Posts

Showing posts with the label fish

STEAMED LAPU-LAPU

Image
December 31, 2016 habang naghahanda ako para sa mga ihahanda para sa media noche, nagdala ng pagkalaki-laking lapu-lapu ang pamangkin ng aking asawa na si Japok.   Pinapaluto daw ito ng aking bayaw na kanyang tatay para pagsaluhan nga sa media noche. Sa isip ko, dalawang luto ang pwedeng gawin sa isda.  Yung may sweet and sour sauce at yung steam.   Nag-suggest ako ng steam.   Sa isip ko kasi mas madali ang trabaho at hindi masyadong marami ang sangkap na gagamitin. Ang naging problema ko lang dito ay ang steamer na gagamitin.   Sa laki ng lapu-lapu, walang steamer na ganun kalaki para magkasya ito.   Ayoko namang putulin ang isda para magkasya.   Ang ginawa ko na lang pinakuluan ko ito sa kumukulong tubig na tinimplahan ng mga pampalasa.   Ayos din naman. At ito na nga ang kinalabasan ng aking Steamed Lapu-lapu.   Masarap at pang-espesyal na okasyon talaga.   Yum yum yum!!!! STEAMED LAPU-LAPU ...

DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE

Image
Kapag kumakain daw tayo, ang unang kumakain ay ang ating mga mata at pag-iisip.   Kung baga, mas ginaganahan tayong kumain kapag maganda ang itsura nakakatakam ang pagkaing naka-hain sa atin. But ofcourse hindi dapat makalimutan ang lasa ng pagkain na ating ihahain.   Baka naman maganda nga tingnan pero wala namang lasa.   Kaya nga sa mga buffet na kainan tinitingnan ko muna lahat ng nakahain bago ako kumuha.   Balik na lang ulit kung nagustuhan ko ang pagkain. Ganito ang ginawa ko sa simpleng daing na bangus na ito.   Simpleng timpla sa daing na bangus at pagkatapos ay nilagyan ko ng ginisa sa luya na pyster sauce.   At para maging katakam-takam sa mata, nilagyan ko pa ito ng caramelized onion at toasted garlic bits sa ibabaw. Di ba nakakatakam naman talaga?   Try nyo din po. DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus 1/2 cup Oyster Sauce 1 thumb size Ginger (cu...

CHEESY INIHAW na BANGUS with BASIL

Image
Pangkaraniwang ipinapalaman natin sa inihaw na bangus ay ang sibuyas at kamatis.   Sa probinsya nga binabalot pa natin ito sa dahon sa saka iihaw sa baga.   Masarap ito dahil nandun yung smokey taste ng nasunog na dahon ng saging na nagdadagdag ng flavor sa bangus. Marami na din akong version na nagawa sa inihaw na bangus na ito.   At ang isa sa pinaka-sikat nga ay itong Cheesy inihaw na bangus.   Meron pa ngang nag-email sa akin na nasa ibang bansa at naging standard na sa kanilang tahanan na lagyan ng cheese ang kanilang inihaw na bangus.   Nakakatuwa di ba? In this version, bukod sa keso, nilagyan ko din ito ng fresh basil leaves para magkaroon ng kakaibang lasa.  Sa Italy nga daw perfect combination ang basil, tomatoes at cheese kay naisip ko na gawin din ito sa hamak na bangus.   At hindi nga ako nagkamali.   Isang masrap na version ng inihaw na bangus ang naluto ko.    Try nyo din po. ...

FISH FILLET with CHILI-GARLIC-MAYO DIP

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng aking panganay na anak na si Jake.   Fish Fillet with Chili-garlic-mayo dip. Actually, lasty minute choice ko itong dish na ito.   Nung sabihin kasi ng anak ko kung ilan ang ine-expect niyang guest naisip ko na dagdagan pa ang nase menu ko.   At ito na nga yun. Madali lang naman lutuin ang fish fillet.   Tip lang... kung isdang cream dory ang gagamitin nyo, huwag nyo na itong lagyan ng asin or kung lalagyan man, kaunting-jaunti lang.   Maalat na kasi ang laman ng isdang iyo.   I-marinade lang ito sa kaamansi o lemon at kaunting paminta at Magic sarap ay okay na. FISH FILLET with CHILI-GARLIC-MAYO DIP Mga Sangkap: 1 kilo Cream Dory Fillet (hiwain ng pahaba) 1 pc. Lemon 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1/2 tsp. Ground Black Pepper For the batter: 2 pcs. Fresh Eggs 1/2 cup Flour 1/2 Cup Cornstarch Salt and pepper to taste -- Cooking Oil for Frying For ...

