Posts

Showing posts with the label experimental

ROAST PORK with APPLE-LECHON SAUCE

Image
Here's another dish na sa tingin ko ay pwede din natin i-consider sa nalalapit nating Noche Buena.   Ito ang sinasabing upgraded version nang pangkaraniwang lechon kawali na may Mang Tomas Sarsa ng Lechon. Actually, experimental ang ginawa kong ito.   Nakita ko lang kasi itong mansanas na nabili ko at bakit kako hindi ko isahog din ito sa lechon sauce para maiba naman.   Ang nasa isip ko ay yung magkaroon ng fruity taste yung sauce.  At hindi nga ako nagkamali.   Masarap at nagustuhan ng mga anak ko ang niluto kong ito. Yun lang medyo mahaba din ang proseso ng pagluluto at preparasyon nito although madali lang din siya gawin.   Pero sulit na sulit naman kapag kinakain mo na.  ROAST PORK with APPLE-LECHON SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba) 2 pcs. Laurel Leaves 3 tangkay Lemon Grass o Tanglad 1/2 tsp. Nutmeg 1 head Garlic 1 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Whole Pepper Corn For th...

CURRY and BASIL FRIED RICE

Image
Ang pagaaksaya ng pakain sa aming tahanan ay isang malaking NO.   I know na marami sa atin ay ganun din.   Kaya nga pag nakakakita ako ng mga pagkain hindi nauubos sa mga handaan man o fastfood nalulungkot ako.  Ang dami kasi sa mga kababayan natin ang hindi nakakakain ng wasto pero ang dami pa din sa atin ang nagaaksaya.  Kaya naman sa amin hanggat maaari ay magamit pa o ma-recycle pa ang mga tira-tirang pagkain na ito. Kagaya nitong espesyal na fried rice na ito.   Bukod sa itlog, puro tira-tira lang ang mga sahog nito.  Pero wag ka...masarap at kakaiba sa pangkaraniwang fried na nakakain natin.   Subukan nyo din po. CURRY and BASIL FRIED RICE Mga Sangkap: 6 cups Kanin (mas mainam kung nalagay muna sa fridge ng mga ilang oras) 1 tsp. Curry Powder 1 cup Lechon Kawali or boiled pork (cut into small cubes) 1/2 cup Fresh Basil leaves (chopped) 1 pc. Egg (beaten) 1 head minced Garlic 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking...

CHICKEN AFRITADA with STRAWBERRY JAM

Image
Hindi na bago sa atin ang paghahalo ng prutas sa ating mga nilulutong pang-ulam.  Halimbawa na dito ang pininyahang manok, o kaya naman ay orange chicken.   Pinya ang madalas nating ilagay, minsan manga din o kaya naman ay oranges.   Masarap naman talaga ang kinakalabasan ng mga dish na ito.  Naroon yung fruity taste ng ating kinakain na ulam. Pero nasubukan nyo na bang maglagay ng fruit jam sa inyong stew dishes halimbawa ay afritada? May nagbigay sa amin ng strawberry jam galing ng Baguio.  Ofcourse masarap talaga na palaman ito sa mainit na pandesal o kahit na sa skyflakes.   Pero nitong nakaraang magluto ako ng afritada, naisipan kong lagyan ito ng strawberry jam.   Naisip ko lang, para din lang itong sweet pickle relish na masim-asim na matamis ang lasa.   At hindi nga ako nagkamali, masarap at naroon yung fruity flavor ng strawberry.   Try nyo din po. CHICKEN AFRITADA with STRAWBERRY JAM Mga Sa...

