Posts

Showing posts with the label party food

SPAGHETTI MEAT OVERLOAD in ITALIAN SAUCE

Image
Amoy na amoy na natin talaga ang kapaskuhan.   Hindi lamang sa ating mga nakikitang dekorasyon sa mga tahanan, mga daan at maging sa mga mall ay bakas na bakas at dama natin ang nalalapit na pasko. Marami din sa atin ay abalang-abala na sa pag-iisip kung ano ang masarap ihanda para sa ating Noche Buena.   Yung iba gusto ay yung kakaiba at hindi pangkaraniwan nating kinakain.   Yung iba naman gusto yung traditional o classic na inihahanda sa kapaskuhan at ginagawa na lang nilang extra special. Medyo mahirap din na kakaiba yung ihanda.  Una:   baka pumalpak ang pagkakaluto...pangalawa:   baka hindi magustuhan ng mga bata kasi hindi nila kilala yung pagkain... pangatlo:   baka magastos.    Hehehehe So para sa akin okay siguro na yung classic dishes na lang ang ating ihanda pero gawin natin extra special ang sahog at ang pagkakaluto. Kagaya nitong classic spaghetti na ito.  Madali la...

LASAGNA ROLL

Image
Ito po ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Lasagna Roll. First time ko lang itong ginawa.   Yung regular na lasagna yes nakagawa na ako pero itong naka-roll ngayon pa lang talaga. Actually halos pareho lang ang proseso sa pagluluto nito.   Ang pagkakaiba lang, sa halip na i-layer yung lasagna sheets ipinapalaman yung meat at sauce at saka niro-roll.   Importante din na i-top ito ng quick melt cheese at fresh chopped basil leaves.   Yummy!!!! LASAGNA ROLL Mga Sangkap: 10 pcs. Lasagna Pasta 500 grams Ground Pork or Beef 1 can Sliced Mushroom 1/2 cup Tomato Paste 1 cup Quick Melt Cheese 1/2 cup Melted Butter1/2 tsp. Dried Oregano 1/2 tsp. Dried Basil 1/2 tsp. Dried Parsley 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large White Onion (chopped) Salt and pepper to taste For the sauce/garnish: 4 cups Spaghetti Sauce 2 cups Grated Quick melt Cheese 1/2 cup Chopped Fresh Basil Leaves  5 cloves Mi...

PEPPERONI and PENNE PASTA

Image
Tayong mga Pilipino ay mahihilig sa matatamis.   Hindi pepwedeng wala tayong minatamis o panghimagas na kahit ano man lang pagkatapos nating kumain. Kahit nga sa mga pagkain katulad ng spaghetti ay mas gusto natin yung medyo matapis ang lasa.  Kay nga click na click sa atin ang spaghetti ng Jollibee.   Hehehehe. Nitong nakaraan kong kaarawan Italian style na pasta naman ang aking inihanda.   Yung canned chunky tomatoes ang aking ginamit at fresh na basil.   Nilagyan ko na lang ng kaunting asukal para hindi naman masyadong maasim ang lasa ng sauce.   Try nyo din po. PEPPERONI and PENNE PASTA Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according to package directions) 200 grams Pepperoni 1 can Chunky Tomato 2 cups Chopped Fresh Basil Leaves 2 pcs. Pork Cubes (tunawin sa 1 tasang tubig) 2 cups Grated Cheese 1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) 3 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste 1 tbsp. of Suga...

SPAGHETTI with VIGAN LONGANISA

Image
All time favorite natin lalo na ng mga bagets itong spaghetti.   Mapa-birthday, o anumang okasyon ay naghahanda tayo nito.   Kami sa bahay basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa aming almusal. Alam ko marami sa atin ang marunong na magluto nito.   Pero alam ba ng marami na masarap ding isahog sa spaghetti ang longanisa?   Yes.  Yung longanisa na paborito nating almusal na may kasama pang sinangag at itlog. In this recipe, Vigan Longanisa ang aking inilagay.   Marami kasi ang natira sa almusal namin.   Hindi siguro nagustuhan ng mga bata ang lasa nito.   Nasanay kasi sila sa longanisa na matamis o yung hamonado.   Kaya yun nga para di masayang ang vigan longganisa na ito inilahok ko na lang sa aking spaghetti.   At ang resulta?   Isang masarap na version ng paborito nating spaghetti.   Try nyo din po. SPAGHETTI with VIGAN LONGANISA Mga Sangkap: 1...