HERBS CRUSTED PINK SALMON

Image
Ito ang isa sa mga pagkaing aking inihanda sa aking kaarawan last Monday September 12.   Herb Crusted Pink Salmon. Ito ang aking inihanda komo paborito ito ng aking asawang si Jolly at ang tatlo kong mga anak.   Dati, simpleng salt and pepper lang ang itinitimpla ko dito komo masarapa na ang isdang ito.   But this time, nilagyan ko ito ng 3 klaseng herb para mas lalo pang sumarap.   Nilagyan ko ito ng thyme, basil at parsley.   Ang resulta?   Perfect!  Sinamahan ko pa ng buttered Baguio beans...Panalo!!! HERBS CRUSTED PINK SALMON Mga Sangkap: 1 kilo Pink Salmon Fillet 1 tsp. Dried Parsley 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Dried Thyme 1 tsp. Ground Black Pepper 1 tsp. Salt or to taste Butter for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Paghaluin ang mga herbs, asin at paminta sa isang bowl.   2.   Ibudbod ito sa paligid ng pink salmon fillet.   Hayaan ng ilang sandali o a...

PAN-FRIED PINK SALMON with BARBEQUE SAUCE

Image
Sunday is always a special day for our family.   It's a family day at sa araw na ito lang kami nakaka-kain ng sabay-sabay.   Kaya naman ginagawa ko talagang espesyal ang mga ulam na aking inihahanda. Ni-request ng asawa kong si Jolly na bumili namn daw ako ng isdang salmon.   Kahit na medyo may kamahalan ng isdang ito ay pinagbigyan ko na din ang aking asawa komo paminsan-misan lang naman din akmi nakaka-kain nito. Sa mga masarap na isda kagayan ng pick salmon, hindi na kailangan ng kung ano-ano pang pampalasa.  Salt and pepper lang the i-pan-grill sa non-stick na kawali ay okay na. In this recipe, sinamahan ko na din ng barbeque sauce.   Hindi ko siya isinama sa isda at baka kako ayaw ng ibang kakain na may sauce pa.    Masarap!   Try nyo din po. PAN-FRIED PINK SALMON with BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pink Salmon (fillet) 1/2 cup Salted Butter Salt and pepper to taste For the Sauce:1 cup Barbe...

INIHAW NA BANGUS using ELECTRIC GRILLER

Image
Paborito ko itong Inihaw na Bangus na may palaman na Kamatis at sibuyas.   Yun lang hindi ko maluto ito ng madalas komo nga sa isang condo kami nakatira.   Dati ang ginagawa ko ay sa turbo broiler ko na lang niluluto na pwede naman din talaga, kaso nasira na ang aming turbo broiler. Buti na lang at nakabili kami ng electric griller na naka-sale sa SM Department store.    P1,500 ang actual price niya.   Pero komo sale nga, kapag nakapamili ka ng P3,000 mabibil mo na lang ang griller na ito ng P799.   So nakatipid ka ng P700 sa griller na ito.   At bumili nga kami ng isa. Hanabishi ang tatak ng griller.    At nito ngang nakaraang Linggo ay sinubukan ko itong gamitin at ito ngan Inihaw na Bangus ang aking niluto. Hindi ko alam kung talagang ganito itopng griller na ito.   Namamatay kasi siya after ng ilang minuto at nabubuhay ulit.   Akala ko nga nasira agad ito ng mapansin kong...

TINAPA FRITTERS (Tortang Tinapa)

Image
Ito po yung sinasabi ko sa previous post ko na isa pang dish na niluto ko sa Batangas.   Tinapa Fritters o Tortang Tinapa. Dapat sana ay bola-bola ang gagawin ng helper ng aking byenan pero naki-alam nga ako at ito ang ginawa kong bersyon.   Hehehehe. Masarap siya.   Malasa at tamang-tama sa misua soup na akin ding niluto.   Nakakatuwa nga dahil nagustuhan ng aking biyenan ang aking niluto.   Naka-dalawang balik ng kanin eh.   hehehehehe TINAPA FRITTERS (Tortang Tinapa) Mga Sangkap: Tinapang Bangus o Galunggong Itlog Harina Puting Sibuyas (chopped) Maggie Magic Sarap Asin at paminta Cooking Oil for Frying Note:   Hindi ko na po nilagyan kung gaano karami ang mga sangkap dahil depende na po ito sa dami ng tinapa na hihimayin. Paraan ng pagluluto: 1.   Himayin ang tinapa at tiyakin na wala na itong tinik. 2.   Sa isang bowl batihin ang itlog at ihalo ang harina. 3.   Timplahan ng...