SISIG FLAVORED ROASTED CHICKEN LEGS

Image
Dahil sa food blog kong ito, natuto akong mag-experiment at maging matapang sa aking mga niluluto.   Yes, matapang kasi dalawa lang naman talaga ang magiging resulta ng iyong experiment, masarap at wala lang.   hehehehe.   Matapang dahil maaring masayang lang ang mga sangkap mo kung hindi makain ang finished product.   hehehehe.   At marami sa naguumpisa pa lang na cook ang may takot na ganito. Pero para sa akin, ang pag-experiment o pagsubok sa mga bagong sangkap man o pamamaraan ng pagluluto ang best learning experience ng bawat cook.   Dito tayo natututo. Katulad nitong dish natin for today.   Wala akong maisip na luto sa 10 pcs.  na chicken legs na nabili ko nitong huling pag-grocery namin.  Hanggang sa makita ko itong Mama Sitas Sisig Mixes na ilang linggo na ding naka-tengga sa aking lalagyan.   Balak ko sanang magluto ng sisig gamit ito na sa hindi malamang dahilan ay di matuloy-tuloy...

INIHAW na BANGUS with GREEN APPLE STUFFING

Image
Paborito sa bahay lalo na ng aking mga anak itong inihaw na bangus na may palamang sibuyas at kamatis.   Kaya naman basta may pagkakataon na makapagluto ako nito ay ginagawa ko para sa aking mga anak at pamilya. May ilang version na din ako ng inihaw na bangus na ito sa archive.   Same procedure pero nagkakaiba sa mga palaman na ginagamit.   Mas mainam yung ganoon para hindi naman maging boring ang ating inihaw na bangus.   Although, hindi ko siguro pagsasawaan ang original version.....hehehehe. This time, gumamit naman ako ng prutas para isama sa palaman.   May nabili kasi akong apple na naka-sale sa SM supermarket.  Na-try ko na na ipalaman ang hilaw na mangga so bakit naman hindi kako itong mansanas?   Yung green apple ang ginamit ko.  Tamang-tama kasi yung tamis at konting asim nito.   At hindi naman ako nagkamali.   Masarap at malasa ang kinalabasan ng aking bagong maidadagdag sa listaha...

WHITE PORK MENUDO

Image
Para sa akin ang pagluluto ay hindi dapat naka-base lamang sa tradisyon o kung ano yung nakagisnan na pamamaraan.   Although, alam nating masasarap talaga ang mga luto ng ating mga ninuno, pero kaya pa natin itong mapasarap pa sa panahon natin ngayon. Ang ibig kong sabihin ay ang pag-twist sa mga classic nating mga ulam.  Pansin nyo siguro, marami-rami na din akong classic dish na ginawan ko ng twist.   At hindi naman ako nabigo, mas napasarap ko pa ang dati nang masarap na dish na nakalakihan natin. Kagaya nitong dish natin for today.   Classic menudo na sa halip na tomato sauce at paste ang inilagay ko ay all purpose cream.   Masarap ang kinalabasan at pwede mong ihanay sa mga dish na pwedeng ihanda sa mga espesyal na okasyon. WHITE PORK MENUDO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into small cubes) 1 can Vienna Sausage (cut into small pieces) 1 tetra brick All Purpose Cream 2 medium size Potato (cut into cubes..same s...

MEAT BALLS in 3 CHEESE PASTA SAUCE

Image
May 1/2 kilo ako ng pork giniling sa freezer.   Nung binili ko ito sa supermarket, wala pa akong idea kung anong luto ang gagawin ko dito.   Dapat sana ay sa pasta ko ito gagamitin, pero di pala ako nakabili ng pasta.   Samadaling salita, naging isang masarap na pang-ulam sa kanin ang kinalabasan.   Although, winner din ito kung ihahalo sa pasta, pwede din itong kainin with bread. Sa dish na ito gumamit ako ng Clara Ole Chunky Tomato with Three Cheese (free promo ito ha...hehehe).   Masarap ang sauce na ito as compare sa ordinary tomato sauce.  Nilagyan ko din ng shiitake mushroom ang bola-bola para dumami pa at para mas lalo pa itong sumarap.  Try nyo ito...masarap talaga. MEAT BALLS in 3 CHEESE PASTA SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Giniling 1 pouch Clara Ole Chunky tomato with 3 cheese pasta sauce 1 cup finely chopped Shiitake Mushroom 2 large size reg Onion finely chopped (1 for the meat balls and 1 for saut...

PENNE PASTA with PUMPKIN SAUCE

Image
My family loves pasta dishes. Yun lang hindi kami magkakapareho ng gusto pagdating sa mga sauces. Hehehehe. Yung panganay kong si Jake gusto yung may basil pesto, yung pangalawa naman na si James ay yung red ang sauce na gusto, ang bunso ko namang si Anton ay yung may white sauce. Ako mas gusto ko yung ma-cheese. Samantalang ang asawa ko namang si Jolly ay yung hindi masyadong ma-sauce. Kaya naman kahit once a week ay itong pasta ang ginagawa naming breakfast. Kagaya nitong nakaraang Linggo, itong penne pasta with pumpkin sauce ang aking niluto. Actually, nakuha ko yung idea habang nanonood ako ng Junior Master Chef sa channel 2. But ofcourse hindi naman eksaktong gaya ang ginawa ko. Kung ano ang available sa aking kitchen ay yun lang ang ginamit ko. Madali lang itong lutuin at matitiyak kong magugustuhan nyo din ang pasta dish na ito. PENNE PASTA with PUMPKIN SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Penne pasta cooked according to package direction 200 grams Ground Por...

PAKSIW na PATA in TANDUAY ICE

Image
May nabili akong sliced na pata ng baboy nitong isang araw. Isa lang ang balak kong luto sa patang ito at ito ay ang ipaksiw. Gustong-gusto ko ang paksiw na pata lalo na yung malambot na malambot na halos malaglag na sa buto ang laman. Kaso nung lulutuin ko na, wala pala akong suka sa aking cabinet. Ang ginawa ko, may nakita akong Tanduay Ice sa fridge ay yun ang ginamit kong pang-asim sa aking paksiw. Ang kinalabasan? Isang masarap at kakaibang paksiw na pata. Yummy talaga. nandun yung naghahalong asim, tamis at alat sa sauce. Try nyo din. PAKSIW NA PATA in TANDUAY ICE Mga Sangkap: 1 sliced Pork Leg 1 bottle Tanduay Ice 1 head minced Garlic 1 large Red Onion sliced 1 tsp. ground Black Pepper 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Sesame oil Brown Sugar to taste Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa sesame oil at brown sugar. 2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang pata. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan. 3. Kung malamb...

PORKCHOPS with TOMATO LIVER SAUCE

Image
The last time nag-groceries ako, nakita ko itong bagong product ng Del Monte. Sauce Sulit Sarap Liver Spread ang nakalagay. Kumuha ako ng isa kahit hindi ko pa alam ang paggagamitan ko nito. Syempre ang una agad na naiisip ko na paggagamitan nito ay lutong caldereta. Nitong isang araw, may nabili akong more than 1 kilo na porkchops. Hindi ko pa alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Kung ipi-prito naman kako, baka naman masyadong matigas para sa mga bata. Unang plano ay i-pork steak ko ito. Per last minute ay nabago ang lahat ng plano. No regrets, masarap naman ang kinalabasan ng dish na ito...hehehehe. It's a dish in between pork steak at caldereta....hehehehe. PORKCHOPS with TOMATO LIVER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Porkchops 1 tetra pack Del Monte Sauce Sulit Sarap Liver spread 2 pcs. Potatoes cut into cubes 1 cup Soy Sauce 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1/2 cup chopped Parsley 1 tsp. ground black pepper Salt to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tbsp. Cornstarch 5 c...

