Posts

Showing posts with the label cake

FRUITY GRAHAM CAKE

Image
Pasensya na kung walang magandang pict ang entry ko na ito for today. Di ba nabanggit ko ko dun sa nauna kong post na sa pagmamadali ko na mai-deliver na ang mga food na ipinaluto sa akin hindi ko na nakuhanan ng pict ang mga ito. Ang fruity graham cake sa pict sa itaas ay yung nasa bandang kanan. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan din ng mga ka-office mo ang dessert na ito. Tinatanong nga nila ang recipe nito kaya naman naisipan kong isama na din ito as one of my posting. Actually parang refrigerator cake din siya pero yun nga may cooking na involve dito at nilagyan ko din ng gelatin. Kailangan lang medyo mabilis ang kilos mo dito habang ina-assemble para mas maging maganda ang finish product. Madali lang ito at tiyak kong magugustuhan nyo din. FRUITY GRAHAM CAKE Mga Sangkap: 1 big can Fruitcocktail 1 pack Graham Cracker 1 pc. Egg beaten 1 big can Alaska Condensed milk 1 tetra brick All Purpose Cream 1 cup Sugar 1 sachet Mr. Gulaman powder (tunawin sa 1 tasang tubig...

JAPANESE CHEESE CAKE - In a Turbo Broiler?

Image
Sa aking pagbabalik sa munti kong food blog na ito, isang espesyal na dessert ang aking inihanda. Sa totoo lang, first time ko lang gumawa nito at sa turbo broiler pa ha. Hehehehe. Hindi man kasing perfect ng luto sa oven, masasabi kong tagumpay din ako sa luto kong ito. Medyo natatakot nga ako subukan ito kasi nga masyadong mahal ang mga sangkap, bukod pa sa experimental talaga ang ginawa ko. Ang pinagbasihan ko pala sa recipe na ito ay ang recipe ni Ms. Connie Veneracion ng www. pinoycook.net. May mga ilang parte lang na in-omit ko dahil wala ako ng sangkap na yun....hehehehe. But in general, masarap naman ang kinalabasan niya. JAPANESE CHEESE CAKE Mga Sangkap: 1 250 g. block of cream cheese 1/4 cup butter 1/3 cup Alaska Sweetened Evap 1/4 cup harina 1/2 tbsp. of lemon juice or calamansi 1 tsp. of vanilla 6 eggs paghiwalayin ang pula sa puti 3/4 cup of white sugar Paraan ng pagluluto: 1. In a double boiler, tunawin ang cream cheese, butter at gatas hanggang sa smooth na ito. Pala...