NO-BAKE LASAGNA

Image
Ito yung espesyal na breakfast na inihanda ko sa birthday ng aking asawang si Jolly.   No-Bake Lasagna. May ilang recipes na din ako nito sa archive pero masasabi kong ito ang the best sa lahat ng naluto ko.   Yung mga nauna kasi medyo masabaw ang kinalabasan.   Naisip ko baka dahiul dun sa tomato sauce na aking inilagay.   So sa halip na tomato sauce tomato paste naman ang ginamit ko sa isang ito.   At tama nga, hindi siya masyadong ma-sauce at tamang-tama ang kinalabasan.   Take note no-bake nga ang version kong ito. NO-BAKE LASAGNA Mga Sangkap: 300 grams Lasagna Pasta (Cooked according to package directions) 1/2 kilo Ground Pork 250 grams Bacon (cut into small pieces) 1 can Sliced Mushroom 2 cups Tomato paste 1 tsp. Dried Basil 1/2 cup Grated Cheese 1 head Minced Garlic 1 pc. large Onion (chopped) 2 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste For the White Sauce Toppings: 1/2 Cup Flour 1/2 cup Melted B...

BAKED CHICKEN CORDON BLEU

Image
May ilang recipes na din ako nitong Chicken Cordon Bleu sa archive.   Sa mga recipes na ito, pa-prito ang ginagawa kong pagluto dito.   Ang nagiging problema minsan kapag pa-prito hindi nalulutong mabuti ang loob lalo na kung may kakapalan ang chicken fillet na ginamit.   Also, may tendency na bumuka ang bawat roll nito habang pini-prito. This time para maiwasan ang ganoong problema, sa halip na i-prito, niluto ko na lang ito sa turbo broiler.   Sinapinan ko ng wax paper ang griller at saka ko inilapag ang bawat piraso ng cordon bleu.  Sa pinaka-mainit na setting pa din ang aking ginamit para naman hindi ma-dry ang laman ng manok.   At eto na nga ang kinalabasan.   Isang masarap na putahe para sa ating mahal sa buhay. BAKED CHICKEN CORDON BLEU Mga Sangkap: 6 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (skinless) 6 pcs. Sliced Sweet Ham 6 pcs. Cheese logs (about 2 inches long) 1 pcs. Lemon or 8 pcs. Calamansi 1 pc. Eg...

CREAMY BACON MUSHROOM & PENNE PASTA

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko para sa aking mga officemates kahapon ng ako ay nahilingan na magpakain.   In white sauce ang ginawa ko dito dahil favorite ng aking boss ang carbonara.   Alam kong magugustuhan niya ito at yun nga ang nangyari.   Hehehehe. Madali lang gawin at lutuin ang pasta dish na ito.   Pwedeng-pwede din nating i-consider ito para sa ating Noche Buena.  Kaunti lang ang mga sangkap pero napakasarap ng lasa.   For sure magugustuhan ito ng mga bagets. CREAMY BACON MUSHROOM & PENNE PASTA Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according to package direction) 300 grams Bacon (cut into small pieces) 1 big can Sliced Mushroom 2 tetra brick All Purpose Cream 2 cups grated Cheese 1/2 cup Melted Butter 1 tsp. Dried Basil 1 head Minced Garlic 1 large White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang penne pasta according to package direction. ...

CREAMY ALIGUE PASTA

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakarang kaarawan ng kapitbahay kong si Ate Joy.   Malayo pa ang kanyang kaarawan, iniisip ko na kung ano ngang pasta o noodle dish ang pwede kong lutuin para sa kanya.   At naisip ko nga itong Aligue Pasta.   Medyo may katagalan na din nung last time na nagluto ako kaya ito agad ang naisip ko gawin bukod pa sa masarap talaga ito at sa mga espesyal na okasyon ko lang inihahanda. Ofcourse nilagyan ko pa din ng twist ang version kong ito para mas lalo pa itong mapasarap.   Ang twist?   Nilagyan ko ito ng all purpose cream para mas maging creramy at malasa ang sauce at nilagyan ko din ng crab sticks para dagdag flavor din. Masarap po ito.   Pwede nyo ding i-consider para sa inyong Noche Buena. CREAMY ALIGUE PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti or Linguine Pasta (cooked according to package direction) 4 cups Aligue o taba ng Talangka (available po ito in bottled jar sa mga superma...

LINGUINE PASTA with CREAMY BASIL and HAM SAUCE

Image
Naubos yung pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan kaya naman nagluto pa ako ng panibago para naman sa aking pamilya.   At ito ngang Linguine Pasta with Creamy Basil and Ham Sauce ang aking niluto. Nung una gusto sana ng asawa kong si Jolly na sa labas na lang kami kumain, pero ipinilit ko na sa bahay na lang at magluluto ako ng espesyal na dinner. As always nagustuhan ng mga anak ko ang pasta dish na ito.   Bakit naman hindi e andaming sahog na ham at bacon akong inilagay.    Hehehehe LINGUINE PASTA with CREAMY BASIL and HAM SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Linguine Pasta (cooked according to package direction) 250 grams Bacon (cut into small pieces) 250 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 1 tsp. Dried Basil 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 cup Melted Butter 1 small can Alaska Evap 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) 1 cup grated Cheese Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   L...

LINGUINE PASTA with CREAMY PESTO and BACON SAUCE

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Linguine Pasta with Creamy Pesto and Bacon Sauce.  Pinasarap ito gamit ang Alaska Crema (ayan free advertisement ha..hehehe) In this pasta dish, pwede din gumamit ng kahit aling klase ng pasta.   Ang maganda sa pasta dish na ito, mura lang ang magagastos pero hindi tipid sa lasa.   Nakakatuwa ng dahil nagustuhan ito ng aking mga naging bisita.   Try nyo din po. LINGUINE PASTA with CREAMY PESTO and BACON SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Linguine Pasta (cooked according to package directions) 500 grams Bacon (cut into small pieces) 5 cloved Minced Garlic 1 large Red Onion (chopped) 2 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste For the pesto sauce: 100 grams Fresh Basil Leaves 100 grams Cashiew Nuts 1 cup Olive Oil 2 heads Garlic 1 cup Grated Cheese 2 tetra brick Alaska Crema 1 tsp. Whole Pepper Corn Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang linguine pasta ac...

PORK CORDON BLEU with CREAMY GRAVY

Image
Ito ang isa pang dish na natutunan ko sa cooking class na aking ina-attend-an at inihanda ko din sa nakaraan kong kaarawan.   Pork Cordon Bleu with Creamy Gravy. Pangkaraniwang Cordon Bleu na nakakain natin at nakikita yung manok ang ginamit o Chicken Cordon Bleu.   Mas madali kasing maluto ang laman ng manok kaysa sa baboy. Dun ako nagdadalawang isip kung pork nga ang gagamitin ko.   Baka kasi kako mahilaw ang loob na part ng karne.   Kaya ang ginawa ko, pinitpit ko muna ang karne gamit ang kitchen mallet  para numipis at ma-tenderized na din.   Also, sa katamtamang lakas ng apoy ko ito ipinirito para kako tiyak na maluto hangang loob. At okay naman ang kinalabasan.   Masarap at nagustuhan ng aking mga kaibigan. PORK CORDON BLEU with CREAMY GRAVY Mga Sangkap: 2 kilos Pork Kasim o Pigue (yung batang karne ng baboy ang gamitin at pa-hiwa sa butcher ng manipis) 250 grams Sweet or Smokey Ham Cheese (cut into l...

PORK & VEGETABLE LASAGNA

Image
Kapag nagbe-birthday ang aking mga anak, tinatanong ko sila kung ano ang gusto nilang iluto para sa kanilang handa.   Kagaya nitong nakaraang birthday ng anak kong si James.   Lasagna ang gusto niyang lutuin ko kaya pinagbigyan ko naman. Sa tatlo kong anak, ang anak ko si James ang pahirapan talagang pakainin ng gulay.   Ewan ko ba kung bakit?   Samantalang lumaki naman silang pare-pareho ang kinakain.   Kaya ang ginawa ko sa hiling niyang Lasagna, nilagyan ko ng mixed vegetables.   hehehehe.   Ayos din naman at nagustuhan niya.  PORK & VEGETABLE LASAGNA Mga Sangkap: 500 grams Lasagna Pasta (cooked according to package directions) 750 grams Ground Lean Pork 300 grams MIxed Vegetables (carrots, green peas, corn) 1 big can Sliced Mushroom 4 cups 3 Cheese Pasta Sauce (Clara Ole) 1 tsp. Dried Basil 3 tbsp. OLive Oil 1 cup Grated Cheese 1 head Minced Garlic 1 large Onion (chopped) Salt and pepp...

