Posts

Showing posts with the label noche buena

ROASTED PEKING DUCK

Image
Uunahan ko na kayo, hindi ako ang nagluto ng peking duck na ito. Yes, in-order ko lang ito sa isang Chinese restaurant dito sa Makati. Shanghai Bistro ang pangalan ng restaurant. Actually, sister company namin ang restaurant na ito. Nitong nakaraang holiday season may ibinigay sa aming gift check sa resto na ito at ito ngang peking duck ang aking pinaggamitan. Ito ang isa sa mga inihanda namin sa aming nakaraang noche buena. Hindi lang maganda ang pagkaka-kuha ng picture at dahil sa ni-re-heat ko pa ito bago kainin kaya naging medyo maitim ang balat ng duck. Pero wag ka... ang sarap ng roasted peking duck na ito. With the fita bread, hoisin sauce at pipino...wow yummy talaga ito. pati nga ang mga anak ko ay nagustuhan ang duck na ito. hehehe December 23 ko pinick-up ito sa resto. Dec. 24 naman kami naka-uwi sa probinsya ng asawa ko sa Batangas. Para maging crispy ulit ang balat ng duck, ang ginawa ko ay pinag-shower ko ulit siya ng kumukulong mantika. Yun lang mala...

ROASTED BARBEQUE PORK RIBS

Image
Narito ang isa pa sa mga dish na iniluto ko nitong nakaraan naming Noche Buena. Roasted Barbeque Pork Ribs. Ayos na ayos din ito para sa ating Media Noche. Request ito ng anak kong si Jake. Gustong-gusto kasi niya yung lasa ng barbeque sauce na ginamit ko sa dish na ito. Ang inam sa dish na ito, pwede mong palambutin na siya ahead of time bago i-roast sa oven o sa turbo broiler. At ganun nga ang ginawa ko kaya hindi masyadong mahirap ang preparation na ginawa ko. Try nyo ito. Tingnan nyo naman picture pa lang ay yummy na talaga. ROASTED PORK RIBS Mga Sangkap: 1.5 kilos Whole Pork Ribs 1 can Sprite Soda 1/2 cup Barbecue Sauce 1 head Minced Garlic 1/2 cup Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl pagsamahin ang lahat ng ng sangkap para makagawa ng marinade mix. 2. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang pork ribs at ang ginawang marinade mix. Ilagay sa pinakamalamigna bahagi ng freezer at hayaan ng mga 2 araw. 3. Pakuluan ito...

ROASTED PORK in PINEAPPLE SAUCE

Image
Hindi lahat ng ine-experiment kong lutuin ay nagiging succesful. Well, ganun naman talaga. Ang importante nasubukan ko kung ano ang kakalabasan ng finish product.....Kung pumalpak, e di try mo na lang ulit next time. hehehehehe. Pero kung naging successful ka naman iba ang satisfaction na nararamdaman. Lalo na kung napupuri ang iyong niluto......hehehehe Ganun naman sa pagluluto. Okay na gumamit ng mga recipe as a guide pero iba ang satisfaction kung ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong putahe. Pwede nga ikaw na mismo ang magbigay ng pangalan dito. Katulad ng recipe ng recipe natin for today. Wala akong ginayahang recipe para dito. Basta minarinade ko lang ang nabili kong karne sa pinaghalo-halong sangkap and viola may isang espesyal na lutuin na naman akong nagawa. Ito nga pala ang Pang-Paskong lutuin #1 natin. Pwede nyo itong i-try para sa inyong Noche Buena. Ito ang ipamalit ninyo sa napakamahal na hamon. Actually, the taste is almost the same. Ofcourse mas masarap at iba syempre ku...