SARCIADONG TILAPIA

Image
Sa mga Katolikong Kristyano kagaya ko, nagsimula ang mga Kwaresma o ang apatnapung araw ng paghahanda sa Pagkabuhay ni Hesus.   At nitong ngang nakaraang Miyerkules sa pamamagitan ng pagpapahid ng abo sa noo nag-simula ito.   Ito ay nagpapa-alala sa atin na tayo ay nagmula sa abo at sa abo din tayo magbabalik. Sa apatnapung araw na yun, hinihikayat tayo ng simbahan na mag-ayuno at umiwas sa pagkain ng karne lalo na sa araw ng Biyernes.   At bilang pakikibahagi ng food blog kong ito, bibigyan ko kayo tuwing Biyernes ng mga ulam na pwede nating lutuin sa araw na ito. SARCIADONG TILAPIA Mga Sangkap: 6 pcs. Medium Size Fresh or Live Tilapia 1/2 kilo Tomatoes (chopped) 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) 5 cloves Minced Garlic 2 pcs. Onion (chopped) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and Pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang mga tilapia.   Hayaan ...

YELLOW FIN TUNA in SWEET & SOUR SAUCE

Image
Nitong nakaraan kong pamamalengke, naka-kita ako ng sariwang yellow fin tuna na medyo alanganin ang laki.   Sariwang-sariwa ito at binili ko agad.  Isa lang ang luto na nasa isip ko nung binili ko ang isda ito, ang gawan ito ng sweet and sour sauce.  Akala ng marami mahirap lutuin ang sweet and sour sauce.   But actually madali lang naman.   Ilan lamang ang mga sangkap at nasa sa inyo na kung gaano katamis, kaasim o kaalat ang gusto nyo sa sauce.   Kung mas madali naman na paraan pwedeng yung sweet chili sauce sa bote ang pwede nyong ilagay.  But ofcourse, iba yung from scratch mo ito gagawin.   Try nyo din po. YELLOW FIN TUNA in SWEET & SOUR SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. Medium size Yellow Fin Tuna 2 cups Tomato Catsup 1 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. White Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 1 medium size Carrot (cut into strips) 1 medium size Red Bell pepper (cut into strip) 3 tbsp. ...

PAN-FRIED PINK SALMON in GARLIC and BUTTER

Image
Espesyal na araw sa amin ang araw ng Linggo komo dito lang kami nagkakasabay-sabay na kumain bilang pamilya.   Kaya naman hanggat maaari ay ginagawa ko itong espesyal at nagluluto ako ng espesyal na ulam. Nitong nakaraang Linggo, naisipan kong magluto nitong pink salmon na paboritong isda ng aking asawang si Jolly at ng 3 kong anak.   Masarap naman kasi talaga ang isdang ito.   kahit anong luto dito ay nagugustuhan talaga nila. Sa masarap na isda kagaya nitong pink salmon, hindi na kailangan pa ng kung ano-anong pampalasa para lutuin ito.   Mas mainam kasi na simpleng luto lang para hindi matabunan yung masarap na lasa ng isda.   Kaya naman sa dish na ito asin at paminta at saka ko ipinirito sa butter na pinag-prituha naman ng toasted garlic.   Winner ang dish na ito kaya subukan nyo din. PAN-FRIED PINK SALMON in GARLIC and BUTTER Mga Sangkap: 2 slices Pink Salmon (about 1/2 kilo) 1 head Minced Garlic 1/2 cup Butt...