BACON and PESTO PASTA

Image
Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Bacon and Pesto Pasta. Pag narinig natin yung word na pesto, parang ang sosyal sosyal ng dating at parang napaka-kumplikado din lutuin.   But actually, madali lang ito at mura lang ang magagastos.   Kakaiba at tiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong mga bisista ang pasta dish na ito. BACON and PESTO PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 500 grams Smokey Bacon (sliced) 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 3 tbsp. Olive Oil 2 cups Grated Cheese Salt and pepper to taste For the pesto: 100 grams Fresh Basil Leaves 1 cup Olive Oil 100 grams Cashew or Pili Nuts 2 heads Garlic 1 tbsp. Whole Pepper Corn 1 tetra brick All Purpose Cream Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.   Huwag i-overcooked. 2.   Gamit ang blender, ilagay ang lahat na sangkap para sa pe...

CHICKEN CORDON BLEU with WHITE GARLIC SAUCE

Image
Last Saturday February 15, ay kinumpilan (confirmation) ang pangalawa kong anak na si James.   Hindi na sumama sa simbahan ang dalawang ko pang anak na sina Jake at Anton kaya pagkatapos ng kumpil ay balik bahal na lang kami para doon mananghalian. At ito ngang Chicken corson Bleu na ito ang aking niluto.   Kahit mabilisan ang pagluto, hindi matatawaran ang sarap ng isa pang version kong ito ng Chicken Cordon Bleu. Another version kasi bukod sa ham at cheese na ipinalalaman sa chicken breast, nilagyan ko din ito ng red bell pepper at smokey longanisa.   Actually impromtu ang nangyari.   May nakita kais akong tira-tirang longanisa sa aming fridge at naisip kong ilahok na din ito dahil dun sa smokey flavor na toyak kakong magpapalasa pa sa dish.   At yun na nga, isang masarap na putahe na tiyak kong magugustuhan ng lahat. CHICKEN CORDON BLEU with WHITE GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 10 pcs. Whole Chicken Breast Fillet 10 pcs. Swee...

BEEF LASAGNA OVERLOAD

Image
Ito yung pasta dish na inihanda ko at share ng aming pamilya sa nakaraan naming Noche Buena.   Beef Lasagna overload. Gusto kasi ng asawa kong si Jolly na masasarap lahat at kumpleto ang sangkap ng mga food na ihahanda namin para sa Noche Buena.   Kaya naman itinodo ko na ang isang ito para sa Beef lasagna na ito.   Bukod kasi sa giniling na baka, nilagyan ko din ito ng bacon, ham, mushroom, maraming cheese at fresh and dried na basil.   At tunay naman, overload sa sarap talaga ang pasta dish na ito.   Yummy!!!! BEEF LASAGNA OVERLOAD Mga Sangkap: 500 grams Lasagna Pasta (cook according to package directions) 1/2 kilo Lean Ground Beef 300 grams Sweet Ham (cut into desired size) 300 grams Bacon (cut into desired size) 2 cups Button Mushroom (sliced) 1 tbsp. Dried Basil 1 cup Fresh Basil leaves (chopped) 1 cup Tomato Paste 4 cups Pasta Sauce 1 cup Grated Cheese 1 head Minced Garlic 2 pcs. Medium size Onion (chopped) 3 ...

CHEESY BACON and BABY POTATOES

Image
Uunahan ko na kayo, re-post lang ang dish nating ito for today.   Naisip ko lang i-post ulit ito in-time para sa mga nag-iisip ng panghanda sa kanila Noche Buena. Naalala ko lang ang dish na ito kasi tinatanong ng bunso kong anak na si Anton kung magluluto ako nito.   Sabi ko hindi, komo in the last 2 or 3 years ata ay included ito sa aming Noche Buena menu.   So for this year pahinga muna siya.   Hehehehe Masarap ang dish o appetizer na ito.   Baka nga dito pa lang ay mabusog na kayo at hindi na kayo makakain ng iba pang putahe.   Hehehehe.   Talaga kasing pang-espesyal na okasyon ang dish na ito.   I-try nyo din po. CHEESY BACON and BABY POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 2 cups or 1 jar Cheese Wiz 1 tetra brick All Purpose Cream 1 small can Alaska Evap (red label) 1/2 kilo Bacon (cut into 1/2 inch long) 1 head minced Garlic 1/2 cup Melted Butter Salt and pepper...

