Posts

Showing posts with the label breakfast

FRIED RICE MEAT OVERLOAD

Image
Last last Sunday, nagkaroon ng Family Day ang pangalawa kong anak na si James sa Don Bosco Mandaluyong.   Bale ang nangyari, nag-toka ang mga parents officer ng mga pagkain na dadalihin ng bawat estudyante.  Buti na lang at medyo madali-dali ang na-toka sa aking anak.   Rice o kaya naman ay Fried Rice.  Yang Chow Fried Rice ang naka-specify pero ang ginawa ko ay all meat or meat overload na fried rice. Nakakatuwa naman kasi nung pinapanood ko yung mga nagkukuhanan ng pagkain, marami ang kumuha nung niluto ko.   Sabagay, sino ba naman ang hindi matatakaw sa fried rice ko?   Ito pa lang ay kumpleto na.   Hehehehe. FRIED RICE MEAT OVERLOAD Mga Sangkap: 10 cups Cooked Rice (jasmine or yung long grain ang gamitin) 250 grams Ground Pork 250 Grams Sweet Ham (cut into small pieces) 250 grams Bacon (cut into small pieces) 4 pcs. Chinese Chorizo (cut into small cubes) 2 cups Mix Vegetables (corn, carrots, peas) 4 pcs. Fr...

ROTINI PASTA in ITALIAN SPAGHETTI SAUCE

Image
My family loves pasta.   Kahit ano pa ang kulay ng sauce na ilagay dito ay panalo pa din sa aming lahat.   Kaya naman nung bigyan kami ng iba't-ibang klase na pasta ng aking kapatid na si Ate Mary Ann (padala ng kanyang anak na si Ichan), natuwa ako at may mailuluto na naman akong kakaiba para sa aking pamilya. Nagpa-package kasi ang aking pamangkin na si Ichan na nasa Abu Dhabi.   At marami nga sa laman nito ay mga pasta at kung ano-ano pa.   Tatlong klaseng pasta ang ibinigay sa akin.   Ito ngang Rotini o twisted pasta,  shell pasta at elbow macaroni pasta. In this pasta dish, Italian spaghetti sauce ang aking ginamit.   Luncheon meat naman ang aking isinahog at dinagdagan ko ng maraming grated cheese.   And as expected, nagustuhan ng aking mga anak ang pasta dish na ito. ROTINI PASTA in ITALIAN SPAGHETTI SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Rotini Pasta (Twisted) 1 can Maling Luncheon Meat or Spam (Cut i...

PANCIT LOMI GUISADO

Image
Nitong huling pagbisita namin sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang mahal na araw, hindi maaring hindi ako maka-kain ng paborito kong loming Batangas.   Ewan ko ba, solve na solve ako sa kanilang lomi.   Kaya naman ng magawi kami ng palengke bago kami bumalik ng Manila, naisipan kong bumili nitong lomi noodles. Actually, hindi ko pa alam noon kung yung may sabaw ang gagawin kong luto dito o yung guisado o parang pancit.   Pancit guisado nauwi ang naging luto sa noodles.   Pork at gulay ang isinahog at nilagyan din ng kaunting sesame oil para madagdag ng flavor sa noodles. PANCIT LOMI GUISADO Mga Sangkap: 1 kilo Lomi Noodles (Egg noodles) 1/2 kilo Pork Belly 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 100 grams Baguio Beans (sliced) 1 pc. Carrot (cut into strips) Pechay Baguio or Repolyo (sliced) 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste ...

CREAMY MACARONI PASTA with VIGAN LONGANISA

Image
Nitong huling bakasyon ng asawa kong si Jolly sa Vigan, Ilocos Sur, nagbilin ako sa kanyan na mag-uwi ng Vigan Longanisa at Bagnet.   Although, hindi pa ako nakaka-kain ng longganisang ito, marami akong nababasa na masarap daw ito.   At nag-uwi nga ang aking asawa ng 1-1/2 kilos nitong Vigan Longanisa. Hindi masyadong nagustuhan ng aking mga anak ang longanisang ito.   Medyo maasim at maalat kasi ito kumpara sa nakasanayan nilang longanisa.   Kaya nang mabasa ko itongh isang recipe ng pasta kung saan isinahog nila itong vigan longanisa sa pasta at nilagyan nila ng cream.   Nakakagulat dahil masarap nga ang kinalabasan ng aking creamy macaroni pasta with Vigan Longanisa.   Try nyo din po. CREAMY MACARONI PASTA with VIGAN LONGANISA  Mga Sangkap: 500 grams Macaroni Pasta (cooked according to package directions) 300 grams Vigan Longanisa (remove meat from the casing) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 small can Eva...

WIRED HOTDOG SPAGHETTI

Image
May nabasa ako na sa pagkain daw ang unang kumakain talaga ay ang ating mga mata.  Kung baga kung sa tingin natin ay masarap ang pagkain nakahain sa ating harapan, yun ang nagdidikta na kainin natin ito. Kaya importante din na maganda ang itsura ng mga pagkaing atin inihahain sa ating mga mahal sa buhay.   Ofcourse hindi naman yung gagastos pa tayo ng extra para mapaganda lang natin ang ating niluluto.  Kung sa mga espesyal na okasyon siguro ay okay lang. Kagaya na lang nitong spaghetti na niluto ko nitong nakaraang Sabado.   May nabasa at nakita kasi ako sa net na yung hilaw na spaghetti pasta ay ipinantuhog sa hotdogs at nung naluto ay para itong kable ng kuryente.   Kakaiba ito sa mata ng kakain at natitiyak kong ikakahanga nila.   Try nyo din po. WIRED HOTDOG SPAGHETTI Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti Pasta 500 grams Jumbo Hotdogs (cut into 1/2 inch thick) 6 cup 3 Cheese Spaghetti Sauce 1 head MInced Garlic 2 pcs. ...

SMOKED FISH & SALTED EGG GUISADO

Image
The last time na nagluto ako n dish na ito ay nung February 2012 pa.   Nagaya ko lang ito nang minsang mag-breakfast kami sa UCC Coffee sa may Tomas Morato.   Nagustuhan ko ito at naisipan kong i-replicate nga sa bahay.   And that was 3 years ago at naisipan kong gawin ulit para maiba naman ang aming almusal.   Ang sarap talaga.   Naghahalo kasi yung flavor ng lahat ng mga sangkap.   At madali lang lutuin ha.   try nyo din po. SMOKED FISH & SALTED EGG GUISADO Mga Sangkap: 8 pcs. Tinapang Gigi (himayin at alisin ang maliliit na tinik) 5 pcs. Salted Egg o Itlog na Pula (cut into small cubes) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (chopped) 5 pcs. Tomatoes (chopped) 2 tbsp. Olive oil 1 tbsp. Liquid Seasoning Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil. 2. Sunod na ilagay ang hinimay na tinapa. Timplahan ng konting a...

ROASTED TURKEY SANDWICH

Image
Nai-post ko na yung Roasted Turkey na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena namin sa San Jose Batangas.   Sabi nga ng bunso kong anak, ang laking chicken naman daw nun.   Hehehehe. Masarap ang kinalabasan ng aking first attempt na magluto ng roasted turkey.   Malinamnam talaga at malasa ang laman.   At hindi ko akalain na sa laki ng turkey na yun ay malmbot na malambot ang laman nito. Hindi namin naubos ang buong roasted turkey dahil sa laki.   Kaya naman nang pauwi pabalik na kami ng Manila ay dinala ko na lang ito.   Naisip ko kasi na masarap gawing palaman ito sa tinapay katulad ng mga nababasa ko sa net. At ito na nga ang nangyari.  Isang masarap na sandwich mula sa left over turkey. ROASTED TURKEY SANDWICH Mga Sangkap: Leftover Roasted Turkey (himayin o hiwain ng maliliit) Small White Onion (chopped) 2 cups Ladies Choice Mayonaise Sugar, Salt and pepper to taste Lettuce Sliced Tomatoes Cheese Lo...

LONGA-PENNE PASTA

Image
Na-try nyo na bang gumamit ng longanisa sa inyong pasta dishes?   Actually, nabasa ko din lang ito sa isa pang food blog na madalas kong bisitahin.   Ang Casa Veneracion. Yung klase ng longanisa ang magdadala sa kabuuan ng pasta dish na ito.   Dapat yung hindi pa steamed o luto yung longanisa na gagamitin.   Ang kakawin lang ay aalisin ito sa casing at medyo ipe-press para hindi magbuo-buo habang niluluto. Masarap ang pasta dish na ito.  Pwedeng-pwede din na ihanda natin sa ating nalalapit na Noche Buena. LONGA-PENNE PASTA Mga Sangkap: 1/2 kilo Penne Pasta (cooked according to package directions) 400 grams native Longanisa (alisin sa casing yung laman) 560g pack Del Monte  Spaghetti Sauce (sweet style) 1 tsp. Dried Basil 2 cups grated Cheese 3 tbsp. Olive Oil 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 1 head minced Garlic 1 large Onion (chopped) Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang penne pasta acc...

CHEESEY TORTANG LUNCHEON MEAT

Image
Nabanggit ko sa hotdog dish na post ko na nagiging boring na sa ating mga anak ang mga pang-ulam na inihahanda natin sa ating mga anak.   Kaya naisipan kong gawan ito ng twist para maiba naman at hindi maging boring sa paningin ng mga kakain. Ganun din ang ginawa ko sa luncheon meat na ito.   Sa halip na i-prito ko lang, ginawa ko itong torta.   Sinamahan ko din ng grated cheese para mas lalong maging katakam-takam.   Ang mainam pa nito pwede din itong ipalaman sa tinapay.   Tiyak ko na magugustuhan din ito ng inyong mga anak gaya ng pagkagusto ng mga anak ko.   Try po ninyo. CHEESEY TORTANG LUNCHEON MEAT Mga Sangkap: 1 can (350 grams) Maling Luncheon Meat (cut into small cubes) 4 pcs. Fresh Eggs (beaten) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 1 large White Onion (sliced) 5 cloves MInced Garlic 1 cup grated Cheese Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali, igisa ang b...

HOTDOGS with PINEAPPLE CATSUP SAUCE

Image
Ang almusal ang pinakamahirap para sa aking i-prepare.   I-prepare yung mag-iisip ka kung ano ang ihahanda.   Yung pagluluto ofcourse madali lang yun.   Ang hirap kasing mag-isip ng putahe na pang-almusal.   Minsan nga nagluto ako ng sisig sa breakfast, nagtanong pa ang mga anak ko kung yun daw ba ang ulam namin.  Hehehehe. Also, napapansin ko na nagsasawa na din ang mga anak ko sa mga pang-almusal naming ulam.   Papaano ba naman, umiikot lang ito sa corned beef, hotdogs, canned tuna, tinapa, itlog, tuyo, etc. Kaya naisipan ko na lagyan ng twist ang mga ito para din naman maging boring sa paningin ng aking mga anak.   Kagaya nitong hotdog na ito,  ginaya ko yung nasa commercial ng UFC catsup kung saan nag-gisa ng sibuyas..inihalo ang hotdog at nilagyan ng banana catsup.   Bago sa paningin ng bata di ba.   At para mas sumarap pa ito, nilagyan ko ng pineapple tidbits na natira naman nung naglu...

CHEESY BACON and EGG SCRAMBLED

Image
Yes marunong akong magluto pero sa totoo lang hirap na hirap ako mag-isip basta pang-ulam sa almusal ang gagawin.   Medyo nakakasawa na din kasi yung pangkaraniwan na kinakain natin sa almusal.   Minsan sinubukan kong cereals naman pero ayaw ng mga anak ko at madali daw silang ginugutom.   Sabagay, iba naman talaga kapag kanin ang ating kinain sa almusal. Hindi ko matandaan kung nakapag-post na ako nitong Cheesy Bacon and Egg Scrambled na ito na almusal namin nitong nakaraang araw lang.   Pero super yummy ang dish na ito.   Pwedeng i-ulam sa kanin o sinangag at pwedeng-pwede din sa tinapay.   Try nyo din po. CHEESY BACON and EGG SCRAMBLED Mga Sangkap: 300 grams Smokey Bacon (cut into abount 1/2 inch long) 5 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 cup grated Cheese 2 pcs. Tomatoes (sliced) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. medium size Onion (sliced) 1/2 cup melted Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. ...

PANDESAL PIZZA

Image
Lagi kong sinasabi na ang pag-aaksaya ng pagkain sa aming bahay ay isang malaking NO.   Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon dapat ang mga natitira nating pagkain ay magawan pa natin ng paraan para mapakinabangan. Kagaya nitong pandesal pizza na ito, nagawa ko ito dahil sa mga tira-tira.   May ilang piraso pang pandesal na 2 days old na at yung spaghetti sauce na natira naman sa birthday ng asawa kong si Jolly.   Nilagyan ko na lang ng grated cheese at presto isang masarap na pandesal pizza ang kinalabasan. PANDESAL PIZZA Mga Sangkap: 10 pcs. Pandesal (cut into half) Spaghetti Sauce Grated Cheese Dried Basil Freshly ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain sa dalawa ang bawat piraso ng pandesal. 2.   Lagyan ng nais na dami ng spaghetti sauce at saka lagyan ng grated cheese sa ibabaw. 3.   Budburan ng kaunting dried basil at pamintang durog ang bawat piraso ng pandesal pizza. 4.   L...