DAING na BANGUS with MAYO-BAGOONG SAUCE

Image
Dahil sa food blog kong ito, natuto akong mag-experiment sa aking mga niluluto para makapag-bigay naman ako ng kakaiba sa aking mga taga-subaybay.   Minsan kasi nakakasawa na din yug pangkaraniwan nating nilulutong ulam para sa ating mga mahal sa buhay. Kagaya nitong pritong daing na bangus na ito.   Simple lang ito kung tutuusin pero dahil sa sauce sa side na aking ginawa, mas naging espesyal ito at may sumarap ang ordinaryong pritong daing na bangus.   Ang sekreto?  Ang paghahalo ng mga pangkaraniwang sangkap kagaya nitong mayonaise at bagoong alamang.  Masarap talaga.   Try nyo din po. DAING na BANGUS with MAYO-BAGOONG SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus (quartered) 1 tbsp. Garlic Powder 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for Frying For the Sauce: 1 cup lady's Choice Mayonaise 1/2 cup Evaporated Milk 1 tbsp. Bagoong Alamang Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinad...

SARCIADONG TUNA

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw.   Na-dengue po kasi ang pangalawa kong anak na si James kaya naging busy po ako sa pag-aasikaso sa kanya.   Awa naman po ng Diyos ay naka-labas na siya kahapon ng hospital. Kaya eto po ituloy natin ang pag-post ng masasarap na pagkaing tiyak kong magugustuhan ninyo. May nabili po akong isdang tuna.   Nag-iisip ako kung ano ang masarap na luto dito.   Nung una balak ko sanang i-bistek ito pero parang na-miss ko naman na kumain ng sarciado.   Hehehehe.   Kaya eto po ang recipe ng aking sarciadong tuna. SARCIADONG TUNA Mga Sangkap: 1 kilo Tuna Steak 1/2 kilo Tomatoes (chopped) 1 pc. large Onion (chopped) 1 head minced Garlic 2 pcs. Eggs (beaten) 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang sliced tuna ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali...

PINAPUTOK na BANGUS sa DAHON ng SAGING

Image
Ito ang isa sa mga dish na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Pinaputok na Bangus sa Dahon ng Saging. May ilang recipes na din ako nito sa archive.   Ang pagkakaiba nito ay yung binalot ko pa ito ng dahon ng saging for extra flavor saka ko binalot ng aluminum foil.   Nilagyan ko din ng itlog na maalat ang palaman para kumpletos rekados na talaga. Also, nung binili ko yung boneless bangus na ito, pina-alis ko na yung kaliskis para walang hazzle habang kinakain. As expected, nagustuhan ng aking mga bisita ang dish na ito.   Ang isang guest ko nga gusto pa na mag-order para naman daw sa birthday ng husband niya.   Hehehehe PINAPUTOK na BANGUS sa DAHON ng SAGING Mga Sangkap: Boneless Bangus Kamatis Sibuyas Itlog na Maalat Dahon ng Saging Aluminum Foil Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang boneless bangus at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. ...

BANGUS SISIG

Image
Isa sa mga paboritong ulam namin sa bahay itong Sisig.   Kagaya ng Adobo, marami ding version itong sikat na sikat na sisig ng Pampanga.   May mga dagdag din na sangkap at maging ang paraan ng pagluluto ay nagiiba-iba. This time, sa halip na baboy ay bangus naman ang akijg ginawang sisig.   May sinunod akong recipe sa net at ito na nga ang kinalabasan. Masarap.   Hindi ko akalain na masarap din pala na sisig ang bangus.   Try nyo din po. BANGUS SISIG Mga Sangkap: 2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus 2 cup Dinurog na Chicharon 8 pcs. Siling Pang-sigang (sliced) 1 cup Mayonaise 1 tbsp. Garlic Powder 1/2 cup Melted Butter 2 tbsp. Vinegar 2 tbsp. Soy Sauce 3 pcs. White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Calamansi Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang boneless bangus ng asin at paminta.   Hayaan ng mga 1 oras. 2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang maluto....

BAKED PINK SALMON & VEGETABLES

Image
Tuwing Linggo, pinipilit ko talagang makapaghanda ng espesyal na pananghalian para sa aking pamilya.   Linggo lang kasi kami nakakapag-sabay-sabay kumain.   Maaga pumapasok ang mga bata sa school at sa gabi naman ay late na din nakakauwi ang aking asawa. Nitong nakaraang Linggo, nagluto ako ng espesyal na ulam.   Itong baked pink salmon & vegetables.   Madali lang itong lutuin.  Walang kung ano-anong pampalasa.   Asin, paminta at butter lang ang aking inilagay dito.  Masarap na kasi ang isdang ito at ang mga gulay na aking inilahok.   Yummy talaga. BAKED PINK SALMON & VEGETABLES Mga Sangkap: 1 kilo Pink Salmon (sliced into 2) 4 slices of Butter Broccoli (cut into bite size pieces) Carrots (cut into bite size pieces) Chayote (cut into bite size pieces) White Onion (sliced) Salt and pepper Aluminum foil Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang magkabilang side ng h...