PINE-SOY CHICKEN BREAST FILLET

Image
Here's another dish na napaka-simple at napaka-daling lutuin. Kahit first time na magluto ay kayang-kaya itong lutuin. Papaano ba naman, bukod sa simple lang ang mga sangkap, simpleng-simple din ang paraan ng pagluluto. Siguro magtataka kayo kung ano yung pine-soy? Pineapple juice at toyo lang yun. hehehehe. Pero alam nyo pag pinag-combine ang dalawang ito? Parang hamonado or tocino ang kakalabasan. Lalo na kung tutuyuin mo talaga yung sauce nito. Try it! Ito din pala ang ipinabaon ko sa aking mga anak sa school. Mamaya pag-uwi nila malalaman ko kung nagustuhan nila o hindi. hehehehe. Pero, ano ba naman ang iniluto ko ng hindi nila nagustuhan?...hehehehe. PINE-SOY CHICKEN BREAST FILLET Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet cut into cubes 2 cups Sweetened Del Monte Pinapple Juice 1/2 cup Soy Sauce 1 cup Brown Sugar 2 large White Onion sliced salt and pepper to taste 1 tsp. cornstarch (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, i-marinade ang chicken fillet sa asin, pamin...

BEEF with CORN and POTATOES

Image
Isa na namang beef dish ang handog ko sa inyong lahat. Again, hindi ko alam kung may ganitong luto sa baka. Basta last minute ang naging decision na ganitong luto ang gagawin. Tiningnan ko muna akung ano ang available sa fridge at sa cabinet and presto nabuo ko ang dish na ito. Simple lang ito dish na ito. Gisa-gisa lang at lagay ng iba pang mga sangkap at mayroon ka nang isang masarap na putahe. BEEF with CORN and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 1 cup Whole kernel Corn 2 large Potatoes cut into cubes 5 cloves minced Garlic 1 large White Onion sliced Salt and pepper to taste 1/2 tsp. Maggie magic Sarap 1/2 cup butter 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Pakuluuan ang baka sa kaserolang may asin hanggang sa lumambot. Hanguin at palamigin. 2. I-slice ang baka sa nais na laki at kapal. 3. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 4. Ilagay ang hiniwang baka at halu-haluin. 5. Ilagay ang sabaw ng canned corn kernel at mga 1 tasa...

CHICKEN in OYSTER and HOISIN SAUCE

Image
Mula nung maumpisahan ko ang food blog kong ito, natuto akong mag-research ng mga bago at kakaibang lutuin sa internet. Natutunan ko din ang gumamit ng mga herbs, spices at kung ano-anong sauces. Isa na nga dito ang hoisin sauce. Ang mainam sa mga sauces na ito, nae-enhance talaga niya ang lasa ng mga lutuin at kakaiba talaga ang lasa kumpara sa pangkaraniwang nakakain natin. Ang inam pa dito, the best siya sa mga biglaang lutuin mapa pork man o chicken. Katulad ng entry natin for today. Wala akong maisip na ulam na pambaon ng 2 kong anak na nag-aaral. Nang makita ko ang 3 pcs. na chicken breast na ito at hoisin sauce and presto may pambaon na sila. Madali lang lutuin ito. Pang biglaan talaga. At huwag ka, puring-puri ng mga bagets ko ang lutuing ito. So ano pa ang hinihintay ninyo? Try nyo na....hehehehe CHICKEN in OYSTER and HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken breast or any part meaty parts 1/2 cup Hoisin sauce 1/2 cup Oyster sauce 1/2 cup Soy Sauce 5 cloves minced garlic 1 medi...

ORANGE CHICKEN

Image
I'm back! After ng aking major operation last October 27, eto ako at patuloy pa rin sa pagpapagaling ng aking sugat. Mahirap pala ang maoperahan....para ka na ring na CS nun...hehehehe. Una sa lahat nagpapasalamat ako sa inyong lahat na nagdasal para sa aking mabilis na paggaling. Sa lahat ng mga nag-email sa akin, taos puso akong nagpapasalamat sa inyo. Orange Chicken. Ito yung nabitin nating recipe the last time na nag-post ako. Kaya eto ituloy na natin para sa mga nag-aabang ng recipe na ito. Actually, experimental ang recipe na ito. Sino ba naman ang mag-iisip na ang instant juice powder ay pwede ding gamiting pang-marinade sa manok? hehehehe. Tama ang nabasa nyo. Instant powder juice ang ginamit ko dito at masarap ang kinalabasan. Ang inspiration kio nung niluluto ko ito ay yung lemon chicken na nakakain natin sa mga chinese restaurant. Try nyo ito para maiba naman ang pangkaraniwang fried chicken na ginagawa natin. ORANGE CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken breast fillet 1/2...

