CHEESY BACON and BABY POTATOES


Uunahan ko na kayo, re-post lang ang dish nating ito for today.   Naisip ko lang i-post ulit ito in-time para sa mga nag-iisip ng panghanda sa kanila Noche Buena.

Naalala ko lang ang dish na ito kasi tinatanong ng bunso kong anak na si Anton kung magluluto ako nito.   Sabi ko hindi, komo in the last 2 or 3 years ata ay included ito sa aming Noche Buena menu.   So for this year pahinga muna siya.   Hehehehe

Masarap ang dish o appetizer na ito.   Baka nga dito pa lang ay mabusog na kayo at hindi na kayo makakain ng iba pang putahe.   Hehehehe.   Talaga kasing pang-espesyal na okasyon ang dish na ito.   I-try nyo din po.



CHEESY BACON and BABY POTATOES

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (cut into half)
2 cups or 1 jar Cheese Wiz
1 tetra brick All Purpose Cream
1 small can Alaska Evap (red label)
1/2 kilo Bacon (cut into 1/2 inch long)
1 head minced Garlic
1/2 cup Melted Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang patatas.   Mainam na ibabad ito sa tubig ng ilang oras at saka kuskusin ang bawat isa nito para mawala ang lupa o putik na naka-kapit.
2.   Hiwain ito into half at ilagay sa isang kaserola na may tubig at kaunting asin.
3.   Pakuluan ito hanggang sa maluto ang patatas.
4.   Sa isang sauce pan o heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang sa butter.
5.   Isunod na agad hiniwang bacon at hayaan ng mga ilang minuto hanggang sa medyo matusta ang bacon.     Kumuha ng 1 cup ng bacon para pang-toppings.
6.   Ilagay na din ang evaporated milk, cream at cheese wiz.  Halu-haluin.
7.   Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
8.   Kapag kumulo na ilagay nag ang nilutong baby potatoes.   Halu-haluin ng dahan-dahan hanggang sa ma-coat ng saue ang lahat ng patatas.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang bacon na naunang kinuha.

Ihain habang medyo mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy