PORK-APPLE BURGER with COLE SLAW

Saturday at Sunday ang mga paborito kong araw sa buong linggo.  Wala kasing pasok ang aking mga anak at may oras kami para mag-bonding.   Kaya naman, hanggat maaari ay espesyal ang pagkaing aking inihahanda para sa kanila mula almusal hanggang hapunan.

Kagaya nitong nakaraang Linggo, gumawa ako ng hamburger para sa aming almusal.   Gusto din kasi ng asawa kong si Jolly na light lang daw ang breakfast komo maaga kami nagla-lunch pagkatapos naming mag-simba.   At eto nga, pork burger na may cole slaw ang aking niluto para sa kanila.   Masarap ha.   Kakaiba kumpara sa mga commercial burger na nakakain natin sa mga sikat na fastfood store.   Why?   Nilagyan ko kasi ng ginadgad na mansanas.   So naging mas juicy at medyo fruity ang lasa.   Masarap talaga.


PORK-APPLE BURGER with COLE SLAW

Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Lean Pork
1 medium size Fuji apple (grated)
1 medium size White Onion (finely chopped)
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1 cup Breadcrumbs
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
Salt and pepper to taste
For the Cole Slaw:
1/2 small to medium size Cabbage (shredded)
1 pc. small Carrots (shredded)
2 cups Mayonaise (Lady's Choice)
Salt and pepper to taste
Other toppings:
Cheese
Tomatoes
Burger Bun

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang bowl, pagsama-samahin ang giniling na baboy, grated na mansanas, chopped onion at iba pang sangkap para burger.   Haluing mabuti.
2.   Gumawa ng burger patty ayon sa laki na nais.
3.   I-prito o i-pan grill ito hanggang sa maluto.
4.   For the cole slaw pagsamahin din lang ang mga sangkap.   Tikman at i-adjust ang lasa.
5.  To assemble:   Maglagay ng kaunting catsup sa burger bun.   Ilagay na ang nilutong pork burger, cheese,  tomatoes at cole slaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy