TINAPA FRITTERS (Tortang Tinapa)
Ito po yung sinasabi ko sa previous post ko na isa pang dish na niluto ko sa Batangas. Tinapa Fritters o Tortang Tinapa.
Dapat sana ay bola-bola ang gagawin ng helper ng aking byenan pero naki-alam nga ako at ito ang ginawa kong bersyon. Hehehehe.
Masarap siya. Malasa at tamang-tama sa misua soup na akin ding niluto. Nakakatuwa nga dahil nagustuhan ng aking biyenan ang aking niluto. Naka-dalawang balik ng kanin eh. hehehehehe
TINAPA FRITTERS (Tortang Tinapa)
Mga Sangkap:
Tinapang Bangus o Galunggong
Itlog
Harina
Puting Sibuyas (chopped)
Maggie Magic Sarap
Asin at paminta
Cooking Oil for Frying
Note: Hindi ko na po nilagyan kung gaano karami ang mga sangkap dahil depende na po ito sa dami ng tinapa na hihimayin.
Paraan ng pagluluto:
1. Himayin ang tinapa at tiyakin na wala na itong tinik.
2. Sa isang bowl batihin ang itlog at ihalo ang harina.
3. Timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap. Tiyakin na medyo malapot ang batter na ginawa.
4. Ihalo sa bater ang hinimay na tinapa. Make sure na nahalo itong mabuti.
5. I-prito ito sa mainit na mantika na parang burger.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang catsup o toyo na may calamansi.
Enjoy!!!!
Comments