PASTA CARBONARA : My Other Version

Image
The day before my birthday (September 11), dinala sa aming tahanan ang mga imahe ni Mama Mary at ng Holy Family.   Nag-stay ito sa bahay ng isang linggo at sa huling araw ay nagpakain ako ng kahit papaano sa mga magdadasal. Simpleng snacks lang ang aking inihanda.   Ito ngang pasta carbonara at simpleng butter cheese sandwich.   Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang munti kong nakayanan. Ilang beses na din akong nakapagluto nitong pasta carbonara.   Pero sa pagkakataong ito, ginaya ko yung napanood ko sa Youtube, kung saan nilagyan pa ng itlog ang pinaka-sauce nitong pasta dish na ito.  Kung titingnan natin closely yung pict ng dish na ito sa itaas, mapapansin nyo yung tiny bitsna naka-kapit sa pasta noodles.   I think yun yung effect nung pagsama ko ng binating itlog sa sauce.   At mas sumarap siya ha.   Try nyo din po. PASTA CARBONARA : My Other Version Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 500...

NO BAKE MEATY LASAGNA

Image
Ito ang dish na hiniling ng anak kong si James nitong nakaraan niyang kaarawan.   No Bake Meaty Lasagna.   Yes.   All meat ang sangkap ng lasagna na ito.   Hindi kasi kumakain ng gulay ang isa kong anak na ito.  Pag kumain nga ng pancit guisado ito, makikita mo sa gilid ng plato ang mga gulay.   Haayyy. No bake ang lasagna kong ito komo wala kaming oven na pwedeng paglutuan.  Ok din lang naman, dahil halos pareho lang ang finished product.   Dapat lang ay well done ang pagkaluto nung pasta sheets na gagamitin.   Also, NO BAKE MEATY LASAGNA Mga Sangkap: 500 grams Lasagna pasta sheets 500 grams Ground Lean Beef 250 grams Bacon (chopped) 250 grams Ham (chopped) 2 pcs. large Red Onion (chopped) 1 head minced Garlic 3 cups Clara Ole 3 Cheese Pasta Sauce 3 tbsp. Olive Oil 1 tsp. ground Black Pepper Salt to taste For the White Sauce: 1 big can Alaska Evap (red label) 1/2 cup Butter 1/2 cup Fl...

PANCIT PUTI

Image
Ito ang isa sa mga pagkaing inihanda ko para sa birthday ng aking anak na si James.   Ang Pancit Puti.  Syempre hindi mawawala ang noodles basta may birthday.   HIndi ko alam kung bakit pancit puti ag tawag dito, pero sa tingin ko dalawang bagay lang ang ginawa dito para maiba sa karaniwang alam natin na pancit guisado.  Una, wala itong sangkap na toyo at pangalawa, nilagyan ito ng maraming toasted na bawang.   Sa office kapag may birthday ito ang ino-order nila kaya ko natutunan itong pancit puti na ito.   Try nyo din po. PANCIT PUTI Mga Sangkap: 1/2 kilo Rice Noodles o Bihon 300 grams Chicken Liver (cut into small pieces) 300 grams Chicken Breast Fillet (cut into strips) 1 pc. large Carrot (cut itno strips) 1/2 Repolyo (chopped) 1/2 cup Kinchay (choppep) 1 pc. Chicken Cubes 2 heads minced Garlic 1 large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang ...

SPAGHETTI with HUNGARIAN SAUSAGES (Hungarian Spaghetti)

Image
Ito yung pasta dish na niluto ko para sa 11th birthday ng aking anak na si Anton.   HIndi ko alam kung may hungarian spaghetti talaga...hehehehe, tinawag ko lang ito na ganito komo nilahukan ko ito ng hungarian sausages.   Bukod sa hungarian sausages, nilagyan ko din ito ng giniling na baboy at chunky tomato sauce with three cheese.   Pasensya na pala sa pict at medyo madilim.   4am ko naluto yan komo kailangan na maka-prepare ako bago mag-4:30am.   Maaga kasi ang pasok sa school ng tatlo kong anak.   Napagpasyahan namin na sa breakfast na lang ipagluto ng noodles ang may birthday kaya ayun napaaga talaga gami ng gising.   hehehehe.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ng may birthday ang aming inihanda kaht simple lang.  hehehe SPAGHETTI with HUNGARIAN SAUSAGES (Hungarian Spaghetti) Mga Sangkap: 800 grams Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 5 pcs. HUngarian Sausages (sliced) 400 grams  Ground Pork 4 cups D...