BEEF with CREAMY LIVER SAUCE

Image
Dahil sa bagyong naranasan ng mga kababayan natin sa Norte particular ang Benguet at Baguio City, naging problema natin ang napakataas ng presyo ng gulay sa pamilihan. Kaya naman kung magluluto tayo ngayon, kung maari lang ay magbawas tayo ng mga sangkap na gulay o kaya naman ay totally wala na munang gulay. But ofcourse di naman dapat masakripisyo ang lasa ng ating niluluto. Katulad nitong beef na niluto ko. I consider this as my original recipe. I hope tama ako...hehehehe. Wala pa kasi akong nababasa na ganitong recipe. Sa lutuin ko ngang ito, wala akong inilagay na gulay bukod ofcourse sa bawang at sibuyas. Ang original plan ay lutuin ko ito na may kasamang tofu o tokwa. Ang problema nakalimutan kong bumili ng tokwa at isa pa wala naman akong gulay sa fridge. Nang makita ko yung 1 lata ng Reno Liver Spread nabuo agad ang recipe kong ito. And it was a success. Malinamnam at malasa ang luto kong ito. Try it! BEEF with CREAMY LIVER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Baka (Yung malaman na part) ...

FRIED TILAPIA with HERBS

Image
St. Peter's fish ang tawag ng iba sa tilapia. Nung una kong madinig o mabasa ito, isang malaking bakit ang naitanong ko sa sarili ko. Until mapanood ko sa isang CD yung movie na Jesus of Nazareth. Doon sa movie kung saan inutusan ni Jesus na ihulog ni Peter yung lambat niya sa dagat kahit na magdamag silang walang mahuli. Nang hanguin ni Peter ang lambat, napakaraming isda ang kanilang nahuli. At tilapia nga ang mga nahuli nila. Sa panahon ngayon, ang tilapia marahil ang masasabi nating isda ng mahihirap. Mura lang kasi itong mabibili. Itong nabili ko, P95 per kilo ang halaga. 4 na piraso o 1.6 kilos. Tatlong klaseng luto ang pangkaraniwang pwedeng gawin dito. Inihaw, pesa at prito. Sa prito ako nauwi. So para hindi naman maging boring ang ordinaryong pritong tilapia, ginamitan ko ng mga available na herbs and spices. Also, may bisita pala ako nung time na yun. Binisita ako ng kapatid kong si Shirley, ang aking Tita Melda, pamangkin kong si Lea at Tita Salve. Ito nga ang pinakain k...

DRUNKEN PORK with HOISIN SAUCE

Image
Narito ang isa sa mga dish na inihanda ko sa aking birthday celebration. Actually, first time kong gumamit ng alcohol sa aking niluluto at hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng finish product. Sa isang food blog ko din nakuha ang idea na lagyan ng gin ang marinade ng dish na ito and to make sure na hindi papangit ang lasa, sinunod ko talaga yung tamang dami ng gin na ilalagay. Puring-puri din ito ng mga bisita. Gulat nga sila ng sinabing kong may gin yung dish....hehehehehe DRUNKEN PORK with HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Porkloin or Lomo 1/2 cup The Bar Lemon and Lime Gin 1 pc. Lemon 1 tsp. Dried Rosemary 5 cloves minced garlic 1 tsp. ground pepper 1 tbsp. rock salt 1 tbsp. Soy sauce 2 pcs. Star Anise 2 tbsp. brown sugar 3 tbsp. Hoisin Sauce 3 tbsp. Olive oil Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, bawang, dried rosemary, star anise, katas ng lemon at gin. Gadgarin din ang balat ng lemon at isama sa marinade. Hayaan ng mga isang o...