BONELESS BANGUS in BLACK BEAN SAUCE

Image
Isa sa mga isda na madalas kong niluluto sa bahay ay itong boneless bangus.    Prito o kung minsan naman ay pinapalamanan ko ng sibuyas at kamatis ang pangkaraniwang luto na ginagawa ko dito.   But this time, niluto ko naman siya na may black bean sauce para maiba naman ang lasa. Try nyo po ito masarap talaga.  para na rin kayong kumain sa isang mamahaling Chinese Restaurant. BONELESS BANGUS in BLACK BEAN SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus 1 small can Black Bean Sauce 1 pc. Carrot (cut into strips) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 large White Onion (sliced) 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Cornstarch Brown Sugar to taste Salt and Groud Black Pepper to taste Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang boneless na bangus.   Hayaan ng 1 oras o higit pa.   Maaaring hiwain sa apat ang bawat piraso ng bangus. 2.   I-prit...

CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP

Image
Ito ang isa sa mga pagkaing aking inihanda sa isang tanghalian ng pasasalamat sa aming tahanan nitong nakaraang Miyerkules.   Itong Cream Dory Fillet with Mayo-Catsup Dip. Mayroon na din akong ibang recipe nito sa archive pero ang recipe ko for this one ay nagaya ko sa aking kapatid na si Ate Mary Ann.   Masarap siya at nagustuhan talaga ng mga kumain.   Try nyo din po. CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP Mga Sangkap: 2 kilos Cream Dory Fillet (cut into desired pieces) 1 small can Evaporated Milk Maggie magic Sarap 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) 2 cups Flour 2 cups Japanese Breadcrumbs Cooking Oil for Frying For the Dip: Mayonaise Banana Ctsup Ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang fish fillet sa evaporated milk, maggie magic sarap at grounf black pepper ng overnight. 2.   Igulong sa harina ang bawat piraso ng fish fillet...pagkatapos ay ilubog naman sa binating ...

INIHAW NA BANGUS with APPLES and CHEESE

Image
May nag-message sa akin na isang follower ng food blog kong ito.    Natutuwa daw siya sa dami ng recipes na pwede niyang i-try at isa na nga dito ay itong inihaw na bangus na may palaman.   Sa version na nakuha niya, yung may cheese ang sinubukan niyang lutuin and to her surprise nagustuhan ito ng kanyang pamilya at naging standard na din sa kanila ng inihaw na bangus. Inulit ko ulit ang recipe na yun at for added twist nilagyan ko pa ito ng green apples at sa halip na ordinary cheese yung quick melt cheese ng Eden ang aking inilagay.   As expected, isa na namang masarap na version ng inihaw na bangus ang aking nailuto.   Try nyo din po. INIHAW NA BANGUS with APPLES and CHEESE Mga Sangkap: 2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus 8 pcs.Tomatoes 2 pcs. large White Onion (chopped) 1 pc. Green or Fuji Apple (cut into small cubes) 2 cups Grated Quick Melt Cheese Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   ...

MAYA-MAYA in SWEET and SOUR SAUCE

Image
Habang namamalengke ako sa Farmers market sa Cubao, nakita ko itong may kalakihang maya-maya at naisip ko agad na masarap gawin ito na may sweet and sour sauce.   Kaya kahit may kamahalan ay bumili ako nito. Kung bibilhin natin sa mga Chinese restaurant ang ganitong putahe medyo may kamahalan ito.   Kaya mainam siguro na tayo na lang ang magluto. Pwede din naman na ibang isda ang gamitin.   Pwede din ang tilapia para mura lang o kaya naman ay lapu-lapu. Masarap po ito at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga mahal sa buhay. MAYA-MAYA in SWEET and SOUR SAUCE Mga Sangkap: 3 pcs. medium to large size Maya-maya 1 medium size Carrot (cut into strips) 1 medium size Red Bell Pepper (cut into strips) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 head minced Garlic 1 large White Onion (sliced) 1 cup Banana or Tomato Catsup 1 tbsp. Cornstarch 3 tbsp.  Cooking Oil Salt, Sugar and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1...