TORTANG LUNCHEON MEAT

Image
Sa mga pagkaing ating niluluto para sa ating mga pamilya, itong pang-almusal ang hirap na hirap ako.   Nakakasawa na din kasi ang pangkaraniwan nating naihahanda kagaya ng longanisa, tocino, tuyo, hotdogs, ham at iba pa.  Isama mo na din ang mga de lata na pagkain kagaya ng sardinas at mga sausages. Pero para siguro hindi maging boring ang mga pang-ulam sa almusal na ito, mainam na lagyan natin ng twist o ibahin natin ang pagkaluto. Halimbawa ay itong de latang luncheon meat na ito.  Palagi na lang na prito tapos isasawaw sa catsup ang drama nito.   Pero bakit hindi natin ito gawing torta o omellet?   Sa iba fritters ang tawag dito.  Bukod sa iba ito sa paningin ng mga kakain, mas masarap ito at mas marami din ang makaka-kain.   Try nyo din po. TORTANG LUNCHEON MEAT Mga Sangkap: 1 can Maling Luncheon Meat (cut into cubes) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 1 large White Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 4 pcs. Fresh Eggs (...

ANELLI RIGATI and SAUSAGE PASTA

Image
A week ago, binisita kami sa bahay ng ate ng asawa kong si Jolly na si Ate Pina.   Bukod sa kapeng barako na dala niya, may dala din siyang pasta na padala daw ng anak niyang si Marissa na nasa France.   Hindi naman daw siya madalas magluto nito kaya dinala na lang niya at inigay sa amin. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng pasta.   Para siyang macaroni na malalaki at halos kasya na sa daliri mo ang laki ng butas. Nang tingnan ko sa net kung anong klaseng pasta ito, ang tawag pala dito ay Anelli Rigati.  Anelli na salitang Italyano na ang ibig sabihin ay ring. Simple pasta dish din lang ang ginawa ko dito.   Hinaluan ko lang ito ng Cheese na hotdog at ang sauce na ginamit ko ay yung Cheese and Hotdog Spaghetti Sauce.   At para magkaroon ng mas masarap pa na lasa, nilagyan ko din ito ng dried basil. Masarap siya.   Yun lang, isa-isa lang na piraso ng pasta ang dapat mong isubo dahil sa la...

PENNE PASTA ala CUBANO

Image
Actually nagaya ko lang ang pasta dish na ito sa isa pang binibisita ko na food blog.   Matagal ko na siyang gustong i-try pero nitong nakaraang weekend ko lang nasubukan. Ala Cubano kasi ganito ata magluto ang mga taga-Cuba ng pasta nila.   Yun bang niluluto lahat sa isang lalagyan lang.   Not like kung magluto tayo ng pasta, inilalaga muna natin ang pasta, ide-drain tapos ay ihahalo ang sauce.   Dito, kasamang niluluto ang pasta sa ginisang mga sangkap.   Para din lang paella, yung kanin at ulam ay sama-sama na sa isang lutuan. PENNE PASTA ala CUBANO Mga Sangkap: 500 grams Penne orPasta 300 grams Ground Beef 4 cups Beef Stock (or 2 pcs. Beef Cubes) 2 cups Tomato Sauce 3 pcs. Tomatoes (sliced) 1 large Onion (chopped) 1 head Minced Garlic 1/2 tsp. Dried Basil Leaves 1/2 tsp. Dried Oregano 2 cups Grated Cheese Salt and pepper to taste 3 tbsp. Olive Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na ka...

CRISPY TOKWA'T BABOY

Image
Pangkaraniwang tokwa't baboy na alam natin ay yung iniuulam natin sa mainit na lugaw o congee.   Actually, itong recipe natin for today ay halos pareho lang nun.   Ang pagkakaiba lang ay ang pagkaluto sa baboy.   In this recipe, minarinade muna siya, nilagyan ng breadings at saka pinirito hanggang sa maluto at maging crispy.   Pwede din naman itong ipang-ulam sa lugaw pero masarap na masarap din ito na pang-ulam mismo sa kanin.   Nagustuhan nga ito ng aking mga anak. CRISPY TOKWA'T BABOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Liempo 5 pcs. Tokwa 1 tsp. Garlic Powder 1 cup Flour or Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying 1 cup Cane Vinegar 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Salt 1 tbsp. Sugar 1 pc. White Onion (sliced) Ground Black Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain ang pork liempo ng mga 3 inches ang haba. 2.   Timplahan ito ng asin, paminta, maggie magic s...

CHOCO CHOCO CHAMPORADO

Image
Tuwing Sabado at Linggo, sinisikap kong iba naman ang aming almusal kumpara sa araw-araw na kanin at ulam.   Para kasi sa akin espesyal ang mga araw na ito.  Wala kasing pasok ang mag bata at pagkakataon naming magkasabay-sabay kumain. Nitong nakaraang Sabado, nagluto ako ng champorado at pritong tuyo at sapsap.   Pero bakit may choco choco pa ang umpisa ang tawag ko sa champoradong ito?   Nakita ko kasi yung chocolate syrup sa ang fridge at sinubukan kong lagyan pa nito ang champorado sa halip na gatas lamang.   Nakakagulat pero mas lalong sumarap ang paborito na nating champorado at tuyo.   Try nyo din po. CHOCO CHOCO CHAMPORADO Mga Sangkap: 2 cups Malagkit na Bigas 3 pcs. Chocolate na Tablea 2 cups Brown Sugar o depende na lang sa tamis na nais nyo Evaporated Milk Chocolate Syrup Pritong Tuyo o Sapsap Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang tablea.   Halu-haluin...

PORK-APPLE BURGER with COLE SLAW

Image
Saturday at Sunday ang mga paborito kong araw sa buong linggo.  Wala kasing pasok ang aking mga anak at may oras kami para mag-bonding.   Kaya naman, hanggat maaari ay espesyal ang pagkaing aking inihahanda para sa kanila mula almusal hanggang hapunan. Kagaya nitong nakaraang Linggo, gumawa ako ng hamburger para sa aming almusal.   Gusto din kasi ng asawa kong si Jolly na light lang daw ang breakfast komo maaga kami nagla-lunch pagkatapos naming mag-simba.   At eto nga, pork burger na may cole slaw ang aking niluto para sa kanila.   Masarap ha.   Kakaiba kumpara sa mga commercial burger na nakakain natin sa mga sikat na fastfood store.   Why?   Nilagyan ko kasi ng ginadgad na mansanas.   So naging mas juicy at medyo fruity ang lasa.   Masarap talaga. PORK-APPLE BURGER with COLE SLAW Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Lean Pork 1 medium size Fuji apple (grated) 1 medium size White Onion (...

FRENCH TOAST ala Dennis

Image
Pangkaraniwang almusal namin sa bahay katulad ng nakakaraming pinoy ang kanin at ulam.   Mas mainam na ito para mas mabigat sa tiyan at may panlaban tayo sa lahat ng gawain sa buong mag-hapon.   Pero may pagkakataon na nakakasawa na din yung pare-parehong ulam sa umaga kaya naman minsan nagluluto din ako ng sopas o kaya naman ay mga noodle dish. Nitong nakaraang araw naisipan kong gumawa o magluto naman ng French toast.   Basically, ito ay yung tinapay na nilubog sa itlog na may gatas at saka tinoast.   Yung iba, medyo matamis yung timpla na ginagawa nila pero ako, konting asin lang at magic sarap ang aking inilagay dahil ite-terno ko ito sa ginisang corned beef.  Bukod pa dun sinamahan ko din ng hinog na papaya para mas makumpleto ang aming almusal.   Nakakatuwa dahil ubos at humihirit pa ang aking mga anak sa french toast na ito. FRENCH TOAST ala Dennis Mga Sangkap: 1 pack Gardenia Loaf Bread 1 small can Alaska Eva...

CHICKEN TOCINO ala DENNIS

Image
Ang tocino ang isa sa mga paboritong pang-ulam sa almusal nating mga Pilipino.   Lalo na kung sasamahan mo ng mainit na sinangag, pritong itlog at mainit na kape?   Winner ang ating umagahan panigurado.   Pero marami sa atin ang hindi din bumibili ng tocino lalo na yung nabibili sa palengke dahil marami sa mga ito ay yung mga natira nang karne at may mga sangkap pa itong preservatives na hindi okay sa ating katawan. Kaya mainam siguro na tayo na lang ang gumawa ng sarili nating tocino hanggat maaari.   Sigurado pa tayo na malinis ito at walang preservatives o harmful na sangkap.   Try nyo din po. CHICKEN TOCINO ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet (hiwain pa ng manipis) 1-1/2 cup Pineapple Juice (sweetened) 2 tbsp. Tomato Sauce 1 head minced Garlic 4 tbsp. Brown Sugar 2 tbsp. Soy Sauce Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng paggawa: 1.  Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng mga...