DAING NA BANGUS ESPESYAL

Image
Madali lang naman talagang mag-luto. Konting imagination lang talaga makakabuo ka na ng isang masarap na lutuin. Hindi naman kailangan na i-limit natin ang recipe sa mga original na recipe talaga. Kung baga, bakit hindi natin gawan ng twist? Di ba yung ibang recipes ko dito ganun ang ginawa ko? Kagaya na lang nitong entry natin for today. Original recipe or ordinary recipe ng daing na bangus..although masarap talaga ang orig, bakit hindi natin lagyan ng twist? At alam nyo ang kinalabasan? Mas masarap at kakaiba ang kinalabasan. Parang gourmet food ang lasa....hehehehe. Try nyo ito! DAING NA BANGUS ESPESYAL Mga Sangkap: 2 pcs. Boneless Daing na Bangus 1 head minced garlic 1/2 cup suka 1 tsp. pamintang durog 2 tbsp. rock salt 1 tbsp. dried basil leaves 1 tbsp. dried oregano 1 8g sachet Maggie Magic Sarap 1 cup cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. Budburan ang boneless bangus ng asin, paminta, maggie magic sarap, dried basil leaves at dried oregano. 2. Sa isang bowl paghaluin ang suka a...

FRIED FISH STEAK in OYSTER SAUCE

Image
Ang ganda ng pangalan ng entry natin for today ano? hehehehe. Parang mamahaling pagkain ang dating. Pero ang totoo, ordinaryong pritong isda lang ito na nilagyan ng extra special na sauce. Ofcourse, ano ang magiging mali kung oyster sauce ang ginamit mo.....hehehehe. Try nyo ang dish na ito. Sigurado akong magugustuhan ng inyong pamilya. Nakakasawa na din kasi yung puro prito di ba. Masarap din ito kung kinabukasan na kakainin. Mas kumapit na kasi ang flavor ng sauce na isinama. FRIED FISH STEAK in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Yellow Fin Tuna sliced 1/2 cup Oyster Sauce a bunch of Kinchay or Wansuy 1 thumb size ginger grated 3 cloves minced garlic 1 medium reg onion sliced salt and pepper 1 8g sachet maggie magic sarap 2 tbsp. brown sugar 1 tbsp. cornstarch 1 tbsp. butter cooking oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1. Hugasang mabuti ang isda. Lagyan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 15 minutes. 2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang isda hanggang sa pu...

PORK with BUTTON MUSHROOM & BASIL in WHITE SAUCE

Image
Narito na naman ang isang dish na hindi ko alam kung may recipe na ganito. Ang original na plano ay magluto ng sinigang na baboy. So, bumili ako ng pork liempo na may buto at gulay na pangsahog. Para kasing natatakaw ako sa sabaw ng sinigang. Kaso, ang gusto naman ng asawang kong si Jolly ay isda na may sabaw. Kaya ang nangyari, ang kumander ang nasunod.....hehehe. So ano na ang nangyari sa pork liempo na dapat sana ay isisigang? Eto, ang recipe natin for today. Medyo mahaba ang pangalan...hehehehe. Pero sa totoo lang masarap ito. Napuri nga ng officemate ng asawa ko nung nag-baon siya. Okay din itong pambaon ng mga bata sa school. Malasa kasi ang sauce. Try it! PORK with BUTTON MUSHROOM & BASIL in WHITE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo cut into cubes 1 tall can Whole Button Mushroom 1 cup Fresh Basil leaves chopped 1 small can Alaska Evap (red ang label) 4 pcs. Chili fingers (Siling pang-sigang) 4 cloves minced garlic 1 large red onion chopped 1/2 tsp. dried basil 1 tbsp. cor...