lang nitong foog blog kong ito. May nagkakagusto, mayroon din naman na hindi. Bagsak pa nga ang grade na ibinigay sa akin....hehehehe. Pero okay lang. Sabi ko nga may iba-iba tayong taste. Aminado naman ako na marami pa akong kakaining bigas para makatapat sa mga magagaling na food blogger. MOJOS POTATOES - My own version Mga Sangkap: 3 pcs. Large Potatoes thinly sliced (kasama ang balat) 2 tbsp. Flour 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Curry powder 1 tsp. ground pepper salt to taste cooking oil Paraan ng Pagluluto...